Puso lang
Isinulat Ni: Elaine P. Bautista
Sabi nila ang pag-ibig ay gawa ng panginoong sati'y lumikha. Isang bagay saki'y nagpaniwala sa pag-ibig na mahigawa.
Nang makilala ka'y 'di alintana ikaw na mahiwaga.
Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan nina Angelina at Sebastian. Kung idedeskrayb, si Angelina ay isang simpleng babae, takot maranasang magmahal sa isang lalaki, masiyahin at 'di kagandahan. Samantala, si Sebastian ay gwapo, mabait, palakaibigan, masiyahin at medyo babaero. Nagkakilala sa simbahan noong bata pa lamang, lumaking magkasama sa paglilingkod at kasiyahan. Sa dami ng pinagsamahan, naging matalik na magkaibigan. Magkasama sa asaran maging sa batukan.
Dumating ang araw na di inaasahan, nagtapat ng pag-ibig itong si Sebastian. Sagot ni Angelina ay 'di malaman, 'pagkat sya'y takot na masaktan ng habuling si Sebastian. Lumipas ang mga araw, hindi ang sagot nito kay Sebastian. Tanong nito ay bakit naman? Sagot nya'y kaibigan lang.
Ngunit buwan pa ang lumipas...pagsuyo ay di nagwakas. Pagkakaintindihan ang nabuo, puso ang namuno. Sa mga panahon ng kalungkutan, naging sandigan nila ang isa't isa. Pagkilala ay mas lumawak, sila ay 'di nabuwag.
Makalipas ang isang taon, pangako sa isa't isa ay nabuo, pagsuyo ay 'di nahinto. Puso nila'y naging isa, oras ay sa kanila na. Mga buwang dumaan ay napuno ng saya at ng pag-asa.
Ngunit sadyang si kupido'y mapaglaro, puso nila'y napaglayo...damdamin nila'y nagkasakitan, mata nila'y luhaan. May maling nagawa itong si Sebastian, nakasakit ng damdamin nitong si Angelina. Galit ay 'di magawa, 'pagkat sa pagpapatawad sya'y 'di nagsasawa. Puso ni Sebastian ay nagsisisi, desisyon ng isa'y di n'ya masisi. Lumipas ang mga buwan, pagkakaibiga'y di pinagkait nitong si Angelina. Alam n'yang mahal pa n'ya, ngunit takot rin ay nasa kan'ya na.
Mas matinding pagsuyo at paghing ng tawad ang ginawa ni Sebastian, at pangako'y kanyang pinatunayan. Iniwan ang kasalanan, binalikan ang kasintahan.
Kan'yang pinatunayan, pag-ibig n'ya ay totoo at 'di panloloko.
Pagkakataon ng pagmamahalan, muli nilang naranasan. Pangako'y mas tumibay, at alam nilang wala ng bibigay. Kanilang mas nakilala ang isa't isa. Ngayo'y pinatutuayan, kanilang pagmamahalan. Mas namulat sila sa tunay na kahulugan ng pagmamahalan...mas nagkaisa ang kanilang mga desisyon, sinama si Kristo sa sentro ng kanilang relasyon. Sa saya at lungkot, sila'y di susuko, 'pagkat iisa na ang kanilang puso. Mga pangarap ay mas kumulay, at tumingkad lalo ang kanilang buhay.
Totoong walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago, ngunit dapat lamang na tayo'y natututo.
'Wag kang susuko sa bagay na alam mong totoo, 'pagkat ang pag-ibig ay tunay na mahiwaga...mararanasan mong lumuha pero lahat ng ito'y mawawala, kapag puso ang mangunguna.
Magaling Elaine. puso lang talaga <3
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletehugot pa!!haha
ReplyDeleteAng pag-ibig ay isa sa pinakamisteryosong bagay sa mundo. Kahit anong pilit nating bigyan ng kahulugan ito, wala paring makapagbigay ng tiwak na paliwanag. Ngunit, may mga damdamin na pag-ibig lang ang makapagpapadama sa'yo. Isa ito sa masasabi kong biyaya ng Diyos.
ReplyDeleteang pag ibig ay tiyak na nagbibigay kasiyahan para sa lahat :D
ReplyDeletePagibig, walang forever aahaha. pero may eternal. :)
ReplyDeleteSabi nga sa isang awit na ingles "When you're lost your fight between wrong and right.. You can count on love to guide you."
ReplyDeletePag-ibig, para sa dalawang utak na sawi at mga pusong hilong talilong. :D
ReplyDeletePag-ibig, para sa dalawang utak na sawi at mga pusong hilong talilong. :D
ReplyDelete