Lazada

Monday, March 2, 2015

"Salamin"

"Salamin"

Maikling kuwento ni: Stephanie Yuse

isang pamilya na masayang kumakain sa hapagkainan , si jane ang panganay na anak maganda msayahin at matalino sumunod naman ang kanyang kapati na si john. maya maya ay nagsalita ang kanilang ama, ...
anak may sakit ako wag kayo mabibigla pero may kanser ako. saakin na ismo nang galing para hindi masakit.. nagulat ang lahat sa sinabi ng ama. pero pa hindi naman totoo yun diba magsasama pa tayo ng matagal nila mama. ngunit ilang buwan lng ang lumipas ay pumanaw na ang ama nila. Ate jane bakit tayo iniwan ni papa .. di nag tagal nadepress ang kanilang ina palagi nalang itong tulala at nawawala pag hapon. Anak jane hindi ko na kayo kayang tustusan ng kapatid mo wala na ang papa mo . kailangan ko na kayong pag hiwalayin . mama hindi totoo yan wag mo gawin yon mama di ko kaya mahiwalay sa kapatid ko bakit ka ba ganyan mama ano bang nangyayari sayo! kinahapunan nangyari na ang kinatatakot ni jane. isinaay na ang kapatid niyang si john sa sasakyan kasama ang di kilalang tao. humagugol so jane sa iyak ,. hanggang sa nakita ni jane ang ina sa kapitbahay at nag bebenta ito ng droga nagulat si jane .. kaya pala palaging tulala ang kanyang ina . isang gabi nagdala ng lalaki ang ina niya sa bahay. anak si tony nga pala mabait siya wag kang matakot iiwan ko lang kayo saglit ah, wag ma wag mo ko iwan dito! mama! at pinagsamantalahan si jane ng walang kalaban laban. pabalik ng ina tuwang tuwa pa ito. oh diba anak sinasabi ko naman sayo mabait si tony. Anong mabait mama iniwan mo ako sakanya pinagsamantalahan niya ako! ano bang problema mo mama bakit ako dinamay mo pa! wala kang sing sama! .. diring diri si jane ng mga oras na yon at hindi nagtagal ay tumakas siya ng bahay dahil baka gawan nanaman siya ng masama . hinanap ni jane ang kapatid niya sa kamag anak nila ngunit hindi niya lubusang nakikilala. nakita niya si john at pansamantalang tumira muna doon. ngunit napansin niyang lahat ng lalaki doon ay iba ang tingin sakanya .. masama ang kutob ni jane na baka gawan siya ng masama ng mga ito. John aalis tayo dito mamayang gabi wag ka maingay ha. opo ate. umalis nanga sila hanggang sa napunta sila sa simbahan at doon muna nag makaawang tumira. ikinuwento niya ang nangyari sakanilang magkapitid at mabuti nalang ay pinatira sila ng madre dito. ngayon hindi parin mawala sa isip ni jane ang maahas na karanasan niya. may sugat siya sa pisngi at nakaharap sa salamin habang naiisip niya iyon ay nagdurugo ang puso niya.
Maikling kuwento ni: Stephanie Yuse

UNOS

UNOS

Tula ni: Marife Buelva

Malakas na hangin at ula'y dulot ng bagyo
Na kayang kumitil mg libong tao
Dapapwat ito'y maituturing na delubyo
Na di kailanman mapipigilan ng kahit sino.

Sa mga bagyong dumaan
Lahat may nawalan
Anu't ano pa man
Tuloy pa rin ang laban.

Sa mga Pilipino ito'y pagsubok na lamang
Sapagkat likas sa atin ang pagiging matapang
Basta't tayo'y magkakatuwang
Bukang-liwayway ay sabay-sabay nating abangan.

Ano man ang unos na dumating
Ito'y piliting kayanin
Sapagkat walang di kayang gawin
Kung si Hesus ay nasa atin.

