Lazada

Wednesday, February 26, 2014

Tibok ng Pusong Nakalimot

Tibok ng Pusong Nakalimot
akda ni Dianalyn Sanico

 Chapter I

“Ako si Cielo”

Ako nga pala si Cielo. Palayaw sakin yan nila mama at papa. Pinaikling Michelle Lorraine daw. Ewan ko ba kung bakit di na lang ginawang Mich o kaya naman Rain ang palayaw ko para naman magandang pakinggan at tunog babae. Kaya naman ang hinahayaan ko lang na tumawag sakin ng Cielo bukod sa pamilya ko ay ang mga matatalik kong kaibigan.
Panganay ako sa apat na magkakapatid. Dito sa barangay namin, kilala ang aming pamilya bilang takbuhan ng tulong ng aming mga kapit-bahay. Hiraman ng timba, tabo, kaserola at marami pang ibang bagay na maari nilang mahiram. Si mama naman ay tinatawagan pa bilang taga-pagluto sa mga handaan at sa mga piyesta. At si papa naman, pag walang pasada, suma-sideline pa bilang karpintero sa mga kalapit na barangay. Ganyan ang takbo ng pamumuhay namin. Payak pero masaya. Di man marangya, pero mapapansin ang pagkakaisa ng aming pamilya. Yan lamang ang maipagmamalaki ko na mayroon ako.
Bilang panganay, ako ang kanang kamay ng aming mga magulang. Lumaki rin akong matapang upang maging tagapagtanggol ng aking mga nakababatang kapatid na sina Meanne, Mark at Baby Nica. Natuto rin akong tumayo sa sarili kong paa dahil kahit sa eskwela mag-isa lang akong gumagawa ng mga proyekto at mga takdang-aralin. Mula elementarya hanggang mag-high school ako. Pinagsisikapan ko talagang matapos ang mga paperworks ko para kahit papano makatulong din ako sa iba pang gawain sa bahay. Sumasama rin ako kay mama tuwing linggo ng umaga para mamalengke. Di na kasi niya kayang magbitbit pa ng mabibigat na bayong.
Palagi rin kaming nagkukwentuhan ni mama habang naghahanda ng hapunan. "Kamusta naman ang klase niyo kanina?" Kadalasan yan ang tanong sa akin ni mama. At madalas ko din isagot,"Ok naman". Sa bagay, lagi naman okay eh. Ayoko kasing bumabagsak ang mga grades ko kaya kung maaari ay pinaghuhusayan ko talaga.
Alas siete na tuwing umuuwi si papa galing pasada. Alam naming pagod na siya ikaw ba naman lumanghap ng usok sa lansangan maghapon at mag-sukli sa mga kuripot na pasahero, akalain mong ang minimum fare daw ay anim na piso, anong petsa na?! 2012 na! Tumaas na presyo ng mga bilihin at gasolina, height ko na lan ang hindi pa.
Samantala, pagdating ng hapunan, sabay-sabay kaming kumakain sa lamesa dahil yun lamang ang panahon na salu-salo kami sa hapag-kainan na walang kulang na isa.
Kinaumagahan, pumasok ako ng mas-maaga pa sa oras ng aming klase ng tatlumpung minuto. Alam ko kasing may gaganaping programa. Opening daw ng Foundation day namin pero ipinagdiriwang ito ng isang linggo para daw masulit ang mga pakulo na isasagawa sa mga araw na darating.
Chapter II

“Foundation Day”

