Lazada

Monday, March 2, 2015

KAIBIGAN

Kaibigan
ni Joanne May R. Estrada

Minsan ang kaibigan
kahit may tampuhan
ay laging nandiyan
kapag siya'y kailangan

Kasabay sa mga trip
kahit nakasakay sa jip
kahit sobrang sikip
patuloy pa din ang trip

Sabay-sabay naglalakad
habang dikit ang mga palad
hindi iniiwan ang isa't isa
hangang sila'y tumanda

5 comments:

  1. Ang gusto ko sa tula ay ang pagiging payak nito, para sa akin ay naipakita ng kapayakan ang pagiging simple ng scenario ng tula, naisaalang-alang ng payak na hitsura ng tula ang mga kaganapan na nangyayari sa tula kaya naman nagustuhan ko ito. hindi naman kasi sa lahat ng oras eh dapat na nakatutok sa pagkalalim o pagiging kakaiba ang isang tula sa iba pang akda. kaya naman natuwa akong basahin ito.

    ReplyDelete
  2. Naaalala ko ang bestfriend ko nang mabasa ko 'to. Nakakaiyak kasi mahal na mahal ko ang best friend ko. Sa 10 tao, halos 9 dito ay may bestfriend. Tiyak na makakarelate sila. Ngayon, kahit hindi best friend, may mga kaibigan akong mahal na mahal ko. Sila ang nagpapasaya sa akin tuwing ako ay nalulumbay. Naniniwala ako na lahat ng tao ay may mga kaibigan na nagpapasaya sa kanila. Mahal ko kayong lahat.

    ReplyDelete
  3. Ang isang kaibigan ay hindi lamang kapanalig sa oras ng kalokohan o kakuntsaba sa kung anumang pangyayaring may kasiyahan bagkus ang mga tunay na kaibigan ay mga kapatid na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal upang makasama sa habambuhay na papanatii dito sa mundo sa panahon man ng unos o maging sa tunay na liwanag ng buhay.

    ReplyDelete
  4. Tama!!! Ang tumay na kaibigan ay laging nandyan para alalayan, tulungan at damayan ka ☺

    ReplyDelete
  5. Pait ng Kahirapan

    Kumakalam na sikmura ang agahan
    Sa madilim na gabi, walang matulugan
    Mamamalimos, maghahanap ng pagkakakitaan
    Bakit ganito ang kapait ang kinalalagyan

    Ayaw ko ng makipagsapalaran
    Ayaw ko ng malagay sa kapahamakan
    Ayaw ko ng gumawa ng kasamaan
    Ngunit paano bubuhayin ang pamilyang ako ang inaasahan


    Buhay ay sadyang di makatarungan
    Di ba pwedeng sinilang na lang na mayaman
    Sana nama'y pagtuunan ng pansin upang matulungan
    Mga gaya kong pobre na walang tahanan

    ReplyDelete