Puso lang

Puso lang

Isinulat Ni: Elaine P. Bautista

Sabi nila ang pag-ibig ay gawa ng panginoong sati'y lumikha. Isang bagay saki'y nagpaniwala sa pag-ibig na mahigawa.
Nang makilala ka'y 'di alintana ikaw na mahiwaga.
Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan nina Angelina at Sebastian. Kung idedeskrayb, si Angelina ay isang simpleng babae, takot maranasang magmahal sa isang lalaki, masiyahin at 'di kagandahan. Samantala, si Sebastian ay gwapo, mabait, palakaibigan, masiyahin at medyo babaero. Nagkakilala sa simbahan noong bata pa lamang, lumaking magkasama sa paglilingkod at kasiyahan. Sa dami ng pinagsamahan, naging matalik na magkaibigan. Magkasama sa asaran maging sa batukan.
Dumating ang araw na di inaasahan, nagtapat ng pag-ibig itong si Sebastian. Sagot ni Angelina ay 'di malaman, 'pagkat sya'y takot na masaktan ng habuling si Sebastian. Lumipas ang mga araw, hindi ang sagot nito kay Sebastian. Tanong nito ay bakit naman? Sagot nya'y kaibigan lang.
Ngunit buwan pa ang lumipas...pagsuyo ay di nagwakas. Pagkakaintindihan ang nabuo, puso ang namuno. Sa mga panahon ng kalungkutan, naging sandigan nila ang isa't isa. Pagkilala ay mas lumawak, sila ay 'di nabuwag.
Makalipas ang isang taon, pangako sa isa't isa ay nabuo, pagsuyo ay 'di nahinto. Puso nila'y naging isa, oras ay sa kanila na. Mga buwang dumaan ay napuno ng saya at ng pag-asa.
Ngunit sadyang si kupido'y mapaglaro, puso nila'y napaglayo...damdamin nila'y nagkasakitan, mata nila'y luhaan. May maling nagawa itong si Sebastian, nakasakit ng damdamin nitong si Angelina. Galit ay 'di magawa, 'pagkat sa pagpapatawad sya'y 'di nagsasawa. Puso ni Sebastian ay nagsisisi, desisyon ng isa'y di n'ya masisi. Lumipas ang mga buwan, pagkakaibiga'y di pinagkait nitong si Angelina. Alam n'yang mahal pa n'ya, ngunit takot rin ay nasa kan'ya na.
Mas matinding pagsuyo at paghing ng tawad ang ginawa ni Sebastian, at pangako'y kanyang pinatunayan. Iniwan ang kasalanan, binalikan ang kasintahan.
Kan'yang pinatunayan, pag-ibig n'ya ay totoo at 'di panloloko. 
Pagkakataon ng pagmamahalan, muli nilang naranasan. Pangako'y mas tumibay, at alam nilang wala ng bibigay. Kanilang mas nakilala ang isa't isa. Ngayo'y pinatutuayan, kanilang pagmamahalan. Mas namulat sila sa tunay na kahulugan ng pagmamahalan...mas nagkaisa ang kanilang mga desisyon, sinama si Kristo sa sentro ng kanilang relasyon. Sa saya at lungkot, sila'y di susuko, 'pagkat iisa na ang kanilang puso. Mga pangarap ay mas kumulay, at tumingkad lalo ang kanilang buhay. 
Totoong walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago, ngunit dapat lamang na tayo'y natututo. 
'Wag kang susuko sa bagay na alam mong totoo, 'pagkat ang pag-ibig ay tunay na mahiwaga...mararanasan mong lumuha pero lahat ng ito'y mawawala, kapag puso ang mangunguna.

SA AKING MUNDO

SA AKING MUNDO
ni Jean Pauline E. Ventula

        Maraming bagay mo akong pwedeng pag-gamitan. Sabi pa nga nila, ang buong kamag-anak ko raw aymahalaga sa ating lipunan. Matatagpuan mo rin ako sa maraming lugar, at bago kopa makalimutang sabihin, marami rin pala akong kamukha.

        Sisimulan ko angkwento ko sa amo ko. Isang umaga, nakalagay ako at ang aking mga kamag-anak sataguan ng aking amo. Sama-sama kami roon, nagkakasiyahan at nagkwe-kwentuhan.Kasama ko pa rito ang mga pamangkin ko na maliliit. At ng ‘di ano-ano’y tilalumindol, umaalog ang aming tirahan. Nahihilo ako. Palagi na lang ganito,palagi nalang may paglindol na nagaganap. At kahit na maraming beses na itongnangyayari, hindi pa rin ako masanay-sanay, ‘di ko lang alam kung ganoon dinang mga kamag-anak ko. Nang biglang tumigil ang paglindol, mukhang tumigil rinsa pagkilos ang aking amo. Kami naman ng mga kamag-anak ko ay ligtas sa amingkinalalagyan. Maya-maya’y biglang umanlinsangan ang amoy sa paligid, ang baho,hindi kami makahinga. Pinapatay ba kami ng amo ko? Isa ba itong uri ng pagpataysa amin ng mga kamag-anak ko? Sana naman ay hindi.

