Lazada

Thursday, February 20, 2014

Bespren

Bespren
Kimberly Ramos

Sa tuwing ikaw ay aking kasama
Ako'y nakararamdam ng saya
Lagi mo akong pinapatawa
Kapag ako ay mayroon problema

Kapag ako ay nasasaktan
Nandyan ka para ako'y damayan
Pilit mo akong pinapatawa
Mabalik lang ang aking saya

Nandyan ka upang magpaalala
Dumamay pag may problema
Nandyan upang masandalan
Kasama sa tawanan at kulitan

Ikaw ay tunay na kaibigan
Na laging nariyan kapag kailangan
Na hinding hindi nang iiwan
Sa oras ng  kalungkutan

2 comments:

  1. Kaibigan yung taong nakakakilala sa atin.Sila yung tipong kahit hindi magkausap araw araw o linggo linggo pero pag nakahanap naman ng oras para sa isat isa ito ay walang humpay sa kwentuhan asaran at iba pa.
    Sila din yung taong nakakaintindi sa nakaraan, naniniwala na maaabot mo ang iyong pangarap at andyan sila para ikay tulungan at tanggap nila kung ano ang meron ka ngayon :)

    ReplyDelete
  2. Kaibigan ay talagang masasandalan. Lalo na kung sila ay katulad ng mga kaibigang mayroon ako. :D

    ReplyDelete