Dug dug - dug dug - dug dug, di ko alam kung bakit ako kinakabahan pagkagising ko kaninang umaga. Dahil ba Foundation Day na o may mangyayaring kakaiba?
"Haaaaaaayy!"Napapahikab na lang ako habang nanonood ng opening program. Nakakaantok. Di nakakatuwa. Naisip ko tuloy na mas mabuti pang ipagpatuloy ang naudlot kong panaginip kanina. Pano ba naman kasi, hahalikan na ako ng isang prinsipe pero ginising ako ni Mama. At naputol ang pinakamagandang eksena.
Dahil sa pagkabagot ko, naglakad-lakad na lang ako. Aba! May masaya rin pala saisang Foundation Day at yun ang iba't ibang pakulo ng mga guro at ilang mga estudyante. May sari-saring stalls na may makukulay na pintura. Mayroon ditong tinatawag na "foods and drinks booth", maraming pagkain dito sa pangalan pa lang di ba?! May burger, french fries, softdrinks, sitsirya, biskwit at kung anu-ano pa. Meron ding "kiss booth" na kung magbabayad ka ng tatlong piso ay may isang kiss mark ka na! May "jail booth" na kung mapagtripan ka ng mga taga-bantay auy lagot, kulong ka! Pero pwede ka pa rin namang magpiyansa sa halagang dalawamput-limang piso. At ano ito?, bakit may nakapilang pares-pares? Tinanong ko yung ateng nagbabantay, sabi nya, "marriage booth" daw yun.Ay oo nga, di kasi ang nagbabasa ng sign board. May naalala tuloy ako bigla. Siguro kung may gusto akong makasama sa booth na yun ay si Jiyong.
"Teka teka!" May humila sa aking dalawang tao at dinala ako sa jail booth. Ano ito?! Paglingon ko ay nakaposas na ako kasama ng lalaking kinaiinisan ko. Nakakulong sa maliit at mainit na jail booth habang asar na asar sa katabi ko. Siya si John Yuan Garcia. Mayaman, gwapo, simpatiko at higit sa lahat MASUNGIT,ISNABERO at hindi nakikipag-usap kung kani-kanino. Gusto siya ng halos lahat ng mga kababaihan sa paaralan namin. Kilala siya sa paglalaro ng soccer at chess. Pero balita ko, inis sa kanya ang kalalakihan. Intimidating daw kasi siya at sabi nila, hindi naman daw talaga siya mayaman at isa lamang daw siyang anak sa labas.Bastardo raw kung tawagin nila.
Kung tatanungin mo ako kung bakit ako naiinis sa kanya, mababaw lang. Yun ay dahil binabalewala lang niya ang mga kaibigan kong humahanga sa kanya. Akala mo kung sinong maka-asta. Kung babatiin mo, titingnan ka lang niya sabay alis. Ganyan siya kasungit. Walang-wala sa childhood friend ko kung ikukumpara. Si Jiyong ay napakabait at soft-spoken. Namamansin at hindi kagaya niya, isnabero.


CHAPTER III

“Sino nga ba si Jiyong?”

Si Jiyong ay naging kamag-aral at kaibigan ko nung nursery, kinder, prep at grade one. Palagi siyang binubully at inaapi noon. Nung una ko siyang nakilala ay binabato pa siya ng papel ng mga estudyante na may nakasulat na “bastard!”. Grabe naman sila, big deal ba yung walang ama? Hay! Si Jiyong, simula noon ay ako na ang naging tagapagtanggol nya. Pansin ko kasi lagi sa mga mata nya na takot siya sa mga pangungutya at pananakit ng ibang bata. Kaya mula noon ay tumayo akong isang sundalong lumalaban na handa sa anumang giyera.
Naging matalik kaming magkaibigan ni Jiyong sa loob ng apat na taon. Sa tuwing hinahatid siya ng kanyang ina ay sa akin siya pinagbibilin. Huwag ko daw siyang hayaang paiyakin muli ng mga umaapi sa kanya. Dahil doon naging dependent siya sa akin. Huminto lang ang araw-araw na pagtatanggol ko nung namatay ang nanay niya sa isang aksidente sa pabrika na kanyang pinapasukan. Gustuhin ko mang ipagpatuloy pero nabalitaan kong lilipat siya ng ibang paaralan dahil kukunin daw siya ng kanyang ama na walong taon niyang hindi nakita. Bago pa man siya umalis ay binigay ko sa kanya ang paborito kong lapis, yung kulay asul, maganda ang pagkakatasa at may “mickey mouse” na pambura sa tuktok nito. Sabi ko sa kanya, ito ang magsisilbing ala-ala na dapat siya ay maging matatag at matapang sa anumang haharapin niya sa buhay.
“Salamat, Cielo, hindi kita makakalimutan!”, yan ang binigkas niya na tumatak sa isipan ko na minsan pala’y nagkaroon ako ng isang matalik na kaibigan.