        Lumipas angilang minuto, narinig ko ang tunog ng tubig at mukhang gumagalaw muli ang akingamo. Nagsisimula na namang lumindol sa aming tirahan at habang siya’ygumagalaw, nalaglag ako sa aking tirahan. Nahuhulog ako, pababa, nang pababa,nang pababa, hanggang sa marating ko ang lugar na maputik at mabaho. Dito palananggaling yung amoy kanina. Hindi ko matukoy ng maayos kung ako ba aynalulunod o sadyang mababaw lang ang lugar na ito. Pero nakita ko ang aking amona akmang kukunin ako sa basang lugar na ito, at tunay nga, naramdaman ko angkanyang kamay habang kinukuha niya ako na may halong pandidiri.

        Hindi ko makitaang mga kamag-anak ko. Marahil ay nasa tirahan parin namin silang lahat,ligtas. Pero heto ako, basa, dahil ako ay pinaliguan ng aking amo, atpagkatapos nun ay nagpatuyo na ako. Nang ako’y matuyo ay inilgay niya ako saisa pa niyang taguan ngunit wala akong kasama. Ako lang mag-isa. Nasaan na kayasila? Ano na bang nangyayari?

        Nakatulog ako.Lindol. Nagising ako sa lindol, lumilindol na naman.

        Tumigil.Binuksan ng amo ko ang lugar na aking pinaglalagyan, narinig ko siyang kausapinang sarili niya. Ang sabi niya ay, “Hay salamat. Maalis na rin ‘to sa bag ko.”At kinuha niya ako mula sa aking kinalalagyan, habang ang kanyang kamay aydiring-diri sa akin. Sabay sabi ng, “Manong, bayad po. Isang Guadalupe lang poiyang bente.” At kinuha ako ng lalaki ng buong galak, at ngayo’y papalit-palitna ako ng amo.

PAPA

PAPA
Ni Mhelben Olivar

"Anak, uwi na, d2 na Papa"

Ito ay nagpukaw ng aking pansin habang ako ay naglalakad sa balkonahe ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta.Mesa kampus, ito ay isang plakard na pinukpukan ng pako at idinikit sa isang puno. Ako ay biglang napangiti at nakapagtanto ng maraming bagay, marahil ang tinutukoy nito ay ang ating Santo Papa na kamakailan lamang ay bumisita sa ating bansa at napagbuklod muli ang mga Pilipino na nagtipon-tipon sa Qurino Grandstand at Luneta Park kung saan din naganap ang makasaysayang pagbaril kay Pepe, ang ating Pambansang bayani. Sa pagbisita ng Santo Papa, gumawa na naman ng isang historya o rekord ang Pilipinas na matatandaan ng buong mundo. Tunay na nakakagulat at nakakabilib ang nangyaring iyon sa ating bansa.

Ang mga salita na aking nabasa ay nagbigay din sa akin ng kaisipan na maaaring ang tinutukoy nito ay ang ating butihing ama, tatay, itay, tay, Pa, o Papa na haligi ng tahanan na kumakatawan sa pagiging superyor at pangunahing pinagkukunan o nagbibigay ng ikabubuhay ng isang pamilya. Ito rin ay nagbibigay mensahe na nagpapaalala na “Anak, uwi na, d2 na Papa” upang siya ay salubungin at masilayan ng kanyang pinakamamahal na mga anak. Pagpasalamatan din natin ang mga pamilyang pinapanatiling buo ito. Tulungan natin ang mga kabataang walang ama at naliligaw ng landas. Ang pamilya ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang sangay ng lipunan. Dito hinuhubog ang mga propesyonal o maaaring dito rin hinuhubog ang mga kriminal kung mali ang pagpapalaki. Sa madaling salita, ang pagiging ama ay isang napakalaki at napakahalagang gampanin ng isang lalaki, maging responsable nawa ang mga haligi ng tahanan sa pagdidirekto ng buhay ng kanilang mga supling. Saludo ako sa mga amang may mabuting puso. Atin sila’y pasalamatan, “Pa, salamat po, mahal kita”.

