Lazada

Wednesday, February 26, 2014

LARAWAN NG BANSA

LARAWAN NG BANSA
akda ni Jayson

Sa isang iskwater tabi ng paaralan naninirahan ang pamilya Nuñez.Isang pangkaraniwang pamilyang bumubuo sa lipunan.Mahirap lang kanilang pamilya, pinagkakasya lang nila ang kita ng mag-asawang si mang Ipe at aling Cora na isang construction worker at isang tindera.
Sila ay may walong anak, wala pang sa mga ito ang nakapagtapos ng pag-aaral dahil hindi na kayang tustusan ng mag-asawa ang mga gastusin.Dalawa sa kanilang mga anak ang ngayo’y nag-aaral.Ang panganay na si Denisse na ngayo’y nasa ikalawang taon sa kolehiyo at ang sumunod sa kanyang si Lisa na nasa ikaapat na taon sa hayskul.
Hirap sa pagtataguyod ng kanilang mag-anak ang mag asawa, minsan pa nga’y umaabot sa puntong hindi sila kumakain dahil sa sila’y kapos.Wala naman silang magawa kahit nakikita nilang gutom ang mga anak. Naluluha na lamang si aling Cora sa tuwing naiisip niya ang mga bagay na ito.
May anak pa silang apat na buwang sanggol na madalas umiyak dahil sa gutom.Ang mga anak na nag-aaral ay kadalasang walang baong,pera,pagkain o kahit ano,ngunit sila ay nagpupursigi pa rin sa kabila nito.Honor student si Dennise at si Lisa kaya naman kilala sila kani-kanilang mga paaralan.
Walang naiiwan sa kanilang tahanan upang magbantay sa mga nakababatang kapatid kaya ang ikatlo sa pinaka-panganay na si Mat ang siyang umaako ng responsibilidad upang bantayan ang mga nakababatang kapatid.Si Mat ay labing dalawang taong gulang pa lamang pero namulat na sa mga realidad ng buhay.
Hirap man sa pag-aalaga ng kapatid,wala kang maririnig na kahit ano mula sa kanya.Siya rin ay inasahan na sa mga gawaing bahay.Nais niya rin makapag-aral ngunit hindi sapat ang kinikita ng kanyang mga magulang.Iniintindi niya nalang ang sitwasyon at umaasa na lamang na may magandang mangyayari.Ganoon man ang estado ng kanilang pamumuhay ay masaya pa rin silang pamilya dahil sila ay buo at sama-sama.

Ang kanilang pamilya na hindi nagpapatinag sa mga pagsubok na siyq pa ngang nagiging lakas upang mangarap pa ng mas maunlad na buhay.Madaling araw pa lang ay gumigising na si aling Cora upang ayusin ang mga panindang gulay sa palengke.Minsa’y inaabot pa siya ng gabi sa pag-uwi para lang mapaubos niya ang mga paninda at kung hindi naman ito maubos, ito ang kanilang kinakain.
Isang beses habang naglalaro si Tomy, ang ikatlo sa pinaka batang magkakapatid na anim na taong gulang, naka-away niya ang kanilang kalarong kapitbahay.Binato si Tomy at siya’y tinamaan sa ulo.Dumugo ang kanyang ulo at dali-daling tumakbo sa bahay kasabay ang malakas na buhos ng pag-iyak.
Nang ito’y malaman ni Mat ay pinuntahan niya ang kapitbahay na nambato sa kapatid at bigla niya itong sinuntok sabay karipas pabalik ng bahay.Wala pa sa bahay kanilang mga magulang at ang mga nakatatandang kapatid ay nasa paaralan pa, hindi alam ni Mat ang gagawin,dahil ngayon lang ito nangyari.
Nakita ito ng kanilang kapitbahay at nagmagandang loob itong tumulong.Binigyan sila ng gamot para sa sugat.Nag-iwan ng malaking bukol sa ulo ang kanyang sugat.Naisip nilang huwag nang sabihin sa kanilang nanay at tatay ang nangyari upang hindi na sila mag-alala pa.
Pagsapit ng gabi,dumating na ang mag-asawa at sabay-sabay silang naghapunan, napansin nila ang pananahimik ng mga bata.Tinanong ni mang Ipe kung bakit ganoon ang kanilang ikinikilos.Nang walang sumagot ay sumama ang kanyang tingin tinanong niya si Mat sa mataas na boses.
