Lazada

Wednesday, February 26, 2014

HALAGA

HALAGA
akda ni Joanna Marie Cabanatan

Masarap ang mabuhay, mayroon tayong mga sariling paraan sa ating pamumuhay. May mga taong masaya at mayroon din malungkot dahil sa uri ng kanilang pamumuhay. Mayroon ding mga tao na hindi masaya kahit mayroon na sila ng mga material na bagay na gugustuhin ng sinuman, at mayroon din naman na masaya na kahit hindi man nila nakukuha ang mga bagay na gusto nila. Kung tutuusin natin masaya ang buhay, nasa sarili lang natin kung paano natin pahahalagahan ito.
Tunghayan natin ang istorya ng isang simpleng tao kung paano niya napahalagahan ang kanyang buhay sa kabila ng mga balakid na kanyang hinarap.
 Si Jed ay isang estudyante ng kolehiyo, sa kanyang edad na labingwalo marami na sya’ng mga nagawa sa kanyang buhay.
Si Jed ay isang ulilang bata sa kanyang ama na nawala ng siya’y makatapos ng elementarya. Dahil din sa pangyayaring iyon, humina ang katawan ng kanyang ina at naging dahilan ito upang tumigil siya sa paghahanap buhay. Dalawa silang magkapatid, limang taon ang agwat niya sa kanyang nakababatang kapatid na si Jake, kung kaya siya lamang ang aasahan sa pamumuhay ng kanyang pamilya. Simula sa kanyang murang edad, natuto na syang mag banat ng buto.
Nagawa nyang kumita upang mabuhay at mutustusan ang kanyang pag aaral. Nagtatrabaho sya bilang kargador sa palengke sa umaga, gumigising sya ng alas tres ng madaling araw upang tulungan ang mga tindera sa pag aayos ng kanilang mga paninda, kapalit nito, binibigyan sya ng kaukulang bayad kapalit ng kanyang serbisyo, inaabot sya ng hanggang alas sais ng umaga sa kanyang hanap buhay at sapat na ang oras na iyon upang makapag handa sya sa pagpasok sa eskwela.
Pumipili si Jed ng oras ng pasok na tama lang at hindi makasasagabal sa kanyang trabaho, madalas kumukuha sya ng pang umaga, mula alas otso hanggang alas dos ng hapon ng sa gayon makatulog pa sya ng dalawang oras bago bumalik sa palengke at tumulong sa mga tindera na magligpit ng mga paninda at maka uwi ng alas otso ng gabi.
Sa kabila ng kanyang magandang katangian, mayroon din syang hindi magandang katangian. Dahil sa suliranin na nakamulatan ni Jed at dahil na din sa mga kaibigan, natuto syang mag bisyo, alak at sigarilyo. Hindi man ito ganun kalala subalit masasabi padin ito na bisyo, para sa kanya, ito ay matatawag na pampawala ng pagod at sama ng loob. Masama ang loob ni Jed dahil sa buhay na mayroon sya, kaya’t ginagawa nya ang mga bisyo upang makalimot pansamantala. Pag dating sa bahay, gagawa sya ng mga gawain sa eskwela, at habang gumagawa sya, umiinom sya upang makatulog ng maaga at makagising din ng maaga. Ganito ang ikot ng buhay ni Jed sa araw-araw liban pag sabado at lingo, pag araw ng walang pasok, umiinom si Jed pagkagaling sa palengke upang makatulog kaagad at makagising ulit upang bumalik sa palengke.
Sa eskwela naman hindi masasabing hindi maganda ang buhay ni Jed, marami syang kasundo na mga ka eskwela. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa talent ni Jed sa Math, hindi man nya ito napapansin, ngunit sya ang nangunguna sa klase pagdating sa math. Dahil din sa pagpupursigi nya sa pag aaral, may mga kaibigan at kakalase sya na handang tumulong sa kanya ng pinansyal kapag may mga bayadin na biglaan. Mabait naman si Jed ngunit hindi lang maitatago ang pagod sa trabaho na nagiging dahilan upang tumahimik na lamang sya sa kanyang klase, madalas nasasabihan na suplado.
Ang mga kaibigan naman ni Jed ay masasabing tipikal na kabataan na masasabing nasa kolehiyo, mahilig gumimik, mag good time at ipagpaliban ang klase para sa mga walang kabuluhang bagay na nakapagpapasaya sa kanila. Malimit sumama si Jed sa mga barkada nya at naiintindihan naman siya ng mga ito, madalas nakakasama lamang siya kapag nagkakataon na wala ang kanilang guro. Natatanggap naman ni Jed na parte padin iyon ng pagkabata, subalit hindi nya maalis sa sarili nya na hindi na nya dapat yon ginagawa dahil hindi naman sya normal na bata. Inaalala padin niya ang kanyang trabaho at kinabukasan.
Sa ganung pamumuhay ay nasanay na si Jed at ipinagpapatuloy nya lamang ito hangang uamabot sya sa ikaabat na baitang sa kolehiyo. Sa oras na iyon, mas maraming dagok ang kinaharap ni Jed, nawala ang kanyang ina dahil sa sakit. Halos bumigay na si Jed dahil samga naganap, kung hindi nya lang iniisip ang kanyang nakababatang kapatid na nasa high school na ng panahong iyon. Dala ng kahirapan, pinili ni Jed na paghintuin pansamantala sa pag aaral ang kanyang kapatid. Hindi nya kayang pag-aralin ito ng kasabay nya, malaki din ang mga gastusin ni Jed sa eskwelahan dahil sa malapit na nga syang magtapos. Naging matino ang pananaw sa buhay ni Jed, nututo syang pahalagahan ang sarili at ang mga bagay na mayroon sya, tinanggal ang mga masasamang nakagawian at ginawa ang mga bagay na dapat gawin. Walang pinalampas na pagkakataon sa bawat araw na dumadaan sa buhay nya.
Dalawa nalang sila ng kapatid nya sa buhay, ang tanging iniwan na lamang sa kanila ng kanilang mga magulang ay ang bahay at lupa na pag aari ng mga ito. Maliit lamang ang lupa na may sukat na 80 sqm. kung saan nakatayo ang kanilang maliit na kubo. Tumulong sa pagtatrabaho ang kapatid ni Jed upang hindi masyadong mahirapan si Jed na tapusin ang kanyang pag aaral. Hindi masyadong nahirapan si Jed sa aspetong pinansyal dahil kumikita na din ang kanyang kapatid kung kaya lahat ng mga bayarin sa eskwelahan ay nabayaran nya.
Nakatapos ng pag aaral si Jed at tulad ng plano nya, pinabalik nya sa pag aaral ang kanyang kapatid. Subalit hindi tulad ni Jed, nawalan ng hilig sa pag aaral si Jake. Dahil sa naranasan na nitong kumita ng pera, hindi na nya ginusto pa na bumalik ulit sa eskwelahan at mag aral. Pinabayaan ni Jed ang kanyang kapatid sa gusto, inisip nya na magsasawa din sa pagtatrabaho ito at maiiisiapn din na bumalik ulit sa pag aaral. Natutong magbisyo si Jake simula nang maghinto ito, isa ito sa dahilang kung kaya ayaw na nyang bumalik sa pag aaral, masaya na sya sa buhay nya na kumikita ng maliit na halaga dahil natutustusan naman nito ang kanyang pangangailangan.
Lingid sa kaalaman ni Jed, lumala ang bisyo ni Jake, simula sa alak, sigarilyo at sugal, natuto din ito na gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Madalas hindi ito umuuwi ng bahay at tumutuloy sa mga katropa na nag turo sa kanya ng bisyo. Nung una, ipinagpawalang bahala ni Jed ang mga iyon dahil naisip nya na karapatan din ng kapatid nya na magsaya. Pinagbigyan nya ito dahil ayaw nyang ipagkait sa kapatid ang buhay ng isang binata. Tumigil na din sa pagtatrabaho ang kapatid nya dahil kumikita na si Jed. Subalit kasabay ng pagtigil sa trabaho, lumala ang bisyo ni Jake.
Nalaman ni Jed ang bisyo ng kapatid nya, ito ang naging dahilan upang pilitin nya ito na bumalik sa pag aaral, nang sa gayon, maibaling nalang nito ang atensyon sa mga bagay na may kabuluhan. Hindi gaya ng inaasahan, nagtuloy padin ng bisyo si Jake. Hindi ito pumapasok at nagbubulakbol lamang ito kasama ng mga kabarkada. Inuubos nya ang baon nya sa mga bisyo nya. Nang pinipigilan ni Jed ang kapatid, lalong naging suwail ito, hindi sya pinakinggan at tila nag rerebelde sa kanya. Lumayo ang loob ni Jake sa kuya nya dahil sa pinipigilan siya nito sa mga bagay na gusto nyang gawin. Madalas na ang hindi nito pag uwi at hindi pag pasok sa eskwela. Minsan naman, umuuwi ito ng lasing na halos hindi na makalakad sa sobrang kalasingan. Madalas ito ang mga bagay na pinag aawayan nilang magkapatid.
Sa murang edad ni Jake, naging bahay na ng mga bisyo ang katawan nya. Nakaramdam sya ng panghihina, ito ang naging sanhi ng madalas na pagkakaroon nya ng sakit. Halos dalawang buwan na tumigil sa bahay si Jake, tumigil muli siya sa pag aaral at tumigil din sya sa bisyo nya. Naging maganda ang epekto ng pagtigil ni Jake ng matagal na panahon, natanggal nya sa sarili ang bisyo. Nagkasundo din silang magkapatid sa maraming bagay dahil nag ka roon na sila ng oras upang mag bonding.
Naging maganda ang pagsasama nilang magkapatid, Taglay ang mahinang katawan dulot ng mga nakaraang bisyo, pinilit ni Jake na ipag patuloy ang pag aaral.. Naging maganda na ang daan na tinanahak ni Jake, nagaaral na ito ng mabuti ng hindi nagpapa apekto sa mga bisyo ng barkada. Naging idolo nya ang kuya nya at ito ang nagtulak sa kanya upang mag aral ng mabuti at maging responsable sa buhay. Sa kabila ng naging mahinang katawan, napagtagumpayan naman ni Jake na maging responsable.
Habang tumatagal, humihina ang katawan ni Jake at hindi nya ipinaalam sa kapatid nya. Tuloy tuloy ang regular na gawain nya araw araw, pasok sa eskwela at bahay nalang ang naging puntahan nya. Kung walang pasok, naglilibot sila ng kuya nya at dumadalaw sa puntod ng mga magulang. Kinakausap nila ang kanilang mga magulang at ipinakikita na naging maayos na din ang buhay nilang magkapatid. Hindi man ganun kaginhawa, taas noo padin nilang sinasabing, masaya sila kung ano man ang mayroon sa kanila.
Habang kausap ng magkapatid ang mga labi ng magulang, naitanong ni Jed sa kapatid kung ano ba ang mga hinahanap pa nito sa buhay at kung ano ba ang mga pangarap nito. Sinabi ni Jake na wala man silang mga magulang, hindi man sila ganung kayaman, masasabi parin nya na kompleto na ang buhay nya. Hinihintay na lamang nyang makatapos upang bumuo siya ng pamilya. Nagustuhan ni Jed ang sinabi ng kapatid, sinabi din nya sa kapatid na hindi muna sya magaasawa hangga’t kailangan pa siya nito. Natuwa si Jake sa sinabi ng kuya nya, ngunit sa isang banda ng  isip nya, nag aalala sya sa kalagayan nya. Nararamdaman nyang lalong humihina ang katawan nya ngunit ayaw nya namang  ipaalam ito sa kuya nya. Minabuti nyang sarilinin kung ano man ang nararamdaman nya.
Hindi nagtagal, dumating ang kinakatakot ni Jake, nagkasakit saya ng matagal, at dahil sa sobrang hina ng katawan nya, hindi na nya naitago sa kapatid ang kalagayan nya. Dinala sya sa ospital upang masuri kung ano ba ang sakit at kung ano ang lunas. Tumagal ng isang linggo ang pagsusuri kay Jake, at sa araw ng pagbasa ng resulta, minabuti na lamang ng doctor na kay Jed na lamang sabihin ang kondisyon nga kapatid.
Hindi malaman  ni Jed kung ano ang iisipin dahil natatakot sya sa kung ano ang kondisyon ng kapatid. Naisip pnya na dalawa nalang sila ng kapatid nya sa buhay at ayaw na nyang mawalan pa ulit ng mahal. Dumating ang doctor at nadatnan siyang nakatulala at nag-iisip sa harap ng mesa ng doctor. Sinabi ng doctor na may tatlong araw na lamang ang itatagal ng kapatid nya sa mundo. Ipinaliwanag ng doctor na hindi kinaya ng katawan ni Jake ang maagang pagbibisyo. Sinabi din ng doctor na nasobrahan sa pagttrabaho ang mahinang katawan nito. Ipinaliwanag din ng doctor na simaula pagkabata ay may mahina ng baga ang kapatid nya kung kaya lalo itong humina dahil sa bisyo at trabaho. Pilit na hinahanapan ni Jed ng sago tang doctor kung may paraan pa ba upang maisalba ang buhay ng kapatid nya, subalit walang maisagot ang doctor. Sa huli, natanggap ni Jed na hanggang dun nalang talga ang kapatid nya.
Paglabas ni Jed saopisina ng doctor, agad syang pumunta sa kapilya sa loob ng ospital, nagdasal sya doon upang ipagpasalamat ang huling tatlong araw na ibinigay ng Panginoon sa kapatid nya. Pag katapos nyang magdasal, umupo muna doon si Jed upang magi-isip. Iniisip nya kung paano nya sasabihin sa kapatid ang kalagayan nito. Bago bumalik sa silid kung saan nakaratay ang kapatid, naisip nya na i-uwi na ang kapatid at doon nalang kausapin. Nag paalam na din si Jed sa trabaho, nag pasa sya ng isang buwan na bakasyon at inaprubahan naman ito.