Ito din ay mga katagang tumutukoy o nagpapahayag ng pangungulila mula sa Dakilang Ama na lumikha ng lahat sa ilalim ng araw na tayong mga tao ay namimis at gustong magbalik loob sa Kanya. Nagpapaalala na siyang Ama ay nandito at naghihintay lamang na ikaw ay masilayan at muling manalig sa kanya.

Lalaban ako! Hiyaw ng itlog sa loob mo.

Lalaban ako!
Hiyaw ng itlog sa loob mo.
Ni Mhelben Olivar

Nang nasa sinapupunan pa lamang ako
Dama na ang hirap pighati ng ina ko
Alam ko nang pasakit ni ina ay ako
Anong nagawa ko, O Diyos ko?
Di pa man isinisilang ako
Itinatakwil nang pilit ng ina’t ama ko
Umaga’y almusal ang alak at sigarilyo
Hapag ay alay ay pampalaglag
Kay sakit isipin ako’y ituring na laruan
Walang buhay na basta lang paglaruan
Buhay ko ba’y walang importansya
Sa ina’t ama kong maagang naglaro
Ng apoy sa kama
Bunga lang ba ako ng kasabikan nila?
Bunga nga lang ba ako ng katangahan nila?
O Bunga lang ba ako ng kahinaan nila?
Masakit na ako’y pagdamutan ng pagmamahal
Ngunit ‘wag naman sanang bawian ng buhay
Ng ama’t ina kong mahal kong tunay
Karapatang mabuhay ng isang nilalang
Huwag pangunahan ang Maykapal
Sa pagbawi ng aking buhay.
Kayo ang gumawa
At pumili na magpakasakit kayo
Sa maaga at walang pakundangang
Paglalaro ninyo.
Kayo ang may sala at ‘di ako
Lalaban ako!
Lumaban at kumapit sa obaryo ng ina ko
Di nagpadaig sa lason na ininom na naging kasama ko
Sa paghubog ng katawan ko sa loob ng ina ko
Epekto nito’y pagkabulag ko
Ipinanganak sa panahon ni Kristo
Namulat ng walang liwanag sa mata ko
Nang isilang ako
Dahil sa kemikal na ininum ng ina ko.
O ina ko, bakit pinili mong ipalaglag ako.
Ako’y walang kasalanan sayo
Buti’t akoy matigas na
At di pinahintulutang kitilan ng buhay
ng Dakilang Lumikha
Oh Diyos ko, patawarin mo ang Ama’t ina ko
Pasalamat at naisilang pa din akong may depekto
Ngunit may takot Sayo.

