Ma, Nay, Mommy
Ni: Pryce Philippe P. Alejandro
Para sa nagbigay ng buhay sa akin
Wala akong maipapalit kundi pagmamahal
Sa pinakamaliwanag kong bituin
Na binigay sa akin ng maykapal.
Salamat sa pagiging maalalahanin
Sa lahat ng gagawin
Salamat sa kasiyahan
Salamat sa pagtingin ng walang kapaguran.
Mahal kita ng sobra sa kahit ano
Mahal kita hanggang sa huling hininga ko
Hindi lang ina ang turing ko sa’yo
Kundi isang matalik na kaibigan na laging kasama ko.
Kakaiba ang ating samahan
Lahat ng gawin ko ay alam mo
Mga magagandang katangian
Na nasa iyo, pinapakita ko.
Bibihirang sabihin ito
Kung gaano ka kahalaga sa akin
Bibihirang gawin ito, Na ang pagmamahal mo
ang nagpapaluwag ng pakiramdam ko.
Mabuhay ng walang hanggan
Ang tanging hiling ko para sa’yo
Walang katapusang hagdan
Ang aakyatin ko kasama mo.
Katangi-tanging anghel sa buhay ko
Kaginhawan ang binibigay mo
Maging magulo man ang buhay ko
Manalo o matalo man ako.
Para sa nagbigay ng buhay sa akin
Wala akong maipapalit kundi pagmamahal
Para sa tunay na taong
Galing sa kalangitan ng maykapal.
"Ma, Nay, Mommy" ano pa man ang tawag natin sakanila iyon ay hindi na mahalaga sapagkat ang pagmamahal na ating binibigay sakanila ay siyang makapagliligaya sa atin. sila ang ating inspirasyon dahil tayo'y binuhay at inalagaan kaya't narating natin ang ganitong buhay ngayon. Salamat sa ating mga Ina na walang sawang umiintindi sa atin itong tulang ito'y isang pasasalamat sa bawat Ina na tulad ng nilalaman ng tula. Isang magandang tula na nagpapahiwatig ng pagmamahal.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng tulang ito ay nagpaparating ng isang napakagandang mensahe para sa lahat ng "ma, Nay, Mommy" sa mundo. Hindi man natin masabi sakanila ng personal kung gaano sila kahalaga sa atin, sa paraang ito, inihahayag ng may akda ang kanyang buong saloobin kung gaano kahalaga ang kanyang ina. Kaya marapat lamang na sila'y saluduhan sa lahat ng kanilang sakripisyo, pag-aaruga at higit sa lahat sa pagmamahal.
ReplyDeleteIba talaga magmahal at sumoporta ang mga nanay. Sila yung taong mas inuuna pa tayo kayssa sa sarili nila. Sila yung taong nagmamahal sa atin na walang hinihintay na kapalit. Karamihan sa mga kabataan ngayon, tulad ko, hirap sabihin o iparamdam sa mga nanay nila yung pagmamahal, kahit ang totoo ay mahal naman talaga natin sila.
ReplyDeleteAng ating mga Ina ang siyang ilaw ng tahanan. Patunay na kung wala sila sa buhay natin ay may kulang sa ating pagkatao na sila lamang ang bubuo. Ang mga ina ang pinakadakilang tao sa mundo dahil meron silang wagas na pagmamahal. Nagmamahal sila ng walang anumang kapalit, nagmamahal sila ng sobra-sobra. Kaya dapat natin silang pahalagahan at mahalin katulad ng kanilang pagmamahal sa atin.
ReplyDeleteNapakagandang tulang maghahatid ng inspirasyon sa bawat satin. Mula nang tayo ay isinilang kanilang tiniis ang hirap. Walang katulad ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na minamahal, Kaya kanyang gagawin lahat nang tayo'y mabuhay ng matiwasay lamang, At ating dapat suklian ang lubos na pagmamahal ng ating ina at pasasalamat sa poong maykapal dahil binigyan tayo ng inang nagpagandang halimbawa na magbibigay sating ng aral hanggang sa tayo ay tumanda na. Tayo ay lubos na pinagpala ngang diyos dahil binigyan tayo ng isang ina na gagabayan tayo at ilalayo sa masamang bisyo marahil ay magalit sila satin ngunit ito ang paraan ng pagmamahal nila dahil anak nila tayo at ayaw nilang mawala tayo. Kaya hanggang may oras pa ating mahalin ang ating ina. Mabuhay ang ating Dakilang Inay!
ReplyDeleteAng sweet! :) Pinapaala nito sa akin kung gaano ako kaswerte na may nanay ako.
ReplyDeleteNapakagaling ng pagkabuo ng konsepto, lalo na't tungkol sa magulang/nanay. Nakakatouch ang mga gantong uri ng tula. Magaling!!! :)
ReplyDeleteNapakagandang tula para sa mga nanay, inay, mama at mommy sa mundo. Ang ating mga nanay ang gumagabay at nag-aalaga sa atin hanggang sa ating paglaki. At ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay walang kapantay.
ReplyDeleteang tula ay napakaganda, tungkol sa mga Ina. ang pag mamahal ng Ina ay walang katumbas, kaya dapat natin silang pahalagahan!
ReplyDeleteang tula ay napakaganda, tungkol sa mga Ina. ang pag mamahal ng Ina ay walang katumbas, kaya dapat natin silang pahalagahan!
ReplyDeletePahalagahan natin ang ating mga nanay. Isipin nalang natin kung ano tayo ngayon kung wala sila. Kung wala sila, malamang ay wala rin tayo sa mundong ito. Dapat ay minamahal at nirerespeto natin sila sa lahat ng oras kasama man natin sila o hindi. Lahat ay ginagawa nila para lang maibigay ang mga kagustuhan natin. Ang maiisukli na lamang natin sa kanila ay pagmamahal, respeto, at wag nating sayangin ang mga bagay at oportunidad na ibinibigay nila sa atin.
ReplyDeletehabang nabubuhay pa tayo, sabihin na natin sa ating mga magulang lalong lalo na sa ating ina kung gaano natin sila kamahal. dahil walang matutumbasan na halaga ang pagsasakripisyo nila sa atin. kaya sa aking ina, I LOVE YOU PO !
ReplyDeleteNaipadama ng tula ito kung gaano kahalaga ating mga ina sa ating buhay. Di lamang napadama naipaalala rin, dahil minsan nakakalimutan na natin kung anung kahalagan at kung gaano kaimportante ang ating ina, marami na siyang naisakripisyo para sa kanyang mga anak. kaya sa lahat ng ina sa mundo , saludo po ako sa inyo.
ReplyDelete