Takbo ng Buhay
ni Elaine H. Cortez
Pagmulat pa lang ng iyong mga mata,
mundo agad ang iyong makikita.
Mga pangyayaring inaasahan na,
at huwag ka nang mag-alinlangan pa.
Sa bawat butil ng iyong mga luha,
may kasiyahang iyong mahihinuha.
Ang bawat tao ay may problema,
ngunit may solusyon naman hindi ba?
Gaano man kataas ang abot ng pakpak,
ganoon din kataas ang iyong lagapak.
Hindi habang buhay ang yaman ng tao,
mawawala rin ito, iyan ang totoo.
Hindi naman habang-buhay ang paghihirap,
iyan ay kung ikaw ay magsusumikap.
Lahat ng bagay ay pinaghihirapan,
iyan ang lagi mong pakatandaan.
Iyan lamang ang aking masasabi,
ating
namnamin ang oras na nalalabi.
Ang takbo ng ating buhay ay nakadepende mismo sa ating mga kamay. Kung papaano mo huhulmahin ang iyong kinabukasan sa mga bagay na ginagawa mo ngayong kasalukuyan.
ReplyDeleteHindi natin hawak kung kailan babawiin ng Diyos ang buhay na ibinigay sa atin. Ngunit, hawak natin kung paano ito gagamitin. Gawin nawa nating makabuluhan ang regalong bigay ng Panginoon at pagsumikapan laging gumawa ng mabuti para sa kapwa at mundong ginagalawan.
ReplyDeleteisang magandang tula. nagpapa alala sa atin na ang ating buhay ay isang regalo mula sa Diyos kung kaya dapat natin itong pagkaingatan.
ReplyDeleteSa takbo ng buhay, tayo'y mapapatid. Dapat humanap ng kakapitan, humanap ng iiyakan, ng laging malalapitan. Ang makakaintindi ng lahat sa atin, may ng lahat ng dapat gawin. At kung kasama ang Maykapal, malalaman natin ang tatahakin. At dapat gawin at tapusin. Maiintindihan ang pauli-ulit na takbo ng buhay, kung bakit at kug paano ito baybayin.
ReplyDeleteAng buhay ay sadyang mapaglaro misan tayo ay nasa itaas at minsan tayo ay nasa ibaba. ngunit ang takbo ng ating buhay ay nakadipende rin sa ating mga sarili dahil ano man tayo ngayon ito ay bunga ng ating paghihirap at pagsasakripisyo. Subalit walang permanente sa mundo kundi ang pagabbago kaya't sa takbo ng buhay natin marami pa maaring magbago. kaya't nasa sa atin na ito kung paano natin haharapin. Isang tulang magbubukas ng isipan ng bawat isa na ang buhay ay parang isang paglalakbay marami tayong matututunan sa pagtakbo ng buhay natin.
ReplyDelete