Lazada

Thursday, February 20, 2014

Sigaw ng Katotohanan

Sigaw ng Katotohanan
Catherine Algario

Simulan na ang sigaw para sa panibagong hudyat
Sa katotohanang ikagugulat, baho'y sasambulat
Oras na para mga mamamayan ay dapat imulat
Sa mga kasalanan nilang sama-samang bumibigat

Sa usapang batas, nasaan ang totoong hustisya
Silang mga sumusuway ay sila ring nagtatakda
Dinadaan sa lagay, panglinis ng pangalan
Mga pulis na bayaran, nasisilaw sa kayamanan

Abogadong pinapanigan parehong mali at tama
Kilalang mahusay sa pag-aaral ng batas sa bansa
Katarungan ang pinaglalaban ngunit yabang ang pinaiiral
Kaya katotohanan sa bansa'y hindi na nagtatagal

Isinisigaw ko ngayon ang mga dapat na malaman
Na sa katarungan ay walang sinisino sa kayamanan
Silang matataas ang labis na lumalamang
Pera lang ang katapat ng anumang kabuktutan

No comments:

Post a Comment