Pag-asa

Pag-asa
Ni Kevin Kurt Uy
Tayo nga ba ang pag-asa ng bayan?
Ang siyang magliligtas sa ating mga kalaban?
Mag-aalis sa impluwensiya ng mga dayuhan?
O tutulad din sa mga nauna na sunud-sunuran?
Ni minsan sa buhay mo natanong mo na ba?
Sa sarili mo kung ano ang ibig sabihin ng pag-asa?
Mag-aahon, magliligtas, mag-aalis sa sakuna,
Ngayon sa tingin mo ikaw ba ang pag-asa?
Maghihirap ang magulang para makapag-aral si Pag-asa,
Lalaki, matuto, uunlad si Pag-asa.
Yan ang inaasam ng sinumang umaasa
Na sana balang araw iligtas sila ni Pag-asa.
Ng lumaki si Pag-asa at siya’y nagsimulang matuto,
Sa kaniyang mga magulang, kaibigan, at magigiting na guro
Sa mga ito ano kaya ang kanyang ituturo?
Ang pag-asa, kaalaman o ang luho?
Nagkamali si pag-asa at siya’ y nagsimulang magsinungaling
Dumidiretso sa luho at gabi na dumarating.
Atensyon sa pag-aaral ay di na niya binabaling
Habang ang paghila sa kanya ay lalong lumalalim.
“Bumagsak ka din pala?” sabi ni Pag-asa.
Sabay tawa, apir at ayang magDOTA.
Natutuwa, naadik, nagsasayang na si Pag-asa.
Kawawang mga magulang dyan pa rin at umaasa.
Walang pinatungahan ang pagpapaaral kay Pag-asa,
Bagsak, kaya huminto at laging nasa lakwatsa
Inakala niyang maganda ang buhay na tinamasa
Kaya tuloy ang ligaya at kanyang pagpapasasa
Hanggang sa isang araw umuwi siya ng madilim
Nakatulala, tahimik, at di namamansin.
Tinanong siya ng kanyang magulang kung ano ang problema
Kawawang Pag-asa magiging tatay na pala.
Di nakapagtapos kaya’t walang trabaho.
Nakatira sa magulang dumagdag pa sa perwisyo
Matatanda niyang magulang ay di magkaugaga
Sa pagpapakain, pag-aalaga, na ibinigay ni Pag-asa.
Natutong uminom, kaya gabi gabi ay wala,
Iniiwan ang anak at kawawang asawa
Maninigaw, mananakit sabay tulog sa kama
Pagdating niya sa gabi matapos ubusin ang pera.
Nagpatuloy ng ganun ang napariwarang si Pag-asa.
Hanggang sa isang gabi ay napatay nya ang kanyang asawa,
Nagsigawan, nagkasakitan at di niya namalayan
Tumama pala ang ulo sa patusok na kawayan.
Umupo siya sa sulok habang tahimik na nakatitig
Sa katawan ng kaniyang asawa na nakahandusay sa gilid.
Bakit niya ba ito nagawa tinatanong niya sa sarili
Dapat bang kaalaman ang kanyang pinili?
Binuhat ang kanyang anak at sinabing “Ikaw ang bagong Pag-asa.”
“Kaya ayusin mo ang buhay mo at wag ka ng gumaya”
“Sa tatay mong pariwara at walang naging kwenta”
“Maging Pag-asa ka sana ng iyong pamilya.”
Binaba niya ang anak kusina’y pinuntahan,
Kinuha ang kutsilyo kaniyang leeg ay ginilitan,
Bumagsak sa sahig at hiningay naging pilitan
Hanggang ito’y tumigil at siya’y nalagutan.

Bayani

Bayani
Ni Kevin Kurt Uy
Nakikita mo ba ang sarili na isa sa mga taong magliligtas sa ating bansa? Wala mang magsasabi pero alam natin na karamihan sa ating mga estudyante ay gustong makapagtrabaho sa ibang bansa pagkatapos nating mag-aral. Bakit? Mas may tyansa kasi tayo sa ganoong paraan ng pamumuhay, mas may may tsansa tayong umunlad. Para sa pamilya, para sa mga bagay na gustong mabili, maipundar, at para sa buhay na inaasam pagtanda. Naisip mo ba na kailangan ka muna ng ating bansa bago ka magtrabaho sa iba?
Ayon sa statistiks halos 1.1 na milyong Pilipino na ang umaalis para makapagtrabaho sa ibang bansa kada taon. Sa mga nagdadaang taon patuloy pang dumadami ang mga “bayani” na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sadya bang wala ng solusyon sa mga problema dito sa ating bayan na kailangan na rin nating umalis at hanapin ito sa iba? Hindi ko sinasabing pinili nila ang pagpunta nila sa ibang bansa, ngunit katulad lang din ng maraming Pilipino, nagtitiis lang din sila. Nasa dugo na talaga ng mga Pilipino ang magtiis sa mga kadahilanang matagal ng nagpapatuloy sa ating bayan. Habang ang nakakatanggap ng dapat ay atin, tayo ang magbabayad.
Mali bang isipin na kasalanan din ng sitwasyon sa ating bansa ang paglisan ng mga bayaning ito? O ito talaga ang katotohanan? Masakit mang isipin pero dumidilim na ang pag-asa ng Pilipinas na makabangong muli, patuloy itong magdidilim hangga’t di pa nababago ang persepsyon ng ating mga kababayan sa pinakaimportanteng bagay sa pag-unlad, ang kawang gawa di lamang para sa sarili, pamilya o kababayan, kundi para sa bansa.