“Anong nangyare?!”. Napilitan si Mat na ilahad ang nangyari dulot na rin nang sobrang takot sa ama.Nang malaman ni mang Ipe ang pangyayari ay nabulyawan niya si Mat.”Hindi mo dapat ginawa yon! Kahit pa sinaktan niya si Tomy mali pa rin ang ginawa mo!”.kanyang sigaw sa anak.
Hindi na umimik pa si Mat,sinabihan na lang siya ng inang matulog para hindi na lumala pa.Napuno ng katahimikan ang kanilang bahay ng mga oras na iyon.Kinabukasan ay balik na sa normal ang lahat.Humingi ng tawad si mang Ipe sa anak dahil sa pagsigaw.Nabigla lang daw siya sa mga nangyari.
Tinanggap ni Mat ang paumanhin ng ama at niyakap niya ito.Kaarawan na ni Mat sa linggo.Ang akala niya ay magiging isang normal na araw lang ulit ang kanyang kaarawan ngunit iba ang nasa-isip ng kanyang nanay at tatay.May naitabi silang kaunting halaga upang makabili ng pansit at tinapay.Pagsapit ng linggo binati lamang ng mag-asawa ang anak at pumasok na sa trabaho.
Di man pinapahalata ay malungkot si Mat.Kinagabihan ay dumating na sa aling Cora na may dalang pansit at tinapay.Hindi maipinta ang saya sa mukha ni Mat ng makita ang dalang pagkain ng ina.Sumunod dumating ang amang may dala-dalang softdrinks.Sa mga nakita, halos wala nang mapagsidlan ng galak ang bata.Sabay-sabay silang naghapunan at masaya ang lahat.
”Salamat po sa masarap na pagkain”. Sabi ni Mat sa mga magulang.Masaya naman ang mag-asawa na kahit sa simpleng paraan ay napasaya nila ang kaarawan ng kanilang anak.Bumuhos ang malakas na ulan nang araw din na iyon.inapoy ng lagnat ang kanilang sanggol na anak.
Itinakbo ng pamilya ang bata sa pinakamalapit na ospital.Laking pangamba ng pamilya para sa apat na buwang sanggol.Walang perang pambayad sa ospital ang mag-asawa kaya hindi nila alam ang gagawin.
Paglabas ng doctor ay sinabi sa mag-asawa na may mataas na lagnat ang sanggol kaya kailangan pa nitong manatili ng ilang araw upang maobserbahan ang bata.Kailangan din daw patnubayan ng gamot ang sanggol upang mapabilis ang paggaling at hindi na magkaroon pa ng anumang maaaring magpalala pa sa kondisyon nito.
Hindi maisip ng mag-asawa kung saan kukuha ng perang pambili ng gamot.Pangungutang lang ang naiisip nila na hanggat maaari ay ayaw nilang gawin.
Limang libo ang gamot at dalawang libo naman ang bayad sa pananatili ng anak sa ospital.Nakahiram na ng apat na libo sa aling Cora sa mga kakilala sa palengke.Ang tatlong libo naman ay nagawan na nang paraan ni mang Ipe.
Makalipas ang dalawang araw ay pinayagan na ng doctor makalabas ang pasyente.Nabayaran na nang mag-asawa ang bill sa ospital.Binigyan ng reseta ng doctor ang mag-asawa para tuluyan nang gumaling ang anak at pinayuhan na wag masyadong ilabas ang bata sa bahay dahil maaari daw itong makakuha sakit ditto.
Todo ang pag-aalaga ng pamilya sa sanggol matapos ang nangyari.Doble kayod naman ang mag-asawa upang mabayaran ang kanilang mga inutang nang magkasakit ang kanilang anak.Si Dennise ay nagpresintang tumigil ng pag-aaral at sinabing magtatrabaho na lamang upang makatulong sa pamilya.
Ngunit hindi ito pinahintulutan ng mag-asawa.Sinabi nila na mas mahalagang makapagtapos siya ng pag-aaral dahil mas malaki ang oportunidad sa mas magandang trabaho.Kaya pa naman daw nila ang mga gastusin sa bahay.
Nang kasalukuyang nagtatrabaho si Mang Ipe ay dumating ang namamahala sa construction site at ipinaalam sa lahat ng manggagawa kabilang si mang Ipe na kailangan daw nilang magbawas ng tao.
