MALAS SA PAG-IBIG ni Basma
"MAMA!!” sigaw ni Gian.
Kahit binatilyo na si Gian ay hindi parin niya maitago ang
totoong nararamdaman tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina. Hindi siya perpekto
para mawalan ng emosyon, kaya habang ibinababa ang kabaong sa nitso na
kalalagyan nito ay hindi na niya napigilan ang mapaiyak ng tuluyan. Nasa tabi
niya noon ang isang dalagita na laging nasa tabi niya buhat ng nakaburol pa
lamang ang kanyang ina.
"Ian, tahan na.’Wag ka ng umiyak." wika ni Ella
habang hinahagod ang likod ni Gian.
Hindi naman ito tinugon ng binatilyo bagkus ay nagpatuloy
parin sa pag-iyak.
Nang tuluyan ng naibaba ang kabaong at naka-alis na ang mga
tao ay nandoon parin sa tabi ng puntod si Gian at hindi parin umaalis si Ella
sa tabi niya. Habang ang Lolo niya ang nag-iisa na lang niyang kapamilya ay
nagpasyang doon na lang siya intayin sa loob ng sasakyan.
"Ian, halika na. Umuwi na tayo, kanina pa nag-iintay
sa sasakyan ang Lolo mo." wika ni Ella sabay hawak sa braso ng binatilyo
na akmang itatayo sa pagkaka-upo.
"Sino ka ba? Bakit ka ba laging nasa tabi ko? Bakit mo
ba ako pinakikialaman? Umuwi ka na kung gusto mo, wala naman pumilit sa’yo na
samahan mo ako dito." pagalit na asik ni Gian.
"Ahm...a-ako nga pala si Ella. N-nagmamalasakit lang
naman ako sa'yo. K-kasi lagi ka na lang malungkot mula ng mamatay ang Mama
mo." sagot ni Ella kahit na medyo natakot sa inasal ni Gian. Kapit-bahay
siya nina Gian, matagal na niya itong pinagmamasdan. Masaya lamang ang
binatilyo pag-kasama nito ang kanyang Mama at siya rin ang unang naka-alam na
may sakit na Cancer sa baga ang Mama ni Gian dahil nahuli niya itong bumibili
ng gamot sa butika at dahil doktor ang kanyang Ama, kaya may alam siya sa mga
gamot, kaya naman alam niya kung ano ang mga gamot na binili ng Mama ni Gian.
Dahil matagal na rin palang napapansin ng Mama ni Gian na laging nakamasid si
Ella sa kanyang anak ay minabuting ipagtapat nito kay Ella ang kanyang sakit at
nakiusap na ilihim lamang ang lahat hanggang sa namatay nga ang Ginang.
"Hindi ko kailangan ng pagmamalasakit mo, kaya mabuti
pa layuan mo na lang ko!" galit paring wika ni Gian.
"H-hindi, hindi kita iiwan dito kahit anong
mangyari." wika ni Ella.
Hindi na muling sumagot si Gian. Napakadilim ng kalangitan
at kasabay ng malakas na ulan, maya-maya pa'y narinig na nila ang pag-andar ng
kotse na sinasakyan ng Lolo ni Gian. Pero tila walang pakialam si Gian at
bagkus ay tuluyan ng sumalampak sa lupa at nakadukwang na umiyak sa puntod ng
kanyang ina.
"Gian, tahan na. Magiging maayos din ang lahat.
Nandito lang ako, tutulungan kitang maka-move on sa mga kalungkutan mo. Pangako
hindi kita iiwan, mula ngayon kai----" hindi na natapos ni Ella ang
sasabihin niya dahil bigla na lang yumakap sa kanya ang binatilyo.
"Sige lang, iiyak mo lang. Normal lang naman na umiyak kasi tao lang tayo.
May emosyon, ibuhos mo lahat ng sakit na nararamdaman mo." pang-aalo ni
Ella kay Gian habang hinahagod ang likod nito.
At yun na nga ang umpisa ng magandang pagkakaibigan nila.
After 4 years...Magtatapos na sila ng High
School.
Sa loob ng malaking auditorium hinahanap ni Ella si Gian,
at nakita niya itong kausap ang Lolo nito.
"Hello po Lolo!" masigla at magalang na bati ni
Ella kay Mr. Santillian.
“Oh hija andiyan ka na pala, tingnan mo nga kung maayos na
itong toga nitong kaibigan mo at hindi kasi ako marunong mag-ayos." sagot
naman ni Mr. Santillian. Sabay harap ni Gian sa kaibigan.
"Oh babe, bakit ka nakasimangot diyan? Halika nga dito
at aayusin ko ‘yang toga mo." ani Ella na hinila si Gian para mapalapit
lalo sa kanya para maayos niya ang toga.
"Babe, hindi kasi sa akin bagay ‘tong toga e."
sagot ni Gian sabay kamot sa ulo. Babe ang naging kasunduan nilang itatawag sa
isa't isa mula ng maging magkaibigan sila.
"Nako hindi!! Bagay na bagay nga e...lalong gumwapo
ang babe ko." nakangiting sagot ni Ella.
Maya-maya pa ay nagsalita na ang MC sa mikropono na
nagsasabing mag-uumpisa na ang programa para sa mga magsisipag tapos.
Matapos ang graduation, masaya silang nagsalo-salo sa bahay
nina Ella upang ipagdiwang ang pagka-valedictorian nito.
Kumakain sila sa may veranda...
"O babe ito yun inumin mo." ani Ella sabay abot
ng isang baso ng juice kay Gian.
"Salamat babe, ito nga pala ‘yon regalo ko
sa’yo." ani Gian sabay abot ng isang parisukat na kahita kay Ella.
"Naman ‘yan babe, ano ba ito? May parega-regalo ka
pang nalalaman." ani Ella na hindi maiwasang mapangiti dahil sa regalo sa
kanya ng matalik na kaibigan. Ngayon lang kasi siya nito binigyan ng regalo at
sa loob ng 4 na taong pag-kakaibigan nila ay siya ang laging nag-aabot ng regalo
dito, pero hindi naman siya humihingi ng kahit na anong kapalit mula dito.
"Buksan mo na lang babe. Siguradong magugustuhan mo
‘yan." ani Gian sabay kindat sa kaibigan.
Binuksan na nga ni Ella ang kahita at sa loob niyon ay
isang silver bond na bracelet na may naka-emboss na mga letra na pagbinuo ay
GIANELLA ang kalalabasan. Hindi na siya nakapag-salita sa sobrang pagkamangha
sa regalo nito.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Gian na medyo
nag-aalangan itanong ang tanong na kanyang binanggit.
"O-oo naman babe. Speechless nga ako e, kaya hindi ako
nakasagot agad." nakangiting tugon ni Ella. "Maraming salamat."
dagdag pa niya.
"Hindi mo kailangan magpasalamat. Kulang pa yan
kabayaran sa lahat ng kabutihan mo sa’kin, akin na nga isusuot at ko
sa’yo." ani Gian na kinuha kay Ella ang kahita at kinuha ang bracelet
upang isuot kay Ella. Dahil nakasuot pa sila ng toga kinailangan pang ililis ni
Gian ang manggas ng toga ni Ella para maisuot dito ang bracelet. Laking gulat
ni Gian ng pagkalilis niya ng manggas ay nakita niyang maraming pasa si Ella sa
braso, matagal na niyang napupuna na nagkakaroon nga ng pasa si Ella nitong mga
nakaraang araw, at ang tanging sagot lamang nito ay dahil siya ay nahulog sa
hagdan, nadulas sa banyo o di kaya ay madali lang talaga itong magkapasa.
"Ella, bakit parang dumadami ang pasa mo?" hindi
napigilang itanong ni Gian.
"Ahh..nahulog----" hindi na natapos ni Ella ang
pagsagot dahil pinutol na siya ni Gian sa sasabihin niya.
"Nahulog ka sa hagdan? Nadulas ka sa banyo o talagang
mabilis ka lang magkapasa? Matagal na ‘yang mga dahilan mo na ‘yan ahh...ano ba
talaga Ella? May nililihim ka na naman sakin e." ani Gian na tila naiinis
na sa paulit-ulit na dahilan ni Ella sa kanya.
"Madali lang talaga ako magkapasa babe." tila
kinakabahang sagot ni Ella.
"That's the same reason you told me weeks ago. And I
won't buy any same reason. Why don't you just be honest?" ani Gian na
hindi na napigilan mag-ingles. Ganoon si Gian paggalit o ‘di kaya ay naiinis,
tinatawag niya si Ella sa nickname talaga nito pagseryoso siya sa usapan nila.
"N-nagsasabi ako ng totoo." ‘yun lang ang
naisagot ni Ella at tumakbo na ito paakyat sa silid nito.
"Ella!" tawag naman ni Gian habang tinitingnan
ang kaibigan na paakyat sa hagdan. Naisipan na lamang niyang umuwi dahil
mukhang wala ng balak si Ella na babain siya at kausapin.
Pagkauwi niya agad niya itong tinext...
Gian: Babe, sorry na o. Naniniwala na ako na madali ka lang
talaga magka-pasa.
Ella: Promise?
Gian: Oo nga. Kailan ba tayo mag-eenroll?
Ella: Mauna ka na lang siguro mag-enroll, hindi ko pa kasi
alam kung kailan ako mag-eenroll e.
Gian: Ayoko! Diba sabi mo sabay tayo? Kaya iintayin kita.
Ella: Mauna ka na, please.
Gian: Ayoko! Basta iintayin kita bukas sa harap ng Letran.
Hindi ako mag-eenroll hanggat wala ka.
Ella: Gian Stefan Santillan, 'wag na matigas ang ulo mo.
Mag-enroll ka na bukas okay? Magkita na lang tayo sa pasukan. Mag-iingat ka
lagi babe. Mahal na mahal kita.♥
Gian: Ayoko babe! Iintayin talaga kita. Sabay tayo
mag-eenroll.
Napabuntong-hininga na lang si Ella matapos niyang basahin
ang huling text message sa kanya ni Gian. Kung alam lang sana ni Gian kung ano
ang pinagdadaanan niya, kung pwede niya lang sanang sabihin dito ang lahat,
subalit hindi niya talaga masabi dahil alam niyang sa kanya lang nakadepende ng
katatagan ng loob si Gian. Hindi siya dapat magpakita kay Gian na pinaghihinaan
siya ng loob. Naalala tuloy ulit ni Ella ang mga nangyari nung mga nakaraang
linggo...
"Anak, netong mga nakakaraang araw parang maputla
ka." anang Mrs. San Juan ng mapansin ang anak habang kumakain.
"Opo Ma, siguro po kasi medyo napapadalas po ang
pagpupuyat ko kasi inaabot na rin kami ng kung anong oras ni Gian kaka-text.
Tsaka anemic po ako diba?" sagot naman ni Ella na tila wala lang sa kanya.
"Oo nga pala. Nako! Limitahan ang sarili anak, lahat
ng sobra ay nakakasama. 'Wag ganoon ha?" anang Ginang.
“Yes Ma." sagot ni Ella na nakangiti.
Kinabukasan ay nahihirapan ng bumango si Ella sa kanyang
kama, masakit ang likod niya at tila hinang-hina siya...napansin naman ng Mama
niya na hindi pa sya bumabangon kaya pinuntahan na siya nito sa silid niya.
"Anak, okay ka lang ba? Hindi ka ba papasok?"
tanong ni Mrs. San Juan habang papalapit sa kama ng anak.
"Papasok po ako Ma. Kaso hindi po ako makabangon,
masakit po ang likod ko tsaka sinisipon po ata ako at parang uubuhin po ata
ako. Nanghihina po tuloy ako." sagot ni Ella habang nagpupumilit bumangon.
"Wag ka na muna kaya pumasok anak, kung hindi mo kaya.
Ako ng bahala magbigay ng excuse letter sa teacher mo." anang Ginang
habang sinasalat ang noo ng anak.
"Sige po Ma. Itetext ko na lang din po si Gian na
hindi ako makakapasok. Baka po kasi iniintay ako nun sa gate ng school."
ani Ella na talagang hindi na makabangon.
Ella: Babe, hindi ako makakapasok. Masama pakiramdam ko e.
Gian: O babe bakit? Anong nangyari?
Ella: Ewan ko ba babe, basta masakit katawan ko at
nilalagnat ako.
Gian: Babe, puntahan kita mamaya jan sa bahay niyo ha?
Ella: 'Wag na babe. Magkikita din naman tayo bukas e.
Gian: Sige babe. Basta siguraduhin mong bukas papasok ka
ha? Pagaling ka. Mwuah!
Ella: Opo babe. Salamat. Mwuah!
Matapos noon ay hihiga na sana siya ng maramdaman nyang
parang may tumutulong parang tubig mula sa ilong niya na agad naman niyang
pinahid. Laking gulat na lang niya ng makita niyang dugo pala ang malatubig na
tumulo mula sa kanyang ilong.
"Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!" malakas na
tawag ni Ella sa kanyang ina. Dagli namang pinuntahan ni Ginang San Juan ang
kanyang anak.
"Bakit anak?" ani Mrs. San Juan.
"Dumudugo po ‘yong ilong ko" natatakot na sagot
ni Ella.
"Patingin nga." ani Mrs. San Juan sabay sipat sa
ilong ng kanyang anak at nakita nga nito na dumudugo ang ilong ng anak.
"Tumingala ka lang, bukas hindi ka muna ulit papasok.
Pupunta tayo sa ospital at ipapa-check up kita." anang Ginang.
"Pero Ma, sabi ko po kay Gian papasok na po ako
bukas." pagtanggi ni Ella.
"O sige. Pumasok ka bukas, pero pagkatapos ng klase mo
didiretso tayo sa ospital." ani Mrs. San Juan.
"Sige po." matipid na sagot ni Ella.
“Inumin mo nga pala itong gamot na ito, para bumaba ‘yan
lagnat mo. Inumin na din itong vitamins para lumakas ‘yan katawan mo." ano
Mrs. San Juan sabay abot sa anak ng mga gamot at baso ng tubig na agad naman
nitong ininom.
Kinabukasan...
"Good morning babe!" masiglang bati ni Gian
habang papalapit siya kay Ella na nakaupo sa upuan nito sa loob ng classroom.
"Morning babe!" ganting bati naman ni Ella na
pinilit pasayahin ang boses dahil sa masama parin talaga ang pakiramdam niya.
"Bakit parang maputla ka parin babe? Hindi ka parin ba
magaling?" magkasunod na tanong ni Gian sabay salat sa noo ng kaibigan.
"Magaling na ako. Medyo masakit lang ‘yon katawan
ko." sagot ni Ella na bahagya pang nginitian ang kaibigan.
"Magpacheck-up ka na kaya babe? O teka!! Bakit marami
kang pasa?" ani Gian ng mahagip ng kanyang paningin ang mga braso ng
kaibigan.
"Hindi na kailangan magpacheck-up. Ok lang ako...pasa?
Wala lang ‘yan...nadulas lang ako sa cr kaya ayun nagkapasa-pasa ako."
sagot ni Ella na ngumiti ng pilit. Pinili niyang ilihim kay Gian ang iba pang nangyari
sa kanya kahapon. Pati na rin ang pagpapacheck-up niya pagkatapos ng kanilang
klase.
"Ano ba ‘yan!! Hindi ka kasi nag-iingat. Nako ka!
Mamasyal tayo mamaya pagkatapos ng klase, gusto mo?" tanong ni Gian sa
kaibigan.
"Wag na muna babes, may pupuntahan daw kami nina Mama
e." pagtanggi ni Ella.
"Saan kayo pupunta?" tanong naman ni Gian.
“Ahm...s-sa kaibigan ni Mama. Bibisitahin naman kasi bagong
dating yata galing ibang bansa." pagsisinungalin ni Ella.
"O sige. Bukas na lang siguro tayo mamasyal. Wala
naman pasok e." ani Gian.
Hindi na nakasagot pa si Ella dahil dumating na ang
kanilang guro upang magklase at bumalik na rin si Gian sa upuan nito.
Matapos ang klase ay agad na pumunta si Ella sa parking lot
kung saan nag-iintay ang kanyang Mama. Hindi na sya nagpaalam kay Gian dahil
baka ihatid pa siya nito sa parking lot at malaman lang nito kung saan talaga
sila pupunta at mag-aalala lamang ang kaibigan niya.
"Misis, ayaw ko sana kayong biglain pero may leukemia
ang anak niyo." anang doktor matapos iexamine si Ella.
"Doc, nagbibiro lang po kayo diba?." hindi
makapaniwalang sagot ni Mrs. San Juan.
"Ang mga ganitong bagay ay hindi ginagawang
biro." anang doktor sabay abot ng result ng examination kay Ella.
"Hindi po ako marunong magbasa ng ganito Doc. Pero
Doktor din po ang asawa ko, kaya ipapatingin ko din sa kanya ‘to at
magpapa-second opinion din po kami sa ibang doktor." ani Mrs. San Juan na
hindi parin naniniwala sa sinabi ng doktor.
"Kayo po ang bahala Misis." anang doktor.
Paglabas ni Mrs. San Juan ay agad siyang sinalubong ni
Ella.
"Ma, ano pong result?" tanong ni Ella.
"W-wala pa anak e. Babalik na lang daw tayo."
pagsisinungalin ng Ginang.
"Ganoon po ba? Sige po." ani Ella.
"Anak, mabuti pa mauna ka na sa bahay. Sabihin mo kay
Manong Danny mauna na kayo. Pupuntahan ko muna ang Papa mo sa ospital."
mahinahong sagot ni Mrs. San Juan na pinilit ngitian ang anak.
"Sige po Ma. Ingat po kayo." ani Ella sabay halik
sa pisngi ng ina. Hinaplos naman ng Ginang ang buhok ng anak. At lumabas na nga
ito upang tawagin ang driver nila at umuwi na ito.
Pagdating sa ospital na pinagtatrabahuhan ng asawa…
"G-george!" bungad ni Mrs. San Juan sa pinto ng
opisina ng asawa sa ospital.
"O hon napadaan---" hindi na natapos ni Mr.
San Juan ang kanyang sasabihin dahil patakbo siyang niyakap ni Mrs. San Juan at
umiyak.
"George!" ani Mrs. San Juan habang umiiyak.
”Anong problema hon? Bakit ka umiiyak?" ani Mr. San
Juan na naguguluhan sa inaakto ng asawa.
"Si Ella, mayroon siyang leukemia." ani Mrs. San
Juan habang umiiyak.
"Hon?" ani Mr. San Juan na bahagyang nilayo ang
katawan ng asawa at tinitigan ng diretso sa mata. At nakumpirma nga niya na
nagsasabi ng totoo ang asawa at hindi ito nagbibiro. Inabot ni Mrs. San Juan
ang result ng diagnosis sa asawa at agad naman nitong binasa iyon.
"Kailangan siyang maichemotherapy habang maaga para
maagapan. Nasabi mo na ba sa kanya?" ani Mr. San Juan matapos basahin ang
result.
"H-hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hindi ko kaya
George. Hindi ko kayang Makita ang lungkot sa mga mata niya pagnalaman na niya
na may sakit siya." sagot ni Mrs. San Juan.
"Namana niya ‘to kay Papa. Ito ang sakit na ikinamatay
ni Papa nung binata pa ako" salaysay ni Mr. San Juan.
"George, kailangan mong gumawa ng paraan para gumaling
si Ella. Hindi siya pwede m-m" umiiyak na sabi ni Mrs. San Juan. Hindi
niya maituloy ang salita dahil ni sa hinuha niya ay ayaw niyang ganoon ang
mangyari kay Ella.
"’Wag ka mag-alala Hon, gagawin ko ang lahat. Hindi
mawawala sa atin ang nag-iisa nating anak." ani Mr. San Juan. Paninigurado
nito sa asawa.
Sabado ng
araw na iyon kaya walang pasok si Ella, naisipan niyang puntahan ang silid ng
kanyang mga magulang upang tumabi sa pagtulog ng mga ito. Pero pagpasok niya ay
wala ang mga ito, pero tumuloy parin siya. Nakita niya sa ibabaw ng mga
aparador ang mga larawan ng kanyang mga magulang ng mahagip ng paningin niya
ang isang papel na naka-ipit sa phonebook ng Papa niya. Kinuha niya iyon at
binasa, bahagya pa siyang nagulat ng mabasa ang pangalan sa papel at napansin
niya na ito ang resulta ng diagnosis sa kanya. At ang labis na tumimo sa utak
niya ay ang salitang positive leukemia”. Naintindihan na niya. Mayroon siyang
leukemia, kaya pala dumarami ang kanyang mga pasa at kaya pala maraming hindi
maipaliwanag na nangyayari sa katawan niya. Isa lang ang agad pumasok sa utak
niya. Kamatayan. Dahil sa isiping iyon ay hindi na niya napigilang mapa-iyak.
Sakto naming bumukas ang pinto at iniluwa niyon ay ang mga magulang niya at
nakitang umiiyak na siya.
“Anak, anong—“ hindi na natuloy ni Mrs. San Juan ang pagtatanong dahil sa
mismong nakita niya ay nasagot na niya ang kanyang tanong. Nakita na ni Ella
ang resulta ng diagnosis nito.
“M-ma P-pa, m-mamamatay na po ba ako?” nanginginig na tanong ni Ella sa
magulang.
“Hindi anak, hindi ka mamamatay. Walang mangyayaring ganoon. Ililigtas kita,
ako mismo ang magpapagaling sayo.” Sagot ni Mr. San Juan. Nilapitan nila ang
anak at mahigpit na niyakap.
“Hindi ka namin pababayaan anak. Hinding-hindi.” ani Mrs. San Juan.
Matapos niyang malaman na may leukemia siya ay pinag-usapan na din nila kung
kalian siya ike-chemotheraphy. At siya na mismo ang nagbigay ng petsa kung
kalian, napili nga niyang petsa ay pagkatapos ng kaniyang Graduation.
Napatda si Ella sa kanyang pagbabalik-tanaw ng marahan siyang tinapik ng Mama
niya.
“Anak, handa ka na ba para mamaya?” tanong ni Mrs. San Juan sa anak na ngiti
lang ang tanging itinugon.
“Gagaling ka anak, maniwala ka. Magtiwala ka sa Diyos, gagaling ka.” Paniniguro
ni Mrs. San Juan sa anak.
“Opo Ma. Gagaling po ako.” Ani Ella na nagbigay ng isang pilit na ngiti sa
kanyang Mama.
“’Yan, ngumiti ka lang anak. Gagaling ka. Nandito lang kami lagi ng iyong Papa,
hindi ka namin pababayaan.” ani Mrs. San Juan na bahagya pang hinagod ang likod
ng anak at niyakap ito.
“Ma, may hihilingin po sana ako.” pabulong na wika ni Ella sa tenga ng ina.
“Sige anak. Kahit ano. Sabihin mo lang.” nakangiting sagot naman ng Ginang.
“Kahit ano pong mangyari ‘wag niyo pong sasabihin kay Gian na may sakit ako.
Ayoko pong kaawan niya ako, ayoko pong makita niya akong nanghihina.” ani Ella
na hindi na napigilang mapatulo ang luha.
“Oo anak.” sagot na lamang ni Mrs. San Juan.
“Pangako po Mama?” paninigurado ni Ella.
“Pangako anak.” Ani Mrs. San Juan na naiyak na din. Pakiramdam niya kasi ay
naghahabilin na si Ella. Kinagabihan ay umalis na nga sila upang magtungo sa
America at upang doon ito magpachemotherapy.
Ilang araw ng napapansin ni Gian na hindi na
nagtetext o nagrereply sa anumang text niya si Ella kaya naman naisip niyang
sadyain na lamang ito sa sariling bahay nito. Laking gulat niya ng wala doon
ang kotse ng Papa ni Ella at wala na din ang matangkad na guwardiya na laging
nakabantay sa gate ng mga ito. Kaya naman napagtanto niya na marahil ay walang
tao sa bahay ng kaibigan. Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa kaiyang
bulsa at nagmamadaling dinaial ang numero ng kaibigan. Subalit...
"The number you have dialed is either unattended or
out of coverage area, please try your call later." anang operator.
Hindi parin tumigil si Gian at dinaial muli ang numero ng
kaibigan...
"Sorry this number is no longer active." sagot
muli ng operator.
Trinay nya naman kontakin ang numero ng mga magulang ng kaibigan subalit ganoon
din ang sagot ng operator. Hindi na siya mapakali kakalakad pabalik-balik sa
tapat ng bahay nina Ella. Hindi naman siya paglilihiman ng kaibigan niya pero
bakit bigla na lamang itong umalis ng walang paalam sa kanya. Hindi niya din
lubos maisip bakit na lang umalis ang kaibigan at ang pamilya nito at hindi
niya din maiwasan na sisihin ang sarili sa hindi pagpunta sa bahay nito ng mga
nakaraang araw. Lungkot na lungkot siya at hindi niya parin maiwasan na hindi
mag-isip hanggang sa napagdesisyunan niyang umuwi na lamang sa bahay nila.
Lumipas ang mga araw at napapagod na din siyang araw-araw pumunta sa tapat ng
bahay ng kaibigan pero hindi parin iyon nagging dahilan ng kanyang pagsuko.
Nakatapos na din siya magpasa ng lahat ng requirements niya sa Collegio De San
Juan De Letran pero ni anino ng kaibigan ay hindi niya parin nakikita, napagod
na rin siya kaka-dial ng numero nito kaya naman parang nawalan na ng kabuluhan
ang cellphone niya.
“Hijo, bakit parang lagi ka na lang atang nagmumukmok dito sa bahay? At saka
parang hindi na din dumadalaw dito sa bahay natin si Ella. Magka-away ba kayo?”
tanong ng Lolo niya ng makita siya nitong nakaupo sa sofa at nakatulala lamang.
“Hindi po ‘Lo. Wala naman pong dahilan para mag-away kami e. Wala po si Ella at
ang mga magulang niya sa bahay nila. Lampas isang buwan na rin po ata buhat
noong huling napadaan ako sa tapat ng bahay nila. Kaso wala parin po sila.”
sagot ni Gian.
“Pero Hijo kadadaan ko lang kanina sa tapat ng bahay nila dahil naglakad-lakad
ako at bukas naman ang bahay nila. Katunayan nga ay si Gardo sa gate at
nagbabantay.” anang matanda.
Hindi na sinagot ni Gian ang sinabi ng Lolo niya at bagkus ay tumakbo na
palabas ng kanilang bahay upang magtungo sa bahay ng kaibigan. Nagpasya siyang
mag-bisikleta na lamang upang mabilis siyang makapunta sa bahay ng kaibigan.
Napakadaming tanong ang nais niyang itanong ditto at miss na miss na din niya
ito.
Pagkarating na pagkarating niya sa
tapat ng bahay nina Ella ay hindi na siya nag-abala pang ayusin ang
pagkakaparada ng kanyang bisikleta at patakbo siyang nagtungo sa loob ng bahay
ng mga ito. Subalit nahagip ng mga mata niya ang malungkot na mata ni Mang
Gardo ang guwardiya. Pero hindi na lamang niya iyon pinansin at nagtuloy-tuloy
na lamang siya sa loob ng bahay.
Pagpasok na paspasok niya ay nakita
niyang naka-upo sa sofa sina Mr. at Mrs. San Juan. At ang ikinataka niya ay
nakasuot ang mga ito ng damit na puti na sa kanyang pagkaka-alam ay hindi
usually sinusuot ng mga ito maliban na lamang kay Mr. San Juan na isang doctor.
Napatingin naman ang dalawa sa kanya…
“Tita, Tito magandang tanghali po!”
magalang na bati ni Gian sa mag-asawa. Na hindi naman tinugon ng mga ito at
bagkus ay binigyan lamang siya ng malungkot na tingin.
“Ah..tita, alam ko pong kararating
niyo lang. Pero gusto ko po sanang maka-usap si Ella. Nandiyan po ba siya?”
tanong ni Gian.
“M-maupo ka muna diyan Hijo. M-may
kukuhain lang ako sa taas.” Ani Mrs. San Juan. Napilitan na lamang umupo si
Gian kahit na parang gusto niyang tumakbo papunta sa silid ng kaibigan.
Napansin ni Gian na pag-kaalis ni Mrs. San Juan ay tumungo na lamang si Mr. San
Juan na labis niyang pinagtataka dahil napaka-weirdo ng mga kinikilos ng mga
ito. Maya-maya pa’y bumaba na si Mrs. San Juan dala ang isang puting kahon at
inabot ito sa kanya.
“Ano po to?” naguguluhang tanong ni
Gian.
“Buksan mo Hijo.” utos sa kanya ni
Mrs. San Juan. Kahit na naguguluhan ay binuksan parin ni Gian ang puting kahon
na kasing laki ng kahon ng sapatos. Nagulat siya ng pagbukas niya ang laman ng
kahon ay mga larawan nila ni Ella pati na din ang bracelet na niregalo niya
dito at ang isang liham na nakatupi na alam niyang para sa kanya at galling
iyon kay Ella dahil may nakasulat na “Babe” dahan-dahan niya iyong binuksan at
binasa:
Babe,
Pagnabasa mo ang sulat
na ito…Ibig sabihin ay wala na ako. 3 weeks before our graduation, nadiagnose
na mayroon akong leukemia, kaya naman after ng graduation natin ay umalis na
kami patungo ng Amerika sa pagbabaka sakaling gagaling ako. Gustong-gusto kong
gumaling babe, tiniis ko ang sakit ng bawat chemotherapy session ko. Gusto kong
gumaling para sa pamilya ko at lalo na para sayo. Kaso babe, hindi ko na talaga
kaya. Kalbo na nga ako e, tingnan mo yun picture ko. Nalagas na lahat yun buhok
ko. Pero ok lang babe, siguro hanggang dito na lang talaga yun buhay ko. May
hihilingin nga pala ako, gusto ko sunugin mo itong mga pictures natin, ayoko
kasi na makikita mo pa ang mga ito ulit. Alam ko kasing masasaktan ka lang,
gusto ko babe kalimutan mo na ako, gusto ko matapos mong basahin itong sulat ko
ay masaya ka parin at ‘wag kang iiyak, okay? Kahit wala na ako sa mundo mo dito
sa langit gagabayan parin kita. Mahal na mahal kita Gian, maraming-maraming
salamat sa lahat ng bagay at ating pinagsamahan. Hindi kita makakalimutan babe.
Mag-iingat ka lagi. Paalam.
Cindy
Ella
“Tita, is this some kind of a joke?”
tanong ni Gian na pagak pang tumawa. Wala siyang sagot na nakuha mula sa mga
ito pero sapat na ang pag-iyak ni Mrs. San Juan upang malaman niya na hindi
biro ang lahat.
“Saan po siya nakalibing?” tanong
ulit ni Gian sa malamig na tono. Sinabi naman ng mga ito sa kanya kung saan
nakalibing. Dala-dala ang kahon ay nagtungo siya sa sementeryo kung saan
nakalibing si Ella. Binasa pa niya ang lapida na may nakasulat na: In Loving
Memories of Cindy Ella San Juan, Date of Birth: August 8, 1995, Date of Death:
May 18, 2011.
Hindi na niya napigilan ang sarili
at bumuhos na ang luhang kanina niya pa pinipigilan.
“Ella, madaya ka! Sabi mo walang
lihiman! Sabi mo walang iwanan!” sumbat ni Gian sa puntod ng kaibigan habang
patuloy na umiiyak.
“Bakit mo ako iniwan ng ganito? Para
ka ding si Mama, nag-iiwan na lang basta-basta.” Ani Gian sa gitna ng pag-iyak.
Maya-maya pa’y bumuhos na ang malakas na ulan at wala siyang pakialam kahit
mabasa pa siya. Nagbalik sa kanyang ala-ala ang mga araw na magkasama sila ni
Ella sa pamamasyal at ang pagpunta nila sa Happy Lemon upang magmerienda at
inoorder nito ang paborito niyang Milk Tea with Oreo and Cream at patin na rin lahat
ng mga lugar na napuntahan nila. Nagbalik na naman muli sa kanya ang ala-ala
niya ng mamatay ang kanyang ina. Matapos umiyak at makalma ang sarili ay
nagpasya na siyang umuwi ng bahay.
At mula din noon nagdesisyon siya na
hinding-hindi na muli makikipaglapit sa iba upang maiwasan na masaktan muli ang
puso niya. Ayaw na niyang makaramdam ng sakit na katulad ng mawalan ng
minamahal.
Unang
Araw ng Pasukan...
Abala si Gian sa paghahanap ng
classroom na may numerong 089 ng biglang may nabunggo siya na hindi niya
napansin kung ano.
“Ouch! Watch where you’re going!!!”
asik ng isang hindi katangkarang dalaga na animo’y labanos sa puti, hindi
katangusan ang ilong, may mabilog na mata at mapupulang labi.
Hindi naman pinansin ni Gian ang
sinabi ng nabangga niya bagkus ay nilagpasan niya lamang ito at agad na bumalik
sa paghahanap ng classroom niya.
“Hey! Aren’t you going to
apologize?” sigaw ng dalagang nabangga niya. Pero nagkunwari lang siyang walang
naririnig. At lumakad na palayo dito.
Makalipas ang tatlumpong minuto ay
nahanap niya na rin sa wakes ang kanyang classroom. Napakalaki kasi ng
kolehiyong iyon kaya naman nahirapan siyang maghanap. Papasok na siya ng
biglang may nabunggo na naman siya na kung anong bagay.
“Ouch!” anag dalaga. Boses pa lang
ay alam na ni Gian na ang nabunggo niya ay dalagang nabangga niya rin kanina.
Hindi na lang siya tumugon at pumasok na siya sa loob ng classroom at naghanap
ng mauupuan.
“Oh it’s you again. The man who
doesn’t know how to apologize!” sigaw ng dalaga. Katulad ng inaasahan ng dalaga
ay dinedma na naman siya ng antipatikong lalaking iyon. Napilitan na lang
siyang pumasok at naghanap ng mauupuan at nakita niyang may bakanteng upuan sa
tabi ng antipatikong lalaki na bumangga sa kanya. Tiningnan niya ito matapos
siyang makaupo pero hindi niya Makita ang mukha ng lalaki dahil nakatingin lang
ito sa bintana na animo’y malalim ang iniisip. Naputol lang ang pagtingin niya
dito ng dumating ang professor nila at nagpakilala ito.
“Good morning! I’m your professor
for this subject, my name is Ella Libunao but you can call me Miss Ella.”
masiglang pagpapakilala ng magandang propesora. Dahil sa pagkakabanggit ng
pangalan na Ella ay napukaw ang atensyon ni Gian at nakinig sa mga pinagsasabi
nito.
“So, since today is our first day of
class. Maybe we can start by getting to know each other. Starting at the back
you may stand up and tell us your name and some info about yourself.” nakangiti
paring wika ng magandang propesora. Dahil si Gian ang nasa hulihan ay siya ang
unang magpapakilala ng kanyang sarili.
“My name is Gian Stefan Santillan,
18 years old and living in Manila.” ani Gian na hindi man lang nag-abalang
ngumiti.
“Well Mr. Santillan, tell us some
info about yourself.” nakangiting sabi ni Ms. Ella.
“Sorry Miss, but can’t seem to have
an interesting info about myself. Thank you.” malamig na sagot ni Gian.
“Well then, let’s proceed to the
next student beside Mr. Santillan” tila napahiyang wika ni Ms. Ella. Kaya naman
tumayo na ang dalagang nakabangga ni Gian kanina.
“Good morning guys! I’m Liana Gaile
Joaquin but you can call me Ana or Gaile, 17 years old, and also living here in
Manila. Well I just move back here in Philippines because I spent my high
school years in London. I’m hoping to be friends with you all. Thank you.”
nakangiting pagpapakilala ni Liana. Subalit hindi pa siya nakakaupo ng biglang
nagsalita ang isa sa mga classmate niya.
“Can we have your number Miss?”
anang isang matangkad na lalaki na nakaupo ‘di kalayuan sa kanya.
“Ahh…next time na lang. Hindi ko
kasi kabisado ‘yun new number ko e.” pagsisinungalin ni Liana na ang tunay na
dahilan ay ayaw niya lamang talaga ibigay ang kanyang number. Nginitian na
lamang niya ang lalaki para mapaniwalang totoo ang kanyang sinasabi.
Matapos makapagpakilala ng lahat ay
umalis na ang kanilang propesora na nagging dahilan naman upang lapitan siya ng
mga classmate nya at tanungin ng mga kung ano-anong bagay tungkol sa kanya na
magalang naman niyang sinagot maliban na lamang sa ibang tanong na tila below
the belt na.
Matapos ang mahigit 5 oras ay uwian
na nila. Nagpatiunang lumabas si Liana upang maharang niya si Gian sa may pinto
upang kausapin. Kaya naman ng si Gian na ang dadaan ay hinarang niya ang
kanyang braso na labis naming ikinagulat nito.
“Huh?” ani Gian na blangko ang
ekspresyon ng mukha.
“Hindi ka parin nagsosorry sa akin
sa pagkakabangga mo sa akin.” ani Lian na animo nanghihingi ng kendi kay Gian
at pinamungay pa ang mga mata habang bahagyang nakatingala dito.
“Hindi ko kailangan mag-sorry.
Kasalanan mo naman kung bakit kita nabangga, nakaharang ka sa dadaanan ko
katulad na lang ngayon na nakaharang ka sa pinto.” Malamig paring sagot ni Gian
na hindi man lang nag-abalang tingnan ang dalaga.
“Grabe ka naman! Sa London
pagnababangga ang mga babae nag-aapologize sila. Napakabastos mo naman! Sorry
lang naman ang hinihingi ko pero parang kailangang bayaran ka pa ng isang
milyon bago mo pa yun sabihin.” daldal ni Liana.
“Wala ka na sa London, kaya mabuti
pang ‘wag ka ng humarang sa dadaanan ko dahil kahit umiyak ka ng dugo hindi ako
mag-sosorry sayo.” ani Gian na marahang tinulak si Liana upang umalis sa
dadaanan niya na labis namang ikinagulat ng dalaga. Hindi kasi siya sanay sa
ganoong pagtrato sa kanya.
“BASTOS!! ANTIPATIKO!! Akala mo kung
sino ka, mag-sisisi ka dahil sa ginawa mong ito.” naiinis na wika ni Liana na
bahagya pang itinaas ang kamao. Hindi naman ito pinansin ni Gian at bagkus ay
nagpatuloy lamang sa paglalakad palayo sa dalaga.
Naglalakad na si Gian papunta sa
kanilang bahay ng mapadaan siya sa tapat ng bahay nina Ella, napansin niyang
may ibang tao ng nakatira sa bahay ng kaibigan dahil hindi na si Mang Gardo ang
guwardiya at may ibang tao na ding nakaupo sa gazeebo malapit sa gate. Hindi na
rin masyado nag-usyoso si Gian at nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad.
Na-abutan niyang nagta-tsaa ang Lolo niya sa veranda at nakita naman siya
nitong dumating.
“Oh Hijo! Kamusta ang unang araw ng
klase?” tanong ng Lolo ni Gian matapos humigop ng tsaa. Napatigil naman sa
pag-lalakad papasok ng bahay si Gian upang sagutin ang tanong ng Lolo niya.
“Ok naman po ‘Lo.” matipid na sagot
ni Gian.
“Siya nga pala Hijo, balita ko’y
lumipat na ng bahay sina George at ang bahay nila diyan ngayon ay nabili ng
isang pamilya galing London.” pagbabalita ng Lolo niya.
“Nakita ko nga po ‘Lo. Sige po akyat
na po ako sa kwarto ko.” pagtatapos ni Gian sa usapan nila.
“Bakit hindi ka muna kumain? Nagluto
si Lagring ng ulam diyan.” ani Lolo niya na ang tinutukoy ay ang kasambahay
nila na stay-out.
“Busog pa po ako ‘Lo. Nag-merienda
po kasi ako sa school. Sige po ‘Lo.” ani Gian at nagpatuloy na sa paglalakad
papunta sa kanyang sariling silid.
Pagpasok ni Gian ay napatingin siya
sa puting kahon na nakapatong sa bed-side table niya, kaya naman naalala na
naman niya si Ella. Hindi niya parin natutupad ang hiling sa kanya ni Ella na
susunugin ang lahat ng bagay na makakapag-paalala sa kanya kay Ella. Ayaw
niyang sunugin ang mga iyon, gusto niyang habang buhay na alalahanin ang mga
ala-ala niya kasama si Ella. Hanggang ngayon ay hindi parin kayang tanggapin ng
utak niya na wala na si Ella dahil sa isiping iyon ay kinuha niya ang puting
kahon at tiningnan muli ang kanilang mga larawan hanggang sa hindi niya na
namalayan na nakatulog nap ala siya.
Kinabukasan…
Maagang nagising si Liana dahil may
klase siya ng alas-siyite. Agad siyang bumangon at agad na kinuha ang salamin
sa side table niya at tiningnan ang mukha kung mayroon bang mali. Habang
sinisipat niya ang kanyang mukha ay may kumatok sa pinto niya.
“Bukas po ‘yan.” sagot ni Liana sa
kung sino man ang kumatok at mula sa pinto ay lumabas doon ang kanyang Daddy.
“How was your first day of class
yesterday Hija?” tanong ng Daddy niya na bahagyang tumabi sa pagkaka-upo niya
sa kama.
“Ok naman po Dad. Masaya!” maikling
tugon ni Liana.
“Good. Ang kuya mo ang maghahatid
sayo mamaya.” ani Mr. Joaquin na medjo ginulo ang buhok ng anak.
“Dad, I’m no longer a kid. Stop
doing such gesture.” ani Liana na sinabayan pa ng bahagyang pag-nguso na
animo’y nagtatampo dahil sa ginawa ng Daddy niya.
“I know. I just can’t stop missing
my little girls.” saad naman nito.
“Yeah, I know Dad.” malungkot na
sagot na lang ni Liana. Kahit hindi na sabihin ng Daddy niya ay alam na niya
ang tinutukoy nito.
“I better go anak. May appointment pa
ako sa mga clients natin. Take care. Dad loves you so much.” ani Mr. Joaquin
sabay halik sa noo ng anak.
“You too Dad. I love you more.” ani
Liana. Matapos noon ay umalis na nga ang Daddy niya, kaya naman naghanda na
siya upang maligo. Matapos maligo ay nagbihis na siya at inaayos ang sarili at
naglagay lamang ng konting foundation, blush on, lipstick, sinuot niya na rin
ang contact lense nya at naglagay ng mascara at matapos noon ay bumaba na siya
at uminom lamang ng fresh juice. Narinig niyang bumibusina na ang kuya niya
sensyales na kanina pa siya nito iniintay.
Papalabas na siya ng makita niya ang
kanyang Mommy na nagdidilig ng halaman sa bagong bahay na kanilang nilipitan.
Nilapitan naman niya ito upang magpaalam.
“Mom, pasok na po ako.” pagpapaalam
ni Liana na bahagyang hinalikan ang ina sa pisngi. Subalit wala siyang
natanggap na tugon mula dito at bahagya pa siya nitong tinulak palayo. Nasaktan
si Liana sa ginawi ng Mommy niya, pero naisip niya din na ilang taon na nga
palang ganoon ang pakikitungo nito sa kanya kaya hindi na lamang niya pinansin
ang ganoong pagtrato sa kanya. Lumakad na siya palabas upang sumakay sa kotse
ng Kuya niya.
“Napaka-bagal mo talagang kumilos.”
ani Lance na nakakunot pa ang noon a pinakitang naiinis siya sa paghihintay
dito.
“Sorry Kuya, nagpaalam lang kasi ako
kay Mommy kaya ako natagalan.” mahinang wika ni Liana sa kanyang Kuya. Alam na
ni Lance kung ano ang ginawang trato ng kanyang ina sa kanyang bunsong kapatid.
“’Wag ka na malungkot. Masanay ka na
lang. Smile na ‘yan.” pagpapangiti ni Lance sa kapatid na bahagyang kinurot ang
tungki ng ilong nito.
“Kuya naman e! Maliit na nga ‘yun
ilong ko tapos kinurot pa. Lalong liliit ito.” ani Liana na bahagya pang pinalo
ang kamay ng kapatid.
“Pinapatawa lang naman kita. O siya
fasten your seat belt Miss.” ani Lance na bahagya pang nginitian ang kapatid at
ikinabit ang seat belt ng kapatid. Matapos noon ay pinaandar na nito ang kotse.
May trenta minutos din ng makarating
si Liana sa school niya.
“Bye Kuya.” pag-papaalam ni Liana sa
kapatid at hinalikan ito sa pisngi.
“Bye. Ingat ha? No boyfriend until
you reach 18 okay?” wika naman ni Lance.
“Ingat ka din Kuya. Dahan-dahan sa
pagdadrive ha? Opo. No boyfriend, boyfriends lang.” sagot ni Liana na medyo
tumawa pa. Pagbaling niya ay nakita niya si Gian na nakatingin sa gawi nila at
ng makita niyang nakatingin ay nag-iwas ito ng tingin sa kanya at dahil doon ay
lihim niya iyong ikinatuwa. Nilapitan niya ito upang kausapin pero ng makita
siya nito na papalapit ay agad itong lumakad palayo pero hinabol niya parin ito
kahit na hirap na hirap siya dahil siya ay naka-heels. Kaya ng maabot niya ito…
“Hey! I caught you staring at me.
