Lazada

Monday, March 2, 2015

Bayani

Bayani
Ni Kevin Kurt Uy
Nakikita mo ba ang sarili na isa sa mga taong magliligtas sa ating bansa? Wala mang magsasabi pero alam natin na karamihan sa ating mga estudyante ay gustong makapagtrabaho sa ibang bansa pagkatapos nating mag-aral. Bakit? Mas may tyansa kasi tayo sa ganoong paraan ng pamumuhay, mas may may tsansa tayong umunlad. Para sa pamilya, para sa mga bagay na gustong mabili, maipundar, at para sa buhay na inaasam pagtanda. Naisip mo ba na kailangan ka muna ng ating bansa bago ka magtrabaho sa iba?
Ayon sa statistiks halos 1.1 na milyong Pilipino na ang umaalis para makapagtrabaho sa ibang bansa kada taon. Sa mga nagdadaang taon patuloy pang dumadami ang mga “bayani” na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sadya bang wala ng solusyon sa mga problema dito sa ating bayan na kailangan na rin nating umalis at hanapin ito sa iba? Hindi ko sinasabing pinili nila ang pagpunta nila sa ibang bansa, ngunit katulad lang din ng maraming Pilipino, nagtitiis lang din sila. Nasa dugo na talaga ng mga Pilipino ang magtiis sa mga kadahilanang matagal ng nagpapatuloy sa ating bayan. Habang ang nakakatanggap ng dapat ay atin, tayo ang magbabayad.
Mali bang isipin na kasalanan din ng sitwasyon sa ating bansa ang paglisan ng mga bayaning ito? O ito talaga ang katotohanan? Masakit mang isipin pero dumidilim na ang pag-asa ng Pilipinas na makabangong muli, patuloy itong magdidilim hangga’t di pa nababago ang persepsyon ng ating mga kababayan sa pinakaimportanteng bagay sa pag-unlad, ang kawang gawa di lamang para sa sarili, pamilya o kababayan, kundi para sa bansa.

No comments:

Post a Comment