Pag dating sa bahay, pinlit nyang pagpahingahin ang kapatid, subalit tumatanggi ito dahil masyado na daw mahaba ang pahinga nya. Hindi mahahalata ang kahinaan ng katawan ni Jake ng mga oras na iyon, gusto nyang ipakita sa kapatid na malakas na ulit sya. Sa harap ng bahay na ipinamana sa kanila ng mga magulang nila, doon sila naupo, sa ilalim ng puno ng mangga na may nakakabit na luma at marupok na mahabang upuan na gawa pa ng kanilang ama.
Habang nakaupo, tinanong muli ni Jed ang kapatid kung ano-ano ang mga gusto nitong gawin. Nakaramdam si Jake ng lungkot sa kapatid, inisip nya na malala na talaga ang lagay nya at alam nya na alam na din iyon ng kapatid nya. Sinabi ni Jake sa kuya nya na gusto nyang maranasan ulit ang maging simpleng tao, simpleng binata at simpleng estudyante. Simpleng tao na nagkakaproblema subalit nakangiti parin sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok. Simpleng binata na gumagala at puupunta sa iba’t ibang lugar. Simpleng estudyante na nagbubulakbol at nag aaral sa oras na gustuhin. Sinabi din nya na gusto nyang maranasan ang buahy na walang pressure. Inamin ni Jake na matagal na nyang nararamdaman ang hirap sa katawan subalit ayaw nyang dumagdag pa sa mga problema ng kuya nya.
Pinipilit ngumiti ni Jake habang sinasabi nya ang mga salita na iyon sa kuya nya, ngunit hindi nya nya napigil ang pagtulo ng luha ng makita nya ang pag iyak ng kapatid. Nararamdaman nila ang lungkot ng bawat isa. Pagkatapos magsalita ni Jake, si Jed naman ang nag salita, sinabi nito ang tunay na kalagayang ng kalusugan ng kapatid. Sinabi nito na ang lahat ng sinabi ng doctor sa kanya, pinipilit ngumiti ng dalawa habang nag uusap, subalit hindi nila mapigil ang kalungkutan. Nang humupa na ang lungkot ng magkapatid, minabuti nilang matulog na upang masimulan ang susunod na araw ng maganda.
Sa unang araw ng nalalabing tatlong araw ni Jake, ginising sya ng kuya nya at inaya na kumain. Nakahain sa mesa nila ang paboritong almusal ni Jake, ang pritong itlog, tuyo, at kamatis. Kasama nito ang sinangag na kanin at inumin na kape. Naluha si Jake dahil sa magkahalong tuwa at lungkot, maagang gumising ang kuya nya upang ipaghanda siya ng paborito nya. Nakita ni Jed ang reaksyon ng mukha ng kapatid at sinabing huwag maging malungkot dahil gagawa sila ng mga masasayang ala-ala habang magkasama pa sila. Umupo sa harap ng mesa si Jake at sa kabila naman si Jed. Magkaharap ang dalawa, habang pinagkkwentuahan ang kanilang mga karanasan simula pagkabata.
Pagkatapos kumain, gumayak ang dalawa, nagsimba sila at pagkatapos ay tumuloy muna sila sa labi ng kanilang mga magulang, medyo tumagal sila doon. Nagkwentuhan muli ng kanilang pagkabata, hindi nila maiwasang maluha paminsan-minsan subalit pinipilit padin nilang maging masaya. Nag paalam na ang dalawa sa kanilang mga magulang at umalis. Lumibot ang dalawa sa mga lugar na hindi pa nila napupuntahan, gumawa sila ng mga ala-ala upang pareho silang may baunin sa kanya kanyang detinasyon. Lumipas ang maghapon ng magkapatid, umuwi sila ng nagtatawan. Pagdating nila sa bahay, makikita ang galak sa magkapatid habang kumakain ng hapunan na binili nila sa bayan. Pagkatapos kumain, hindi pa umalis sa harap ng mesa ang magkapatid, pinagkwentuhan pa nila ang mga bagay na nangyari sa maghapon.
Nang sumunod na araw, gumising si Jake at pumunta sa mesa, nadatnan nya ang kuya nya na naghahain palang at sinabing gigisingin na daaw sana sya. Umupo sa mesa si Jake tulad ng nakaraang araw, magkaharap padin sila. Naka hain sa mesa ang pagkain nila, hotdog at pritong manok na hilig naman ni Jed. Nagsimulang kumain ang dalawa hindi parin umalis sa mesa pagkatapos kumain. Nagkwentuhan muli ng mga hindi maubos na kwento ng mga naranasan nila ng nakaraang araw. Iba ang destinasyon ng magkapatid sa araw na iyon, nagpunta sila sa eskwelahan na pinapasukan ni Jake. Pumasok si Jake na parang normal na araw lamang habang si Jed naman ay kinausap ang puno ng eskwelahan. Ipinagpaalam nya ang kapatid na mawawala na ito sa eskwelahan na iyon. Sinabi nya ang kalagayan ng kapatid at nakita nya ang lungkot sa mata ng mga guro ng kapatid nya. Muli, hindi napigilan ni Jed na maluha sa sitwasyon ngunit ipinakita nya sa mga guro na matatag silang dalawa.
Sa kabilang dako naman, si Jake ay nasa silid aralan nila. Habang naghihintay ng guro, masaya padin silang nag kumustahan ng mga kaibigan nya. Ikinwento nya ang pinuntahan nilang magkapatid at tuwang tuwa naman ang mga kaibigan nya sa mga narinig sa kanya. Dumating ang guro nila at nag simula ang klase ng normal, walang kaalam alam ang mga kapwa estudyante ni Jake sa dinadala nya. Hindi din masyadong nagturo ang mga guro nila dahil ayaw nilang mapagod ang isip ni Jake, iyon nalang ang magagawa nilang pabor para sa batang malapit ng mawala. Nagn huling subject  na nila Jake, maagang umalis ang guro nila upang pagbigyan ang hiling ng kuya ni Jake na bigyan ng oras si Jake na makapag paalam sa mga ka eskwela. Tumayo si Jake sa harapan ng klase, nung simula, ipinagyabang nya ang mga naranasan nya ng nagdaang araw. Tuwa at galak ang nakita nya sa mga kapwa estudyante, naisip nya na mahaba pa ang oras ng mga ito upang pahalagahan ang buhay at kung ano man ang mayroon sila. Nagsimulang lumungkot ang paligid nag nagseryoso ang mukha ni Jake. Nagsimula syang mangaral sa mga nandoon upang pahalagahan ang mga bagay na mayroon sila at lalo na ang buhay nila. Ikinwento n nya ang kalagayan nya, hindi maiwasang maiyak ng mga malalapit nyang kaibigan habang nagsasalita si Jake sa harapan.
Ramdam din naman ang lungkot sa iba pang mga kaklase ni Jake. Dumating ang oras ng uwian subalit parang walang nas umuwi sa kanila. May nag sabi sa mga kaibigan ni jake na ano kaya kung lumabas muna sila at gumawa din ng mga ala-ala na babaunin nila sa kani-kanilang destinasyon. Sumangayon ang karamihan, sumama si Jed na naghihintay sa labas ng silid nila simula ng matapos nyang kausapin ang mga guro ni Jake. Napagkasunduan ng mga bata na pumunta sa isang parke. Nag ambag-ambag sila at bumili ng mga pagkain na kanilang pagsasalusaluhan. Nagkwentuhan sila ng masaya sa parke at gumawa ng mga masasayang ala-ala. Pinagkwentuhan nila ang mga taong nandoon din upang magsaya, pinagkwentuhan nila ang mga guro na kinaiinisan at kinatutuwaan nila.
Natapos ang araw at nagpaalam na ang mga kaklase ni Jake, huling nagpaalam ang mga malalapit na kaibigan ni Jake. Bago sila tuluyang umalis, nagpasalamat si jake sa mga kaibigan nya sa pagsama sa kanya, hindi nanaman napigilan ni Jake na lumuha habang nagsasalita, nadamay sa pagluha ni Jake ang mga kaibigan nya at lumuha na din. Tinapos ang iyakan ng isang ngiti mula kay Jake at nag sabing paalam at salamat.
Umuwi ang magkapatid, hindi tulad ng nakaraang araw, malungkot si Jake dahil niisip nya ang mga bagay na hindi n nya muli mararanasan. Naiisip nya ang mga kaibigan na hindi n nya muli makakasama sa galaan. Subalit naisip din nya na hindi sya maaaring malungkot dahil huling gabi n nya yon.
Pagdating sa bahay, hindi na nakakain ang magkapatid dahil busog pa sila sa mga kinain nila ng mga kaeskwela ni Jake. Inilabas ni Jed ang higaang kawayan sa bahay, doon nahiga silang magkapatid habang nakatingin sa mga bituin. Pareho silang tahimik at nagpapakiramdaman kung ano ba ang pagkkwentuhan nilang dalawa. Unang nagsalita si Jed, sinabi nya ang balak nya sa susunod na araw. Sinabi nya na gumala ulit sila sa iba’t ibang lugar, subalit hindi sumang ayon si Jake. Mas gusto pa ni Jake na manatili na lamang sa bahay nila sa huling araw ng buhay nya. Sinabi nya na doon sya nagkabuhay, kayat doon din sya mawawalan ng buhay. Sinang ayunan nalang ni Jed ang gusto ng kapatid subalit sinabi nya na pupunta daw muna sila sa puntod ng kanilang mga magulang.
Nakatulog ang dalawa sa labas ng bahay, nagising sila sa tilaok ng manok na nagsisilbing alarm clock nila sa araw araw. Unang bumangon si Jed upang maghanda ng kanilang kakainin, habang si Jake naman ay naiwan sa higaan upang sulitin ang bango ng hangin sa umaga. Ngayon nya lang napansin na masarap palang gumising at langhapin ang simoy ng hangin habang sariwa pa ito at malamig dulot ng nagdaang gabi.
Katulad ng nagdaang dalawang araw, kumain ang dalawa ng sabay, nagkkwentuhan habang kumakain, nagtatawanan, nagkukulitan. Tulad ng napag usapan nung nagdaang gabi, nagpunta ang dalawa sa puntod ng magulang, donn sila nagpalipas ng oras hanggang mag tanghalian. Umuwi sila para kumain ng tanghalian, pagkatapos kumain, muli, naupo sila sa lumang upuan na gawa ng ama nila. Muli nilang binalikan ang nagdaang dalawang araw, naisip nila pareho na mahaba pala ang nagdaang dalawang araw, madami ang naganap sa loob lamang ng dalawang araw. Inisa isa nila ang mga ginawa nila masaya nga naman dahil nakasama ni Jake ang mga mahal niya.
Biglang sumagi sa isip ni Jake yung panahon na hindi pa sya mahina, hindi pa sya nagkakasakit, nung hindi pa nya nararamdaman na may diperensya sya. Naalala nyakung paano nya hindi pinahalagahan ang buhay dahil sa hindi nya nararanasan ang mga nararanasan ng mga normal na bata, normal na estudyante, normal na tao. Naisip nya n asana pinahalagahan nya ang buhay nya nung hindi pa huli ang lahat. Hindi naiwasan na umiyak si Jake sa mga naalala nya, at dahil don, na antig din ang puso ng kapatid nya. Nagiiyakan ang dalawa, magkatabi, sinusulit ang bawat segundo na nalalabi, bawat minuto na magkasama pa sila.
Malakas ang simoy ng malamig na hangin, naisipan ng dalawa na uminom ng alak sa higaan na muli nilang inilabas upang mabawasan ang sakit na dinaramdam nila. Inabot ng hating gabi ang dalawa, ayaw matulog, hindi alintana ang kalasingan na dulot ng alak na ininom nila. ngunit dahil na din sa malalim na ang gabi at malamig ang simoy ng hangin, dala ng mga mata na pagod dahil sa pag iyak, at alak na ininom, hinatak na sila ng antok at nakatulog.
Tilaok ng manok ang gumising kay Jed, ayaw nyang gumising, ayaw nyang makita na lumipas na ang gabi, ayaw nyag isipin na tapos na ang tatlong araw na natitira sa buhay ng kapatid nya, at lalong ayaw nyang tanggapin na nag-iisa nalang sya sa buhay. Bumangon si Jed sa hinihigaan nilang magkapatid, una nyang tiningnan ang kapatid na noo’y nakangiti, at tila natutulog lamang. Tumulo muli ang luha sa kanyang mga mata nang isipin nya na wala nang buhay ang kapatid na tinitingnan niya.
Hindi maitatago ang lungkot kay Jed matapos mailibing ang kapatid nya, pinipilit nyang tumawa, maging masaya at isipin na kasama na ng mga magulang nya ang kapatid nya.
Pinilit maging matagumpay ni Jed sa buhay, nagsipag sya at nag tyaga. Nagkaroon sya ng pamilya, nagkaanak ng dalawa. Naging inspirasyon kay Jed ang mga pinagdaanan nyang dagok ng buhay, at hindi nya pababayaan na maranasan iyon ng kanyang pamilya kailanman.
Naging matagumpay sya sa mga mahal nya, nabigyan nya ng magandang buhay ang pamilya nya. Naging masaya din sila sa kung anong mayroon at wala sa kanila.
Tulad ng istorya na ito, makikita mo ang halaga ng kahit ano kung ito ay wala na o alam mong mawawala na. Tulad ng sarili nating buhay, nawa’y pahalagagahan natin ng walang pag aalinlangan, mahalin natin ang mga nagmamahal sa atin. Lahat nang mga pangyayari ay may dahilan, kung may pagkakataon, kunin mo, kung babaguhin nito ang buhay mo, sabayan mo. Walang nagsasabing magiging madali ito, subalit makikita mo ang halaga kung matapos mo at mapag tagumpayan ito. Maiksi ang buhay, kaya gumising sa umaga ng walang pag aalinlangan. Sa halip na maghanap ng mga bagay na wala, mag pasalamat ng mga bagay na mayroon ka...