CHAPTER IV

“Pasukan na ulit ! Seniors na kami !”

Krrrriiiinnnnggg! Mukhang malelyt ako sa unang araw ng klase. Masyado atang huli ang pagtulog ko dahil sa excitement, ayun huli din ang gising. Masaya ang halos lahat tuwing pasukan, dahil bago ang mga kagamitan at bag pampasok. Pero mas eksayted akong makilala ang magiging mga bago kong kaklase.
"Ate, tara na! Ayoko ma-late sa unang araw!", sigaw sa akin ni Meanne, kapatid kong sumunod sa akin. Ikalawang taon na niya sa hayskul. Dali-dali akong naghanda, nagsapatos at tumungo kami sa paaralan sakay sa motorsiklo ni Papa. "Good luck mga anak", sabi ni Papa habang nakangiti at kumakaway sa amin.
Alam kong panibagong kabanata na naman ito para sa akin. Napakabilis ng panahon at heto nasa ika-apat na taon ko na sa hayskul. Parang kailan lang nung una akong natutong bumasa at sumulat. Sa ilang taon ko sa paaralan ay marami na rin akong natutunan. Di lang akademiko kundi pati extra-curricular activities tulad ng sports at iba pa. Dahil diyan nakasali narin ako sa Sports Club, Glee Club at Dance Troupe. Naging aktibo sa maraming organisasyon sa paaralan namin. Naging volleyball player din ako at lumalahok sa mga kompetisyon. Masyado akong naging abala sa madaming bagay noong mga nakaraang taon at nakalimutan ko nang bigyan ng panahon ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa akin tulad ng pagkain sa labas kasama ng pamilya, pakikipaglaro sa bunso kong kapatid na si Micah, at pakikipagkwentuhan sa dalawa ko pang kapatid na si Mark at Meanne.
"May bago daw tayong kaklase!"' yan ang bulong-bulungan ng mga katabi ko sa silid-aralan.
Mukhang nagkakagulo sila at ang iba pa'y nakatanaw sa gawing labas ng kwarto. Sa pagkaintriga ko ay nagpasya akong dumungaw na rin sa labas para makita ko kung ano o sino yung pinagakakaguluhan nila. "Naku! Siya na naman!", bulong ko sa sarili pero narinig pala ako ng mga katabi ko. "Anong NA NAMAN?!", tanong ng isa. Kinuwento ko ang tungkol sa nangyari sa Jail Booth noong nakaraang taon. "Nakakainggit ka naman",wika nila sabay ngiti. Ano bang masaya dun sa pagkakakulong? Hayy, Talaga itong mga kamag-aral ko.
Tumahimik ang lahat ng pumasok na ang aming guro at kasama niya ang bago naming kaklase."ahm .. Ako si John Yuan Garcia mula sa kabilang section.", sabi niya na tila may hiyang namumutawi. Maya-maya ay hinanapan na siya ng mauupuan. May bakanteng upuan sa likod at sa tabi ko, bandang gitna. Sa kasamaang palad ay doon siya pinapwesto ng aming guro.
"Ang malas ko naman. tsk", pabulong kong sabi. Napatingin sa akin ang mga nakarinig ng pasimple kong bulong. At sa di inaasahang pangyayari, napatingin din siya sa akin at nabitiwan niya ang kanyang bag na kanina pa niya hawak. Bumagsak ito at nalaglag din ang pencil case niya. Dali-dali niyang dinampot ang lalagyan ng lapis na tila may iniingatang bagay sa loob. Di ko na lang pinansin at kinuha ko din ang bag niyang nahulog sa sahig.



