Musika
Ni Ma. Erika M. Florencio,
Iba-ibang tao, iba-ibang tunog
Iba-ibang emosyon, iba-ibang kalabog
Usong-uso sa mga kabataan na kung saan man
mapunta
Ay may kung anong nakapasok sa kanilang mga
tenga
Mga kanta patungkol sa tamis ng pag-ibig
Hanggang sa mga taong ayaw magpadaig
Mula sa mga tugtog na nakakaantok ang himig
Patungo sa may indayog na nakaka-nginig
Anoman ang nararanasan sa ating buhay
May musikang sa iyo ay nababagay
Mga salitang hindi kayang sabihin
Sa musika nalang natin padaanin
Pero ang tanong sa bawat isa,
Ano nga ba talaga ang kahulugan ng musika?
Pangpasaya nga lang ba sa mga pagtitipong
matamlay
O isang bagay na nakakapag sagip ng buhay
Kumanta ng isang awitin kung nais mong ipakita ang 'yong natatagong saloobin at kung natatakot ibunyag ang lihim na damdamin.
ReplyDeleteAng musika ay hindi lamang patungkol sa himig nito, minsan ito'y sumasalamin sa iyong mga damdamin, dahil mas maganda ito kung ito'y nanggaling sa iyong puso at sa pamamagitan ng musika mailalabas mo ang likas na saloobin.
ReplyDeleteMusika ang nagbibigay kulay ng buhay. Dito tayo minsan humuhugot pag wala tayong kasama. Kaya ang musika kung tutuusin ay kalahati ng ating buhay. Mabuhay ang mga musikero!
ReplyDeleteMusika ng buhay! Sa ating sarili'y makahulugan at may mga alaalang ibinabalik sa ating isipan. Sa musika'y makikilala rin ang ating pagkatao.
ReplyDeleteSa bawat emosyon at iyong nararamdaman, mayroong musika ang nababagay at handang dumamay sa iyo. Nagsisilbing pangaral na hindi ka nag-iisang nakararanas ng naturang sitwasyon at nagbibigay rin sa iyo ng naturang inspirasyon.
ReplyDeleteBawat tao'y may kinahihiligang musika pagkat ito'y sumasalamin sa ating buhay na tila ba ito'y ginawa para sa iyo. Musika ang magpapaliwanag sa oras na gulong gulo ka na. Musika ay buhay at buhay ay musika.
ReplyDeleteNagustuhan ko ang yong pag-iwan ng isang katanungan. MUSIKA... para sa akin, ang musika'y nagbigay ganap sa aking buhay. Kung wala nito'y buhay ko'y walang kulay sapagkat sa musika lahat ay maipapahayag. Lahat ng saloobin at pakiramdam ay maibibigkas. Musika'y tagapag-ugnay sa lahat. Musika ay dakila sa buhay nating lahat.
ReplyDeleteAng musika.. madalas ito ang aking "stress escape". Kakaiba ang mundong musika, kakaiba ang buhat kasama ang musika. Ito ay isang bagay na maari mong takbuhan kapag malungkot ka, masaya, naguguluhan o pag nababagot. ang musika ay nagbibigay ligaya. Ang sayang basahin ng iyong tula patungkol sa isang bagay na karugtong ng maraming tao.
ReplyDelete