LARAWAN NG BANSA

LARAWAN NG BANSA
akda ni Jayson

Sa isang iskwater tabi ng paaralan naninirahan ang pamilya Nuñez.Isang pangkaraniwang pamilyang bumubuo sa lipunan.Mahirap lang kanilang pamilya, pinagkakasya lang nila ang kita ng mag-asawang si mang Ipe at aling Cora na isang construction worker at isang tindera.
Sila ay may walong anak, wala pang sa mga ito ang nakapagtapos ng pag-aaral dahil hindi na kayang tustusan ng mag-asawa ang mga gastusin.Dalawa sa kanilang mga anak ang ngayo’y nag-aaral.Ang panganay na si Denisse na ngayo’y nasa ikalawang taon sa kolehiyo at ang sumunod sa kanyang si Lisa na nasa ikaapat na taon sa hayskul.
Hirap sa pagtataguyod ng kanilang mag-anak ang mag asawa, minsan pa nga’y umaabot sa puntong hindi sila kumakain dahil sa sila’y kapos.Wala naman silang magawa kahit nakikita nilang gutom ang mga anak. Naluluha na lamang si aling Cora sa tuwing naiisip niya ang mga bagay na ito.
May anak pa silang apat na buwang sanggol na madalas umiyak dahil sa gutom.Ang mga anak na nag-aaral ay kadalasang walang baong,pera,pagkain o kahit ano,ngunit sila ay nagpupursigi pa rin sa kabila nito.Honor student si Dennise at si Lisa kaya naman kilala sila kani-kanilang mga paaralan.
Walang naiiwan sa kanilang tahanan upang magbantay sa mga nakababatang kapatid kaya ang ikatlo sa pinaka-panganay na si Mat ang siyang umaako ng responsibilidad upang bantayan ang mga nakababatang kapatid.Si Mat ay labing dalawang taong gulang pa lamang pero namulat na sa mga realidad ng buhay.
Hirap man sa pag-aalaga ng kapatid,wala kang maririnig na kahit ano mula sa kanya.Siya rin ay inasahan na sa mga gawaing bahay.Nais niya rin makapag-aral ngunit hindi sapat ang kinikita ng kanyang mga magulang.Iniintindi niya nalang ang sitwasyon at umaasa na lamang na may magandang mangyayari.Ganoon man ang estado ng kanilang pamumuhay ay masaya pa rin silang pamilya dahil sila ay buo at sama-sama.

Ang kanilang pamilya na hindi nagpapatinag sa mga pagsubok na siyq pa ngang nagiging lakas upang mangarap pa ng mas maunlad na buhay.Madaling araw pa lang ay gumigising na si aling Cora upang ayusin ang mga panindang gulay sa palengke.Minsa’y inaabot pa siya ng gabi sa pag-uwi para lang mapaubos niya ang mga paninda at kung hindi naman ito maubos, ito ang kanilang kinakain.
Isang beses habang naglalaro si Tomy, ang ikatlo sa pinaka batang magkakapatid na anim na taong gulang, naka-away niya ang kanilang kalarong kapitbahay.Binato si Tomy at siya’y tinamaan sa ulo.Dumugo ang kanyang ulo at dali-daling tumakbo sa bahay kasabay ang malakas na buhos ng pag-iyak.
Nang ito’y malaman ni Mat ay pinuntahan niya ang kapitbahay na nambato sa kapatid at bigla niya itong sinuntok sabay karipas pabalik ng bahay.Wala pa sa bahay kanilang mga magulang at ang mga nakatatandang kapatid ay nasa paaralan pa, hindi alam ni Mat ang gagawin,dahil ngayon lang ito nangyari.
Nakita ito ng kanilang kapitbahay at nagmagandang loob itong tumulong.Binigyan sila ng gamot para sa sugat.Nag-iwan ng malaking bukol sa ulo ang kanyang sugat.Naisip nilang huwag nang sabihin sa kanilang nanay at tatay ang nangyari upang hindi na sila mag-alala pa.
Pagsapit ng gabi,dumating na ang mag-asawa at sabay-sabay silang naghapunan, napansin nila ang pananahimik ng mga bata.Tinanong ni mang Ipe kung bakit ganoon ang kanilang ikinikilos.Nang walang sumagot ay sumama ang kanyang tingin tinanong niya si Mat sa mataas na boses.
“Anong nangyare?!”. Napilitan si Mat na ilahad ang nangyari dulot na rin nang sobrang takot sa ama.Nang malaman ni mang Ipe ang pangyayari ay nabulyawan niya si Mat.”Hindi mo dapat ginawa yon! Kahit pa sinaktan niya si Tomy mali pa rin ang ginawa mo!”.kanyang sigaw sa anak.
Hindi na umimik pa si Mat,sinabihan na lang siya ng inang matulog para hindi na lumala pa.Napuno ng katahimikan ang kanilang bahay ng mga oras na iyon.Kinabukasan ay balik na sa normal ang lahat.Humingi ng tawad si mang Ipe sa anak dahil sa pagsigaw.Nabigla lang daw siya sa mga nangyari.
Tinanggap ni Mat ang paumanhin ng ama at niyakap niya ito.Kaarawan na ni Mat sa linggo.Ang akala niya ay magiging isang normal na araw lang ulit ang kanyang kaarawan ngunit iba ang nasa-isip ng kanyang nanay at tatay.May naitabi silang kaunting halaga upang makabili ng pansit at tinapay.Pagsapit ng linggo binati lamang ng mag-asawa ang anak at pumasok na sa trabaho.
Di man pinapahalata ay malungkot si Mat.Kinagabihan ay dumating na sa aling Cora na may dalang pansit at tinapay.Hindi maipinta ang saya sa mukha ni Mat ng makita ang dalang pagkain ng ina.Sumunod dumating ang amang may dala-dalang softdrinks.Sa mga nakita, halos wala nang mapagsidlan ng galak ang bata.Sabay-sabay silang naghapunan at masaya ang lahat.
”Salamat po sa masarap na pagkain”. Sabi ni Mat sa mga magulang.Masaya naman ang mag-asawa na kahit sa simpleng paraan ay napasaya nila ang kaarawan ng kanilang anak.Bumuhos ang malakas na ulan nang araw din na iyon.inapoy ng lagnat ang kanilang sanggol na anak.
Itinakbo ng pamilya ang bata sa pinakamalapit na ospital.Laking pangamba ng pamilya para sa apat na buwang sanggol.Walang perang pambayad sa ospital ang mag-asawa kaya hindi nila alam ang gagawin.
Paglabas ng doctor ay sinabi sa mag-asawa na may mataas na lagnat ang sanggol kaya kailangan pa nitong manatili ng ilang araw upang maobserbahan ang bata.Kailangan din daw patnubayan ng gamot ang sanggol upang mapabilis ang paggaling at hindi na magkaroon pa ng anumang maaaring magpalala pa sa kondisyon nito.
Hindi maisip ng mag-asawa kung saan kukuha ng perang pambili ng gamot.Pangungutang lang ang naiisip nila na hanggat maaari ay ayaw nilang gawin.
Limang libo ang gamot at dalawang libo naman ang bayad sa pananatili ng anak sa ospital.Nakahiram na ng apat na libo sa aling Cora sa mga kakilala sa palengke.Ang tatlong libo naman ay nagawan na nang paraan ni mang Ipe.
Makalipas ang dalawang araw ay pinayagan na ng doctor makalabas ang pasyente.Nabayaran na nang mag-asawa ang bill sa ospital.Binigyan ng reseta ng doctor ang mag-asawa para tuluyan nang gumaling ang anak at pinayuhan na wag masyadong ilabas ang bata sa bahay dahil maaari daw itong makakuha sakit ditto.
Todo ang pag-aalaga ng pamilya sa sanggol matapos ang nangyari.Doble kayod naman ang mag-asawa upang mabayaran ang kanilang mga inutang nang magkasakit ang kanilang anak.Si Dennise ay nagpresintang tumigil ng pag-aaral at sinabing magtatrabaho na lamang upang makatulong sa pamilya.
Ngunit hindi ito pinahintulutan ng mag-asawa.Sinabi nila na mas mahalagang makapagtapos siya ng pag-aaral dahil mas malaki ang oportunidad sa mas magandang trabaho.Kaya pa naman daw nila ang mga gastusin sa bahay.
Nang kasalukuyang nagtatrabaho si Mang Ipe ay dumating ang namamahala sa construction site at ipinaalam sa lahat ng manggagawa kabilang si mang Ipe na kailangan daw nilang magbawas ng tao.
Kinabahan ang lahat sa narinig.Takot na baka kasama sila sa mga tatanggalin sa trabaho.Isa-isa nang tinawag ang mga pangalan ng mga taong mawawalan ng trabaho at kasama doon sa mang Ipe.
Hindi malaman ni mang Ipe ang gagawin at kung paano niya ito sasabihin sa pamilya.Hindi muna siya umuwi ng bahay, siya’y naglasing dahil sa problema,isang bagay na hindi naman niya talaga ginagawa.
Hinintay ni aling Cora ang asawang makauwi.Madaling araw na ng umuwi si mang Ipe ng lasing.Gulat na gulat si aling Cora nang Makita ang asawang lasing.Tinanong niya kung ano ang dahilan ng paglalasing.Tango lang ang naisagot sa kanya.
Pinilit siyang tanungin kung ano ang problema at sinabi na nga ang pagkakatanggal niya sa trabaho.Nilabas niya ang lahat ng hinanakit at galit sa nangyari.Nagmumura siya at sumisigaw.Hindi galit ang naramdaman ni aling Cora sa mga narinig kung di awa sa asawa.

