Lazada

Monday, March 2, 2015

UNOS

UNOS

Tula ni: Marife Buelva

Malakas na hangin at ula'y dulot ng bagyo
Na kayang kumitil mg libong tao
Dapapwat ito'y maituturing na delubyo
Na di kailanman mapipigilan ng kahit sino.

Sa mga bagyong dumaan
Lahat may nawalan
Anu't ano pa man
Tuloy pa rin ang laban.

Sa mga Pilipino ito'y pagsubok na lamang
Sapagkat likas sa atin ang pagiging matapang
Basta't tayo'y magkakatuwang
Bukang-liwayway ay sabay-sabay nating abangan.

Ano man ang unos na dumating
Ito'y piliting kayanin
Sapagkat walang di kayang gawin
Kung si Hesus ay nasa atin.

27 comments:

  1. Tiwala lang sa Poong Maykapal , Tuloy parin ang laban, Pilipino!

    ReplyDelete
  2. Walang binatbat ang unos sa taong malakas ang pananampalataya.

    ReplyDelete
  3. Magandang pahiwatig ng tula patungkol sa determinasyon ng mga Pilipino, nagpapakita ng mabuting pahayag upang magkaroon ng pag-asa. Maganda din sigurong maipakita sa tula ang sitwasyon gamit ang mga tayutay, upang magkaroon ng personal na interpretasyon ang mambabasa; ang tula ay medyo abstrakt pagka't ito'y nagbibigay pansin sa pangkalahatang sitwasyon, magandang mag-iwan din ang akda ng pang indibidwal na damdamin. ^_^

    ReplyDelete
  4. Hindi matitibag ng kahit na anong unos ang tibay ng pananampalataya ng mga Pilipino sa Poong Maykapal.

    ReplyDelete
  5. Isa lamang ito sa mga katangian ng mga Pilipino na kahit anumang problema o unos ang makaharap kayang kaya nila itong harapin dahil hindi lamang sila ay malakas bagkus may matatag pa silang pananampalataya at kakayahan.

    ReplyDelete
  6. Ang unos at mga sigwa na dumadating sa atin ay isa sa mga pagsubok kung saan tinitingnan kung gano tayo katatag; kung gano kalakas ang ating paniniwala sa ating Poong Maykapal na ipinapaubaya na natin sa kanya ang ating mga sarili. Ang mga unos na iyon ay dadaan lamang para subukin tayo pero hindi dapat natin kalimutan na mayroon tayong Diyos na magliligtas satin at ipagkatiwala natin ang buong sarili natin sa kanya.

    ReplyDelete
  7. Ang buhay natin ay punong-puno ng ibat-ibang pagsubok at unos ngunit kung tayo'y magkakapit-bisig at magtitiwala sa diyos lahat ng iyan ay ating malalagpasan at mapagtatagumpayan. Kailangan lamang natin na wag mawalan ng pagasa at patuloy na manampalataya sa diyos dahil siya ang liwanag ng ating buhay.

    ReplyDelete
  8. Maganda an ipinararating ng tula sa bawat filipino na kahit kailan hindi tayo papabayaan ng poong maykapal kahit anong pagsubok ang dumating ating kakayanan. Kailangan lang nating ipagkatiwala ang ating sarili na kahit gaano kahirap ang ating buhay ating paring ipagpatuloy sapagkat siya ang dahilan kung bakit tayo nabuhay.

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. Sa buhay natin, madaming pagsubok ang dumadaan. Pero kahit ilang pagsubok man ang sumira ng pagiging matatag natin, mapapansin natin na tayong mga Pilipino ay matatatag parin. Malaking tulong ang Diyos sa mga ginagawa natin sa buhay.

    ReplyDelete
  11. Isang pahiwatig lang ng akdang ito na ang Pilipino ay sadyang matibay sa kahit ano mang pagsubok!

    ReplyDelete
  12. Nagbibigay kahulugan lamang ito ng pagkakaroon ng determinasyon at lakas ng loob ng mga Pilipino. Ipinaparating ng tulang ito na kayang harapin ng mga Pilipino ang anumang unos ang dumating sa kanilang buhay dahil nandyan ang ating Diyos na gagabay sa atin.

    ReplyDelete
  13. Sa anumang unos, wag tayong papatalo, magdasal at magtulungan dapat tayo.

    ReplyDelete
  14. Sa anumang unos, wag tayong papatalo, magdasal at magtulungan dapat tayo.

    ReplyDelete
  15. ganyan naman tayong mga Pilipino, kahit anong mangyari kakayanin natin basta't andiyan ang Panginoon.

    ReplyDelete
  16. Isa lamang ito sa mga bagay na katangi tangi sa ating mga Pilipino. Kahit na anong trahedya ang dumating, hinaharap parin naten ito ng may ngiti at pananalig sa Diyos.

    ReplyDelete
  17. Manalig at magtiwala sa Diyos at lahat ng pagsubok ay makakayanan natin dahil hindi Niya tayo papabayaan.

    ReplyDelete
  18. Isa lamang ito sa mga bagay na katangi tangi sa ating mga Pilipino. Kahit na anong trahedya ang dumating, hinaharap parin naten ito ng may ngiti at pananalig sa Diyos.

    ReplyDelete
  19. Manalig at magtiwala sa Diyos at lahat ng pagsubok ay makakayanan natin dahil hindi Niya tayo papabayaan.

    ReplyDelete
  20. Diyos lang talaga ang makakapagligtas satin :D

    ReplyDelete
  21. Kahit anong delubyo man ang dumaan, lahat tayo ay may maasahan.. Ngunit hindi lahat ay dapat idaan sa paghiling dito pumapasok ang kasabihang "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa"

    ReplyDelete
  22. laging magtiwala sa kakayahan ng panginoon. dahil anumang pagsubok ang dumating sa buhay ay siguradong malalagpasan natin yan.

    ReplyDelete
  23. unos na di matitinag kailanman ang pananampalataya ng isang totoong kristyano.

    ReplyDelete
  24. Tunay nga na ang mga Filipino ay hindi agad-agad susuko at sila'y matatag kahit sa harap ng mga unos na dumadating sa kanilang buhay.

    ReplyDelete
  25. ang tulang ito ay nagpapakita ng katibayan ng loob ng pilipino na kahit anong unos ang dumaan kayang kaya at tayo ay mananatiling nakangiti ng ganto kalapad ^____________________________________^

    ReplyDelete
  26. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete