Lazada

Tuesday, February 25, 2014

Magulong Tadhana

Magulong Tadhana
akda ni Jeany Lee Dela Cruz

“Ang pangit naman ng anak niyo”
“san niyo ba pinaglihi yan ? bakit ganyan ang istura niya?”
“hay naku bata ka ! karaot-raot mu guyd”
Mga kataga na sa naririnig ni Chloe simula pagkabata. Itsura niya’y pangit. Pango ang ilong at kay itim ng balat.  Magulang niya’y di naman ganoon ang kapangit. Bakit kaya siya ganoon na lng ang itsura.
Sa paglipas ng panahon, mukha nyia’y nagbabago. Unti-unting gumaganda. Balat niya’y pumuputi at kumikinis. Bakit kaya biglang nagkaganoon? Siguro ay dalai to ng kanyang pagbabagong pisikal. Mga nanlalait sa kanya ay mga natulala. Hindi makapaniwala sa kanilang mga nakita. Ang dating pangit, ngayon ay maganda na.
“nagparetoke ka ba ? bakita ka biglang gumanda?”
“hala hindi ho. Natural beauty po ito.” Tugon no chloe.
Bata pa lang ay maliksi na si chloe. Kilos lalaki. Paborito niyang laro ay langit-lupa. Dala na rin ng katangkaran , mga hakbang niya kay lalaki din. Kaya mga kalaro ay lagging nahahbol. Taguan naman ang kanyang ayaw dahil malaki siya at hindi makakapgtago ng maayos.
Sa kanyang pag-aaral nakitaan siya ng talino. Medaling matuto at mabilis umunuwa. Kaya magulang niya ay tuwang tuwa.  Magsisimula na siya mag aral. Kumuha ng pagsusulit upang masubok ang kanyng alam. Guro niya’y nilagay agad siya sa kinder 2. Nagulat ang marami lalo na ang kanyang mga ksabayan. Dahil siya’y nilagay agad sa kinder2.
Lumipas ang taon, si chloe ay pinasok ng kanyang ina sa grade1. Ngunit hindi siya tinganggap dahil limang taon si chloe. Ang tinatanggap daw sa grade ay mga batang anim na taon na. kaya’t itong si chloe pinasok sa prep. Muling nagpakitang gilas sa mga kamag-aral pati na sa kanynag guro.
Isang araw, habang papasok sa paaralan, katulong nilay siya ay binigihisan. Nakalimutan siyang lagyan ng panty. Ito naming si chloe, ndi nagsabi. Kaya pumasok sa paaralan ng walang panty. Kanya pa lang pag-up ay maingat. Hanggang uwian hindi siya gumagala sa kanyang kinauupuan.
“ ning, may panty ka bang suot ?” tanong ng katulong.
“wala po” sagot ni chloe.
“hahahahha. Bakit hindi ka nagpanty ?”
“eh hindi niyo naman ako sinuotan”
Pagkalipas ng isang taon, nakatapos si chloe sa prep ng may karangalan.
Nakapasok na din siya ng grade1. Likas din pa lang madaldal itong si chloe. Akalain mo’y lahat kinalaibigan at kinakausap sa loob ng klase. Mas malaks pa kanyang daldal kaysa sa kanyang pagrerecite. Ngunit sa klase ito’y hindi pa din nagpapahili. Nakagradaute ng grade1 kamit ang ika-apat ng karangalan. Tuwang tuwa ang kanyang mga magulang habng umaayak sa entablado.
Grade ng simulang magkaroon ng crush si chloe. Grade 3 naman ng maging aktib si chloe sa klase. Grade 4 na unang mahalal bilang sekretarya. Hangaang grade nanatili itong sekretarya. Grade 6 lumahok si chloe sa badminton team. Kung saan nakipagtunggali ito sa ibat-ibang palaro. Kasali din siya sa journalism kung saan siya ang sportswriter. Nanalo sa mga patimpalak at nanguna dito. Nakapagtapos ng may karangalan. Nakuha ang ika-anim na karangalan.