Nagising ang mga anak nila sa ingay na naririnig.Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari.Ang akala nila ay nag-aaway ang mga magulang.Pinalipas muna ni aling Cora ang galit nito.Pinunasan at pinainom ng kape.Nang mahimasmasan ay bigla nalang nanahimik at pinili na lamang matulog.
Maagang gumising si Mang Ipe, upang maghanap ng trabaho.Hindi na siya nagsabi pa.Kung saan-saan siya nakarating, nag-apply nang kung anu-anong trabaho, construction worker, janitor, waiter, driver, delivery boy, lahat ngunit wala ni isang tumanggap sa kanya.
Buong araw siyang naghanap ng trabaho ngunit tila siya’y minamalas.Kinagabihan na habang siya ay naglalakad pauwi, may nakita siyang pitaka na naglalaman ng labing pitong piso.May i.d ito at mga atm card, isang hapon ang nagmamay-ari ng pitaka.
Sa sobrang pangangailangan pumasok sa isip ni mang Ipe na kunin na ang pera ngunit nanaig pa rin ang kanyang mabuting kalooban at nagpasyang isauli ang napulot.Umuwi na siya sa kanilang tahanan dala ang pitaka na kanyang isasauli na lamang kinabukasan.
Ipinaalam niya sa asawa ang tungkol dito at sumang-ayon na ibalik ito sa tunay na may-ari, mas mahalaga daw ang dignidad ng tao kaysa sa maliit na halaga kahit pa nangangailangan sila.
Dahil dito pinangaralan ni aling Cora ang mga anak tungkol sa bagay gaya nito.Makapananghalian na nang umalis ng bahay si mang Ipe para ibalik ang nakuhang pitaka.Malayo-layo rin ang address na nakalagay sa i.d ng may-ari.Kulang ang pamasahe niya papunta doon.
Hindi man niya gusto ay binawasan niya ang laman ng pitaka upang makapunta siya sa address na iyon.Nang makarating siya sa lugar ay nagsimula na siyang magtanong tanong.Narating na niya ang mismo bahay na kanyang hinahanap.
Nakita niya ang isang hapon na lumabas ng bahay.Marahil siya na ang kanyang hinahanap.Tiningnan niyang maigi ang mukha ng taong iyon at parehas na parehas ang mukha gaya sa litrato.
Ibigay niya ang pitaka sa hapon.Nagpasalamat sa kanya ang lalaki.Pinapasok siya sa kanyang bahay at pinakain.Buti na lamang ay marunong umintindi ng tagalog ang hapon na iyon kahit papano.”Do you have a job?” tanong ng hapon sa kanya.”Wala po”kanyang sagot.
Binigyan si mang Ipe ng calling card at pinapupunta siya sa isang kompanya.Masaya-masaya si mang Ipe nang marinig iyon.”Thank you very much sir!”.kanyang pasasalamat sa lalaki.
Pagkatapos noon ay umuwi na siya.Nang makita ang asawa masayang sinabi “Mahal may trabaho na ko!”.Niyakap nya ang asawa.Kinabukasan ay umalis agad si mang Ipe at dumeretso sa kompanyang iyon.Siya ay ginawang isa sa mga driver ng kompanya.Halos doble ang kanyang sahod kumpara sa dati niyang kinikita.
Isang magandang simula upang makaipon ng pera kahit papano at mapag-aral ang ibang mga anak baka sakali.
Makalipas ang isang taon, nakapagpatayo na ng maliit na tindahan ang pamilya.Makakabalik na rin ng pag-aaral si Mat.Masaya ang buong pamilya dahil kahit papaano ay umuunlad sila paunti-unti.Kung minsan ay nakakapamasyal na sila.
Manghang-mangha ang mga anak sa mga hayop na nakita nila sa zoo.Iyon ang unang pagkakataon na makakita sila ng ibat’ ibang uri ng hayop bukod sa mga asong galisin sa kalye nila at mga pusang gala.Matagal na rin nang huli silang namasyal magpapamilya.
Nang makauwi sa kanilang bahay,hindi mahuluiugang karayom ang mga bata sa pagkukuwento ng kanilang mga nakita sa pamamasyal na iyon.Kanya-kanyang istorya ang dala ng bawat isa.Ang mag-asawa ay natuwa sa kanilang nakita sa mga anak ang mga ngiting ngayon lang nila namasdan.
Isang araw naglalaro ang magkakapatid sa may plaza kasama ang kanilang ina.Tumalbog ang bolang nilalaro nila sa kalsada.Nagulat ang kanilang ina nang makitang hinahabol ni Cecile ang bola,ang limang taong gulang nilang anak.
Nabangga si Cecile ng isang sasakyan.Hindi siya inabutan ng ina.Duguang dinala sa ospital ang anak.Sa I.C.U siya idineretso.Makalipas ang isang oras kinausap na si Aling Cora ng doctor at sinabing malala ang lagay ng kanyang anak.Hindi daw sigurado ang kaligtasan ng bata.
Kailangan daw sumailalim sa isang maselang operasyon ang anak sa lalong medaling panahon bago mahuli ang lahat.Mahaking halaga ang kinakailangan sa operasyong iyon.Mga kalahating milyon o higit pa ang kanilang kakailanganin.
Tinawagan niya ang kanyang asawa na nasa kalagitnaan ng trabaho at dali-daling itong pumunta sa ospital.Hanggang ngayon ay wala pa ring mala yang kanilang anak.Galit na galit si Mang Ipe sa asawa dahil siya ang kasama nito nang mangyari ang aksidente.
Nang malaman ang halaga ng operasyon ay halos magwala na sa sobrang galit.Wala silang mapagkukunan ng sobrang laking pera na kahit mangutang sila ay hindi makukumpleto ang halaga.
Sila’y nagdasal at humingi ng tulong sa Diyos na mailigtas ang kanilang anak.Nagsimula na silang maghanap ng mapagkukunan ng pera.Nilakasan nalang nila ang kanilang loob at inisip na malalagpasan din nila ito.Kung kani-kanino na sila nagtangkang humiram ng pera pati pagbabahay-bahay ay ginawa na nila.Kinapalan na ang mukha at nakiusap pati na sa mga hindi nila kakilala.
Humingi rin sila ng tulong sa mga paaralang pinapasukan ng kanilang dalawang anak.At ng marinig nila ang nangyari sila’y nag-usap kung paanong tulong ang maibibigay ng paaralan at ng mga kawani nito.
“Dahil sa magandang pinapakita ng inyong anak at mukhang kailangan niyo talaga ng tulong pinasyal, gagawin naming an gaming makakayna para masuportahan ang magiging operasyon ng inyong anak”.wika ng punongguro ng paaralan.
Sobra ang pasasalamat ng mag-asawa sa tulong na ibibigay ng paaralan upang suportahan ang operasyon ng kanilang anak.Dahil sa mga naipon nila at sa mga tulong na ipamamahagi ng paaralan,naumpisahan na ang operasyon ng kanilang anak na si Cecile.
Habang lumilipas ang oras lalong kinakabahan ang mag-asawa sa maaaring maging resulta ng operasyon.Matapos ang ilang oras, natapos na din ang operasyon at successful daw ang kanilang ginawa.
“Mabuti nalang mabait ang Diyos”. Nasabi ni Aling Cora. Nakahinga na nang maluwag ang buong pamilya ng marinig ang magandang balita,
Bumalik na muli ang ngiti sa mga mukha ng magkakapatid.Nang maging maayos na ang pakiramdam ni Cecile sabay na silang umuwi.Matapos ang insidente mas nagging mapagmatyag o mas nagging mas mapagbantay na sila sa mga anak.
Lalo na’t napakabata ng ilan sa mga ito.Ngunit hindi pa tapos ang problema ng mag-asawa sa laki ng kanilang pagkakautang sa kung sinu-sino.Kahit gawin pang triple ang pagkayod ay hindi pa rin nila iyon mababayaran.
Pero sinusubukan pa rin nilang muling bumangon para sa kapakanan ng mga anak.Nagpatuloy silang magtrabaho, paunti-unting nagbabayad ng utang kapag nakakaluwag.At mabuti na lamang mabait ang amo ni mang Ipe dahil siya ang isa sa mga tumutulong sa kanilang pagbangon.
Nakatapos din ng pag-aaral ang kanilang panganay na anak na si Denisse na ngayo’y isa nang law graduate.Sa mga magagandang grado ng kanyang nakuha,hindi siya nahirapang kumuha ng trabaho.
Malaki ang kanyang sahod kaya naman malaki rin ang naibibigay na tulong niya sa mga magulang.Halos bayad na lahat ng pagkakautang nila nung ipaopera ang nakababatang kapatid.
Ngayon ay napag-aaral na niya ang ibang mga kapatid.Sa mga naipon na pera ni Denisse naipundar niya ng mas malaking tindahan ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay naibili ng tricycle.
Hindi pa rin niya nalilimutan ang mga binigay na tulong sa kanila noong sila ang nangangailangan kaya naman ibinabalik niya ito sa iba’t ibang paraan.
Ang kapatid niyang si Cecile ay malusog na muli nakakapaglaro na ulit siya at bibong bibo.Lumipat na sila ng tirahan galling sa iskwaters’ area.Ngunit laking gulat nila sa mga mabababang markang ipinapakita ni Mat.
Kapag ito’y tinatanong naman nila ay wala itong sasabihin basta na lamang tatango. Hindi nila alam ang dahilan ng mga mabababang marking iyon.Siya pala ay napapasama sa mga masamang barkada.Kung anu-ano ang itinuturo at ipinapagawa sa kanya kaya madalas ay liban siya sa kanyang mga klase.
Hindi ito alam ng mga magulang niya kaya laking pagtataka nila sa nangyayare.Pumunta si mang Ipe sa paaralan ni Mat upang alamin ang dahilang ng mga lagpak na marka ng anak.
Doon nga’y nalaman na madalas wala sa klase si Mat at kasama ang barkada.Nagulat ang ama sa kanyang nalaman at tiningnang maigi ang mga mata ng anak.”Totoo ba yon?” tanong ng ama.
Inamin niya na totoo nga ang lahat ng sinabe ng kanyang guro.Sinabe niyang wala siyang magawa dahil babanatan daw siya kapag hindi siya sumunod.
“Bakit hindi mo agad ito ipinaalam sa amin? Sana ay natulungan ka naming ng mas maaga”batid ng guro.”Natatakot po kasi ako baka kung ano ang gawin nila sa akin pa nag sumbong ako”. Nanginginig na sagot ni Mat.
Pinatawag ng guro ang lahat ng mga estudyanteng kasangkot ditto kasama ang kanilang mga magulang.Isinalaysay ang mga nagaganap sa mga magulang.
Naintindihan naman nila ang ginawang kasalanan ng mga anak.Kaya naman sinuspinde ang mga kaklase ni Mat na kasangkot dito.
Nakahinga na nang maluwag ang pamilya ng maayos na ang gusot ng anak sa eskuwela.Sinabi ni aling Cora sa lahat ng anak “kung may problema man kayo wag niyong sasarilihin,sabihin niyo sa amin ng matulungan namin kayo.
Tandaan niyo pamilya tayo ditto wala dapat naglilihim”.
Matapos ang pangyayaring iyon ay muli nang bumalik ang dati’y matataas na marka ni Mat at palagi na rin siyang nakakapasok sa klase.Naging maganda ang pamumuhay ng pamilya Nuñez dahil sa pagtutulungan.
Nakapagpatayo sila ng malaking bahay at nakabili ng magarbong kotse.Nakilala sila noong bilang mahirap pa sa daga ngayo’y nabura na yon sa isipan.Nagbunga ang pagsisikap,pagtitiyaga,at pagpupursigi ng mag-asawa pati na rin ng mga anak.
Isang tunay na larawan ng pag-unlad.

Tibok ng Pusong Nakalimot

Tibok ng Pusong Nakalimot
akda ni Dianalyn Sanico

 Chapter I

“Ako si Cielo”

Ako nga pala si Cielo. Palayaw sakin yan nila mama at papa. Pinaikling Michelle Lorraine daw. Ewan ko ba kung bakit di na lang ginawang Mich o kaya naman Rain ang palayaw ko para naman magandang pakinggan at tunog babae. Kaya naman ang hinahayaan ko lang na tumawag sakin ng Cielo bukod sa pamilya ko ay ang mga matatalik kong kaibigan.
Panganay ako sa apat na magkakapatid. Dito sa barangay namin, kilala ang aming pamilya bilang takbuhan ng tulong ng aming mga kapit-bahay. Hiraman ng timba, tabo, kaserola at marami pang ibang bagay na maari nilang mahiram. Si mama naman ay tinatawagan pa bilang taga-pagluto sa mga handaan at sa mga piyesta. At si papa naman, pag walang pasada, suma-sideline pa bilang karpintero sa mga kalapit na barangay. Ganyan ang takbo ng pamumuhay namin. Payak pero masaya. Di man marangya, pero mapapansin ang pagkakaisa ng aming pamilya. Yan lamang ang maipagmamalaki ko na mayroon ako.
Bilang panganay, ako ang kanang kamay ng aming mga magulang. Lumaki rin akong matapang upang maging tagapagtanggol ng aking mga nakababatang kapatid na sina Meanne, Mark at Baby Nica. Natuto rin akong tumayo sa sarili kong paa dahil kahit sa eskwela mag-isa lang akong gumagawa ng mga proyekto at mga takdang-aralin. Mula elementarya hanggang mag-high school ako. Pinagsisikapan ko talagang matapos ang mga paperworks ko para kahit papano makatulong din ako sa iba pang gawain sa bahay. Sumasama rin ako kay mama tuwing linggo ng umaga para mamalengke. Di na kasi niya kayang magbitbit pa ng mabibigat na bayong.
Palagi rin kaming nagkukwentuhan ni mama habang naghahanda ng hapunan. "Kamusta naman ang klase niyo kanina?" Kadalasan yan ang tanong sa akin ni mama. At madalas ko din isagot,"Ok naman". Sa bagay, lagi naman okay eh. Ayoko kasing bumabagsak ang mga grades ko kaya kung maaari ay pinaghuhusayan ko talaga.
Alas siete na tuwing umuuwi si papa galing pasada. Alam naming pagod na siya ikaw ba naman lumanghap ng usok sa lansangan maghapon at mag-sukli sa mga kuripot na pasahero, akalain mong ang minimum fare daw ay anim na piso, anong petsa na?! 2012 na! Tumaas na presyo ng mga bilihin at gasolina, height ko na lan ang hindi pa.
Samantala, pagdating ng hapunan, sabay-sabay kaming kumakain sa lamesa dahil yun lamang ang panahon na salu-salo kami sa hapag-kainan na walang kulang na isa.
Kinaumagahan, pumasok ako ng mas-maaga pa sa oras ng aming klase ng tatlumpung minuto. Alam ko kasing may gaganaping programa. Opening daw ng Foundation day namin pero ipinagdiriwang ito ng isang linggo para daw masulit ang mga pakulo na isasagawa sa mga araw na darating.
Chapter II

“Foundation Day”

Dug dug - dug dug - dug dug, di ko alam kung bakit ako kinakabahan pagkagising ko kaninang umaga. Dahil ba Foundation Day na o may mangyayaring kakaiba?
"Haaaaaaayy!"Napapahikab na lang ako habang nanonood ng opening program. Nakakaantok. Di nakakatuwa. Naisip ko tuloy na mas mabuti pang ipagpatuloy ang naudlot kong panaginip kanina. Pano ba naman kasi, hahalikan na ako ng isang prinsipe pero ginising ako ni Mama. At naputol ang pinakamagandang eksena.
Dahil sa pagkabagot ko, naglakad-lakad na lang ako. Aba! May masaya rin pala saisang Foundation Day at yun ang iba't ibang pakulo ng mga guro at ilang mga estudyante. May sari-saring stalls na may makukulay na pintura. Mayroon ditong tinatawag na "foods and drinks booth", maraming pagkain dito sa pangalan pa lang di ba?! May burger, french fries, softdrinks, sitsirya, biskwit at kung anu-ano pa. Meron ding "kiss booth" na kung magbabayad ka ng tatlong piso ay may isang kiss mark ka na! May "jail booth" na kung mapagtripan ka ng mga taga-bantay auy lagot, kulong ka! Pero pwede ka pa rin namang magpiyansa sa halagang dalawamput-limang piso. At ano ito?, bakit may nakapilang pares-pares? Tinanong ko yung ateng nagbabantay, sabi nya, "marriage booth" daw yun.Ay oo nga, di kasi ang nagbabasa ng sign board. May naalala tuloy ako bigla. Siguro kung may gusto akong makasama sa booth na yun ay si Jiyong.
"Teka teka!" May humila sa aking dalawang tao at dinala ako sa jail booth. Ano ito?! Paglingon ko ay nakaposas na ako kasama ng lalaking kinaiinisan ko. Nakakulong sa maliit at mainit na jail booth habang asar na asar sa katabi ko. Siya si John Yuan Garcia. Mayaman, gwapo, simpatiko at higit sa lahat MASUNGIT,ISNABERO at hindi nakikipag-usap kung kani-kanino. Gusto siya ng halos lahat ng mga kababaihan sa paaralan namin. Kilala siya sa paglalaro ng soccer at chess. Pero balita ko, inis sa kanya ang kalalakihan. Intimidating daw kasi siya at sabi nila, hindi naman daw talaga siya mayaman at isa lamang daw siyang anak sa labas.Bastardo raw kung tawagin nila.
Kung tatanungin mo ako kung bakit ako naiinis sa kanya, mababaw lang. Yun ay dahil binabalewala lang niya ang mga kaibigan kong humahanga sa kanya. Akala mo kung sinong maka-asta. Kung babatiin mo, titingnan ka lang niya sabay alis. Ganyan siya kasungit. Walang-wala sa childhood friend ko kung ikukumpara. Si Jiyong ay napakabait at soft-spoken. Namamansin at hindi kagaya niya, isnabero.


CHAPTER III

“Sino nga ba si Jiyong?”

Si Jiyong ay naging kamag-aral at kaibigan ko nung nursery, kinder, prep at grade one. Palagi siyang binubully at inaapi noon. Nung una ko siyang nakilala ay binabato pa siya ng papel ng mga estudyante na may nakasulat na “bastard!”. Grabe naman sila, big deal ba yung walang ama? Hay! Si Jiyong, simula noon ay ako na ang naging tagapagtanggol nya. Pansin ko kasi lagi sa mga mata nya na takot siya sa mga pangungutya at pananakit ng ibang bata. Kaya mula noon ay tumayo akong isang sundalong lumalaban na handa sa anumang giyera.
Naging matalik kaming magkaibigan ni Jiyong sa loob ng apat na taon. Sa tuwing hinahatid siya ng kanyang ina ay sa akin siya pinagbibilin. Huwag ko daw siyang hayaang paiyakin muli ng mga umaapi sa kanya. Dahil doon naging dependent siya sa akin. Huminto lang ang araw-araw na pagtatanggol ko nung namatay ang nanay niya sa isang aksidente sa pabrika na kanyang pinapasukan. Gustuhin ko mang ipagpatuloy pero nabalitaan kong lilipat siya ng ibang paaralan dahil kukunin daw siya ng kanyang ama na walong taon niyang hindi nakita. Bago pa man siya umalis ay binigay ko sa kanya ang paborito kong lapis, yung kulay asul, maganda ang pagkakatasa at may “mickey mouse” na pambura sa tuktok nito. Sabi ko sa kanya, ito ang magsisilbing ala-ala na dapat siya ay maging matatag at matapang sa anumang haharapin niya sa buhay.
“Salamat, Cielo, hindi kita makakalimutan!”, yan ang binigkas niya na tumatak sa isipan ko na minsan pala’y nagkaroon ako ng isang matalik na kaibigan.

CHAPTER IV

“Pasukan na ulit ! Seniors na kami !”

Krrrriiiinnnnggg! Mukhang malelyt ako sa unang araw ng klase. Masyado atang huli ang pagtulog ko dahil sa excitement, ayun huli din ang gising. Masaya ang halos lahat tuwing pasukan, dahil bago ang mga kagamitan at bag pampasok. Pero mas eksayted akong makilala ang magiging mga bago kong kaklase.
"Ate, tara na! Ayoko ma-late sa unang araw!", sigaw sa akin ni Meanne, kapatid kong sumunod sa akin. Ikalawang taon na niya sa hayskul. Dali-dali akong naghanda, nagsapatos at tumungo kami sa paaralan sakay sa motorsiklo ni Papa. "Good luck mga anak", sabi ni Papa habang nakangiti at kumakaway sa amin.
Alam kong panibagong kabanata na naman ito para sa akin. Napakabilis ng panahon at heto nasa ika-apat na taon ko na sa hayskul. Parang kailan lang nung una akong natutong bumasa at sumulat. Sa ilang taon ko sa paaralan ay marami na rin akong natutunan. Di lang akademiko kundi pati extra-curricular activities tulad ng sports at iba pa. Dahil diyan nakasali narin ako sa Sports Club, Glee Club at Dance Troupe. Naging aktibo sa maraming organisasyon sa paaralan namin. Naging volleyball player din ako at lumalahok sa mga kompetisyon. Masyado akong naging abala sa madaming bagay noong mga nakaraang taon at nakalimutan ko nang bigyan ng panahon ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa akin tulad ng pagkain sa labas kasama ng pamilya, pakikipaglaro sa bunso kong kapatid na si Micah, at pakikipagkwentuhan sa dalawa ko pang kapatid na si Mark at Meanne.
"May bago daw tayong kaklase!"' yan ang bulong-bulungan ng mga katabi ko sa silid-aralan.
Mukhang nagkakagulo sila at ang iba pa'y nakatanaw sa gawing labas ng kwarto. Sa pagkaintriga ko ay nagpasya akong dumungaw na rin sa labas para makita ko kung ano o sino yung pinagakakaguluhan nila. "Naku! Siya na naman!", bulong ko sa sarili pero narinig pala ako ng mga katabi ko. "Anong NA NAMAN?!", tanong ng isa. Kinuwento ko ang tungkol sa nangyari sa Jail Booth noong nakaraang taon. "Nakakainggit ka naman",wika nila sabay ngiti. Ano bang masaya dun sa pagkakakulong? Hayy, Talaga itong mga kamag-aral ko.
Tumahimik ang lahat ng pumasok na ang aming guro at kasama niya ang bago naming kaklase."ahm .. Ako si John Yuan Garcia mula sa kabilang section.", sabi niya na tila may hiyang namumutawi. Maya-maya ay hinanapan na siya ng mauupuan. May bakanteng upuan sa likod at sa tabi ko, bandang gitna. Sa kasamaang palad ay doon siya pinapwesto ng aming guro.
"Ang malas ko naman. tsk", pabulong kong sabi. Napatingin sa akin ang mga nakarinig ng pasimple kong bulong. At sa di inaasahang pangyayari, napatingin din siya sa akin at nabitiwan niya ang kanyang bag na kanina pa niya hawak. Bumagsak ito at nalaglag din ang pencil case niya. Dali-dali niyang dinampot ang lalagyan ng lapis na tila may iniingatang bagay sa loob. Di ko na lang pinansin at kinuha ko din ang bag niyang nahulog sa sahig.



CHAPTER V

“Maling Akala”

"Cieloooo!", sigaw ng isang boses lalaki mula sa likuran. Lumingon ako at tila pamilyar ang mukha niya sa akin. "Uy, Ako 'to si Oliver. Klasmeyt mo nung elementarya!", sabi niya na may ngiti. Nagkwentuhan kami ng mahigit isang oras. Bago siya umuwi, inabot niya sa akin ang isang ticket ng musical show na gaganapin ngayong darating na biyernes. Kinuha niya ang numero ko at sinabing tatawag na lamang daw siya.
Kinabukasan, kkkkrrrriiinnngggg!~~may tumatawag sa telepono ng alas singko y media. "He-he-hello? Si-sino po ito?!", sabi ko ng
nag-uunat pa. "Si Oliver ito. Pwede ho ba kay Cielo?", sabi niya sa kabilang linya. "Pupunta na ba tayo doon ng ganito kaaga?!", sagot ko. Dali-dali akong nag-ayos at naghanda dahil susunduin daw niya ako. At dumating nga siya. Medyo pormal ang kasuotan niya. Sa ilang sandali ay nagtungo na kami sa paroroonan naamin.
Nagsimula na ang Musical Show. Iba't ibang makukulay na kasuotan ang nakita ko. Magagandang boses at mahuhusay na kilos ang pinamalas ng mga tauhan sa dula. Masaya ang panunuod ng show kahit pa sa pagkakaupo ko ay di ako mapakali. Para kasing nakakapanibago at nakapagtataka kung bakit ba ako sumama sa kanya. Di na namin ang tinapos ang show. Nagtungo kami sa isang cafe para uminom na anumang maiinom. Marami siyang naikwento sa 'kin. Tungkol sa kolehiyo nila, sa mga hilig at aktibidades niya ngayon. Napag-usapan din namin ang tungkol sa maraming bagay at nadako kami sa ala-ala ng elementarya namin. May naikwento siya na may naibigay raw ako sa kanyang lapis. Di ko na halos matandaan yung sinasabi niya pero sa pagkakatanda ko, mahilig akong magbigay ng lapis noon sa mga kaklase ko. May tito kasi akong nagtatrabaho sa isang pabrika ng lapis sa may singapore kaya marami kaming stock ng mga ito. Subalit may naikwento siya tungkol sa cute na pambura daw nito. Di na niya hinabaan ang kwento kaya't di ko na rin kinulit pa.
Sumagi sa isip ko ang tungkol sa lapis na binigay ko kay Jiyong sa huli naming pagkikita. Posible kayang piagtagpo kami ulit ng tadhana?
CHAPTER VI

“Jiyong's Point-Of-View”

Ako si John Yuan Garcia. Tinatawg din ako ng mga kaibigan ko noon na Jiyong. Ilang taon na rin ang nakararaan ng huli akong nagkaroon ng isang matalik na kaibigan.
Sa klase ko ngayon ay medyo nag-aadjust pa ko. Wala akong ibang kakilala, si Michhelle Lorraine lang. Siya yung babaeng nakasama ko sa Jail Both nung nakaraang taon. Siya yung babaeng tila may matinding galit sa akin. Ewan ko ba. Wala naman akong ginawa sa kanya. Noong huli ko nga siyang nakausap ay sinabi pa niyang malas siya dahil katabi ko siya sa upuan sa silid-aralan namin. Anong bang kasalanan ko? Mali bang ang pag-iwas sa mga di ko ganoon kakilalang tao? Mali rin bang maging tahimik?
Pero sa katangian ni Michelle Lorraine ay may nakikita akong isang tao na kasing-tapang at palaban niya, si Cielo. Ang bespren ko, kamag-aral, ate, at tagapagtanggol. Tama ang nabasa mo. Tagapagtanggol. Masyado kasi akong dumepende sa kanya sa mga panahong pakiramdam ko ay kalaban ko ang mundo. Maliban sa Mama ko ay siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Nang umalis ako sa paaralan namin noong katapusan ng ika-apat na taon ko sa eskwela, kinuha ako ng aking Ama na unang beses ko pa lang nakita. Yumao na kasi si Mama at halos ulila na ko sa oras na iyun. Wala rin kaming mga kamag-anak dito dahil nasa Mindanao sila, sa Sultan Kudarat. Tanging kami lang halos ni mama ang nasa Maynila.
Dinala ako ni Dad sa bahay nila ng totoo niyang pamilya. Oo totoo niyang pamilya dahil ako ay bunga lang ng pagtatksil niya. Pinakilala niya ako bilang pamangkin na ulila at walang matirhan. Alam kong mahirap ang sitwasyon ko at wala na din akong malapitan. Pinasya ko na lamang na paniwalain ang sarili ko na hindi ako ni Papa. Nagsikap akong mag-aral ng mabuti nang inilipat niya ako ng paaralan at pinagpatuloy ko ang aking magandang nasimulan.
Ala-ala ng pagkakaibigan namin ay naging matapang ako. Tanda na rin ng lapis na bigay ni Cielo sa akin. Lapis na may "mickey mouse" na pambura. Ito yung nagsisilbing lakas ko ng loob. Mas pinili ko na ring maging hindi pala kaibigan kung kani-kanino para na rin hindi na maging issue pa ang pagiging anak ko sa labas. At ang pagiging kabet daw ni Mama na wala naman siyang kamalay-malay na niloloko lang pala siya ng aking iresponsableng ama.
Noong lumipat ako sa kabilang section, wala talaga akong ibang intensyon kundi ang masubukan ang mapunta sa ibang grupo ng tao at kilalanin ang taong hinahangaan ko.
Papapasok na ako sa una kong klase ngayong umaga. Bandang Alas Otso na. Mukhang mahuhuli ako. Nagmadali akong naglakad patungong eskwela. Malapit lang naman. Pinili kong dumaan sa eskinitang di masyado nakagagawian ng mga tao pero mas mapapabilis ako.
"Hoy bawal dumaan dito ang mga kagaya mo!", sigaw ng isang lalaki. Marami siyang kasama na nakaharang sa daan. Nakatingin sila ng masama. Di ko sila kilala pero namumukhaan ko ang ilan sa kanila, mganakalaban namin sa isang soccer game nung nakaraang linggo. Tumingin ako sa relo ko. "Naku sobrang late na ako!", sabi ko sa isip. Pinasya ko nalang na pabayaan na lang sila at lampasan na lang. Subalit sa di inaasahang pangyayari, hinablot ng isan ang mga bitbit kong aklat. Pinilit kong kunin mula sa kamay niya pero sinalubong ako ng isang hambalos ng upuang kahoy ng kasamahan niya. Matindi ang pagbagsak ko. Sinubukan kong tumayo muli at lumaban. Pero .. Hinawakan ako sa braso mula sa likod at pinagsusuntok ako ng walang kalaban-laban. May narinig akong tinig ng ilang mga tao na papalapit sa kinalulugaran namin. Buti at dumating sila. Dali-daliong nagsialisan ang mga grupo ng mga lalaki na bumugbog sa akin.
"Paano na ang nalalapit kong laban sa soccer sa sususnod na linggo? Paano na ang Seniors Prominade?", bulong ko sa sarili.. Sa tindi ng sakit na natamo ay nawalan ako ng malay. Pag mulat ng mga mata ko, nasa ospital na ako. Sinubukan kong tumayo pero di ko magalaw ang mga paa ko. Gustuhin ko mang igaalaw ang katawan ko pero sobrang sakit. Ilang araw din akong nagtagal sa ospital. Marami akong hindi nagawa. Hindi nakapaglaro sa inter-school sports competition. Kaya kinausap ko ang duktor kung maari na ba akong lumabas ng ospital. "Mukhang bumubuti na ang kalagayan mo iho" sabi ni dok.
Ilang araw nalang at makakalabas na ako. May X-ray examination ako bukas sabi Papa sa isang tabi. Sana mas mapadali pa ang paggaling ko. "Anak, sundin mo ang payo ng duktor para sa mabilis mong recovery. Nalalapit na ang Prominade niyo at hindi pwedeng hindi ka makadalo. Minsan lang yan maganap sa buhay estudyante. Dapat ay makahanap ka na ng kapareha mo." sabi ni Papa. Ngayon ko lang halos nadadama ang pagiging ama niya sa akin. Masaya pala sa pakiramdam.

