Ni Alliza Joy Bernardo
Nag-umpisa sa simpleng asaran
Gang sa nakisali pati mga kaibigan
Pilit itinatanggi, di pinapansin
Ngunit sa huli'y napaamin din
Dahil sa di malamang pagtanggi
Natigil pati ang panunuyo mo
Bagay na di maintindihan
Bakit nga ba biglang naramdaman
Mundo nga nama'y bilog
Di mawawari ang pagkakataon
Muli, napagtanto ating gusto
At tayo'y nga'y muling nabuo
Ganon na lamang siguro
Kapag tunay ang hangad mo
Babalik at babalik ang para sayo
Makukuha mo ang nais mo
Dumadaan nga naman sa punto
Na tila kay gulo ng mundo
Marahil natural na ang ganito
Kasiyahan ay di agad masiguro
Di pagkakaintindihan, mga alitan
Magkasama nating solusyunan
Parte na ito ng buhay pag ibig
Mahalaga'y nananatili ang pintig
Ang pagmamahal ay parang pagkain, pagsobra nakakasama. Maging mahusay sa pagpili ng iibigin. Huwag mabulag sa kung anong sarap mayroon nito, kung ang kapalit naman ng konting ligaya ay sakit.
ReplyDeleteTalaga nga naman na kung para sa iyo, kahit gaano man katagal, sa huli'y mapapasaiyo rin. Ang pag-ibig ay tulad ng paghinga, hindi ka mabubuhay kung wala nito. Sapagkat ang Maykapal ang unang umibig sa atin, sa pamamagitan ng pag-ibig, lahat ay nalikha. Ngunit hinay-hinay lamang pagkat ang kasiyahan ay may kaakibat na kalungkutan.
ReplyDeleteAng itinakda, ano mang problema ang kaharapin, silang dalawa parin. Nakakatuwang malaman na sa mundong pagkagulo-gulo ay mahahanap mo ang isang taong handang sayo ay sumaklolo. Pero sana, lagi nating tatandaan na ang unang pintig ng ating pag-ibig ay dapat ilaan sa Diyos at sa ating pamilya muna.
ReplyDeleteMay mga bagay na hindi natin maintindihan pero ito ang magdadala satin sa tamang daan patungo sa pintig na ating hinahanap ..
ReplyDelete