1st year hayskul si chloe, sa skul ng mga madre siya ipinasok. Nagging aktibo at pangatlo sa nangunguna sa klase. Ditto unang nagkaroon ng unang manliligaw. Yun nga lang ay tibo. Nagkaroon din ng mga manliligaw na lalaki ngunit ni isa ay wlang sinagot. Maganda talaga si chloe. Habang siya’y naglalakad, mga lalaki sa kanya nakatingin. Dagdagan pa ng maganda postura ng katawan. Tapos may magnda pang tangkad. Para bang siya ay kasali sa miss universe.
2nd year ng ilipat siya sa ibang paaralan. Ditto nagkaroon ito ng kaaway. Nakikipag kaibigan kasi siya sa kanyang mga kaklase. Biglang nagalit si shyne kasi ang kaibigang si lira ay kay chloe sumasama. Ditto din nagkaroon ng unang kaaway na lalaki.
“hi chloe”ika ni marl
“hmmp”
“ang suplada” sabi pa ni marl.
“mayabang !” ganti ni chloe.
Silay nagging mag kaaway hanggang matapos ang taon. Pero bago matapos ang taon, may nanligaw kay chloe. John ang kanyang pangaln. Hindi dapat sasagutin ni chloe ang manliligaw na ito. Pero pinilit kasi siya ng kanyang kaibigan na si shyne. Kaya aun, ito’y kanyang sinagot. Nagging sila. Ngunit ito’y hindi nagtagal. Dahil ayaw ni chloe paasahin si john, ito’y kanyang hiniwalayan. Magpapasko ito ng siya ay makipaghiwalay. Nung una nag aalinlangan pa siya. Pero bandang huli ito’y kanyang ginawa. Kaya yun naghiwalay sila.
3rd year hayskul ng nagging malungkot ang kanyang buhay. Sapagkat dalawa sa kanyanng kaibigan ay nahiwalay ng section. Sila shyne at lira pa ang nahiwalay. Gayun pa man, anjan naman si chilly. Sila ang nagging magksama sa unang taon. Dumating sa kanilang section sila laiza at tricia. Nagging parte na din sila ng barkada. Lagging silang magkasama. Isang pangyayari ang di inaasahan. Itong si marl na mortal na kaaway ni chloe, biglang nagkagusto sa kanya. Nahulog ang loob sa isa’t-isa. At di nagtagal sila’y nagging magkasintahan
Isang araw, nag away si laiza at chilly. Dahil na rin sa pagiging maldita ni chilly, ugali niya ay sinalungat ni laiza. Kaya si laiza ay humiwalay. Ito na ang simula ng kanilang paghihiwa-hiwalay. Pumunta si laiza sa ibng grupo. Si chilly naman ay sa isang grupo din. Si tricia naman doon sumama sa lalaking kanyang pinakamamahal. Kaya naiwan mag isa si chloe. Hindi nagtagal, sumama siya kay laiza. Kaya nagging parte na din siya ng barkada. Nagging maganda ang pagtanggap sa kanya. Dti naramdaman niya ang tunay na kaibigan.
Lumipas ang ilang buwan, pagtitinginan ni marl at chloe  ay lalong lumalalim. Naipakilala ni marl si chloe sa kanayang mga magulang. Ngunit si chloe ay hindi magawa dahil mahigpit ang kanyang mga magulang. Kaya nanatili itong skreto sa kanyng mga magulang. Isang araw habang magkatext silang dalawa, hindi nabura ni chloe ang mga text sa kanya ni mar. kung kaya’t ito’y nabasa ng kanyang mga magulang. Nagalit ang kanyang mga magulang. Sinabi pa iwan si marl. Hindi nagpatinag ang adalwa kung kaya relasyon nila ay lalong lumalim pa. ang problema lang nila ay lagi silang nag aaway. Lagi silang nagbabangayan. Hanggang isang araw ay nanankit na si marl. Pasa ang abot lgi ni chloe mula kay marl. Lagging umiiyak si chloe sa tuwing sila’y mag aaway. Wala naman magawa ang kanyng mga kaibigan sapagkat ayaw nilang makialam. At higit sa llahat, natatakot sila kay marl.