CHAPTER VII

“Seniors' Promenade”

Masakit ang ulo ko pagkagising, medyo napuyat kasi ako kaiisip sa maraming bagay dumagdag pa si John Yuan na ilang araw nawawala. "TOK!" ~ hampas ni Mark ng unan sa ulo ko, kapatid kong may pusong babae. "Ate Cielo! Ano pa bang hinihintay mo? dalian mo at mamimili ka pa ng susuotin mong gown para sa prom niyo", sabi niya. Sa totoo lang, wala talaga akong balak na dumalo dun at isa wala rin naman akong escort. Sumabat pa si Mama na tila namimilit, "Anak, wag ka nang magpatumpik-tumpik pa. Minsan lang ang mga ganyang pagkakataon, kaya wag mong palalampasin pa". Sa make-up at sa hairstyle ay sagot na raw ng pinsan kong si ate Bridgette na isang stylist.
Masyado silang mapilit kaya napa-oo na rin ako. Ano pa bang magagawa ko? Todo suporta ang pamilya ko eh.  Pero di balak dumating doon ng maaga. Malamang ay mababagotlang ako sa mga love songs na ipapatugtog dun. "ding-dongggg!" ~ may tao ata sa pinto?
"Hala ate Cielo ayan na ang escort mo!", panunudyo ng bunso kong kapatid na si Micah. Nagulat sila Mama at lalo na ako. Isang pamilyar na boses ang humahanap sa akin. "Pwede po ba kay Michelle Lorraine?", tanong niya. Waaaaa! Si John yuan?! Paano niya nalaman ang address namin?
"Yu-Yuan, Anong ginagawa mo dito?!", tanong ko na may halong pagkagulat.
"May gusto sana akong samahan bilang kapareha sa Prom Night. Kung ok lang sana?", mahina niyang sagot.
Narinig at nakita ni Mama kung paano sinabi ni John Yuan ang kanyang pagpapaalam. Pumayag si Mama na siya ang maging escort ko sa isang kondisyon, wag na wag daw akong pababayaan at mapapahamak.
Sakay ng kotse nila John Yuan ay nagtungo kami sa pagdarausan ng Promenade. Ilang minuto pa lang ay nakarating na rin kami. Maganda ang mga disenyo sa labas pa lang. Pati mga ilaw at mga mesa na may makukulay na mantle. Nakakamangha rin pagmasdan ang magagandang kasuotan ng mga nagsidalo.
Habang nasa upuan na kami, nagpaalam sa akin si Yuan na may aasikasuhan lang saglit. Medyo kakaunti pa lang ang mga tao kaya nakapili pa ako magandang pwesto para sa amin.
Ilang sandali lang ay nagsidatingan na rin ang mga kaklase at mga kaibigan ko. Marami nang tao. "Michelle! You look great!", sabi ng isang kaibigan ko. Sumang-ayon naman sila sa sinabi niya. Nakakahiya naman. Habang nagkukwentuhan ay biglang tumugtog na ang mga kantang romantiko. Nakangiti ang halos lahat kasama ang mga kapares nila. Nagulat ang lahat nang itinigil ang musika. Natanaw kong nasa harapan si John Yuan at may binulong sa host ng programa. At ilang sandali pa ay tumugtog ang kantang "My Valentine". Napatingin ang lahat sa akin! Tumapat kasi ang SpotLight sa akin. Gulat naa gulat ako kung anong nangyayari. Lumapit sa akin si John Yuan at inalok akong sumayaw.
Nakatingin na ngayon sa amin ang lahat. At nagsimula na siyang magsalita,"Cielo...."
Tinawag niya akong Cielo? Ano ito?! Oh MY! Kilala niya nga ako.
"Cielo, sana natatandaan mo pa ako.." mahina niyang sabi habang kami'y nagsasayaw
"Oo, Ikaw si Jiyong di ba?!", sumagot naman aako
"Hinding-hindi ko makakalimutan ang kabaitan mo, kahit pa mawala sa ala-ala ko ang itsura mo sa tagal ng panahon", dagdag pa niya
Di ako makapaniwala sa mga nagyayari. Si Jiyong nga ang kaharap at kasayaw ko ngayon. Di ako makasalita. Pilit ko pa ring pinaniniwala ang sarili ko na hindi ito isang ilusyon. Nang malapit na matapos ang prom night, ipinakita sa akin ni Yuan ang lapis na may "mickey mouse" na pambura. Ayos pa rin ito at tila hindi ginamit magmula noon.
Sa pag-uwi ko ay dala ko ay isang ngiti. Hinatid niya ako sa bahay at may binigay na rosas.
CHAPTER VIII

“Happy ending kaya?”

Maaga akong pumasok sa eskwela. Marami daw kasi kaming gagawin sa buong araw. Nagpasya akong magtungo muna sa locker ko para kunin ang kakailanganin kong mga libro at magbabasa na lamang sana ko sa silid-aralan namin habang may yapak akong naririnig mula sa likuran ko.
Si Jiyong pala. May dala siyang bouquet ng pulang rosas. Di ko maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig pero alam ko lang ay nakakakilig pa lang bigyan ng rosas. Nakatingin siya sa akin at inabot ang hawak niyang mga bulaklak. "Haaayy. Ang pagkainis ko sa kanya noong una ay parang napapalitan na ng paghanga." isip-isip ko. Nagkwento tungkol sa mga nangyari mula kami ay nagkahiwalay. Ang naging kakampi na lamang niya ay ang ala-ala ko sa kaniya. Natuto daw siyang tumayo mag-isa nang di na kami maaring magkita. Marami din daw ang nagbago sa kanya. Naging matatag at matapang na siya. Siya na lamang daw kasi ang nag-iisa sa buhay dahil sa tinitirhan niya ay di naman siya itinuturing na pamilya."Cielo, matagal din kitang hinanap..."aniya.
"Ako rin, Jiyong..." sagot ko.
"Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay pa." sabay namin sabi sa isip.


 PAGLIPAS NG SAMPUNG TAON ...


Nakapagtapos na kami ng kolehiyo. Ngayon ay engineer na siya at ako naman ay isang guro sa mga bata sa kinder. Maraming pangyayari ang nagdaan. Gaya ng pag-cecelebrate namin ng buong pamilya ng pasko, bagong taon, mahal na araw at Valentines' day at marami pang iba. Ilang buwan na rin at nalalapit na ang aming kasal. Handa na aang lahat; ang trage de boda, mga bisita, pagkain at ang simbahan na paggaganapan ng aming kasal. Di ko pa rin nalilimutan ang kwento ng aming pag-iibigan na siyempre ang nagbuklod muli sa amin ay ang lapis. Hanggang ngayon ay ayos pa ang lapis. Di na muli itong natasahan magmula noon. Dahil sa lapis na yon nagkaroon ng katuparan ang mga simpleng pangarap ko. Hindi lang sa Marriage Booth ko makakasama si Jiyong kundi, pang habam-buhay ....




“Teenage Love Affair”