You find me beautiful err?” ani Liana ng sa wakas ay maabutan niya ito sa
paglalakad. Hindi naman siya pinansin ni Gian at nagpatuloy lamang ito sa
paglalakad na tila walang naririnig.
“Don’t deny it babe, my eyes saw
you.” panunukso niya dito na medyo kiniliti niya pa ito sa tagaliran. Hindi pa
siya nakakahuma sa ginagawang pangingiliti dito ay nagulat siya ng bigla siyang
tinulak nito pasandal sa pader at pinagitna siya nito sa dalawang braso nito na
nakatukod sa pader.
“Wala kang karapatang tawagin akong
babe. Hindi pa ba obvious na iniiwasan kita? Na ayaw ko sayo? Ngayon malalaman
mo na. Ayoko sa mga babaeng katulad mo, kaya pwede layuan mo ako!” galit na
wika ni Gian. Nakita ni Gian na tila tinakasan ng dugo ang mukha ng dalaga
dahil sa sobrang putla. Hindi na niya hinintay pang makasagot si Liana at
mabilis na siyang naglakad palayo.
Nagulat si Liana sa inasal ni Gian,
hindi niya inaasahan na sa simpleng pagtawag niya lamang dito ng BABE ay
nagalit ito ng ganoon na lang. Natakot talaga siya sa ginawa nito sa kanya,
bagamat marahan ang pagkakatulak nito sa kanya ay natakot parin siya ng
harap-harapan siya nitong kausapin at sabihan na ayaw nito sa kanya, unang
beses na may nagsabi sa kanya ng ganoon kaya naman labis siyang nasaktan.
Nanginginiig ang tuhod na dahan-dahan na rin siyang naglakad papunta sa kanyang
classroom. Papasok na sana siya ng makita niya si Gian na naka-upo na sa silya
na inookupa nito at dahil doon bumalik na naman ang takot na naramdaman niya
kanina. Kaya imbes na tumuloy sa pagpasok ay umurong na lamang siya at bagkus
ay dumiretso siya sa Registration Office upang ipabago ang kanyang schedule at
classroom. Natatakot siya sa kaisipang baka may mas malala pang gawin sa kanya
si Gian.
Agad naman niyang napapalitan ang
kanya schedule at kailangan niya pang mag-intay ng ilang oras dahil nagging
panghapon pa kanyang bagong klase.
Lumipas ang mga araw ay napansin ni
Gian na hindi na pumapasok si Liana sa klase nila. Hindi na rin niya ito
nakikita sa campus nila at sa tingin niya ay alam na niya ang dahilan. Alam
naman niyang nagkamali din siya sa inasal niya noong komprontahin niya ito,
subalit ang pagbanggit na lamang nito sa katagang BABE na tawagan ni Ella ay
hindi talaga naiwasang magpanting ng tenga niya. Si Ella lang at wala ng iba
ang may karapatan tumawag sa kanya ng ganoong kataga. Pero alam niya paring
nagkamali siya at nais sana niyang humingi ng tawad sa dalaga, subalit hindi na
niya ito makita.
Pagpasok ni Gian kinabukasan ay
nagpasya siyang dumiretso sa Registration Office upang itanong kung sa school
parin nila nag-aaral si Liana.
“Liana Gaile Joaquin po Madam.” sagot
ni Gian sa tanong ng babae sa registration office.
“IT Student, 17 years old. We still
have her records here. She changed her schedule last week.” anang babae.
“Thank you Madam.” ani Gian at
lumabas na ng registration office at dumiretso na sa kanyang classroom. Matapos
ang klase niya ay dumiretso siya sa labas ng campus upang doon magpalipas ng
oras at hintayin na din kung darating ba si Liana. Hindi naman siya nagkamali
dahil pagsapit ng ala-una y’ media ay bumaba si Liana sa isang kotse. Nakita naman
siya nito at agad na naglakad ang dalaga palayo. Hinabol naman siya ni Gian
upang kausapin.
Napansin ni Liana na tila
sinasabayan siya ni Gian sa paglalakad. Naisiip niya tuloy na baka kung ano na
naman ang gawin nito sa kanya, kaya kahit na nahihirapan siyang medyo tumakbo
dahil naka-heels siya ay pinilit parin niyang bilisan ang kanyang paglalakad.
Nang biglang isang kamay ang humila sa braso niya na nagging dahilan ng
pag-sigaw niya na agad naming tinakpan ang kanyang bibig.
“Aalisin ko ‘yun takip ng bibig mo,
wag kang sisigaw at wag kang mag-iiskandalo. Gusto lang kitang kausapin,
maliwanag?” ani Gian habang unti-unting inaalis ang kamay niya na nakatakip sa
bibig ni Liana. Pag-kaalis na pag-kaalis ng kamay ni Gian sa bibig ni Liana ay
tila machine gun ang nagging pagsasalita nito.
“Wala akong ginagawang masama sayo.
Hindi na kita kinakausap at hindi na din kita ginugulo. Hindi na din ako
nagpakita sayo, ‘wag mo akong sasaktan please. Hindi naman kita ginugulo e at
tsaka---“ hindi na natapos ni Liana ang sasabihin dahil muli na naming tinakpan
ni Gian ang bibig ng dalaga upang maawat sa pagsasalita.
“Wala akong sinabing may gagawin ako
sayong masama. I’m just here to apologize about what I did to you last week.
Look, I know mali yun inasal ko kaya dahil dun humihingi ako sayo ng tawad.”
yun lang ang sinabi ni Gian at tinanggal na nito ang kamay na nakatakip sa
bibig ng dalaga at lumakad na palayo.
Nabigla man sa inasal ng binata ay
natuwa na rin siya sa paghingi nito ng tawad. Naisip niyang baka pwede na ulit
siyang makipaglapit sa binata. Kaya naman kinabukasan ay maaga itong pumasok
upang ayain sana ang binata na kumain. Sinadya niyang iniintay ito sa loob ng
gate. Kaya ng makita niya ito ay agad niyang nilapitan.
“Hello!” simpleng bati na nilangkapan
ng simpleng ngiti ni Liana sa binata ng ganap na siyang makalapit dito.
“Hi!” matipid na ganting bati naman
ng binata.
“May gagawin ka ba after ng klase
mo?” nakangiti paring tanong ni Liana.
“Wala.” matipid na sagot naman ng
binata sa dalaga habang naglalakad na hindi man lang nag-abalang tapunan ng
kahit na isang tingin ang dalaga.
“Let’s have a lunch together.” agad
na salita ni Liana matapos marinig ang nagging sagot ng binata.
“’Wag na.” matipid na tanggi ng
binata na hindi parin tumingin sa dalaga. Kaya naman napilitan na si Liana na
humarang sa dinadaanan nito.
“Sige na naman o. Minsan lang naman
e.” pangungulit ni Liana na bahagyang ngumuso.
“Ayaw ko.” sagot parin ni Gian.
“Lunch naman e. My treat.” pang-aaya
parin ng dalaga sa binata.
“No.” pinal na sagot ni Gian na
naglakad na palayo sa dalaga.
“Hindi pwedeng no. Basta iintayin
kita sa Pink Palace, 12:00pm nandoon na ako, iintayin kita Gian.” sigaw ni
Liana sa binata.
Pag-sapit ng alas dose ay hindi
mapakali si Gian, hindi niya malaman kung pupunta ba siya sa restaurant na
sinasabi ni Liana, pero talagang ayaw niyang pumunta, at bukod pa doon ay
umuulan at wala siyang payong. Kaya nagpasya na lang siyang manatili muna sa
loob ng campus.
Makalipas ang tatlong oras
ngunit tila ayaw huminto ng ulan, kaya naman napilitan na siya bumili ng payong
at naglakad na palabas ng gate. Tila may kung anong tumukso sa kanya at
napilitan siyang pumunta sa Pink Palace upang silipin kung nandoon nga si
Liana.
Pagdating niya sa lugar ay
wala naman si Liana, pumasok din siya sa loob pero wala rin ito doon, naisip
niya na marahil na pagod na ito kakaintay sa kanya, pero laking gulat niya ng
paglabas niya ay may isang dalaga na naka-upo sa labas ng sulok ng reataurant
at tila nanginginig sa lamig. Agad niya naming nakilala kung sino ang dalagang
iyong dahil sa kulay ng suot nitong damit, agad niya iyong nilapitan.
“Liana!” tawag ni Gian sa
dalaga na bahagya pang hinila paharap ang braso. Subalit hindi naman lumingon
ang dalaga at bagkus ay napahiga na lang bigla sa sahig at nanginginig. Hindi
naman malaman ni Gian ang gagawin kaya binuhat niya na lang ito at isinakay sa
taxi.
“Saan po tayo Sir?” tanong ng
Mamang driver kay Gian. Ngunit wala siyang maisagot dahil hindi niya naman alam
kung saan nakatira ang dalaga. Agad niyang kinuha ang bag ni Liana upang
hanapin ang ID nito at nakita niya doon ang address. Napalaki pa ang kanyang
mata n gang mabasa niya doon ay ang address ng bahay ng matalik niyang kaibigan
na si Ella. Sinabi na rin niya sa driver kung saan sila ihahatid at kumaripas
naman agad ng pagpapatakbo ang driver.
Makalipas ang kalahating oras
ay nasa harap na sila ng bahay nina Liana. Agad siyang bumaba upang
mag-doorbell sa gate at nakita niya doon ang guwardiya at sinabi niya dito na
kasama niya si Liana at walang malay, hindi naman nag-aksaya ng oras ang
guwardiya at binuksan ang gate at binuhat si Liana mula sa pagkakahiga nito sa
back seat ng taxi. Matapos bayaran ni Gian ang taxi ay sumunod na din siya sa
guwardiya at pumasok sa loob ng bahay nina Liana. Pagpasok niya ay nakita
niyang hiniga lang ng guwardiya ang dalaga sa sofa at hindi man lang ata
iniintindi. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad niyang binuhat ang dalaga at
kahit hindi niya alam ang silid nito ay napili niyang dalhin ito sa silid ng
dating niyang kabigan na umuukopa sa bahay na ito dati. Hindi naman siya
nagkamali ng pinagdalhan dahil silid na nga ni Liana ang dating silid ng
kaibigan.
Agad siyang kumuha ng planggana
sa loob ng banyo ng dalaga, nilagyan iyon ng tubig at kumuha rin siya ng bimpo
upang basain at ipunas dito.
Habang pinupunasan niya ang
dalaga ay napaka-init ng singaw ng katawan nito, batid niyang tumataas ang
lagnat ng dalaga. Kaya naman agad siyang lumabas ng silid nito upang maghanap
ng kung sino upang palitan ito ng damit. Nakita naman niya ang isang babae na
sa tingin niya ay Mama ni Liana. Nagulat pa ang ginang ng makita siya.
“Magandang hapon po!
Classmate po ako ni Liana, nabasa po kasi siya ng ulan, nandoon po siya sa
silid niya at hindi kop o siya mapalitan ng damit. Baka po maaring kayo na lang
po ang magpalit ng damit niya.” magalang na salita ni Gian, ngunit matapos
niyang magsalita ay dire-diretsong naglakad ang Ginang palayo sa kanya at
nakita niyang pumasok ito sa Master’s Bedroom na dating ginagamit ng
mag-asawang San Juan. Nagulat man sa inasal ay naghanap parin si Gian ng
kasambahay na maaring magpalit ng damit ni Ella, sa paghahanap niya ay isang
lalaki ang pumasok mula sa pinto ng sala. Agad naman itong nilapitan ni Gian at
nagpakilala.