Isang araw, naisipan ni chloe makipaghiwalay. Ito naming si marl ay pumayag. Hindi alam ni chloe na mayroon na pa lang iba ito si marl. Nagging sila ni claret habang sila pa ni chloe. Kaya nung nakipaghiwalay si chloe, pumayag na si marl. Umiyak ng umiyak sic hole dahil sa kanyng nalaman. Wla siyang magawa kundi tanggapin na lng ang nangyari. Graduation na. huling pagsasama-sama na nila ito.
Napagpasiyahan ng kanilang section na magkaroon ng outing. Dahil dit nagging magkatex sina chloe at jc. Pero nung panahon na iyon, my kasintahan na si jc. At sadyang napakababaero nitong si jc. Nagkaroon ng malalim na pagkakaintindihan. Sa outing sila’y nagksama. Dahil sa silay magkaklase, sila ay lubos na nagkaintindihan. Ngunit hindi ito alam ng kasinthan ni jc. Sa outing biglang sumulpot itong si marl. Si chloe ay kanyang biglang hinatak. Kaya’t itong si chloe bigla na namng umiyak. Natapos ang outing ng may lungkot sa mata ni chloe. Matapos ang outing na iyon ay din a muling nagkatext sina jc at chloe.
Nagkita lamang silang dalawa sa pila sa isang kolehiyo. Sila ang magksama at niyaya ni jc na kumain sa labas itong si chloe. Kinabuksasan muling bumalik sa kolehiyo upang kuhain an gang isang mahalagang dokumento. Doon any magksama na naman sila. Nang biglang dumating si marl sa eksena. Si chloe ay naguguluhan at natatakot nab aka mag-away ung dalawa. Umuwi silang hindi nagpapansinan. Nauna nang umuwi si jc. Habang si marl ay kinausap si chloe.
“ ano bang meron sa inyo ?”marl
“magkaibigan lang kma”chloe
“Magkabigan ? bakit kayo magksama ?”marl
“eh ano bang pakialam mo ? bakit tayo pa ba ?”chloe
Sabay talikod si chloe. Iniwan si marl sa kalsada. Paglipas ng ilang buwan, naghiwalay si jc at kanyang kasintahan na si cris. Nagkaroon ng pagkakataon na ligawan ni jc si chloe. At hindi nga nagtagal ay nagging sila ni jc. Bigla na namng  sumingit sa eksena itong si marl. Tinext si chloe :
“bakit ka nagboypren ?”marl
 “eh ano naman sa iyo ? bakit tayo pa ba  ? Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Kaya magpakasaya na lng din sa buhay m. tandaan mo, inantay kita, pero hindi ka bumalik. Ngayong Masaya na ako kay jc, ngayon ka aaligid ? wala kang karapatan tanungin ako kung bakit ako nagboypren ! dahil single naman ako ! kaya kung pede tigilan muna ako. Ngayon ka pa manghihinayang sa akin kung kelan wala na ako. Ilang buwan kita inantay. Pagkatapos ng graduation araw-araw kitang inaantay. 3 buwan ! 3 buwan un marl. Pero naisip kong bakit ako nagpapakatanga sa iyo. Eh meron naman jan na nagpapakita na mahalaga ako.” Chloe
Hindi na nagtxt itong si marl. Hindi na din nagparamdam. Matapos ang problema kay marl, sa ex naman ni jc ang problema. Inaway si chloe. Sinabihang malandi. Sinasabi din na hindi maganda. Eh kitang kita naman na walang panbla itong si cris kay chloe. Tangkad pa lang ay hindi na kakasa. Talino palang ay walang wala na tio kay chloe. Gumawa ng kuwento upang masira ang relasyon. Isa na ditto ang kinakalat niyang lahat dawn g lalaki na classmate ni chloe nung hayskul ay kanya daw nagging syota. Na hindi naman totoo. Dayang ligawin lang talaga si chloe kaya halos lahat ng lalaki ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nagtagal ay tumigil din si cris sa kanyang mga kuwento.
Sa isang relasyon hindi maiiwasan ang pag aaway. Isang araw nahuli ni chloe na may kachat si jc. Ang pangalan nito’y ara. May tawagan pa nga ang dalawa. Ito’y pinabulaanan ni jc. Tinanggi niya si arah. Isang araw, nagkaharap si chloe at arah. Biglang umiwas si ara sa daan ng Makita niya si chloe. Sa sobrang galit ni chloe lalapitan sana niya ito. Pero naisip niyang hindi naman talaga kasalan nito ni arah.