“Teenage Love Affair”
akda ni Venice Jastine E. Paras

Tapos na ang mahabang bakasyon. Balik eskwela nanaman, bagong gamit,bagong kamag-aral, bagong guro. Ano pa kayang bago ang mayroon? Ngunit , tapos na nga ang mahabang bakasyon eto parin ako sinusulit ang bawat pagkakataon. Pero kahit ganun excited na akang pumasok at handang harapin ang mga bagong  pagsubok . sa umpisa masaya pero pag nasa kalagitnaan na ang hirap na. kaylangan ng ganito, kaylangan ng ganyan. Review dito, review don, at praktis kung saan-saan at uwi gabi nanaman. Pero kahit ganun may masayang oras parin naman habang kabonding ang mga kaibigan at kakulitan. Isang tulog nalang darating na ang pinaka aantay at pinakakatakutan kong araw.
Dumating na nga ang pinakakaabangan kong araw. Kasama ko parion ang dating barkada, mayroon ding iilan ang di ko alam ang mga pagkakakilanlan. Natural sa oras ng breaktime kami parin ang solid na magkakaibigan ang magkakasama. Sabi nga ng ilan ang angas daw tignan. Pero mga cute at mababait naman. Pero ang pinakamadalas kong kasama at pinaka kasundo sa barkada ay ang aking matalik na kaibigan. Ang pangalan nya ay Cyrus James A. Castro “cyre” kung amin siyang tawagin. Kasundong kasundo ko siya sa mga gawaing. Nasa ikalawang antas pa lamang kamia ay nakilala ko na siya at naging kamagaral ngunit sa kalahatian lang ng taon. May aberya kasi sa pagitan nilang dalawa ng kanilang guro. Magkatabi lang aming silid-aralan. Kaibigan ko ang isa sa mga matalik niyang kaibigan at kilala dim siya dahil anak siya ng dalawang guro na nagtratrabaho sa aming paaralan. Naging kasama naming siya sa samahan n gaming barkada. Maayos naman at magaling siyang kasama. Isa siya sa mga hinahangaan sa aming paaralan at kilalang kilala ng mga magaaral. Magaling siyang umawit lalong lalo na ang sumayaw kaya’t lagging tinitilian ng mga kababaihan . May itsura din naman kasi itong si cyre. Nagkagusto siya sa isa sa aming barkada na isa sa mga matalik kong kaibigan at tinuturing na kapatid. Jess kung aming tawagin “Jessica P. Andrales” ang kanyang pangalan. Dahil sa asaran si cyre ay tuluyang nahulog kay jess hanggang sa naging sila na nga ng tuluyan. Masaya kami  sa kinahinatnan ng kanilang samahan marami ang nagulat at nabilisan sa matamis na oo ni jess pero para sa amin okay lang yan kasi hindi naman yun ang sukatan ng tunay na pagmamahalan . ngunit marami nga sa kanila ang tama ang nagsasabi na ang ganung relasyon ay tatagal ng magpakailanman. Ang dalawa ay naghiwalay ng biglaan. Dahil hindi pa si jess handa para sa panibagong pagmamahalan.  Nasaktan si cyre dahil sa nagnyari at ito ay biglaan. Umiyak siya at nakiusap ng pagkakataon nguniot away ng dagdagan ni jess ang sakit na nararamdaman ni cyre. Medyo pangit din kasi ang kanilang nasimulan ang matalik kasi na kaibigan ni cyre na kaibigan din namin ni jess ay nakialam sa kanilang samahan.
Si cyre ay amy matalik na kaibigan mula pagkabata ang pangalan niya ay Shajarah Mae De Guzman anak din siya ng guro sa aming paaralan at iasng bahay lang kanilang pagitan. Sabay silang lumaki at lumalim ang pagkakaibigan. Ngunit hindi lumalim ang kanilang pagtitinginan ngunit hanggang pagkakaibigan lang ang kanilang turingan. Eto kasing si sharahmay pagkalalaki kung gumalaw, sa pananamit , kilos at galaw. Madalas naming silang asarin na balang araw sila rin ang magkakatuluyan. Ito saw ay isang himala sabi nilang sabay. Maibalik ko ang kuwento kay jess at cyre. Eto kasing si sharah ang nanligaw at pinagpilitan nalgn ni shrarah na sagutin ni jess si cyre sunod naman agad itong si jess agad napasagot at napa oo nalang. Ayun tuloy hindi tumagal.
Sa mga oras na yun malungkot na malungkot si cyre at di alam ang gagawin. Dahil matalik kong kaibigan si jess ako nga ang kaagapay ni cyre sa  una niyang pagkabigo dahil sa aking kaibigan. Noong unang panahon na yun dalawa kami ni jess ang nangunguna sa klase at naghahabulan. Ng hindi na ni cyre namamalayan unti-unti na niyang natatanggap na siya ay talagang iniwan at wala ng balikan. Kinalimutan niya ang lahat at itinuon ang lahat sa kasiyahan.
Nasa kalagitnaan  na ng klase naatasan ako na mganuna sa gagawin naming isang drama kung saan ko sila dapat pangunahan. Ang pinili kong maging kasapi sa aking grupo ay ang aking mga kaibigan dahil alam ko mas mabilis silang susunod sa akin at mas Masaya naman kung sila ang iyong kasama. Kaso si cyre ay malimit na hindi dumadalo sa aming pag eensayo kabilang kasi siya sa mga tumatakbo para sa Supreme Student Government (SSG) pero bago yun ay pinupuntahan niya muna ako para magpaalam na hindi siya makakadalo. Magkakasabay kaming kumain ng aming grupo at kumakain sa karinderya sa tapat ng aming paaralan. Minsan nakakasama siya ngunit ilang oras lang ang ginugugol niya sa paseensayo. Na siyang naiintindihan namn ng bawat kasapi ng aming pangkat.
Pero kahit na medyo busy siya sa kanyang Gawain. Humahanap parin siya ng oras para sa barkada. Bago siya mangampanya ay pinupuntahan niya muna ako at kinakauasp. Sa mga oras na iyon hindi ko alam na unti-unti na pala siyang nahuhulog sa akin. Maganda naman ang kinahinatnan ng aming presentasyon. Lalo pang lumalim ang samahan ng barakada ng tuwing biyernes ay sumasayaw kami sa isa naming asignatura. Hilig ko rin ang pagsayaw kaya’t lagi akong akong kasama sa presentasyon dag-dag grado din kasi. Dahil sa madalas kaming magkasama ni cyre at tinutulungan niya ako sa mga bagay na nakaatas sa akin pareho kaming madalas na nag-pagpapaiwan sa oras ng  pag-eensayo kaya’t dalawa kaming nagbibigayan kaalaman kung anong step nga ba ang kailangan. Doon lalong lumalim ang kanyang pagtingin para sa akin. Hindi ko alam na halos karamihan sa aking kamag-aral ay alam na ang kanyang pagkagusto sa akin tila hindi ko lang ito napapansin at iniisip dahil matalik ko lang siyang kaibigan. Malapit na ang pagtatapos ng taon ng aming ikalawang antas at naatasan nanaman ang aming grupo para sa isang presentasyon natural kami nanaman magkakabarkada ang magkakasama . pagkatapos ng pag-eensayo, open furom namn ang naisaipan doon na nagkabukuhan, itong si cyre ipinagtapat na sa akin ang tunay niyang nararamdaman pero wag kayong mag alala crush lang naman at wala pang ligawan. Okay lang naman iba parin naman ang depinisyon ng LOVE sa CRUSH at mahaba din ang agwat. Nagulat ako dahil ang alam kong babaeng gusto ni cyre eh yung sobrang ganda, ang layo ko naman ata. Bukod pa dun yun kasi ang pagkakahambing nila sa babaeng gusto ni cyre na kung tawagin nila ay Vhenjie-Ann. Natawa ako kasi bibihira ang ganoong pangalan na hindi ko alam na hango pala sa aking pangalang “VANESSA JOYCE E. PARAS” Vhenjie daw dahil Paras daw ang aking apilyido at letrang V ang nagsisimula ang pangalan ko at Ann para may maidugtong lang. kaya’t wala paring nabago sa aming pag-sasamahan. Ngunit alam ko din namang mahal niya talaga si jess at sa hindi pa ko handa sa ganyang usapan.
Sa pagtatapos n gaming klase dalawa kami ni Jess ang nagunga na siyang ikinatuwa ng marami. Masaya din ang lahat dahil bakasyon nanaman tapos na naman ang araw ng paghihirap. Ngunit isa sa aming barkada ang nawalan ng ama. Agad naming siyang dinamayan. Doon nila nalaman na madalas kaming magkausap ni cyre sa cellphone. Pero para sa akin wala itong malalim na dahilan. Nalaman ito ni Jess at bakas sa mukha niyang siya’y medyo nasaktan kaya’t agad siyang nakipagbalikan. Masaya ako para sa kanilang dahil wala naman talaga akong nararamdaman.
Balik tayo sa umpisa ng kuwento. Tapos na nga ang mahabang bakasyon. Doon ko lang din napag-alaman na wala nanaman pala silang dalawa. Hay! Naku ang gulo talaga. Ayun kagaya ng dati kasama ko parin sila at Masaya. Lagi kaming magkakasama at siya parin talga ang aking kasa-kasama. Madaming bagong mukha ang aking nakita sa unang klase. Ang iilan sa kanila ay kilala ko na at pamilyar na sa akin ang mukha. Nasa mataas na antas ng seksyon kasi ako at ang ilan sa kanila ay dati ko nang naging kamag-aral sa elementary at kadalasang nakaklaban ko na sa mga aktibidad sa aming paaralan. Mahilig din kasi akong sumali sa mga aktibidad. Sayang, pangdagdag din kasi ng marka. Higit sa lahat karanasan din.
Ito namang si cyre at ako gaya pa din ng dati. Matalik na kaibigan parin ang turingan. Pero sa mga oras na to mas lalong lumalim ang pagtingin niya sa akin. Ngunit hanggang ngayon  wala parin ito sa akin dahil hindi pa nakasentro ang isip ko sa ganoong bagay. Pero ni kalilanman hindi niya ako sinubukang ligawan dahil gusto rin niyang mas magtagal kami sa pagiging magkaibigan at kilalanin pa ko ng husto. Ang hayskul ang pinakamasayang parte ng buhay ng halos ng lahat ng mga kabataan. Magandang samahan kasama ang mga kaibigan at mga kalokohan na kay sarap balik-balikan. Marami mang pagsubok ang pagiging teenager Masaya parin dahil sa mga bagy na ating matututunan.
Sa ikatlong antas isa marami nanaman akong bagong kaibigan. Ang madalas kong kasama sa tuwing breaktime ay si Regine na ngayon samantalang si Ailyn naman sa tuwing uwian. Magkasama kami sa paglalakad mula silid-aralan hanggang sa aming bahay medyo malayo ang bahay naming masarap maglakad ng may kakwentuhan. Mabait si Ailyn, masarap kasama, matalino at maasahan sa oras na kailangan. Ngunit isa ang dahilan n gaming alitan. Hindi naman ako galit sa kanya may mga nagawa at nasabi lang siya sa aking likuran kung bakit ako nagtampo at medyo nairita sa kanya pero dahil sa pinapahalagahan ko siya at pilit ko siyang iniintindi, hinahayaan ko nalang nag mga nangyayri.
Nagkagusto siya kay Cyre, magkakaklase kami sa ikatlong angkat kaya’t magkakasama kami ng madalas. Alam ng buong klase na ako ang gusto ni Cyre at alam din nilang wala lang naman eto sa akin. Hanggang sa dumating si Ailyn at mahalin ng sobra si Cyre. Alam naman ni Ailyn na wala akong nararamdaman para kay Cyre kaya’t wala siyang pag-aalinlangan. Naging magkasundo sila dahil ang alam ni Cyre na malapit kong kaibigan si Ailyn at maaari siya nitong tulungan sa paglapit sa akin. Dahil sa nagkasundo sila lalo siyang nahulog kay Cyre. Ang buong akala ko ganun narin si cyre sa kanya dahil lagi siyang magkasama may tawagan pa nga silang “Babe” ata yun?   Di ko na matandaan. Ngunit hindi ko alam na sa kabila ng closeness nila ako pala ang dahilan.
Si Ailyn ang tanging taong pinagsasabihan niya ng kanyang nararamdaman para sa akin. Ngunit sa kabila nito puro kabaliktaran ng aking pagkataoang sinasabi niya patungkol sa akin. Sinisiraan niya ako para lang mag-iba ang tingin nito sa akin. Nasaktan ako dahil bilang kaibigan ang laki nga tiwala ko sa kanya. Pero hindi ko na ito iniisip at hinayaang siya na ang magpasya kung maniniwala ba talaga siya. Habang ako nagpopokus ang atensyon ko sa isang taong una pa lang ay napansin na agad ako. Lagi siyang nariyan sa likod ko. Nangungulit at nang-aasar. Naiinis ako ayoko kasi ng magulo.
Sa umpisa ng klase ay napansin na pala niya ako. “Ced” ang madalas kong tawag sa kanya pinaikling pangalan para sa Cedrick, Cedrick Hill D. Santos ang buo niyang pangalan. May pagkapasaway sa klase si Ced puro kalokohan kumpara kay Cyre kaya’t hindi kami gaanong magkasuno. Magkaiba kasi kami ng personalidad at pananaw sa buhay. Madalas ding mapagalitan sa klase si Ced dahil sa kalokohan at kakulitan habang may klase. Ang tanging napapansin sa kanya ay ang ilong niya at ang singkit na mata, at lagi siyang late sa  guro naming si Mrs. Perez. Nasa bridge room kasi kaminoon sa pagitan ng Millenium at Administration building. May kalakihan ang room dati kasi itong kantinang aming paaralan pero ito ay nailipat na samas malaking espasyo. Pero hindi ko na naabutan na itoay dati palang kantina. Kami ay naaatasan na gumamit nito. Ang unang seksyon ay naitalaga malapit sa computer roomkaya’t kaming sumunod naseksyon ay sa bridge room naitokasi ang sumunod naroompagkatapos nung roomna naitalaga para sa mga unang seksyon.