“Magandang hapon po!
Classmate po ako ni Liana, kaya lang po ako nandito dahil hinatid ko po siya
dahil nabasa po siya ng ulan at basta na lang po nawalan ng malay, nandoon po
siya sa kanyang silid at hindi kop o siya mapalitan ng damit. Baka po pwedeng
kayo na lang po ang magpalit ng damit niya.” magalang na pagpapakilalal at
salita ni Gian.
“Maraming salamat sa paghatid
mo sa kapatid ko. Sige pupuntahan ko muna siya.” sagot naman ng lalaki na nahinuha
niya na nakatatandang kapatid ni Liana. Pag-akyat nito sa itaas ay sinundan
niya ito at naghintay lamang sa labas ng pinto hanggang sa bumukas ito at
masilip niya na napalitan na ng damit ang dalaga. Pumasok naman siya at sinalat
ang noo nito at naramdaman niyang mas tumaas pa ata ang lagnat nito.
“Kasalanan ko ito.” Bulong ni
Gian na narinig pala ng Kuya ng dalaga.
“Bakit naman naging kasalanan
mo?” usisa ng kapatid ni Liana at agad naman siyang sinalaysay ang nangyaring
pag-uusap nila ng dalaga nung umaga.
“Pagpasensyahan mo n asana
ang kakulitan niyang kapatid ko. Kulang kasi ‘yan sa atensyon, hindi ko na din
kasi siya masyadong nasasamahan mamasyal kaya siguro naghahanap ng kaibigan.”
paghingi ng dispensa nito para sa kapatid.
“Hindi, ayos lang. Sana
pinuntahan ko na lang siya. Ahh…hindi ba natin siya paiinumin ng gamot?”
pag-iiba ni Gian sa usapan.
“Allergic siya sa gamot.
Nagkakapantal siya sa buong katawan paguminom siya ng gamot, ang gamot niya ay
dapat nakadirect na iniinject sa mga ugat niya. Pero ayaw niya ng injection
kaya medyo matatagalan siya bago gumaling.” paliwanag naman ng Kuya ng dalaga.
“Ganoon ba? Sige tutuloy na
rin ako kasi basa din ang damit ko. Pagka-gising niya pakisabi na lang
‘sorry’.” ani Gian at anyong tutungo na sa pinto upang lumabas.
“Wala yun pare, ako nga pala
si Lance.” sagot naman ni Lance dito.
“Gian pare, diyan lang ako
nakatira, 5 blocks from your house. Sige tutuloy na ako.” ani Gian at lumabas
na nga ng pinto.
KINABUKASAN…WEEKEND…
Maagang nagising si Gian at hanggang
sa pag-gising niya ay iniisip niya parin si Liana, kaya naman naisipan ni Gian
na magluto ng soup at mag-squeeze ng orange juice para dito. Nakokonsensya
parin siya dahil sa nangyari sa dalaga. Kung pinunutahan na lamang niya iton
marahil hindi na sana umabot sa ganoong sitwasyon. Napatda siya sa pag-iisip ng
biglang magsalita ang Lolo niya na kanina pa pala siya pinapanood magluto.
“Aba apo! Parang ngayon lang ata
kita nakitang gumamit nitong kusina. Tsaka ano ba yang niluluto mo? Soup ba
iyan? Alam mo naman na hindi ako kumakain niyang.” anang kanyang Lolo habang
nakatingin sa soup na niluluto niya.
“Nako ‘Lo, hindi poi to para sa
inyo. Para po ito sa kaibigan kong may sakit.” ani Gian at hinalo pa ang soup
at nilagyan ng binateng itlog upang mas sumarap.
“Aba mukhang espesyal ang kaibigan
ng apo ko a. Hindi kaya tumitibok na iyang puso mo apo.” anang Lolo niya habang
nagsasalin ng fresh orange juice na ini-squeeze niya kanina para rink ay Liana.
“Ay Lolo! ‘Wag niyo hong pakialaman
iyan, para rin ho iyan sa kaibigan ko, At hindi po ako inlove, kasalanan ko
lang po kasi kung bakit siya nagkasakit kaya pakiramdam ko ay nararapat lamang
na ito ay gawin ko.” ani Gian habang inaawat ang Lolo niya sa pagsasalin ng
juice sa baso.
“Aba napakadamot ng batang ito.
Kaunting juice lang naman e ayaw bigyan ang Lolo niya. Nako hijo! Espesyal siya
sa iyo, hindi ka naman gumagawa ng ganyan dati e at hindi mo rin ako
pagdadamutan dahil lamang sa ganoon.” litanya ng Lolo ni Gian.
“Ay nako si Lolo naman o! Bahala nga
ho kyao kung ano ang gusto niyong isipin, basta ang alam ko ho e obligasyon ko
ito dahil ako ang may kasalanan.” ani Gian na nag-simula ng isalin ang soup sa
canister upang dalhin na kay Liana.
Laking tuwa ni Liana sa pagkain na
dinala sa kanya ng Gian at halos maubos niya lahat ng soup na niluto nito para
sa kanya.
“Ang sarap naman! Maraming salamat!
Pwede bang bukas ulit?” ani Liana matapos ubusin ang huling mangkok ng soup na
niluto ni Gian.
“Umaabuso ka naman ata niyang lagay
na yan.” ani Gian at nakitang may mantsa ng soup ang gilid ng labi ni Liana at
pinunasan iyon. Napasinghap naman si Liana sa pagkakadikit ng mga kamay ni Gian
sa gilid ng labi niya at hindi niya namalayan na nag-blush nap ala siya.
“O bakit ang pula ng mukha mo?
Mataas parin ba ang lagnat mo?” tanong ni Gian sa dalaga na iling lamang ang
tanging naging sagot.
“Siya nga pala bakit parang hindi ka
iniintindi ng Mama mo?” curious na tanong ng binata, dahil napansin niya na
bale-wala lamang sa Ginang ang kondisyon ng anak at maging kanina at nakita
niya lamang itong nakaupo sa sala at nanunuod ng tv at tila hindi man lang
nag-aalala sa sitwasyon ng anak.
Hindi naman makasagot agad si Liana,
aking pasasalamat na lamang niya ng bumukas ang pinto at iniluwa noon ang
kanyang Daddy.
“Kamusta na ang prinsesa ko?”
malabing na tanong ni Mr. Joaquin at lumapit sa kama ng anak at umupo sa gilid
ng kama nito at sinalat ang noo.
“Okay naman po dad, lagnat lang
naman po iyong. By the way Dad this is Gian, schoolmate ko po at kapitbahay lang
natin siya.” masiglang pagpapakilala ni Liana kay Gian sa Daddy niya. Kumunot
naman ang noo ng Ginoo at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni
Gian. Agad naman naunawaan ni Gian kung ano ang nais ipahiwatig ng ganoong
tingin kaya nagpaliwanag na rin siya.
“Ahh…Sir, it’s not what you think.
Liana and I are just good friend, right Liana?” ani Gian na medyo may
pagka-defensive ang tono ng pananalita.
“Yeah Dad! We’re just good friends.
It’s not what you think it is.” Nakangiting paliwanag ni Liana na medyo
natatawa sa mukha ni Gian dahil tila tinakasan ng dugo.
“I’m not even saying a word. Why you
two are so defensive?” anang Mr. Joaquin.
“No Dad. Oh c’mon! Please stop
frightening my friend. Apparently he made a soup and squeeze fresh orange juice
for me.” ani Liana na pinakita pa ang canister ng soup na wala ng laman.
Bahagya namang tumawa si Mr. Joaquin na nakapag-pabalik ng dugo sa mukha ni
Gian dahil sa paghinahuha na nagbibiro lamang ito.
“I know. Tinetest ko lang naman ang
kabigan mo.” saad naman ni Mr. Joaquin. “Hindi na rin ako magtatagal hija, may
meeting pa kami sa office. Magpagaling ka ha? ‘Wag na muna magkikilos.” dagdag
pa ni Mr. Joaquin at hinalikan na sa noo ang anak. Bago lumabas ay tinapik
naman nito sa balikat si Gian atd tango lamang ang isinagot ng binata. Nang
makalabas ang ginoo ay napahinga ng malalim si Gian.
“Para saan ang napakalalim na
buntong-hiningang yan? Natakot ka kay Daddy?” tanong ni Liana na medyo
natatawa.
“Hindi naman.Nagulat lang ako. Sige,
uuwi na rin ako.” paalam ni Gian at niligpit na ang mga pinagkainan ni Liana at
binalik sa paper bag napinaglagyan niya, hindi pa siya tapos maglispit ay
nagulat na lang siya ng bigla na lang siyang hinalikan sa pisngi ng dalaga.
“Maraming salamat Gian!” ani Liana
matapos itong halikan sa pisngi. Nagulat man sa ginawa ng dalaga ay hindi na
pinahalata ni Gian.
“Wala yon. Sige pagaling ka ha?” ani
Gian at umalis na.
Habang naglalakad sa daan si Gian ay
tila napakasaya niya, sumisipol-sipol pa siya habang tinatahak ang daan.
LUNES…
Matapos ang klase ni Gian ay
tumambay muna siya doon upang hintayin dumating si Liana, hindi pa naman siya
matagal na naghihintay ay dumating na si Liana at agad niya itong nilapitan at
sinalat ang noo.
“I’m fine okay? You don’t have to worry.
Relax! Lagnat lang yun!” natatawang wika ni Liana dahil sa ginawa ni Gian.
“Naniniguro lang.” ani Gian at
tumalikod na at papalabas na ng gate.
“I can’t believe it. You waited for
me just to check if I’m okay?” ani Liana na tumakbo papalapit kay Gian at
tinusok-tusok ang tagiliran nito na animo nanunudyo.
“What’s the big deal?” tanong naman
ni Gian.
“Wala naman. Naisip ko lang na baka
na-iinlove ka na sa akin. Inlove ka na sa akin noh?” tudyo ni Liana sa binata.
“Bakit maganda ka ba?” ani Gian na
medyo napapangiti. Nitong mga nakaraang araw kasi ay tila gusto niya lagging
makita si Liana. Hindi niya alam pero gusto niya itong lagi bisitahin sa bahay
nito. Marahil tama ito, naiinlove na talaga siya sa dalaga. Pero hindi niya
iyon aaminin kailan man sa dalaga.
“Oo naman. Maganda ako.
Magandang-maganda ako.” tumatawang sagot ni Liana sa tanong ng binata. Nagulat
na lang si Liana ng bigla siyang inakbayan ni Gian at bumulong ng…
“Maganda ka. Magandang-maganda sa
panigin ko.” bulong ni Gian at lumabas na ng gate upang umuwi.
Hindi naman malaman ni Liana kung
ano ang kahulugan ng sinabi ng binata. Pero dahil dito ay talaga namang
napakasaya niya. Walang pag-sidlan ang tuwang nararamdaman niya. Hanggang sa
matapos ang lahat ng klase niya ay naka-ngiti siya. At labis siyang natuwa ng
magtext sa kanya ang binata.
Gian:
Susunduin kita, tapos na ba ang klase mo?
Liana:
Tapos na. Kanino mo nakuha yun number ko ha?
