Nang
Dahil sa Pag-ibig
ni Ma. Jesseca T. Lumoya
Bakit nga ba kapag nagmahal ka
Sakit ay laging kasama
Pilitin mo mang iwasan
Ikaw pa rin ay maaaring masaktan.
Ano man ang sabihin ng iba
Ito'y naisasawalang bahala
Sapagkat kapag nagmahal ka
Wala ka ng ibang maririnig pa.
Magawan man ng pagkakamali
Dahil sa pagmamahal ay maisasantabi
Paulit-ulit mang ikaw ay lokohin
Magtitiis at magpapatawad pa rin.
Marahil ay ganun talaga
Sakit at pait ay madarama
Upang sa susunod ay matuto na
At sa pag-ibig ay tumibay pa.
Walang magandang bulaklak na uusbong kung hindi ito naulanan
ReplyDeleteSa pagmamahal, sa tingin ko ay dapat talagang masaktan para mas maintindihan ang tunay na pagmamahal.. .
ReplyDeletePag nagmahal ka, kaakibat na nito ang masaktan. Pero patuloy pa rin tayong nagmamahal dahil tinatanggap natin ang pimakamasayang uri ng pagmamahal na binibigay Niya.
ReplyDeleteAng pag-ibig ay parang isang tsokolate. Matamis ngunit sa proseso ng paglikha nito ay punong puno ng pait.
ReplyDeleteNatatawa ako sa tulang ito hindi dahil ito ay kata-tawa bagkus ito'y puno ng pag-asa. Lahat tayo'y nagiging hangal o tanga sa pag-ibig. Hindi nagkakaron ng eksepsiyon ang kahit sino diyan kaya nga may mga taong takot magmahal.Sa tulang ito makikita ang iba't ibang stages ng pag-ibig, sa una ay puro saya. Walang iniindang problema o opinyon ng iba; ikalawa marami nang hadlang pero ikaw deadma pa rin kasi nga, umiibig. Kahit pa pagsabihan ng kahit sino tila walang naririnig. Ikatlo, ay ang walang hangganang pagpapatawad. Na sa kahit anong pagkukulang o kasalanan, handa pa ring mag-unawa o magpatawad dahil mahal mo. Ikaapat, ay ang acceptance na ganyan talaga ang pag-ibig. Masakit, pero kahit papaano ay nararamdaman mong tao ka pa rin na capable sa mga damdamin. Ngunit, mayroon akong comment sa tulang ito: ang tunay na pag-ibig ay hindi mapanakit. Hindi sa lahat ng pagkakataon, sakit ang dulot ng pag-ibig. Paminsan pa nga'y may tinatawag na "glimpse of heaven" daw ang pagmamahalan at iyon para sa akin ay totoo. Ang tanging layunin ng pag-ibig ay magbigay saya. Oo, hindi laging masaya at paminsa'y masasaktan, ngunit hindi ito ang tipo ng sakit na nakakasira ng damdamin o ng buong pagkatao. Matuto tayong maghintay ng taong nakalaan para sa atin nang sa gayo'y kapag siya'y dumating na, tayo'y may maibibigay pa.
ReplyDeleteLubos na umaasa sa pag-iibigang walang hangganan,
Alex
likas kasi sa tao ang pagiging matapang. marahil sa paningin ng iba yung ilan nagtatapang-tapangan lang pero iyon pala'y totoo. sa pag-ibig, hindi porket nasaktan ka, tanga ka na. nagkataon lang na wala talagang permanente sa mundo kundi pagbabago at hindi/ayaw mong tanggapin ang pagbabagong iyon dahil pilit kang umaasa sa paniniwala mong iba sa totoong nangyayari. pero di ba nga, kung hindi pa pinaramdam sayo ng pag-ibig ang sakit, hindi mo pa mapapatunayan kung gano niyo kamahal ang isa't-isa?
ReplyDelete-yash
tama. sang ayon ako sa tulang ito. Ang pag ibig talaga ang pinaka makapangyarihan, lahat kaya nyang hamakin. kayang mahalin ang mga di karapat dapat, kayang patawarin ang mga sobrang makasalanan. Magagawang maisantabi ang lahat, di dahil sa kung ano. kundi dahil sa simpleng "MAHAL MO".
ReplyDeleteSabi nga ng aking kaibigan. "nagdemand ka ng pagmamahal tapos ayaw mong masaktan?" kasama nga siguro iyon. Sa totoo lang, kahit anong dami ng karanasan mo sa pag-ibig, siguro'y hindi mo pa rin maiiwasan ang sakit na dulot nito. Hindi mo pa in talaga tantsa kung anong dapat na timpla. Hindi mo pa rin masasabi ang lahat ng dapat gawin ng iba. Dahil masyadong malawak ang pag-ibig. Masyadong maraming pwedeng mangyari. May mga bagay na di lang sayo nakadepende. Masyadong makapangyarihan. Kaya sa takbo ng buhay, sa pagpapatuloy ng buhay, maging hanada. Dapat na maniwalang hindi imposible ang tunay na pag-ibig, pero hindi din imposibleng masaktan. Ang hirap magbigay ng komento tungkol sa bagay na 'to. tulad nga ng sabi ko, malawak, komplikado ito. Kaya pakatandaan, hindi lang puso, hindi lang emosyon. Kailangang gumamit ng isip, nasa realidad tayo. :)
ReplyDelete