CHAPTER V

“Maling Akala”

"Cieloooo!", sigaw ng isang boses lalaki mula sa likuran. Lumingon ako at tila pamilyar ang mukha niya sa akin. "Uy, Ako 'to si Oliver. Klasmeyt mo nung elementarya!", sabi niya na may ngiti. Nagkwentuhan kami ng mahigit isang oras. Bago siya umuwi, inabot niya sa akin ang isang ticket ng musical show na gaganapin ngayong darating na biyernes. Kinuha niya ang numero ko at sinabing tatawag na lamang daw siya.
Kinabukasan, kkkkrrrriiinnngggg!~~may tumatawag sa telepono ng alas singko y media. "He-he-hello? Si-sino po ito?!", sabi ko ng
nag-uunat pa. "Si Oliver ito. Pwede ho ba kay Cielo?", sabi niya sa kabilang linya. "Pupunta na ba tayo doon ng ganito kaaga?!", sagot ko. Dali-dali akong nag-ayos at naghanda dahil susunduin daw niya ako. At dumating nga siya. Medyo pormal ang kasuotan niya. Sa ilang sandali ay nagtungo na kami sa paroroonan naamin.
Nagsimula na ang Musical Show. Iba't ibang makukulay na kasuotan ang nakita ko. Magagandang boses at mahuhusay na kilos ang pinamalas ng mga tauhan sa dula. Masaya ang panunuod ng show kahit pa sa pagkakaupo ko ay di ako mapakali. Para kasing nakakapanibago at nakapagtataka kung bakit ba ako sumama sa kanya. Di na namin ang tinapos ang show. Nagtungo kami sa isang cafe para uminom na anumang maiinom. Marami siyang naikwento sa 'kin. Tungkol sa kolehiyo nila, sa mga hilig at aktibidades niya ngayon. Napag-usapan din namin ang tungkol sa maraming bagay at nadako kami sa ala-ala ng elementarya namin. May naikwento siya na may naibigay raw ako sa kanyang lapis. Di ko na halos matandaan yung sinasabi niya pero sa pagkakatanda ko, mahilig akong magbigay ng lapis noon sa mga kaklase ko. May tito kasi akong nagtatrabaho sa isang pabrika ng lapis sa may singapore kaya marami kaming stock ng mga ito. Subalit may naikwento siya tungkol sa cute na pambura daw nito. Di na niya hinabaan ang kwento kaya't di ko na rin kinulit pa.
Sumagi sa isip ko ang tungkol sa lapis na binigay ko kay Jiyong sa huli naming pagkikita. Posible kayang piagtagpo kami ulit ng tadhana?
CHAPTER VI

“Jiyong's Point-Of-View”