Inaway ni chloe si jc. Nakipaghiwalay dahil sa nangyari. Ngunit hindi pumayag si jc dahil mahal na mahal niya si chloe. Nagawa lang niya ito noong una. Nangako na hindi na ito mauulit pa.
Isang araw may natuklasan na naman si chloe. Nalaman niyang nagyoyosi pla itong si jc. Muli ito’y tinanggi na naman ni jc. Sobrang galit na naman nitong si chloe. Ayaw kasi umamin si jc. Lalo pa niya itong tinatanggi. Nakikipaghiwalay na naman itong si chloe.
Pinaka ayaw pa naman ni chloe ay ang pinagmumukha siyang tanga. Ayaw niya rin ang sinungaling.
Makalipas ang ilang taon sila’y matatag na nagsasama. Sa katunayan, napakillala ni jc si chloe na first time niya ginawa. At si chloe pa lang ang kauna-unahang babae na kanyang pinakilala. Natuwa naman si chloe sapagkat ito’y nagawa ni jc.
Malapit na magdebut si chloe. Isang buwan na lng at sasapit na ang ika-18 taon ng kanyang kaarawan. Isang espesyal na okasyon sa isang babae . abala na sa paghahanda ang pamilya ni chloe. Inaasikaso ang pagdarausan ng okasyon. Pati ang magkacater ay pinaghahandaan din. Ang lahat ay abala sa paghahanda. Ang nipili niyang gown ay kulay pula at isang parang violet. Two tone ang kulay ng parang violet.
Araw ng kaarawan nni chloe. Mas lalo siyang kinabahan. Dumating na din ang magmemake-up sa kanya at ang mag-aayos sa kanya. Huling dumating ang photographer ni chloe. Nagkataon naman na kasagsagan ng bagyo. Ang lakas ng ulan ng hapong iyon. Pero tuloy pa din ang pagdiriwang. Umalis na ng bahay ang pamilya ng chloe sakay sa isang magarang sasakyan na kanila pang inarkila. Pagdating sa lugar ng pagdarausan, ni isa ay wala pa. dala na rin ng bagyo, nabahala ang ilan nab aka bumaha kung kaya’t hindi nagsipunta ang iba. Mas lalong kinabahan si chloe dahil sa pag-aakala na walang pupunta sa kanyng pinaka-espesyal na araw. Nang maglaon, unti-unti nang nagsipagdatingan ang mga bisita. Masyado ng gabi ng magsimula ang seremonya. Tuwang-tuwa si chlo sapagakat dumami din kahit papaano ang kanyang mga bisita. Ngunit ang kanynag ikinalungkot ay ang hindi pagpunta ng ilang niyang mga kaibigan nung kaskul. Na itinuturing pa naman niayng mga kapatid na. nagkaroon kasi ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila. Pero kahit papaano ay may pumnta pa din. At nakapagdala pa ng regalo. Nagsimula na ang palabas. Inihatid siya ng kanyang escort na si jc sa kanyang uupuan. Pagkatapos ay pumasok na din ang kanyang mga magulang. Nabuhayan ang lahat dahil sa mga emcee ni chloe. Napakakuwela at magaling na komedyate. Nagging variety show at debut tuloy ang kinahinatnan ng pagdiriwang. Sa huli nagging maayos, Masaya si chloe
Matapos ang isang lingo, may nalaman si chloe na hindi magnda sa kanyang kasintahan na si jc. Nahuli niya itong may kachat saa email na ikinasama ng kanyang loob.at higit sa lahat ay itinatanggi naman ito ni jc. Nanginginig sag alit si chloe. Akala niya ay maayos na ang lahat sa pagitan nila ni jc. Nalaman niyang niloloko na naman siya ni jc. Habanag tumatagal ang araw, unti-unting nahuhuli ni chloe si jc. Dahil dun, laking galit ang naramdaman ni chloe kay jc. Ni tiwala ay nawala. Maski isang porsyeto na yata ay pagtititwala ay wala ng natira pa. dahil sa nangyari lumamig si chloe kay jc. Ang dati nilang pagsasamahan ay tila nagging yelo na. pero hindi natinag si jc upang bumalik sa dati si chloe. Ilang buwan ang lumipas, ganun pa din si chloe. Patuloy pa din ang kanyang panlalalmig kay jc. Pero hindi pa din sumusuko si jc kay chloe. Lahat ng gusto ni chloe ay sinusunid niya. Lahat ng hingin ay kanyang binibigay. Huwag lang magalit itong si chloe. Hindi naglaon, unti-unti ng bumabalik ang pagmamamhal ni chloe kay jc. Pero hindi na katulad ng dati. Kaunting pagtitiwala na lang ang natitira. Kahit na ganun, patuloy pa ding hindi sumuko si jc kay chloe.