Edukasyon

Edukasyon
Ni Kevin Kurt Uy
Pag naglalakad ka sa kalsada nakakarinig ka ba ng mga salitang: “Hoy alam mo ang hirap ng midterm kanina grabe, sigurado bagsak ako dun.” Sabay tawa kasama ang mga kaibigan. Para sa mga kabataan ngayon wala na nga bang pangamba ang pagkawala ng kontrol sa kanilang edukasyon?
Bilang isang estudyante, masasabi ko na iba na talaga ang panahon namin. Di naman lahat pero karamihan sa mga kabataan ngayon ay iniisip na lamang ang edukasyon bilang parte ng kanilang buhay at hindi na prayoridad. Bakit nga ba naging ganun ang pag-iisip ng mga “kinabukasan ng bayan” sa kasalukuyan?
Nakakatakot isipin na magiging ganito ang pag-iisip ng ating susunod na henerasyon, pero dahil nga ba saan? Kaibigan? Pamilya? Sarili? Masasabi kong lahat ng iyon ay may epekto.
Ang mga kaibigan na nakapaligid sa atin ay nakakaepekto sa iba’t ibang paraan, at ang pinakaimportante o pinakainaasam na bagay na gusto nating makuha sa ating mga kaibigan ay ang suporta at pagtanggap. Madalas na na aabuso ang ganitong bagay sa mga pagkakaibigan lalo na sa iyong sarili. Pag nakakatanggap ka ng suporta at “acceptance” sa mga bagay na ginawa mo unti unti kang mawawalan ng konsiderasyon dun sa kadahilanang ayos lang naman ito sa ibang tao lalo na kung sasabihin ni kaibigan na: “Uy! Bagsak din ako!”
Palaging nakasuporta sa atin ang ating pamilya, kahit malaman nila ang mga bagsak mo sa grado susubukan ka nilang tulungan pero hindi nila ito kukunsintihin. Madalas na nawawalan ng atensyon ang mga magulang sa pag-aaral ng mga anak ngayon. Kailangan nilang magtrabaho para sa kanila kaya’t wala na rin silang panahon. Ang ganoong bagay ay nagbibigay ng pakiramdam ng kalayaan sa mga kabataan ngayon, na hindi na nila kailangang harapin ang kapalit ng kanilang ginawa. Samahan pa ito ng pagtanggap at suporta sa iyong mga kaibigan.
Sa huli sarili mo lang talaga ang makapagliligtas sa iyo sa ganitong pag-uugali, pero kung hinayaan mong hilain ka nito ng malalim may malaking posibilidad na mahirapan ka ng makabalik o mas malala di ka na makabalik. Mahirap baguhin ang mga bagay na nakasanayan na habang bata pa tayo, at hindi tayo magiging bata panghabang buhay. Madadala mo ang lahat ng ginagawa mo kapag naghahanap buhay ka na, at dun ka sasampalin ng reyalidad na sana nagseryoso ka.

Bahaghari Ni:Aira Marasigan.

Bahaghari Ni:Aira Marasigan.

Kapag umuulan siya ang hanap
Bawat patak ng ulan mga tao’y nanlulumo
Nasasabi nalang nila may bukas pa
Bukas na may bagong pag-asa.

Bagay na lumilitaw na lang biglaan
maraming natutuwa kapag siya’y nakikita
nagtataka kung bakit maraming kulay
siguro’y maraming ibigsabihin.

Sa bawat paglitaw hangad ang magandang dala
Maganndang panahon kanilang gusto
Ngiti ay makikita agad sa kanilang mga labi
Kapaligiran na tila maaliwalas na.

Bahagharing napakaganda,
Bahagharing di nakakasawang pagmasdan,
Bahagharing nagbibigay pag-asa,
Bahagharing aming mahal.

Sana'y Panaginip (Ikalawang Bahagi)

Sana'y Panaginip (Ikalawang Bahagi)
Ni: Pryce Philippe P. Alejandro

Ang iyong mga retrato ay nasa akin pa, nakatabi
Inaamin kong ito'y tinitingnan, inaaming nalulungkot tuwing gabi.
Tanong ng mga kaibigan natin, bakit hindi ako nagpapakita
Gusto ko sanang sabihin na ako'y hindi pa handa.

Ako'y nasaktan ng malaman na ikaw ay masaya na
Ang hirap pakinggan ng iyong pangalan lalo na't matagal na tayong hindi nagkikita
Ang lahat ba ng nangyari sa atin ay totoo?
Kung oo, bakit ang bilis mong makalimutan ang pagmamahal ko sa'yo.

Kung magigising ako ngayon na ikaw ang katabi
At ang lahat ng ito ay masamang panaginip lang 
Hahawakan ka nag mahigpit, mas mahigpit kaysa dati
At hindi ko hahayaang ikaw ay mapakawalan

Nang ako ay iyong iniwan
Puso ko ay lubusang nasaktan
Pagsasamahang di ko malilimutan
Ikaw, sa akin, ay walang hanggan.