Ako si John Yuan Garcia. Tinatawg din ako ng mga kaibigan ko noon na Jiyong. Ilang taon na rin ang nakararaan ng huli akong nagkaroon ng isang matalik na kaibigan.
Sa klase ko ngayon ay medyo nag-aadjust pa ko. Wala akong ibang kakilala, si Michhelle Lorraine lang. Siya yung babaeng nakasama ko sa Jail Both nung nakaraang taon. Siya yung babaeng tila may matinding galit sa akin. Ewan ko ba. Wala naman akong ginawa sa kanya. Noong huli ko nga siyang nakausap ay sinabi pa niyang malas siya dahil katabi ko siya sa upuan sa silid-aralan namin. Anong bang kasalanan ko? Mali bang ang pag-iwas sa mga di ko ganoon kakilalang tao? Mali rin bang maging tahimik?
Pero sa katangian ni Michelle Lorraine ay may nakikita akong isang tao na kasing-tapang at palaban niya, si Cielo. Ang bespren ko, kamag-aral, ate, at tagapagtanggol. Tama ang nabasa mo. Tagapagtanggol. Masyado kasi akong dumepende sa kanya sa mga panahong pakiramdam ko ay kalaban ko ang mundo. Maliban sa Mama ko ay siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Nang umalis ako sa paaralan namin noong katapusan ng ika-apat na taon ko sa eskwela, kinuha ako ng aking Ama na unang beses ko pa lang nakita. Yumao na kasi si Mama at halos ulila na ko sa oras na iyun. Wala rin kaming mga kamag-anak dito dahil nasa Mindanao sila, sa Sultan Kudarat. Tanging kami lang halos ni mama ang nasa Maynila.
Dinala ako ni Dad sa bahay nila ng totoo niyang pamilya. Oo totoo niyang pamilya dahil ako ay bunga lang ng pagtatksil niya. Pinakilala niya ako bilang pamangkin na ulila at walang matirhan. Alam kong mahirap ang sitwasyon ko at wala na din akong malapitan. Pinasya ko na lamang na paniwalain ang sarili ko na hindi ako ni Papa. Nagsikap akong mag-aral ng mabuti nang inilipat niya ako ng paaralan at pinagpatuloy ko ang aking magandang nasimulan.
Ala-ala ng pagkakaibigan namin ay naging matapang ako. Tanda na rin ng lapis na bigay ni Cielo sa akin. Lapis na may "mickey mouse" na pambura. Ito yung nagsisilbing lakas ko ng loob. Mas pinili ko na ring maging hindi pala kaibigan kung kani-kanino para na rin hindi na maging issue pa ang pagiging anak ko sa labas. At ang pagiging kabet daw ni Mama na wala naman siyang kamalay-malay na niloloko lang pala siya ng aking iresponsableng ama.
Noong lumipat ako sa kabilang section, wala talaga akong ibang intensyon kundi ang masubukan ang mapunta sa ibang grupo ng tao at kilalanin ang taong hinahangaan ko.
Papapasok na ako sa una kong klase ngayong umaga. Bandang Alas Otso na. Mukhang mahuhuli ako. Nagmadali akong naglakad patungong eskwela. Malapit lang naman. Pinili kong dumaan sa eskinitang di masyado nakagagawian ng mga tao pero mas mapapabilis ako.
"Hoy bawal dumaan dito ang mga kagaya mo!", sigaw ng isang lalaki. Marami siyang kasama na nakaharang sa daan. Nakatingin sila ng masama. Di ko sila kilala pero namumukhaan ko ang ilan sa kanila, mganakalaban namin sa isang soccer game nung nakaraang linggo. Tumingin ako sa relo ko. "Naku sobrang late na ako!", sabi ko sa isip. Pinasya ko nalang na pabayaan na lang sila at lampasan na lang. Subalit sa di inaasahang pangyayari, hinablot ng isan ang mga bitbit kong aklat. Pinilit kong kunin mula sa kamay niya pero sinalubong ako ng isang hambalos ng upuang kahoy ng kasamahan niya. Matindi ang pagbagsak ko. Sinubukan kong tumayo muli at lumaban. Pero .. Hinawakan ako sa braso mula sa likod at pinagsusuntok ako ng walang kalaban-laban. May narinig akong tinig ng ilang mga tao na papalapit sa kinalulugaran namin. Buti at dumating sila. Dali-daliong nagsialisan ang mga grupo ng mga lalaki na bumugbog sa akin.
"Paano na ang nalalapit kong laban sa soccer sa sususnod na linggo? Paano na ang Seniors Prominade?", bulong ko sa sarili.. Sa tindi ng sakit na natamo ay nawalan ako ng malay. Pag mulat ng mga mata ko, nasa ospital na ako. Sinubukan kong tumayo pero di ko magalaw ang mga paa ko. Gustuhin ko mang igaalaw ang katawan ko pero sobrang sakit. Ilang araw din akong nagtagal sa ospital. Marami akong hindi nagawa. Hindi nakapaglaro sa inter-school sports competition. Kaya kinausap ko ang duktor kung maari na ba akong lumabas ng ospital. "Mukhang bumubuti na ang kalagayan mo iho" sabi ni dok.
Ilang araw nalang at makakalabas na ako. May X-ray examination ako bukas sabi Papa sa isang tabi. Sana mas mapadali pa ang paggaling ko. "Anak, sundin mo ang payo ng duktor para sa mabilis mong recovery. Nalalapit na ang Prominade niyo at hindi pwedeng hindi ka makadalo. Minsan lang yan maganap sa buhay estudyante. Dapat ay makahanap ka na ng kapareha mo." sabi ni Papa. Ngayon ko lang halos nadadama ang pagiging ama niya sa akin. Masaya pala sa pakiramdam.

