Pag-asa
Ni Kevin Kurt Uy
Ni Kevin Kurt Uy
Tayo nga ba ang pag-asa ng bayan?
Ang siyang magliligtas sa ating mga kalaban?
Mag-aalis sa impluwensiya ng mga dayuhan?
O tutulad din sa mga nauna na sunud-sunuran?
Ang siyang magliligtas sa ating mga kalaban?
Mag-aalis sa impluwensiya ng mga dayuhan?
O tutulad din sa mga nauna na sunud-sunuran?
Ni minsan sa buhay mo natanong mo na ba?
Sa sarili mo kung ano ang ibig sabihin ng pag-asa?
Mag-aahon, magliligtas, mag-aalis sa sakuna,
Ngayon sa tingin mo ikaw ba ang pag-asa?
Sa sarili mo kung ano ang ibig sabihin ng pag-asa?
Mag-aahon, magliligtas, mag-aalis sa sakuna,
Ngayon sa tingin mo ikaw ba ang pag-asa?
Maghihirap ang magulang para makapag-aral si Pag-asa,
Lalaki, matuto, uunlad si Pag-asa.
Yan ang inaasam ng sinumang umaasa
Na sana balang araw iligtas sila ni Pag-asa.
Lalaki, matuto, uunlad si Pag-asa.
Yan ang inaasam ng sinumang umaasa
Na sana balang araw iligtas sila ni Pag-asa.
Ng lumaki si Pag-asa at siya’y nagsimulang matuto,
Sa kaniyang mga magulang, kaibigan, at magigiting na guro
Sa mga ito ano kaya ang kanyang ituturo?
Ang pag-asa, kaalaman o ang luho?
Sa kaniyang mga magulang, kaibigan, at magigiting na guro
Sa mga ito ano kaya ang kanyang ituturo?
Ang pag-asa, kaalaman o ang luho?
Nagkamali si pag-asa at siya’ y nagsimulang magsinungaling
Dumidiretso sa luho at gabi na dumarating.
Atensyon sa pag-aaral ay di na niya binabaling
Habang ang paghila sa kanya ay lalong lumalalim.
Dumidiretso sa luho at gabi na dumarating.
Atensyon sa pag-aaral ay di na niya binabaling
Habang ang paghila sa kanya ay lalong lumalalim.
“Bumagsak ka din pala?” sabi ni Pag-asa.
Sabay tawa, apir at ayang magDOTA.
Natutuwa, naadik, nagsasayang na si Pag-asa.
Kawawang mga magulang dyan pa rin at umaasa.
Sabay tawa, apir at ayang magDOTA.
Natutuwa, naadik, nagsasayang na si Pag-asa.
Kawawang mga magulang dyan pa rin at umaasa.
Walang pinatungahan ang pagpapaaral kay Pag-asa,
Bagsak, kaya huminto at laging nasa lakwatsa
Inakala niyang maganda ang buhay na tinamasa
Kaya tuloy ang ligaya at kanyang pagpapasasa
Bagsak, kaya huminto at laging nasa lakwatsa
Inakala niyang maganda ang buhay na tinamasa
Kaya tuloy ang ligaya at kanyang pagpapasasa
Hanggang sa isang araw umuwi siya ng madilim
Nakatulala, tahimik, at di namamansin.
Tinanong siya ng kanyang magulang kung ano ang problema
Kawawang Pag-asa magiging tatay na pala.
Nakatulala, tahimik, at di namamansin.
Tinanong siya ng kanyang magulang kung ano ang problema
Kawawang Pag-asa magiging tatay na pala.
Di nakapagtapos kaya’t walang trabaho.
Nakatira sa magulang dumagdag pa sa perwisyo
Matatanda niyang magulang ay di magkaugaga
Sa pagpapakain, pag-aalaga, na ibinigay ni Pag-asa.
Nakatira sa magulang dumagdag pa sa perwisyo
Matatanda niyang magulang ay di magkaugaga
Sa pagpapakain, pag-aalaga, na ibinigay ni Pag-asa.
Natutong uminom, kaya gabi gabi ay wala,
Iniiwan ang anak at kawawang asawa
Maninigaw, mananakit sabay tulog sa kama
Pagdating niya sa gabi matapos ubusin ang pera.
Iniiwan ang anak at kawawang asawa
Maninigaw, mananakit sabay tulog sa kama
Pagdating niya sa gabi matapos ubusin ang pera.