Kinabahan ang lahat sa narinig.Takot na baka kasama sila sa mga tatanggalin sa trabaho.Isa-isa nang tinawag ang mga pangalan ng mga taong mawawalan ng trabaho at kasama doon sa mang Ipe.
Hindi malaman ni mang Ipe ang gagawin at kung paano niya ito sasabihin sa pamilya.Hindi muna siya umuwi ng bahay, siya’y naglasing dahil sa problema,isang bagay na hindi naman niya talaga ginagawa.
Hinintay ni aling Cora ang asawang makauwi.Madaling araw na ng umuwi si mang Ipe ng lasing.Gulat na gulat si aling Cora nang Makita ang asawang lasing.Tinanong niya kung ano ang dahilan ng paglalasing.Tango lang ang naisagot sa kanya.
Pinilit siyang tanungin kung ano ang problema at sinabi na nga ang pagkakatanggal niya sa trabaho.Nilabas niya ang lahat ng hinanakit at galit sa nangyari.Nagmumura siya at sumisigaw.Hindi galit ang naramdaman ni aling Cora sa mga narinig kung di awa sa asawa.

Nagising ang mga anak nila sa ingay na naririnig.Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari.Ang akala nila ay nag-aaway ang mga magulang.Pinalipas muna ni aling Cora ang galit nito.Pinunasan at pinainom ng kape.Nang mahimasmasan ay bigla nalang nanahimik at pinili na lamang matulog.
Maagang gumising si Mang Ipe, upang maghanap ng trabaho.Hindi na siya nagsabi pa.Kung saan-saan siya nakarating, nag-apply nang kung anu-anong trabaho, construction worker, janitor, waiter, driver, delivery boy, lahat ngunit wala ni isang tumanggap sa kanya.
Buong araw siyang naghanap ng trabaho ngunit tila siya’y minamalas.Kinagabihan na habang siya ay naglalakad pauwi, may nakita siyang pitaka na naglalaman ng labing pitong piso.May i.d ito at mga atm card, isang hapon ang nagmamay-ari ng pitaka.
Sa sobrang pangangailangan pumasok sa isip ni mang Ipe na kunin na ang pera ngunit nanaig pa rin ang kanyang mabuting kalooban at nagpasyang isauli ang napulot.Umuwi na siya sa kanilang tahanan dala ang pitaka na kanyang isasauli na lamang kinabukasan.
Ipinaalam niya sa asawa ang tungkol dito at sumang-ayon na ibalik ito sa tunay na may-ari, mas mahalaga daw ang dignidad ng tao kaysa sa maliit na halaga kahit pa nangangailangan sila.
Dahil dito pinangaralan ni aling Cora ang mga anak tungkol sa bagay gaya nito.Makapananghalian na nang umalis ng bahay si mang Ipe para ibalik ang nakuhang pitaka.Malayo-layo rin ang address na nakalagay sa i.d ng may-ari.Kulang ang pamasahe niya papunta doon.
Hindi man niya gusto ay binawasan niya ang laman ng pitaka upang makapunta siya sa address na iyon.Nang makarating siya sa lugar ay nagsimula na siyang magtanong tanong.Narating na niya ang mismo bahay na kanyang hinahanap.
Nakita niya ang isang hapon na lumabas ng bahay.Marahil siya na ang kanyang hinahanap.Tiningnan niyang maigi ang mukha ng taong iyon at parehas na parehas ang mukha gaya sa litrato.
Ibigay niya ang pitaka sa hapon.Nagpasalamat sa kanya ang lalaki.Pinapasok siya sa kanyang bahay at pinakain.Buti na lamang ay marunong umintindi ng tagalog ang hapon na iyon kahit papano.”Do you have a job?” tanong ng hapon sa kanya.”Wala po”kanyang sagot.
Binigyan si mang Ipe ng calling card at pinapupunta siya sa isang kompanya.Masaya-masaya si mang Ipe nang marinig iyon.”Thank you very much sir!”.kanyang pasasalamat sa lalaki.
Pagkatapos noon ay umuwi na siya.Nang makita ang asawa masayang sinabi “Mahal may trabaho na ko!”.Niyakap nya ang asawa.Kinabukasan ay umalis agad si mang Ipe at dumeretso sa kompanyang iyon.Siya ay ginawang isa sa mga driver ng kompanya.Halos doble ang kanyang sahod kumpara sa dati niyang kinikita.