Ako'y hindi magiging masaya
Sa iyong pagkawala
Sana ay panaginip lang
Mga nangyari at nadama.

Bagong Simula

Bagong Simula
Ni: Pryce Philippe P. Alejandro

Hiling ay isang pagkakataon, lagi
Para sa bagong simula
Pagkakataong ikubli ang pagkakamali
Ang mga pagkabigo ay itama

Isang araw ay hindi kakailanganin
Para sa bagong umpisa
Kailangan lang ng pagnanais
Kailangan ng gawa hindi salita

Mabuhay ng mas mabuti
Maging mapagpatawad
May ngiti sa mga labi lagi
Sa kinalalagyang pugad

Kaya huwag mawawalan ng pag-asa
Na lahat ay tapos na
Meron laging kinabukasan
Bagong simula ang inaasahan.

Ma, Nay, Mommy

Ma, Nay, Mommy
Ni: Pryce Philippe P. Alejandro

Para sa nagbigay ng buhay sa akin
Wala akong maipapalit kundi pagmamahal
Sa pinakamaliwanag kong bituin
Na binigay sa akin ng maykapal.

Salamat sa pagiging maalalahanin
Sa lahat ng gagawin
Salamat sa kasiyahan
Salamat sa pagtingin ng walang kapaguran.

Mahal kita ng sobra sa kahit ano
Mahal kita hanggang sa huling hininga ko
Hindi lang ina ang turing ko sa’yo
Kundi isang matalik na kaibigan na laging kasama ko.

Kakaiba ang ating samahan
Lahat ng gawin ko ay alam mo
Mga magagandang katangian
Na nasa iyo, pinapakita ko.

Bibihirang sabihin ito
Kung gaano ka kahalaga sa akin
Bibihirang gawin ito, Na ang pagmamahal mo
ang nagpapaluwag ng pakiramdam ko.

Mabuhay ng walang hanggan
Ang tanging hiling ko para sa’yo
Walang katapusang hagdan
Ang aakyatin ko kasama mo.

Katangi-tanging anghel sa buhay ko
Kaginhawan ang binibigay mo
Maging magulo man ang buhay ko
Manalo o matalo man ako.

Para sa nagbigay ng buhay sa akin
Wala akong maipapalit kundi pagmamahal
Para sa tunay na taong
Galing sa kalangitan ng maykapal.

Trapik

Trapik
Ni Aubrey Clarice Reyes

Pag gising sa umaga
Dali daling mag peprepara
Kailangan makalis ng maaga
Upang di na maabala

Ngunit umalis man ng maaga ito padin ang nadadatnan?
May sumpa ba itong daanan?Lagi lang ba natityempohan?
O kailangan lang pagpasensyahan?
Sabi nila sanayan lang yan?

Sa isip ko naman bakit sasanayin?
Kung pwede namang ayusin?
Bulong ng isipan.
Naglalakasang busina

Mga usok na nakakairita
Ang hangin ay mainit ang bug
Hindi na ba mareresolba?

KAIBIGAN

Kaibigan
ni Joanne May R. Estrada

Minsan ang kaibigan
kahit may tampuhan
ay laging nandiyan
kapag siya'y kailangan

Kasabay sa mga trip
kahit nakasakay sa jip
kahit sobrang sikip
patuloy pa din ang trip

Sabay-sabay naglalakad
habang dikit ang mga palad
hindi iniiwan ang isa't isa
hangang sila'y tumanda

MAKINIG KA SA SINASABI NGMAGULANG MO

MAKINIG KA SA SINASABI NGMAGULANG MO
ni Jean Pauline Ventula

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Kasi magulang mo sila

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Sila ang nagpalaki sa’yo

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Sila ang nagpapakain sa’yo

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Sila ang nagpapa-aral sa’yo

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
‘Wag mo munang isipin ang pag-ibig

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Bata ka pa, mag-aral ka muna

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Lolokohin at gagamitin ka lang niyan

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Para hindi ka masaktan

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Dahil sa huli, malalaman mo na tama sila

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Dahil alam nila ang nakakabuti para sa’yo

Makinig ka sa sinasabi ng magulang mo
Dahil kung ‘di mo alam, mahal na mahal ka nila