CHAPTER VII

“Seniors' Promenade”

Masakit ang ulo ko pagkagising, medyo napuyat kasi ako kaiisip sa maraming bagay dumagdag pa si John Yuan na ilang araw nawawala. "TOK!" ~ hampas ni Mark ng unan sa ulo ko, kapatid kong may pusong babae. "Ate Cielo! Ano pa bang hinihintay mo? dalian mo at mamimili ka pa ng susuotin mong gown para sa prom niyo", sabi niya. Sa totoo lang, wala talaga akong balak na dumalo dun at isa wala rin naman akong escort. Sumabat pa si Mama na tila namimilit, "Anak, wag ka nang magpatumpik-tumpik pa. Minsan lang ang mga ganyang pagkakataon, kaya wag mong palalampasin pa". Sa make-up at sa hairstyle ay sagot na raw ng pinsan kong si ate Bridgette na isang stylist.
Masyado silang mapilit kaya napa-oo na rin ako. Ano pa bang magagawa ko? Todo suporta ang pamilya ko eh.  Pero di balak dumating doon ng maaga. Malamang ay mababagotlang ako sa mga love songs na ipapatugtog dun. "ding-dongggg!" ~ may tao ata sa pinto?
"Hala ate Cielo ayan na ang escort mo!", panunudyo ng bunso kong kapatid na si Micah. Nagulat sila Mama at lalo na ako. Isang pamilyar na boses ang humahanap sa akin. "Pwede po ba kay Michelle Lorraine?", tanong niya. Waaaaa! Si John yuan?! Paano niya nalaman ang address namin?
"Yu-Yuan, Anong ginagawa mo dito?!", tanong ko na may halong pagkagulat.
"May gusto sana akong samahan bilang kapareha sa Prom Night. Kung ok lang sana?", mahina niyang sagot.
Narinig at nakita ni Mama kung paano sinabi ni John Yuan ang kanyang pagpapaalam. Pumayag si Mama na siya ang maging escort ko sa isang kondisyon, wag na wag daw akong pababayaan at mapapahamak.
Sakay ng kotse nila John Yuan ay nagtungo kami sa pagdarausan ng Promenade. Ilang minuto pa lang ay nakarating na rin kami. Maganda ang mga disenyo sa labas pa lang. Pati mga ilaw at mga mesa na may makukulay na mantle. Nakakamangha rin pagmasdan ang magagandang kasuotan ng mga nagsidalo.
Habang nasa upuan na kami, nagpaalam sa akin si Yuan na may aasikasuhan lang saglit. Medyo kakaunti pa lang ang mga tao kaya nakapili pa ako magandang pwesto para sa amin.
Ilang sandali lang ay nagsidatingan na rin ang mga kaklase at mga kaibigan ko. Marami nang tao. "Michelle! You look great!", sabi ng isang kaibigan ko. Sumang-ayon naman sila sa sinabi niya. Nakakahiya naman. Habang nagkukwentuhan ay biglang tumugtog na ang mga kantang romantiko. Nakangiti ang halos lahat kasama ang mga kapares nila. Nagulat ang lahat nang itinigil ang musika. Natanaw kong nasa harapan si John Yuan at may binulong sa host ng programa. At ilang sandali pa ay tumugtog ang kantang "My Valentine". Napatingin ang lahat sa akin! Tumapat kasi ang SpotLight sa akin. Gulat naa gulat ako kung anong nangyayari. Lumapit sa akin si John Yuan at inalok akong sumayaw.
Nakatingin na ngayon sa amin ang lahat. At nagsimula na siyang magsalita,"Cielo...."
Tinawag niya akong Cielo? Ano ito?! Oh MY! Kilala niya nga ako.
"Cielo, sana natatandaan mo pa ako.." mahina niyang sabi habang kami'y nagsasayaw
"Oo, Ikaw si Jiyong di ba?!", sumagot naman aako
"Hinding-hindi ko makakalimutan ang kabaitan mo, kahit pa mawala sa ala-ala ko ang itsura mo sa tagal ng panahon", dagdag pa niya
Di ako makapaniwala sa mga nagyayari. Si Jiyong nga ang kaharap at kasayaw ko ngayon. Di ako makasalita. Pilit ko pa ring pinaniniwala ang sarili ko na hindi ito isang ilusyon. Nang malapit na matapos ang prom night, ipinakita sa akin ni Yuan ang lapis na may "mickey mouse" na pambura. Ayos pa rin ito at tila hindi ginamit magmula noon.
Sa pag-uwi ko ay dala ko ay isang ngiti. Hinatid niya ako sa bahay at may binigay na rosas.
CHAPTER VIII