Ilang taon pang lumipas, pagsasama nila ay ganun at ganun pa din. Away ditto away doon. Pero pagmamahalan ay di nawawasakan. 3rd year na sila at naisipan ni chloe humanap ng trabaho. Pandagdag pera lang. kaya naman niya pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Dala na din ng kahirapan, pumayag din si chloe magtrabaho dahil ang kanilang pera ay kinukuha lamang sa kanilang maliit na tindahan. Nag-apply si chloe bilang call center  at ditto ay nakuha siya.  Kasama niyang nagtrabaho ang kanynag mga kaibigang kaklase. Sa una ay nahirapan ito pero bandang huli ay nasanay na ito. Kumikita ng maganda si chloe. Kasabay nito ay ang pag-ahon nila sa kahirapan. 3rd year pa lang ito at natutulungan na niya ang kaniyang mga magulang. Sa katunayan ay unti-unti na siyang nag-iipon para maipaayos ang kanilang bahay. Natutugunan na din niya ang pangangailangan ng kaniyang mga magulang. 
Nakalipas ang ilang buwan ay nakapag-ipon si chloe. Naipaayos ang kanilang bahay. Tuwang tuwa at ipinagmamalaki si chloe ng kaniyang mga magulang dahil sa kaniyang nagawa. Hindi pa siya nakakatapos ay may naipundar na ito at kumikita na ito ng sariling pera. Hindi na ito umaasa sa kaniayng mga magulang. Lahat na din ng kanyang naisin ay kanyang nabibili. Dahil ditto nagtatampo na si jc dahil tila nakalimutan na siya ni chloe. Pero diyan siya nagkakamali. Hindi niya alam na may pina-iipunan ni chloe na bagay na ibibigay niya kay jc. Ang pinakagustong earphone ni jc, eyeglasses at magingt cellphone ay pinag-iipunan pa ni chloe para sa kanya.  Makalipas ang ilang lingo ay handa na itong bilhin I chloe. Nang mabili na niya nag lahat ng ito, surpresa niya itong ibnigay kay jc. Niyakap ni jc ng mahigpit si chloe dahil sa tuwa. Ang akala niya ay kinalimutan na siya ni shloe. Pero doon siya nagkamali. Pero hindi pa din maalis ni chloe ang pangambang baka siya ay lokohin na naman ni jc. Patuloy pa din sa pag-aaral at pagtatrabaho si chloe.
Isang taon na lang at Malapit ng makatapos ng pag-aaral si chloe. Dahil 4year course ang kanynag kinuha, mauuna siyang makatapos kay jc dahil si ay 5year course. Nakapasa na si chloe sa borad exam. Masayang masayang Masaya siya. Umalis siya sa call center at naghanap ng mas magandang trabaho. Nagtagumpay siyang makahanp ng mas magandang trabaho. Nagging executive director agad siya ng isang pinakakilalang kompanya ditto sa pilipinas. Napakalaki ng kaniayng sahod. Kaya lahat ng luho ng kaniyang pamilya ay kaniyang ibinibigay. Pinag-aral niya ang kaniyng mga kapatid sa mga mahahaling paaralan. Binigyan ng mas maraming pagkakakitaan an gang kaniynag mga magulang. Tinulungan ang kaniyang mga kamag-anak sa probisnya. Tinulungan niya din ang kaniyang mga kapit-bahay. Samaktuwid, asensadongasensado na talag si chloe. Samantalang si jc ay sabik ng makatapos.
