Lazada

Monday, March 2, 2015

Edukasyon

Edukasyon
Ni Kevin Kurt Uy
Pag naglalakad ka sa kalsada nakakarinig ka ba ng mga salitang: “Hoy alam mo ang hirap ng midterm kanina grabe, sigurado bagsak ako dun.” Sabay tawa kasama ang mga kaibigan. Para sa mga kabataan ngayon wala na nga bang pangamba ang pagkawala ng kontrol sa kanilang edukasyon?
Bilang isang estudyante, masasabi ko na iba na talaga ang panahon namin. Di naman lahat pero karamihan sa mga kabataan ngayon ay iniisip na lamang ang edukasyon bilang parte ng kanilang buhay at hindi na prayoridad. Bakit nga ba naging ganun ang pag-iisip ng mga “kinabukasan ng bayan” sa kasalukuyan?
Nakakatakot isipin na magiging ganito ang pag-iisip ng ating susunod na henerasyon, pero dahil nga ba saan? Kaibigan? Pamilya? Sarili? Masasabi kong lahat ng iyon ay may epekto.
Ang mga kaibigan na nakapaligid sa atin ay nakakaepekto sa iba’t ibang paraan, at ang pinakaimportante o pinakainaasam na bagay na gusto nating makuha sa ating mga kaibigan ay ang suporta at pagtanggap. Madalas na na aabuso ang ganitong bagay sa mga pagkakaibigan lalo na sa iyong sarili. Pag nakakatanggap ka ng suporta at “acceptance” sa mga bagay na ginawa mo unti unti kang mawawalan ng konsiderasyon dun sa kadahilanang ayos lang naman ito sa ibang tao lalo na kung sasabihin ni kaibigan na: “Uy! Bagsak din ako!”
Palaging nakasuporta sa atin ang ating pamilya, kahit malaman nila ang mga bagsak mo sa grado susubukan ka nilang tulungan pero hindi nila ito kukunsintihin. Madalas na nawawalan ng atensyon ang mga magulang sa pag-aaral ng mga anak ngayon. Kailangan nilang magtrabaho para sa kanila kaya’t wala na rin silang panahon. Ang ganoong bagay ay nagbibigay ng pakiramdam ng kalayaan sa mga kabataan ngayon, na hindi na nila kailangang harapin ang kapalit ng kanilang ginawa. Samahan pa ito ng pagtanggap at suporta sa iyong mga kaibigan.
Sa huli sarili mo lang talaga ang makapagliligtas sa iyo sa ganitong pag-uugali, pero kung hinayaan mong hilain ka nito ng malalim may malaking posibilidad na mahirapan ka ng makabalik o mas malala di ka na makabalik. Mahirap baguhin ang mga bagay na nakasanayan na habang bata pa tayo, at hindi tayo magiging bata panghabang buhay. Madadala mo ang lahat ng ginagawa mo kapag naghahanap buhay ka na, at dun ka sasampalin ng reyalidad na sana nagseryoso ka.

5 comments:

  1. Minsan talaga mahirap mag aral, pero isipin na lang ang magiging katapusan nito, ginhawa sa buhay pag nakatapos ka. Edukasyon ang tunay na kayamanan.

    ReplyDelete
  2. Ang paghihirap ay parte na ng buhay ng isang tao. At isa dito ay ang paghihirap natin na mag-aral at makapagtapos. Lahat ng bagay ay kailangan nating paghirapan bago natn makamit dahil dito tayo natuto at nabibigyang-aral sa mga nangyari. Dapat tayong maging matatag, malakas, matiyaga at matapang na harapin ang mga pagsubok ng buhay.

    ReplyDelete
  3. Ang paghihirap ay parte na ng buhay ng isang tao. At isa dito ay ang paghihirap natin na mag-aral at makapagtapos. Lahat ng bagay ay kailangan nating paghirapan bago natn makamit dahil dito tayo natuto at nabibigyang-aral sa mga nangyari. Dapat tayong maging matatag, malakas, matiyaga at matapang na harapin ang mga pagsubok ng buhay.

    ReplyDelete
  4. Sa buhay ng tao, normal lamang ang magkaroon ng iba't ibang pagsubok lalo na sa pag-aaral. Ngunit palaging tandaan, ang anumang paghihirap ay tiyak may kapalit na kaginhawaan, ;)

    ReplyDelete
  5. magaral ng mabuti nang sa gayon, tayo rin ang makikinabang dito. dahil ito lamang ang tanging mapapamana sa atin ng mga magulang natin

    ReplyDelete