Isang magandang simula upang makaipon ng pera kahit papano at mapag-aral ang ibang mga anak baka sakali.
Makalipas ang isang taon, nakapagpatayo na ng maliit na tindahan ang pamilya.Makakabalik na rin ng pag-aaral si Mat.Masaya ang buong pamilya dahil kahit papaano ay umuunlad sila paunti-unti.Kung minsan ay nakakapamasyal na sila.
Manghang-mangha ang mga anak sa mga hayop na nakita nila sa zoo.Iyon ang unang pagkakataon na makakita sila ng ibat’ ibang uri ng hayop bukod sa mga asong galisin sa kalye nila at mga pusang gala.Matagal na rin nang huli silang namasyal magpapamilya.
Nang makauwi sa kanilang bahay,hindi mahuluiugang karayom ang mga bata sa pagkukuwento ng kanilang mga nakita sa pamamasyal na iyon.Kanya-kanyang istorya ang dala ng bawat isa.Ang mag-asawa ay natuwa sa kanilang nakita sa mga anak ang mga ngiting ngayon lang nila namasdan.
Isang araw naglalaro ang magkakapatid sa may plaza kasama ang kanilang ina.Tumalbog ang bolang nilalaro nila sa kalsada.Nagulat ang kanilang ina nang makitang hinahabol ni Cecile ang bola,ang limang taong gulang nilang anak.
Nabangga si Cecile ng isang sasakyan.Hindi siya inabutan ng ina.Duguang dinala sa ospital ang anak.Sa I.C.U siya idineretso.Makalipas ang isang oras kinausap na si Aling Cora ng doctor at sinabing malala ang lagay ng kanyang anak.Hindi daw sigurado ang kaligtasan ng bata.
Kailangan daw sumailalim sa isang maselang operasyon ang anak sa lalong medaling panahon bago mahuli ang lahat.Mahaking halaga ang kinakailangan sa operasyong iyon.Mga kalahating milyon o higit pa ang kanilang kakailanganin.
Tinawagan niya ang kanyang asawa na nasa kalagitnaan ng trabaho at dali-daling itong pumunta sa ospital.Hanggang ngayon ay wala pa ring mala yang kanilang anak.Galit na galit si Mang Ipe sa asawa dahil siya ang kasama nito nang mangyari ang aksidente.
Nang malaman ang halaga ng operasyon ay halos magwala na sa sobrang galit.Wala silang mapagkukunan ng sobrang laking pera na kahit mangutang sila ay hindi makukumpleto ang halaga.
Sila’y nagdasal at humingi ng tulong sa Diyos na mailigtas ang kanilang anak.Nagsimula na silang maghanap ng mapagkukunan ng pera.Nilakasan nalang nila ang kanilang loob at inisip na malalagpasan din nila ito.Kung kani-kanino na sila nagtangkang humiram ng pera pati pagbabahay-bahay ay ginawa na nila.Kinapalan na ang mukha at nakiusap pati na sa mga hindi nila kakilala.
Humingi rin sila ng tulong sa mga paaralang pinapasukan ng kanilang dalawang anak.At ng marinig nila ang nangyari sila’y nag-usap kung paanong tulong ang maibibigay ng paaralan at ng mga kawani nito.
“Dahil sa magandang pinapakita ng inyong anak at mukhang kailangan niyo talaga ng tulong pinasyal, gagawin naming an gaming makakayna para masuportahan ang magiging operasyon ng inyong anak”.wika ng punongguro ng paaralan.
Sobra ang pasasalamat ng mag-asawa sa tulong na ibibigay ng paaralan upang suportahan ang operasyon ng kanilang anak.Dahil sa mga naipon nila at sa mga tulong na ipamamahagi ng paaralan,naumpisahan na ang operasyon ng kanilang anak na si Cecile.
Habang lumilipas ang oras lalong kinakabahan ang mag-asawa sa maaaring maging resulta ng operasyon.Matapos ang ilang oras, natapos na din ang operasyon at successful daw ang kanilang ginawa.
“Mabuti nalang mabait ang Diyos”. Nasabi ni Aling Cora. Nakahinga na nang maluwag ang buong pamilya ng marinig ang magandang balita,
Bumalik na muli ang ngiti sa mga mukha ng magkakapatid.Nang maging maayos na ang pakiramdam ni Cecile sabay na silang umuwi.Matapos ang insidente mas nagging mapagmatyag o mas nagging mas mapagbantay na sila sa mga anak.
