Lazada

Monday, March 2, 2015

PAPA

PAPA
Ni Mhelben Olivar

"Anak, uwi na, d2 na Papa"

Ito ay nagpukaw ng aking pansin habang ako ay naglalakad sa balkonahe ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta.Mesa kampus, ito ay isang plakard na pinukpukan ng pako at idinikit sa isang puno. Ako ay biglang napangiti at nakapagtanto ng maraming bagay, marahil ang tinutukoy nito ay ang ating Santo Papa na kamakailan lamang ay bumisita sa ating bansa at napagbuklod muli ang mga Pilipino na nagtipon-tipon sa Qurino Grandstand at Luneta Park kung saan din naganap ang makasaysayang pagbaril kay Pepe, ang ating Pambansang bayani. Sa pagbisita ng Santo Papa, gumawa na naman ng isang historya o rekord ang Pilipinas na matatandaan ng buong mundo. Tunay na nakakagulat at nakakabilib ang nangyaring iyon sa ating bansa.

Ang mga salita na aking nabasa ay nagbigay din sa akin ng kaisipan na maaaring ang tinutukoy nito ay ang ating butihing ama, tatay, itay, tay, Pa, o Papa na haligi ng tahanan na kumakatawan sa pagiging superyor at pangunahing pinagkukunan o nagbibigay ng ikabubuhay ng isang pamilya. Ito rin ay nagbibigay mensahe na nagpapaalala na “Anak, uwi na, d2 na Papa” upang siya ay salubungin at masilayan ng kanyang pinakamamahal na mga anak. Pagpasalamatan din natin ang mga pamilyang pinapanatiling buo ito. Tulungan natin ang mga kabataang walang ama at naliligaw ng landas. Ang pamilya ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang sangay ng lipunan. Dito hinuhubog ang mga propesyonal o maaaring dito rin hinuhubog ang mga kriminal kung mali ang pagpapalaki. Sa madaling salita, ang pagiging ama ay isang napakalaki at napakahalagang gampanin ng isang lalaki, maging responsable nawa ang mga haligi ng tahanan sa pagdidirekto ng buhay ng kanilang mga supling. Saludo ako sa mga amang may mabuting puso. Atin sila’y pasalamatan, “Pa, salamat po, mahal kita”.

Ito din ay mga katagang tumutukoy o nagpapahayag ng pangungulila mula sa Dakilang Ama na lumikha ng lahat sa ilalim ng araw na tayong mga tao ay namimis at gustong magbalik loob sa Kanya. Nagpapaalala na siyang Ama ay nandito at naghihintay lamang na ikaw ay masilayan at muling manalig sa kanya.

9 comments:

  1. "Anak uwi na d2 na papa" nakapukaw din ito ng aking pansin habang ako ay palabas ng eskuwelahan, kinuhanan ko pa ito ng retrato at ipinakita sa aking mama dahil ganito niya ako i-text. Alam 'kong ang Santo Papa ang itinutukoy dito.

    ReplyDelete
  2. Isa ako sa nakasaksi sa pagdating ng Papa sa bansa dahil isa ako sa pinalad na makapasok sa loob ng grandstand upang makita sya at personal na makadalo at makapakinig sa kanyang misa.

    ReplyDelete
  3. Noong napanood ko yung Papa sa TV, hindi ko maiwasang maluha. Ganun nalang ang respeto ng mga tao sa kanya at pagmamahal sa kanya. Tumibay ang pananampalataya, hindi lang sa akin, kundi ng sangkatauhan. Pope Francis, sana makabisita ka ulit! Mamimiss ka ng mga Pilipino!!!!

    ReplyDelete
  4. Ako din nakapunta ako noong dumalaw ang santo papa, at di ko man sya nahawakan at nakausap, ramdam ko ang mga mensaheng nais n'yang iparating.

    ReplyDelete
  5. Ako din nakapunta ako noong dumalaw ang santo papa, at di ko man sya nahawakan at nakausap, ramdam ko ang mga mensaheng nais n'yang iparating.

    ReplyDelete
  6. Ang ating Santo Papa ang isa sa mga dahilan kung bakit katangi-tangi ang ating relihiyon. Hindi lamang siya nagbibigay ng inspirasyon, bagkus ay nagbibigay rin siya ng patnubay sa bawat isa.

    ReplyDelete
  7. isang magandang modelo ng bayan :)

    ReplyDelete
  8. Viva Santo Papa! :D
    ang mga adbokasiya mo'y isasa puso at isasa buhay ko! :*

    ReplyDelete