Lazada

Sunday, September 7, 2014

Mag-isang Umiibig ni Ma. Jesseca T. Lumoya

Mag-isang Umiibig 
ni Ma. Jesseca T. 
Lumoya

Minamahal mo siya 
Ngunit mahal niya naman ay iba 
Nagkataon pa na ang gusto niya 
ay ang bespren mo pala. 

Dahil kayo ay magkaibigan 
Nadarama ay nais ng iwasan 
Ngunit iyong napag-alaman 
Gusto rin siya ng iyong kaibigan. 

Nanghingi siya ng tulong sa iyo 
Upang mapalapit sa kaibigan mo 
Kahit na alam mong masasaktan ka 
Tinulungan mo pa rin siya. 

Tuwing nakikita mo silang masaya 
Pilit ka ring tumatawa 
Nang sa gayon ay walang makahalata 
Na sa puso mo'y durog na pala.

12 comments:

  1. Ang pagmamahal ay isang pagsubok, na dapat nakahanda kang masaktan kapag ito'y iyong pinasok. Walang masamang magparaya at maging masaya na lamang sa bagay na sa tingin mo ay hindi naman talaga para sa iyo.

    ReplyDelete
  2. Masakit makita ang isang tao na hiniling mong maging sayo pero masaya sa iba. Ngunit wala nang mas sasakit pa sa isang tao na nasayo na nga umiibig naman sa iba

    ReplyDelete
  3. Piliin mabuti ang taong makakasakit sayo. Huwag madala sa mapusok na emosyon. :)

    ReplyDelete
  4. Huwag kang mag-alala. Darating rin ang totoong para sayo. May plano Siya at magtiwala lang tayo :-)

    ReplyDelete
  5. Sabi nga ng iba, "If you love someone, you should know to let them go". Lalo na kung para sa ikakasaya niya, pakawalan mo na. Sa pag-ibig , asahan mong may laging kasamang package na "PAIN". </3

    HAHAHAHAHA #BoyHugot

    ReplyDelete
  6. Sa buhay natin tayo ay gagawa at pipili ng mga desisyon. Desisyon na sa hinaharap ay maaaring magdulot ng kapighatian o kasiyahan sa atin. Kaya anumang desisyon na ating gawin ay pagisipan ng mabuti ng sa huli ay hindi magsisi.

    ReplyDelete
  7. Sabi nga, hindi lahat ng bagay sa mundo ay makukuha mo, hindi lahat ng gusto mo ay mapapasaiyo. Ganoon rin sa pag-ibig, makakaramdam ka ng sakit and pagkabigo, ngunit ikaw ay matututo. Okay lang yan, atleast mayroon kang napapasayang tao. Darating din 'yong taong mamahalin mo at mamahalin ka ng buong buo :)

    ReplyDelete
  8. Minsan, ang magpapatunay na tayo ay nagmamahal para sa isang tao ay ang pagkatuto nating magpalaya upang makita siyang masaya. Masakit pero mas dapat nating naisin ang kaligayahan ng ating minamahal. Isipin na lang natin na may ibang nakalaan para sa atin.

    ReplyDelete
  9. Ang tunay na kaibigan, handang magsakripisyo sa ngalan ng pinagsamahan. Iisa man ang inyong tinatangi, dapat ninyong pahalagahan ang mas matagal ninyong pinagsamahan. May pagkakataong iyong pagsisisihan ang iyong ginawang pagpaparaya, ngunit dapat na isipin, bakit nga ba ito naganap? huwag sisihin ang sarili bagkus ay ipagpasa Diyos ang mga dapat na mangyari.

    ReplyDelete
  10. Ang tunay na pagmamahal sa kapwa ay pagbibigay sa kanya kung saan siya magiging masaya. Di ba't pagnakita mong masaya ang taong mahal mo ay sasaya ka na rin.

    ReplyDelete
  11. Sa tingin ko'y tama lang ang 'yong ginawa. Ang pagpaparaya ay isa mga bagay na mahirap gawin dahil minsan, nagiging makasarili ang isang tao para sa kanyang minamahal. Kaya congrats sa'yo te, marunong kang umunawa at magparaya. Pero hindi mo dapat ito gawin parati pagkat hindi lahat ng mahal mo ay dapat mong pakawalan. Minsa'y kailangan mo ring lumaban para sa iyong sariling kapakanan. Isipin mo, ano ba ang mas pipiliin mo? Habang buhay na pagsisi? Pagsisi na hindi mo ipinaglaban ang pagmamahal na iyong naramdaman? o Panandaliang pagkapahiya dahil hindi kayo pareho nang nararamdaman? Don ka sa ikalawa. Kasi kahit na hindi ikaw ang pinili, nag-try ka pa rin. At ganon naman rule sa love di ba? try and try til you succeed. Go girl! :)

    ReplyDelete
  12. Marami ka pang makikila wag kang magpaapekto, may nilaan ang diyos na para saiyo talaga ☺

    ReplyDelete