Lazada

Monday, March 2, 2015

Bagong Simula

Bagong Simula
Ni: Pryce Philippe P. Alejandro

Hiling ay isang pagkakataon, lagi
Para sa bagong simula
Pagkakataong ikubli ang pagkakamali
Ang mga pagkabigo ay itama

Isang araw ay hindi kakailanganin
Para sa bagong umpisa
Kailangan lang ng pagnanais
Kailangan ng gawa hindi salita

Mabuhay ng mas mabuti
Maging mapagpatawad
May ngiti sa mga labi lagi
Sa kinalalagyang pugad

Kaya huwag mawawalan ng pag-asa
Na lahat ay tapos na
Meron laging kinabukasan
Bagong simula ang inaasahan.

8 comments:

  1. Pahalagahan ang pangalawang pagkakataong ibinigay saatin. Gamitin sa tama at iwasto ang mga mali. Huwag mawalan ng pag-asa. Tiwala lang :)

    ReplyDelete
  2. Sa bawat katapusan laging merong nagsisimula. Matutong magtiwala sa iba at magbigay ng bagong simula.

    ReplyDelete
  3. sa bawat bagay o pangyayaring natatapos, may panibagong pangyayari na nagsisimula at pag-asa para sa lahat at bagong bukas na haharapin

    ReplyDelete
  4. Kapag may natatapos, laging may bagong simula. Sa bawat nawawala, laging may magandang kapalit. Dasal at tiwala lang :)

    ReplyDelete
  5. Kung may nawala dati, may bagong bagay na darating na mas maganda pa kaysa sa dati. Tiwala lang! :)

    ReplyDelete
  6. May hugooot!! :) Wag mawalan ng tiwala, wag mawalan ng pag-asa.. lahat tayo ay palaging may 2nd chance. :)

    ReplyDelete
  7. lahat tayo ay may pangalawang pagkakataon! kaya marunong rin sana tayong mag bigay ng isa pang pagkakataon!

    ReplyDelete
  8. Bawat isa sa atin ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon para itama ang mga mali at makapagsimula uli. Kung hindi man naging kaaya-aya ang unang nagawa, ang mahalaga ay may natutunan ka sa pagkakamaling nagawa at hindi na sasayangin ang pangalawang pagkakataon na ibinigay.

    ReplyDelete