Gian:
I have my ways. :P
Liana:
Sabi mo e, I’ll wait you here. :P
Gian:
Sure.♥
Hindi
na siya sumagot sa huling text ng binata dahil baka mahalata na nito na
kinikilig siya. Nagpasya siyang lumabas na ng classroom niya at intayin na
lamang ang binata sa labas ng campus. Makalipas ang kalahating minuto ay nadoon
na nga ang binata.
“Bakit
mo ako sinusundo?” nakangiting tanong ni Liana.
“Ayaw
mo ba Sige uuwi na lang ako.” sagot ni Gian at umaktong aalis na at hagad naman
hinila ni Liana ang braso ng binata.
“Nagtatanong
lang naman ako e. Pero wala akong sinabing ayaw ko.” Ani Liana.
“Yun
naman pala e, wag ng maraming tanong. Akin nay an bag mo at ako ang magdadala.”
Ani Gian at kinuha ang bag ng dalaga upang siya na ang magdala.
“Uuwi
na agad tayo?? Hindi ba muna tayo magmemerienda?” tanong ni Liana na sinabayan
pa ng himas sa tiyan upang maging kapani-paniwala ang pagpapanggap niyang
nagugutom pero ang totoo ay gusto niya lang makasama ng mas matagal ang binata.
“Sige.
Saan mo ba gusto ko kumain? Kahit na alam ko namang hindi ka talaga nagugutom
at gusto mo lang ako makasama ng matagal.” Ani Gian na kinindatan pa ang
dalaga.
“Ang
kapal naman ng mukha mo Gian. Nagugutom talaga ako, pero kung iyan ang iniisip
mo mabuti pang tiisin ko na lang yun gutom ko at umuwi na tayo.” Ani Liana at
hinila mula sa binata ang bag niya at nagpatiuna na ng maglakad at agad namang
hinabol ito ng binata.
“Nagbibiro
lang e. Smile na. Saan mo ba gusting kumain?” ani Gian na nginitian ang dalaga.
“Doon
na lang tayo sa Happy Lemon, balita ko masara daw yun milk tea doon e.” ani
Liana na napilitan na rin ngumiti dahil sa pag-kakangiti ng binata. Kaya naman
pumunta na sila sa Happy Lemon upang kumain.
Simula
nga ng araw na iyon ay lagi na silang ganoon at araw-araw na rin silang
magka-text ng binata at tuwing sabado pumupunta ang binata sa bahay nila at
binibigyan siya ng mga bulaklak at tsokolate. Hindi naman siya nag-abalang
itanong dito kung ano ang mga kahulugan ng mga iyon at pinili na lamang niyang
enjoyin ang mga bagay na binibigay nito.
ISANG
LINGGO…nagsimba silang dalawa sa simbahan sa loob ng village na tinitirhan
nila. Tapos na ang misa, kaya naman naglakad na sila pauwi. May inabot na
invitation si Liana kay Gian.
“Ano
ito?” takang tanong ng binata.
“Buksan
mo kasi para malaman mo kung ano ba iyan.” Ani Liana. Binuksan naman ng binata
ang envelop at binasa ang laman niyon. Nakasaad sa imbitasyon na magdedebutr na
ang dalaga at siya ay malugod na inaanyayahan. Hindi pa siya tapos magbasa ay
nagsalita ulit si Liana.
“Sana
pumayag ka.” Ani Liana na bahagyang ngumuso na tila nagpapa-awa.
“Pumayag
saa---“ hindi na natuloy ni Gian ang kanyangtanong dahil nakita niya ang
pangalan niya sa 18 roses na nakalagay siya sa pang18 na rosas. Napangiti siya
sa kanyang nakita, pero agad niya ring pinalis ang ngiti upang biruin si Liana.
“Nako!
Hindi ako pwede ng araw na iyan Check-up kasi ni Lolo yang araw na iyan kaya
baka hindi ako makakareting. Pasensya ka na ha?” seryosong tugon ni Gian.
“Ganon
ba? Sayang naman. Siguro maghahanap na lang ako ng proxy mo o kaya sasayaw na
lang ako mag-isa.” Malungkot na wika ni Liana. Na nauna ng maglakad. Natuwa
naman si Gian napagtagumpayan niyang magpanggap na hindi siya pupunta. Balak
niya kasing sorpresahin ang dalaga sa debut nito.
Mabilis
lumipas ang mga araw at sumapit na nga ang debut ng dalaga. Nakipagsabwatan si
Gian sa Kuya ni Liana upang ito ang maging kunwaring proxy ng last dance ng
dalaga. Naging masaya naman ang debut ng dalaga yun lamang at hindi dumalo ang
ina nito. Alam na rin ni Gian ang kwento kung bakit ganoon ang pagtrato ng
Ginang sa bunso nitong anak. Noong 13 years old palang si Liana ay nagswimming
ito kasama ang ate nito na nagngangalang Lara na ng mga panahong iyong ay 15
years old at graduating ng high school, pero bigla na lamang pimulikat si Liana
kaya kinailangan siyang saklolohan ng kanyang ate subalit sa halip na
masaklolohan ang nakababatang kapatid ay nalunod ito at ang tanging masagip ng
buhay ay si Liana at mula noon ang sinisisi ng Ginang sa pagkamatay ng kanyang
anak ay bunso nitong anak. Na mula noon ay hindi na nito tinuring na anak ang bunso
nitong anak. Kaya naman pala ganoon na lang nito tratuhin ang bunsong anak.
Ginanap
ang debut ng dalaga sa isang napakalaking gymnasium na dinekorahan ng maraming
asul na rosas na paboritong bulaklak ng dalaga. Animo’y flower festival ang
debut ng dalaga dahil napakaraming bulaklak.
Alam
na rin ng Kuya ni Liana na nililigawan ni Gian ang dalaga at hiningi na rin
niya ang permiso nito upang maging nobyo ng dalaga at pumayag naman ito basta
mangako lamang daw siya na hindi paiiyakin at sasaktan ang kanyang kapatid na
buong puso namang ipinangako ng binata dito.
Mabilis
na lumipas ang oras at ang ika-18 na rosas na ang kailangang sumayaw sa dalaga,
pero masakit na ang mga paa ng dalaga pero wala parin ang kuya niya upang
isayaw siya. Pero maya-maya lang ay nag-iba nag ang tugtugin at may isang
lalaking nakamaskara ang lumapit upang isayaw siya. Naguguluhan man ay
sinabayan na lang ni Liana ang pag-sayaw ng kanyang kapareha.
“Kuya?”
tanong ni Liana sa nakamaskara. Pero nakasisiguro siyang hindi ito ang Kuya
niya, lalo na ng mahagip ng kanyang mata ang kanyang mata na nakangiti at
nakataas ang champagne glass nito sa kanya. Naamoy niya ang pabango ng kanyang
kasayaw at doon niya lamang nakilala na si Gian pala ang kanyang kasayaw.
Naiyak na siya at nahampas niya pa ang binata sa balikat gamit ang mga rosas.
“Sabi
mo hindi ka makakapunta? Ikaw talaga! Pinasama mo pa yun loob ko.” Bulong ni
Liana sa binata na may halong pagtatampo ang boses.
“Gusto
lang naman kitang sorpresahin e. “ ani Gian na bahagyang nilayo ang dalaga sa
kanya upang pahirin ang luha nito.
“Hindi
ka nakakatuwa!” anggil ng dalaga dito.
“Alam
ko, pero aminin mo masaya ka dahil sa sorpresa ko?” ani Gian. Hindi pa man
nakakasgaot si Liana ay lumuhod na siya sa harapan ng dalaga at tinanggal ang
kanyang maskara.
“A-anong
ginagawa mo?” pabulong na wika ni Liana na hinihila patayo ang binata. May
lumapit naman na lalaki kay Gian at inaabot ang mikropono dito.
“Magandang
gabi po sa inyong lahat! Ako po si Gian Stefan Santillan, manliligaw ni Liana
Gaile Joaquin. 5 buwan ko na po siyang nililigawan, pero tila wala po siyang
balak na sagutin ako. Kaya naman po ngayong gabi ay tatanungin kop o siya kung
ano po ba talaga ang magiging sagot niya.” Nakangiting wika ni Gian habang
nakatingin sa mga mata ni Liana.
“Ano
ba ito?” ani Liana na hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya ngayon.
“Sagutin
mo na lang yun tanong ko: Mahal mo ba ako?”
nakangiting tanong ni Gian sa dalaga.
“Oo.”
Nakangiting sagot ni Liana. “Mahal kita, simula pa lang noong unang araw kitang
nakita.” Dagdag pa ng dalaga. Dahil sa sobrang kaligayahan ay nayakap ng
mahigpit ni Gian ang dalaga at binigay dito ang regalo niya. Inilabas niya mula
sa gbulsa ng coat niya ang isang parisukat na kahita at pinabuksan iyon sa
dalaga.
“A-ano
ito?” namamanghang tanong ni Liana kay Gian.
“Regalo
ko sayo.” Ani Gian at kinuha ang isa sa dalawang singsing na laman noon at
sinuot sa palasingsingang daliri ng dalaga. “I love you Liana Gaile Joaquin,”
dagdag pa ng binata matapos isuot ang singsing. Awtomatiko naman ay kinuha ni
Liana ang isa pang singsing at sinuot ito sa binata.
“I
love you too Gian Stefan Santillan.” Tugon naman ng dalaga sa sinabi ng binata.
At nagyakap silang dalawa, hindi pa sana sila maghihiwalay ng biglang
nagpalakpakan ang mga tao at nakita niyang patin ang Daddy niya ay pumapalakpak
rin. Hindi man buo ang debut niya dahil hindi umattend ang kanyang ina ay
masaya na rin siya dahil sa kanyang nobyo.
Ikalawang
taon sa Kolehiyo…
Sabay
sina Gian at Liana ng Schedule sa college kaya naman lagi silang sabay umuwi at
pumasok. Marami na ring nagbago, mas sumaya ang relasyon nila ni Gian subalit
ang relasyon nila ng kanyang ina ay hindi na ata maayos pa.
Isang
sabado ng umaga, magkatext sila ni Gian.
Gian: Be, mall tayo ngayon. Gusto mo?
Liana: Sige Be. Para mabili na din yun couple shirt na
gusto natin.
Gian: Oo nga Be. Sunduin kita mamaya diyan ha?
Liana: Sige be, ligo lang ako. At iaayos ko lang tong
mga kalat na hinalungkat ko.
Gian: Sige po be. I love you.
Liana: I love you too be. Wait kita.
Pagkatapos
nilang magkatext ay niligpit na agad ng dalaga ang kanyang mga hinalungkat na
lumang gamit. Nagmamadali na din siya dahil baka maabutan siya ng kanyang nobyo
na hindi pa naliligo kaya naman matapos maligpit ang mga gamit ay dumiretso na
siya sa banyo upang maligo. Matapos maligo ay nagbihis…kasalukuyan siyang
nagsisipilyo ng dumating ang kanyang nobyo at dumiretso ito sa kanyang silid.
“Be?”
tawag ni Gian sa dalaga na hindi naabutan sa silid nito.