Lalo na’t napakabata ng ilan sa mga ito.Ngunit hindi pa tapos ang problema ng mag-asawa sa laki ng kanilang pagkakautang sa kung sinu-sino.Kahit gawin pang triple ang pagkayod ay hindi pa rin nila iyon mababayaran.
Pero sinusubukan pa rin nilang muling bumangon para sa kapakanan ng mga anak.Nagpatuloy silang magtrabaho, paunti-unting nagbabayad ng utang kapag nakakaluwag.At mabuti na lamang mabait ang amo ni mang Ipe dahil siya ang isa sa mga tumutulong sa kanilang pagbangon.
Nakatapos din ng pag-aaral ang kanilang panganay na anak na si Denisse na ngayo’y isa nang law graduate.Sa mga magagandang grado ng kanyang nakuha,hindi siya nahirapang kumuha ng trabaho.
Malaki ang kanyang sahod kaya naman malaki rin ang naibibigay na tulong niya sa mga magulang.Halos bayad na lahat ng pagkakautang nila nung ipaopera ang nakababatang kapatid.
Ngayon ay napag-aaral na niya ang ibang mga kapatid.Sa mga naipon na pera ni Denisse naipundar niya ng mas malaking tindahan ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay naibili ng tricycle.
Hindi pa rin niya nalilimutan ang mga binigay na tulong sa kanila noong sila ang nangangailangan kaya naman ibinabalik niya ito sa iba’t ibang paraan.
Ang kapatid niyang si Cecile ay malusog na muli nakakapaglaro na ulit siya at bibong bibo.Lumipat na sila ng tirahan galling sa iskwaters’ area.Ngunit laking gulat nila sa mga mabababang markang ipinapakita ni Mat.
Kapag ito’y tinatanong naman nila ay wala itong sasabihin basta na lamang tatango. Hindi nila alam ang dahilan ng mga mabababang marking iyon.Siya pala ay napapasama sa mga masamang barkada.Kung anu-ano ang itinuturo at ipinapagawa sa kanya kaya madalas ay liban siya sa kanyang mga klase.
Hindi ito alam ng mga magulang niya kaya laking pagtataka nila sa nangyayare.Pumunta si mang Ipe sa paaralan ni Mat upang alamin ang dahilang ng mga lagpak na marka ng anak.
Doon nga’y nalaman na madalas wala sa klase si Mat at kasama ang barkada.Nagulat ang ama sa kanyang nalaman at tiningnang maigi ang mga mata ng anak.”Totoo ba yon?” tanong ng ama.
Inamin niya na totoo nga ang lahat ng sinabe ng kanyang guro.Sinabe niyang wala siyang magawa dahil babanatan daw siya kapag hindi siya sumunod.
“Bakit hindi mo agad ito ipinaalam sa amin? Sana ay natulungan ka naming ng mas maaga”batid ng guro.”Natatakot po kasi ako baka kung ano ang gawin nila sa akin pa nag sumbong ako”. Nanginginig na sagot ni Mat.
Pinatawag ng guro ang lahat ng mga estudyanteng kasangkot ditto kasama ang kanilang mga magulang.Isinalaysay ang mga nagaganap sa mga magulang.
Naintindihan naman nila ang ginawang kasalanan ng mga anak.Kaya naman sinuspinde ang mga kaklase ni Mat na kasangkot dito.
Nakahinga na nang maluwag ang pamilya ng maayos na ang gusot ng anak sa eskuwela.Sinabi ni aling Cora sa lahat ng anak “kung may problema man kayo wag niyong sasarilihin,sabihin niyo sa amin ng matulungan namin kayo.
Tandaan niyo pamilya tayo ditto wala dapat naglilihim”.
Matapos ang pangyayaring iyon ay muli nang bumalik ang dati’y matataas na marka ni Mat at palagi na rin siyang nakakapasok sa klase.Naging maganda ang pamumuhay ng pamilya Nuñez dahil sa pagtutulungan.
Nakapagpatayo sila ng malaking bahay at nakabili ng magarbong kotse.Nakilala sila noong bilang mahirap pa sa daga ngayo’y nabura na yon sa isipan.Nagbunga ang pagsisikap,pagtitiyaga,at pagpupursigi ng mag-asawa pati na rin ng mga anak.
Isang tunay na larawan ng pag-unlad.

No comments:

Post a Comment