Lazada

Monday, March 2, 2015

Lalaban ako! Hiyaw ng itlog sa loob mo.

Lalaban ako!
Hiyaw ng itlog sa loob mo.
Ni Mhelben Olivar

Nang nasa sinapupunan pa lamang ako
Dama na ang hirap pighati ng ina ko
Alam ko nang pasakit ni ina ay ako
Anong nagawa ko, O Diyos ko?
Di pa man isinisilang ako
Itinatakwil nang pilit ng ina’t ama ko
Umaga’y almusal ang alak at sigarilyo
Hapag ay alay ay pampalaglag
Kay sakit isipin ako’y ituring na laruan
Walang buhay na basta lang paglaruan
Buhay ko ba’y walang importansya
Sa ina’t ama kong maagang naglaro
Ng apoy sa kama
Bunga lang ba ako ng kasabikan nila?
Bunga nga lang ba ako ng katangahan nila?
O Bunga lang ba ako ng kahinaan nila?
Masakit na ako’y pagdamutan ng pagmamahal
Ngunit ‘wag naman sanang bawian ng buhay
Ng ama’t ina kong mahal kong tunay
Karapatang mabuhay ng isang nilalang
Huwag pangunahan ang Maykapal
Sa pagbawi ng aking buhay.
Kayo ang gumawa
At pumili na magpakasakit kayo
Sa maaga at walang pakundangang
Paglalaro ninyo.
Kayo ang may sala at ‘di ako
Lalaban ako!
Lumaban at kumapit sa obaryo ng ina ko
Di nagpadaig sa lason na ininom na naging kasama ko
Sa paghubog ng katawan ko sa loob ng ina ko
Epekto nito’y pagkabulag ko
Ipinanganak sa panahon ni Kristo
Namulat ng walang liwanag sa mata ko
Nang isilang ako
Dahil sa kemikal na ininum ng ina ko.
O ina ko, bakit pinili mong ipalaglag ako.
Ako’y walang kasalanan sayo
Buti’t akoy matigas na
At di pinahintulutang kitilan ng buhay
ng Dakilang Lumikha
Oh Diyos ko, patawarin mo ang Ama’t ina ko
Pasalamat at naisilang pa din akong may depekto
Ngunit may takot Sayo.

8 comments:

  1. lahat ng nilalang sa mundo ay nagkakamali ngunit nasa diyos ang awa kaya hindi ka nakitilan ng buhay

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Ang galing! Dapat talaga laging manalig sa Diyos! ;)

    ReplyDelete
  4. may kasabihan nga tayo,nasa tao ang gawa nasa Dios ang awa.

    ReplyDelete
  5. ang buhay ay isang pagpapala sa lahat

    ReplyDelete
  6. Tama ang isinisigaw ng nilalang na ito. Wala siyang kasalanan. Hindi niya kagustuhan ang mabuo at mapabilang sa mundong ito. Pero dahil siya ay nabuo na, kahit hindi pa siya lumalabas ay may karapatan na siya. Karapatan na mabuhay. Para sa magulang ng nilalang na nabuo, dapat siya ay tinanggap ng buo. Ginawa nila iyon kaya dapat ay alam nila ang responsibilidad na kaakibat ng kanilang larong ginawa.

    ReplyDelete
  7. Lahat ng tao nakakagawa ng mali. kaya ang mga kawawang bata ang nagsisisi sa kasalanang hindi naman nila ginawa.

    ReplyDelete
  8. Maniwala at manalig lamang sa Diyos, siguradong lahat ng problema masusulusyunan! :)

    ReplyDelete