Sa wakas at nakatapos na din ng pag-aaral si jc. Nakapsa din ito sa board exam. Nagdiwang sila ng kaniyang pagtatapos kasabay ang debut ni jc. Tuwang-tuwa ang kanilang pamilya sapagkat ay inuna nila ang kanilang pag-aaral. Nasa iisang lugar ang pamilya ni jc at pamilya ni chloe. Tanggap nila ang isat-isa. Nagkaasaran pa nga kung kalian ang kasalan eh. Napatawa na lang ang dalawa.
Lumipas ang ilang taon, nagpundar ang dalawa. Pero inuna muna nila ang kanilang mga magulang. Lalo an si chloe na sa kaniya pa umaasa ang kaniyang mga magulang. Inayos niya muna lahat.
Isang araw, hiningi na ni jc ang kamay ni chloe sa kaniyang mga magulang. Wala naming nagging problema dahil boto naman sa kaniya ang magulang ni chloe. Alam na din ng parehong pamilya ang magaganap na kasalan. Inaayos na ang lahat. Ang lahat ay sabik na sa magaganap. At sabik na din magkaroon ng apo. Lahat ay naghahanda. Gusto kasi ni chloe ng isang magarbong kasalang dahil minsn lang naman ito sa buhay ng babae. Kayat pinaghanadaan ito ng maigi ni jc. Alam niya kasi ang gusto ni chloe ay sosyal. Lahat ay nakaayos na.
Gabi bago ang kasal, kinausap ng mama ni chloe siya. Naliiyak dahil siya ay hihiwalay na. ang sabi lang ni chloe, wag mag-alala dahil ibang bahay lang titira at hinid naman niya kakalimutan sila.
Araw na ng kasalan. Nag-aantay na sa altar si jc. At paparating na din chloe. Napakagnada ng ayos ni chloe. Nangingiyak ito habang naglalakada papunta sa altar. Matapos ang kasalan, nagpunta na ito sa reception kung saan gaganapin ang kaninan. Doon huling nakita sina jc at chloe. Hindi na nila namalayan ang pag-alis ng dalawa. Sakay ng isang sasakyan, pumnta na sina jc at chloe sa kanilang honeymoon. Ditto naganap ang una nilang pagtatalik.
Makalipas ang ialng buwan, isang trahedya ang guminbal sa lahat. Habang nagmamaneho si chloe papunta sa trabaho, nabunggo ang kanyng sasakyan ng isang truck. Mabuti naman at nakaligtas ito. Ngunit nawal lahat ng kanyang memorya. Ang hindi alam ng lahat ay nagdadalang-tao na ito ng isang buwan. Mabuti naman at nakaligtas ang bata. Tuwang-tuwa si jc na malaman ito dahil magkakaroon na sila ng anak. Pero sa kabila nito ay wal lahat ng memorya ni chloe. Hamon ito para kay jc kung paano niya maalagaan ng sabay kanyiang mag-ina. katuwang niya s kaniyang pag-aalaga ang mga magulang ni chloe. Habang tumatagal ay lalo siyang nahihirapan. Nagdadasal na lang siya n asana matapos na ito.
Isang araw umalis si chloe sa kanilang bahay ng walang paalam. Takot na takot si jc nab aka kung ano ang mangyari sa kanyang mag-ina. Hinanap nila ito kung saan-saan. Hanggat sa nakita nila ito sa isang simbahan. Sa st. Claire kung ditto madalas magpunta si chloe noong sya ay nag-aaral pa ng kolehiyo. Niyakap ng mahigpit ni jc si chloe at ditto sinabi na
“ huwag kang mawawal sa akin. Hindi ko kakayanin”,Jc
“hindi naman eh, basta andiayn ka lang” chloe
“halika ka na, umuwi na tayo. Kanina pa sila nag-aalala sa iyo”,jc
“Naalala ko na ang lahat”, chloe
“talaga ? mabuti naman.” Tuwang tuwa si jc sa mga nanyari. Sa wakas ay mabubunutan na siya ng tinik sa dibdib.
Umuwi ang dalawa ng may ngiti sa kanilang mga mukha. Kasabay noon ang pag-aalaga sa kanilang magiging anak na lalaki.



-----------------------------------------wakas------------------------------------------------



No comments:

Post a Comment