Lazada

Monday, March 2, 2015

Bahaghari Ni:Aira Marasigan.

Bahaghari Ni:Aira Marasigan.

Kapag umuulan siya ang hanap
Bawat patak ng ulan mga tao’y nanlulumo
Nasasabi nalang nila may bukas pa
Bukas na may bagong pag-asa.

Bagay na lumilitaw na lang biglaan
maraming natutuwa kapag siya’y nakikita
nagtataka kung bakit maraming kulay
siguro’y maraming ibigsabihin.

Sa bawat paglitaw hangad ang magandang dala
Maganndang panahon kanilang gusto
Ngiti ay makikita agad sa kanilang mga labi
Kapaligiran na tila maaliwalas na.

Bahagharing napakaganda,
Bahagharing di nakakasawang pagmasdan,
Bahagharing nagbibigay pag-asa,
Bahagharing aming mahal.

7 comments:

  1. Bahaghari ang patunay na pagkatapos ng unos ay may magandang panimula at bagong pag-asa. Ngiti lang, Pilipino! :)

    ReplyDelete
  2. Kailangan lang mag isip ng positibo. Magiging maayos din ang lahat sa huli.

    ReplyDelete
  3. Sa bawat pagsubok may pagasa, sa bawat problema may solusyon at sa bawat pagtatapos ay may bagong simula. Dapat nating tandaan habang may buhay may pagasa.

    ReplyDelete
  4. maganda ang ibinabahagi ng tula sa mambabasa, ipinapakita nito kung paanong maihahalintulad ang bahaghari sa pag-asa sa mga panahong matindi ang dagok sa buhay; sa mga matitinding unos, ang nagbibigay pag-asa ay ang paggunita ng ngiti ng kalangitan sa pamamagitan ng makukulay na labi ng isang bahaghari.

    ReplyDelete
  5. ang ganda ng mensahe ng akda, na kahit anong problema ang dumaan meron paring magagandang mangyayari na huli. PAG-ASA!

    ReplyDelete
  6. Ang bahaghari ay nakikita natin pagkatapos ng ulan o bagyo. Ibig sabihin, sa bawat pagsubok na dumadating sa ating buhay, huwag sana tayong mawalan ng pag-asa sapagkat hindi nagbibigay ng isang hamon ang Diyos na hindi naman natin makakaya. Magsikap ka, humayo ka. Huwag kang susuko.

    ReplyDelete
  7. Sa bawat paglitaw hangad ang magandang dala
    Magandang panahon kanilang gusto.

    Iyan ang napili kong linya ng tula sapagkat ito ang nagdeskrayb sa bahagahari na kung saan hindi lang nagiging maganda sa paningin ngunit isa rin pahiwatig na kapag natapos ang isang problema o karanasan o pangyayari ay may naghihintay pa sa atin na mas magandang bukas.

    ReplyDelete