Nagpatuloy ng ganun ang napariwarang si Pag-asa.
Hanggang sa isang gabi ay napatay nya ang kanyang asawa,
Nagsigawan, nagkasakitan at di niya namalayan
Tumama pala ang ulo sa patusok na kawayan.
Hanggang sa isang gabi ay napatay nya ang kanyang asawa,
Nagsigawan, nagkasakitan at di niya namalayan
Tumama pala ang ulo sa patusok na kawayan.
Umupo siya sa sulok habang tahimik na nakatitig
Sa katawan ng kaniyang asawa na nakahandusay sa gilid.
Bakit niya ba ito nagawa tinatanong niya sa sarili
Dapat bang kaalaman ang kanyang pinili?
Sa katawan ng kaniyang asawa na nakahandusay sa gilid.
Bakit niya ba ito nagawa tinatanong niya sa sarili
Dapat bang kaalaman ang kanyang pinili?
Binuhat ang kanyang anak at sinabing “Ikaw ang bagong Pag-asa.”
“Kaya ayusin mo ang buhay mo at wag ka ng gumaya”
“Sa tatay mong pariwara at walang naging kwenta”
“Maging Pag-asa ka sana ng iyong pamilya.”
“Kaya ayusin mo ang buhay mo at wag ka ng gumaya”
“Sa tatay mong pariwara at walang naging kwenta”
“Maging Pag-asa ka sana ng iyong pamilya.”
Binaba niya ang anak kusina’y pinuntahan,
Kinuha ang kutsilyo kaniyang leeg ay ginilitan,
Bumagsak sa sahig at hiningay naging pilitan
Hanggang ito’y tumigil at siya’y nalagutan.
Kinuha ang kutsilyo kaniyang leeg ay ginilitan,
Bumagsak sa sahig at hiningay naging pilitan
Hanggang ito’y tumigil at siya’y nalagutan.
Magandang tula na sumasalamin lalo na sa buhay kolehiyo ng isang kabataaan; naramdaman ko na naman yaong pressure... napapalapit na ako sa panahon na ako na nga ang syang aakay ng dating pinasan ng aking magulang sa buhay; ito na nga marahil ang panahon kung saan ako ang syang kakaharap sa mga unos ng buhay.
ReplyDeleteipinararating lng na hindi lahat ng taong may pag asa ay aasa nalang ng aasa. dahil hangga't hndi pa nakakamit ang iyong mga pangarap madami pading tao ang aasa sayo lalo na ang sarili mo .
ReplyDeleteHuwag nating sayangin ang buhay na ibinigay sa atin, bilang bagong mga kabataan, tayo ang dapat magbago ng mga kamalian.
ReplyDeleteHuwag nating sayangin ang buhay na ibinigay sa atin, bilang bagong mga kabataan, tayo ang dapat magbago ng mga kamalian.
ReplyDeleteAng oars ay mahalaga, kaya ating sulitin at wag sayangin upang hindi magsisi sa huli.
ReplyDeleteAng oras ay mahalaga, kaya ating sulitin at wag sayangin upang hindi magsisi sa huli.
ReplyDeletehabanag may buhay may pag-asa
ReplyDeleteIsa itong pagsubok sa ating mga kabataan. Alam naman natin na sa totoong buhay ay nangyayari ito kaya ang maaari na lamang gawin ay patunayan sa nakararami na kahit may ilan na ganyan ang ginagawa tayo ay iba sa kanila. Na tayo ay karapatdapat mapabilang sa pag-asa ng bayan. Hindi pa huli ang lahat para sa atin. Alam kong kaya natin maging isang modelo sa mga susunod na henerasyon at magng pag-asa ng bayan.
ReplyDeleteKatulad nga ng sabi ng iba na ang pag-asa ay nakasalalay sa mga kabataan. Kaya bilang isang kabataan, kailangan nating matutunan ang pagiging disiplinadong mamayan upang ang iba ay magkaroon ng pag-asa sa atin.
ReplyDeletePagasa lang ang tutulak sayo pataas. :)
ReplyDelete\
Baguhin na natin kung ano man ang ating nakasanayan. kumilos tayo upang magkaroon tayo ng silbi sa ating bayan.
ReplyDeleteMagaling ang pagkakagawa ng tula may aral, may kwento at napapanahon. Tama nga naman tayo ang pag-asa ng bayan. Ngunit nakakalungkot lang isipin na ang iba ay sinisayang ang oras at bagong pag-asa.
ReplyDelete