“Be,
nagtotoothbrush lang ako. Wait lang po.” Sagot naman ni Lian sa nobyo. Dahil
nawili sa pagisipilyo ng ngipin nainip si Gian at naupo sa kama ni Liana at
napansin ang isang lumang kahon. Nakita niya doon ang mga lumang litrato ni
Liana, nakasuot ng mga seksing damit. Hindi niya naisip na ganito pala ang
girlfriend niya sa London, may mga picture ito kasama ang ibat-ibang lalaki sa
mga club sa London. Hindi niya akalain na sa napakamurang edad ay pinapayagan
na ng magulang ang kanilang mga anak na pumunta sa ganoon lugar. Sa
pagingi-alam ni Gian ay nakita niya ang CD na may nakasulat na REGARDER EST
INTERDITE STIRCTLY. Dahil sa knayng kuryosidad ay pinanuod niya ito sa portable
DVD player ng nobya at laking gulat na lang niya ng mapanuod niya ay isang sex
scandal ng kanyang nobya, walang duda na nobya ang nasa video dahil sa anklet
na suot ng babae sa video na lagi suot ni Liana. Matatapos na niyang panoorin
ang video ng lumabas si Liana sa banyo at tinanong kung ano ang ginagawa niya
at nilapitan siya.
“Be,
ano yang---“ hindi na natapos ni Liana ang tanong dahil sa nakita niyang
pinapanood ng nobyo.
“Anong
ibig sabihin nito Liana ha?” galit na tanong ni Gian sa dalaga. Na tumayo na at
papalabas na ng silid ng nobya.
“Be,
let me explain.” Ani Liana na hinabol papalabas si Gian Naabutan niya ito at
humarang siya sa daanan nito subalit tinabig lamang siya nito. Hindi parin siya
sumuko at kahit walang sapin na kahit ano ang aa ay hinabol niya ito hanggang
sa sarili nitong bahay. Subalt pagkapasok nito ng gate ng bahay nila ay
sinarado nito ang gate upang hindi makapasok ang dalaga.
“Gian,
parnag awa mo na. Buksan mo naman ito. Hayaan mo muna akong magpaliwanag.”
Pagmamaka-awa ni Liana sa binata. Subalit hindi na lumbas si Gian upang
kausapin siya.
Sa
loob naman ng silid ng binata ay naguguluhan siya. Hindi siya makapaniwala na
ganoon kaliberated ang gf niya. Hindi din kahit kailan nabanggit ni Liana na
mayroon itong ganonng video. Nag-iisip talaga siya, pero ayaw na niyang
marining ang mga paliwanag ng dalaga. Nag-iisip parin siya ng may matangga
siyang mensahe mula sa dalaga.
Liana: Be, maniwala ka sana. Hindi ako yun babae sa video. Si Ate Lara yun, ng mamatay siya ako na lahat ang nagtabi ng mga lumang gamit niya. Paniwalaan mo sana ako Be. Mahal na mahal kita.
Gian: Anong akala mo? Mabibilog mo ulo ko sa mga
paliwanag na inembento mo? Hindi. Salamat nalang sa pang-gagago at panloloko
mo. Pinaniwala mo akong iba ka sa kanila, pero ano? Sariling baho ay tinatago
mo rin pala. Salamat Pero tapos na tayo.
Liana: Be, hindi ko kaya. Wag naman ganito. Ayusin
natin ito. Hindi ako nag-iimbento. Totoo yun sinasabi ko beh. Maniwala ka
naman. Please.
Pero
wala ng natanggap na reply si Liana mula kay Gian. Tinawagan niya din ito
subalit nakapatay na ang cellphone ng binata.
LUNES…
Iniintay
ni Liana si Gian pero hindi ito pumasok sa lahat ng kanilang klase. Isang lingo
itong hindi pumasok. Lagi niya rin itong pinupuntahan sa bahay nito subalit
sabi ng Lolo nito ay lagi daw wala si Gian sa bahay.
MAKALIPAS
ANG ISANG LINGGO…
LUNES…PE
nila kaya dumiretso si Liana sa gym ng school nila upang magpalit ng swimming
attire ng laking gulat niya ng pagpasok niya ay naabutan niya si Gian na may
kahalikan sa loob ngMen’s CR. Tila sasabog ang kanyang utak sa kanyang nakita.
Hindi na niya napigilan ang sarili niya at nilapitan niya ang mga ito at hinila
ang babae palayo kay Gian at sinampal ang binata. Inaawat sila ng babae ng
dahil sa inis ay sinabunutan ni Liana ang babae, umaawat naman si Gian pero
tila pinapaborn pa nito ang babaeng kahalikan.
“Ano
Gian? Siya ba ang bago mo? Ako ba ang nangloko sa ating dalawa? O ikaw na
matagal ng nangangaliwa?” ani Liana na hindi na napigilang tumulo ang lumuha na
kanina pa niya pinipigilan. “Kahit kailan Gian wala akong ginawang masama na
makakasira sa relasyon natin. Tinanggap ko ang mga akusasyon mo, dahil kahit
isa doon walang totoo. Mahal na mahal kita. Alam mo yan! Pero ano? Sinasaktan
mo na talaga ako. K ung diyan ka magiging masaya, sige magpakasawa ka.” Ani
Liana at umalis na.
Dahil
sa nangyari hindi na pumasok ulit si Liana, lagi na lang itong nagkukulong sa
sariling kwarto. Pagtinatanong naman ito ng kanyang Kuya at Papa ay laging
sagot lamang nito ay okay siya.
Isang
sabado ng gabi, ginamit ni Liana ang kotse ng kuya niya at bumiyahe papuntang
Baguio na habang nagbibiyahe ay umiinom. Hindi siya sanay uminom kaya naman
ilang bote pa lamang ang kanyang naiinom ay nalalasing na siya. Pagdating niya
sa Kennon Road dahil sa sobrang kalasingan, hindi na niya na-control pa ang
steering wheel kaya naman tuluyan ng nahulog ang kotse na sinasakyan niya sa
bangin.
Tahimik
na ang gabi ng isang nakakabinging ring ng telepono ang bumulabog sa pagtulog
ni Lance. Pinindot pa niya ang ignore button para ‘wag sagutin ang tawag,
subalit tila napakakulit ng caller at tumawag ulit. Kaya naman kahit
iritang-irita na ay sinagot na rin niya.
“Hello?”
ani Lance sa medyo paos na boses.
“Ito
po ba ang Joaquin’s Residence?” tanong ng lalaki sa kabilang linya.
“Ito
nga ho, sino ho ba sila at ano ho ba ang kailangan nila?” nagtatakang tanong
naman sino Lance. Bagamat hindi pinahahalata na irritable na siya. Ayaw niya
kasi talaga sa lahat ay yun paligoy-ligoy magbigay ng impormasyon.
“Dito
po ba nakatira si Ms. Liana Gaile Joaquin?” tanong ulit ng lalaki sa kabilang
linya.
“Dito
nga ho. Maari ho bang sabihin niyo na kung ano po ang kailangan ninyo. Kanina
pa ho kayo tanong ng tanong e hindi naman po naming kayo kilala.” Ani Lance na
halata na sa boses ag pagka-irita.
“Paumanhin
po. Pero ako po si SPO1 Esguerra ng Camp 3, Tuba, Benguet. Narecover po kasi
namin sa bangin dito ang isang kulay itim na Hyundai Genesis Coupe na may
special plate po na LAN 007 at lulan po nito ang isang maputing babae, na
napag-alaman po namin na si Ms. Liana Gaile, kasalukuyan po siyang nakaconfine
sa Benguet General Hospital. Masyado po kasing malala yun naging damage sa
mukha niya at lalo nap o sa ulo niya.” Paliwanag ng pulis sa binata.
Hindi
naman nakapagsalita si Lance sa balitang narinig. At nakuha pang magbiro…
“Manong,
ano ba namang biro ito? Nandito po sa bahay ang kapatid ko, mahimbing na pong
natutulog. Wag naman po kayong ganyan.” Ani Lance na pagak pang tumawa.
“Ang
mga ganitong bagay ay hindi po dapat gawing biro. Puntahan niyo na lang po si
Ms. Liana sa hospital dahil kailangan niya po agad maoperahan. Maraming salamat
po.” Anang pulis at binaba na ang awdetibo.
Agad
namang pinuntahan ni Gian ang kanyang mga magulang sa silid nito at ibinalita
ang nangyari. Hindi naman nag-atubili ang kanyang mga magulang maging ang
kanyang ina at agad-agad na silang umalis. Habang nasa daan ay tinawagan naman
ni Lance si Gian. Ilang ring lang at may sumagot na sa kabilang linya.
“Hello
pare?” ani Gian.
"Makinig
kang mabuti ha? Papunta kaming Neguet General Hospital, nakaconfine doon si
Liana, umalis pala siya dala yun kotse ko ayon nahulog sa bangin. Pare masama
ang lagay niya.” Paliwanag ni Lance sa kausap.
“S-sige
pare, papunta na ako.” Ani Gian na halatang nabigla sa balitang natanggap.
Dahil
walang trapiko at gabi na, madaling narating nina Lance ang ospital na
pinagdalhan kay Liana, ayon sa Doctor ay naoperahan na ang dalaga at
kasalukuyang nasa comatose stage dahil sa severe head damage.
“Wala
na po bang ibang pwedeng gawin upang magkamalay agad ang anak ko?” naiiyak na
tanong ni Mrs. Joaquin. Habang nakatingin sa transparent na salamin ng ICU.
"Sa
ngayon po ay kailangan na lang natin intayin na magkamalay siya, pero kung
mismong katawan na po niya ang susuko wala nap o talaga tayong magagawa.” Sagot
ng doctor at lumakad na palayo. Maya-maya pa ay dumating na si Gian at labis
siyang nanlumo sa nakikita niyang lagay ng kasintahan.
Habang
lahat sila ay nasa loob at nagbabantay, isa-isa nilang kinausap ang walang
malay na katawan ni Liana.
“Anak,
patawarin mo ako sa nagawa ko sayo. Patawarin mo kung dahil sa isang kapabayaan
na nagawa ko ay ikaw ang sinisisi ko. Anak, parang-awa mo na
. Lumaban ka, wag mo kaming iiwan. Mahal na mahal
kita. Bigyan mo pa sana ako ng isa pang pagkakataon para maparamdam sayo ang
pagiging ina ko.” Umiiyak na wika ni Mrs. Joaquin.
“Prinsesa
ko, anak lumaban ka. Wag kang ganyan anak, ikaw na nga lang ang nag-iisang
prinsesa ko e, labanan mo yan. Mahal na mahal kita anak, parang-awa mo na. Wag
mo naman kaming iwan agad ng Mommy at Kuya mo.” Ani Mr. Joaquin.
“Ahh,
tito tita, magpapaload lang po ako saglit sa baba. Baka po kasi nag-aalala
sakin si Lolo e.” paalam ni Gian na lumabas na upang sumakay ng elevator.
Habang nasa elevator, hindi mawala sa isipan niya si Liana. Iniisip niya yun
mga bagay na sasabihin niya. Pagdating niya sa baba ng ospital ay nagpaload
agad siya upang makabalik agad. 2 floor na lang at malapit na siya sa floor
kung saan si Liana nakaokupa ng biglang naghang ako elevator at namatay ang
ilaw.
Hindi
na napigilan ni Gian ang mapaluha, hindi dahil sa siya ay kinakabahan, bagkus
sakabatid na kuryente na lang ang nagpapagana ng mga pumping machine na
nakasaksak kay Liana, pero dahil sa pagkamatay ng ilaw ay malamang patay na
ito. Pinagsusuntok niya ang pader ng elevator pero wala na siyang magawa kung
ang umiyak at isagaw ang mga katagang…
“Liana,
mahal na mahal kita.” Ani Gian na nagpatuloy s apag-iyak.
THE
END
No comments:
Post a Comment