“Happy ending kaya?”

Maaga akong pumasok sa eskwela. Marami daw kasi kaming gagawin sa buong araw. Nagpasya akong magtungo muna sa locker ko para kunin ang kakailanganin kong mga libro at magbabasa na lamang sana ko sa silid-aralan namin habang may yapak akong naririnig mula sa likuran ko.
Si Jiyong pala. May dala siyang bouquet ng pulang rosas. Di ko maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig pero alam ko lang ay nakakakilig pa lang bigyan ng rosas. Nakatingin siya sa akin at inabot ang hawak niyang mga bulaklak. "Haaayy. Ang pagkainis ko sa kanya noong una ay parang napapalitan na ng paghanga." isip-isip ko. Nagkwento tungkol sa mga nangyari mula kami ay nagkahiwalay. Ang naging kakampi na lamang niya ay ang ala-ala ko sa kaniya. Natuto daw siyang tumayo mag-isa nang di na kami maaring magkita. Marami din daw ang nagbago sa kanya. Naging matatag at matapang na siya. Siya na lamang daw kasi ang nag-iisa sa buhay dahil sa tinitirhan niya ay di naman siya itinuturing na pamilya."Cielo, matagal din kitang hinanap..."aniya.
"Ako rin, Jiyong..." sagot ko.
"Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay pa." sabay namin sabi sa isip.


 PAGLIPAS NG SAMPUNG TAON ...


Nakapagtapos na kami ng kolehiyo. Ngayon ay engineer na siya at ako naman ay isang guro sa mga bata sa kinder. Maraming pangyayari ang nagdaan. Gaya ng pag-cecelebrate namin ng buong pamilya ng pasko, bagong taon, mahal na araw at Valentines' day at marami pang iba. Ilang buwan na rin at nalalapit na ang aming kasal. Handa na aang lahat; ang trage de boda, mga bisita, pagkain at ang simbahan na paggaganapan ng aming kasal. Di ko pa rin nalilimutan ang kwento ng aming pag-iibigan na siyempre ang nagbuklod muli sa amin ay ang lapis. Hanggang ngayon ay ayos pa ang lapis. Di na muli itong natasahan magmula noon. Dahil sa lapis na yon nagkaroon ng katuparan ang mga simpleng pangarap ko. Hindi lang sa Marriage Booth ko makakasama si Jiyong kundi, pang habam-buhay ....




No comments:

Post a Comment