Marami ang naging programa sa aming paaralan pero ang pinakaaabangan ng karamihan ay ang fieldtrip kung saan marami nanaman mga bagonglugar an gaming malalaman.
Fieldtrip na! nagpuntakami sa Tagaytay, marami kaming pinuntahan doon. Nagenjoy ako ng sobra,syempre kailangan memorable din ang katabi mo sa bus. Nauna na akong niyayay ni Cyre naka oo na ko bago ang fieldtrip. Nung papalapit nahindi na ko pinayagan ni mama at pumayag akong magkatabi kami kasi ang alam ko hindi naman talaga ako makakasama. Nung oras na ng bayaran natuwa ako nung payagan ako ni mama.binigyan na niya ako at nakapagbayad naman ako ng nasa oras. Pinaalam ko agad kay Regine na makakasama na ako kaya’t agad niyakong niyaya na kami nalang ang magtabi sa bus. Si Regine ang madalas kong kasama tuwing nasa paaralan. May mga nagyayadin pa sa akin na magkatabi kami sa bus kaso nga lang naka “oo” na k okay Cyre. Kaya sila nalang ang pinagtabi ko tapos kada lugarna pinupuntahan namin nakikipagpalitan nalang ako ng upuan. Pero sa pagpunta namin habang nasa byahe si Cyre ang katabi ko. Niyaya nga ni Ailyn si Cyrena sila ang magtabi pumayag siCyreyun ay kung hindi lang ako makakasama. Nung uwian na’t magkasama kaming naglalakad ni Ai pauwi pinilit niyaakong huwag na lang sumama o di kaya’y sa iba na lamang ako yumabi. Noong dumating na ang araw ng fieldtrip sinesenyasan niya ako na huwag matutulog dahil baka makasandal ako kay Cyre. Naku naman! Pag-ibig nga naman.
Noong araw nay un nagtapat sa akin s Ced. Nagshare siya sa akin ng problema. Ako daw? Naguluhan ako’t tinanong ko siya. “ Problema  na pala ako? “ hindi siya sumagot, umalis na ulit kami para sa huling destinasyon. MOA naang huli naming pupuntahan. Sa laki ng mall naghiwa-hiwalay kami si Regine lang ang tangi kong kasama sa pag-iikot. Di ko na ulit sila nakita, sa bus na ulit kami nagkita-kitang magkakaklase.hanggang sa paguwi pinipilit kong sabihin ni Ced yung problemang yun kung bakit ako. Medyo nararamdaman ko na kung ano ang ibig niyang sabihin pero ayoko naman pangunahan siya dahil sa baka mapahiya lang ako. Pauwina kami hindi pa rin niya sinasabi kung ano ba talaga yun. Sa ibang bus na kami nakasakay pauwi. Nasa likuran ko na si Ced kasi naman may mga sumingit akong mga kaklase mula sa ibang seksyon dun kasi sila sumama papunta, namiss ata yung mga dati nilang kamag-ara. Sabay lipat naman sa amin pauwi. Nakatayo lang tuloy si Ced pauwi. Pinapaupo ko nga siya sa tabi ko kasi maluwag naman yung upuan at hindi naman din siya mataba kaya sakto lang kaming tatlo. Pero tumanggi siya, huwag na daw kasi baka mahirapan daw ako. Sakto namam mayron pa palang bakante sa harapan kaya nakaupopa din siya ng maayos. Nakarating na kami sa school. Natural si Ailyn pa rin ang aking kasabay pauwi.  Bago umuwi tinawag ako ni Ced  at ganito ang nagging eksena:
Ced: Vanessa
Vanessa: Bakit?
Ced: Sasabihin ko na yung problema ko.
Vanessa: Oh! Ano ba kasi yun?
Ailyn: Tara na! Uwi na tayo.
Ced: Sige, ingat ka ha?
Vanessa: Sige, salamat. Ikaw din.
Ayun di niya rin nasabi ang lahat. Nang nakauwinaako sa bahay nagtext siya sa akin ng marami ngunit isang salita lang ang nakalagay “KASI” yun lang wala ng kasunod. Binura ko na lahatat din a ko nagkainteres na basahin pa kung may textba na naiiba. Pero may huling mensaheng dumating. Ayun ganun pa din naman. Akalako yun naang panghuli meron pa pala. Iniisip kong ganun pa din kaya’t buburahi ko na sanapero naisip ko pa rin itong basahin. Binasa ko at nagulat ako nung  nabasa ko na ang salitang “KASI” may kasunod na ngsalitang “ MAHAL KITA”.
Pagkatapos nung gabing yun nagsimula na siyan ligawan ako. Himdi ko siya kayang tingnan o kausapin man lang. at dahil pabor si Ailyn sapanliligaw ni Cedrick siya pa ang naglakad nito sa akin. Agad kong binasted si Ced , hindi ko kasi talaga siya gusto. Halos lahatkasi sa klaseboto kay Cyre. Nagulat ngaang lahat nung ligawan ako ni Ced. Pero agad ko naman itong pinahinto. Ayoko naman kasi na magsayang siya ng oras para sa akin. Higit sa lahat wala naman kasi siyang aasahan. Sapuntong iyon nabahala si Cyre. Agadsiyang nagbalaknaligawan ako peropinangunahan siya ng takot. TORPE nga kasi eh.hindi ko rn naman din siya masyadong mapansin dahil nga marami rin akongginagawa. Ito naman si Ced tinanggap na ayokopa talaga at nirespeto na lang angaking nagging desisyon. Nakipagkamay siya sa akin at sinabing okay na sa kanya yun basta manatili parin kaming magkaibigan. Noong araw na iyonnaging kasundo ko na siya yun nga lang ay medyo dumistansya sa pagitan naming dalawa si Cyre. Sa pag-aakalang mas gusto ko si Ced dahil madalas niya akong nilalapitan para kausapin. Isang araw,  habang wala kaming guro. Kasama ang ilan kong kamag-aral at nagkwekwentuhan may bunot na bigla na lamang tumama sa aking ulo. Napaiyak ako sa pagkagulat at sakit ng pagkakatama sa akin. Nasa gitna naman ako at may nakaharang bago ako pero ako pa rin ang tinamaan. Umiyak ako at lumabas. Nabigla din si Ced kasi siya naman talagaang babatuhin ng kaibigan niya kasi naman ang laki-laki na naghaharutan pa. Lahat ng lahat ng lumalapit sa akin hindi ko pinapansin, lahat ng nagpatahan sa akin ay walang napala. Para akong bumalik sa pagkabata. Ang sama talaga ng loob ko noong araw na iyon. Lumabas ako at mula sa di kalayuan, nandoon si Cyre agad siyang lumapit sa akin at pinapatahan ako pero hindi niya talagaako mapigil. Inabutan niya ako ng tubigdahil humihikbi na ako habang umiiyak, siguro dahil masama talaga ang loob ko. Sinalag ko ito na siyang dahilan ng pagbuhos ng tubig sa kanyang mukha at siyang nagging dahilan na rin ng aking pagtawa. Mula noon lagi na siyang andiyan muli sa tabi ko hanngang sa paglalapit ng bakasyon. Siguro ay para protektahan ako ng husto.
Bakasyon nanaman. Sumama ako sa lola ko sa Pangasinan. Dalawang lingo akong nandoon. Nung mga orasa na iyon hindi kami nawalan ng komunikasyon ni Cyre. Lagi niya akong tinatawagan at tinetext . kahit nga minsan wala siyang load ginagamit niya ang cellphone ng papa niya at kung minsan kung di akomakapagtext siyaang nagpapaload saa akin malayo kasiang mga tindahan sa mga probinsya. Umuwi ako pagkalipas ng dalawanglinngo sa Manila at kinabukasan ay bumyahe na agad papuntang Bicol andun kasi si mama. Kasabay kong bumyahesi papa halos isa’t kalahating buwan ang itatagal ko dun. Alam kong magiging Masaya ang bakasyon na ito. Sa unang dalawang linggo nagtapat sa akin si Cyre at humihingi ng pahintulot para manligaw. Alam na ito ng aking mama dahil nakakapag-usap naman kami tungkol ditto, alam din niyana dalawa silang nanliligawpero huminto na nga si Ced dahil sa sarili ko ring kagustuhan. Pero si Cyre kilalang kilala nang aking mamamadalas siyang nsa bahay kasama si Sharah. Dinadalaw ako at madalas makipagkwentuhan angmga ito sa aking ina. Hindi ko alam na nagpaalam na palasiya para ligawan ako. Di tuladni Cedrick binigyan kosi Cyre ngpag-asa dahil okay naman siya pagdating sa aking pamilya. Magkatext kami at magkatawagan halos araw-araw. Yun nga lang di pa kami medyo possessive nasiya.busog na busog na nga ako sa “ I LOVEYOU”  niya eh. Sa text, habang magkausap kamisa cellphone, sa ym, maging sa frienster,facebookat twitter. Pero si Cyre yung tipo ng lalaki na kahit kalian di kayang manloko ng isang babae. Dahil sa ayoko pa sa isang relasyon at hindi pa ako handing masaktan. Hiniling ko sa kanya na huwag na munang isipin ant tungkol dito. Sinunod niya naman ako at sinabihan niya kong “ handa akong mag-antay kahit ilang taon basta’t magiging ayos tayo pagdating ng panahon.” Ayos naman kami pero ewan ko ba bakit biglang nagbago ang isip ko. Sinabihan ko siyana huwag na lang siyan manligaw kahit na sampung taon pa siya mag-antay. Pinilit niya pa rin pero di kalaunan ay sinunod rin niya ang aking kahilingan. Habang si Ailyn ay katext ko at tuwang-tuwa sa nagging desisyon ko. Hiningi ko pa nga sa kanya yung number ni Cedrick kasi hindi na siya nagtetext o nagpaparamdam man lang na parang multo. Agad niya itong pinuntahan at naabutan itong naglalaba. Ang sipag naman. Nung araw ding yun nagtext at tumawag siya sa akin. Si Cedrick yung taong sobrang tiyaga. Nagging maayos kaming magkaibigan. Inabangan niya ang pagbabalik ko mula Bicol papuntan Manila. Tapos na ulit ang mahabang bakasyon.pasukan nanaman. Pero bago yun nag-enropll muna kami. Sa paaralan kasi namin pumipila ang bawat estudyante bagi tanggapin. Bawal kasi ang hikaw sa lalaki, kulay ng buhok, dapat tama ang uniform at hindi pwedeng dalawa ang butas ng babae. Mahigpit sa aming paaralan at pili ang mga estudyante ditto. Doon una akong nilapitan ni Ced nagulat nga ako malakas kasi siya sa mgaguro kaya’t din a niya kailangan pang pumila, nakaporma pa nga’t din aka uniporme. Matalino kasi si Ced kaya’t maraming guro ang paborito siya. Nag-usap kami sa tapat ng silid-aralan habang si Cyre ay nasa kabilang silid lang.  nagulat siya ng lumabas siya at nakita kaming magkausap at dinanagtangkang lumapit pa. sa pag-uwi kasabay ko si Cedrick hanggang tarangkahan at doonko naabutan at kinausap naman si Cyre habang si Ceday umuwi na. nalungkot ako kasi sa ibangseksyon na si Cyreat Sharahpapasok. Hindi na din sila pumipila pero pumupunta pa rin sila ddon. Anak kasi sila parehasng guro kaya’t wala nang problema.yun nga lang may problema  sa pagitan ng tatay niya at ng isapang guro n gaming paaralan. Dahil sa matalik na magkaibiganay sumama nalang si Sharahat nagpalipat saikatlong seksyon habang karamihan sa amin ay nasa ikalawang seksyon pa din.magkasundopa rin kami ni Cyrenagkikita kami bago siyapumasokat bago ako umuwi. Pang-umaga kasi ako at pang hapon naman siya. Habang si Cedrick ay kamag-aral ko pa din.
Pang-apat na beses ko na ngang binastedatmay balak pa din atang ligawan ako. Kakulitan talaga! Hindi na ko naiilang sa kanya kasi ganun naman talaga siya makulit, sweet at mabait.naputol ang komunikasyon naming ni Cyre madalaskaming magkita pero walang pansinan. Di ko nga alam bakit ba bigla na lang nagging ganun. Kasabay nito hindi ko napapansin na nahuhulog na ako kay Ced. Napagtanto ko din na siya naman pala talagaang gusto ko.masyado kolang talaga sigurong pinahalagahan ang pagkakaibigan naminni Cyreat takot aong saktan siya. Kagayang dati kahit may konting feelings naako para sa kanya binatedko pa din siya ng ako’y kanyang muling ligawan sa ika-limang pagkakataon at ika-limang buwan ng kanyang panliligaw. Minsan nagbalak na din akong sagutin siya pero pinigilan ko ang sarili ko at pinilit na itago,ilihim at huwag sabihin sa iba. Ayoko kasi ng intiga. Sobra akong nirerespeto ni Ced at hinihintay niya langang magiging desisyon ko. Pero hindi talaga siya tumigil sa panliligaw. Lahat ng ito’yalam ni Ailyn. Hanggangsa dumating ang arawna nanligaw na pala si Cyre sa ibang babae na hindi pa niyamasyadong kilala. Sabinga nila “ ano bang ginawa mo sa kanya? Ba’t nagkaganun yun nanligaw agad di pa nga niya masyadong kilala.”
Habang ako humahanap ng tiyempo kung paano sasabihin ang matamis na o okay Cedrick. Wala naman na sigurong masasaktan kung sasagutin ko siyatutal may kasintahan nanaman at Masaya na si Cyre sa piling ng iba at wala na akong aalalahanin pa. kaso hindi ako nagkalakas ng loob medyo malapitdin kasi si Cedrick sa mga babae. Sweet kasi siya sobra. Mayroon nga kaming kamag-aral na lagi niya kaharutan tsaka may gusto sa kanya. Nagkagusto na rin siya noong mga oras nayun sa iba pero hindi siya nanligawditonirerespeto niya ako at mahal rin niya ako.
May program sa school noong araw na iyon.si Aljur at Kris dumalaw sa paaaralan para pakiligin ang mga mag-aaral.Dapat paglabas ng covered court ay sasagutin ko nasiya kaso nga lang natakot ako. Biglang umulan, naiwan kami saginang mga tao. Nakisukob siya sa payong ko habangang iba ay sumilong sapunong nakapalibot. Hindi naman malakas ang ulan atambon lang naman na medyo malalaki ang patak at dahil mahiligtalaga mang-alaska binabaang payongko at hinayaan kaming mabasa. Parang isang romantikong eksena sa telenobela. Kaming dalawa na lang ang magkaharappero di ko pa rin nagawang sabihin. Nung mga oras na yun suko na pala talaga siyasapang-anim na beses niyang panliligaw saakin.binigyan panga niya kong picture na maynakasulat na “ I never stopped loving. I just stopped showing it. If loving you is wrong I don’t want to be right anymore.” tapos sa likod may isinulat siya na “ kahit  na hind imaging tayo Masaya pa rin ako at salamat sa mga bagay nanagawa mo.” Nagulat ako malayo na kasi ako noon nanag tawagin niya ko’t ibigay sa akin yun hindi ko na nga nagawang tingnan pasiya sa kanyang mata. Sinabi ko ang lahat kay Ailyn. Kahit na may konting galit ako sa paninira niya sa akin inintindi ko nalang siya at hindi na hinayaan lumaki pa. Alam kong nagawa niya lang naman yun dahil sa sobrang pagamanahal niya kay Cyre. Si Ailyn ang tumulongsaakin para sagutin si Cedrick hindi nga ako makatingin ng maayos sa kanya noon eh. Hindi nga ako nagsabi na “ sinasagot na kita” kundi si Ailyn pa hindi kasi ako sanay dahil siya ang una kong magiging kasintahan. Pero parehas kami naguluhan kung kami na ba talaga. Nakumpirma lang yun nung tawagan niya ko para kumpirmahin at kinabukasan ng kami’y nagkita. Bakas sa mukha niyang Masaya siya at ganun din naman ako. At tila isang himala ang maaga niyang pagpasok. Sa umpisa hindi ko talaga iniiisip na magtatagal kami dahil nga may pagkapasaway siya. Pero sobrang pagmamahal ang ipinakita niya sa akin. Naging mas malalim  ang pagmamahal ko para sa kanya at tiwala. Hindi man maganda ang paraan ng pagsagot ko sa kanyawala naman akong pinagsisisihan dahil tunay at tapat niya akong minahal.
Noong unang pagpapakilala ko sa kanya sa aking magulang ito ay nagging maayos naman. Habanag ako super welcoming kanyang magulang at mga kapatid. Itinuring nila akong isang tunay na kapamilya.
Marami pang mga bagay an gaming naranasan perosatingin ko sapat na ito. Baka kasi may kasunod pa ang kwentong ito.

Panaginip

Panaginip 

akda ni Gladys Villanueva

 Mahimbing na ang tulog nang mag-anak ni Lorina ng biglang…….

Lisa : Inay!Inay! gising po kayo…..lumilindol!!!
Lorina : Haaa??? Dali gisingin mo mga kapatid mo si Lito at Tessa…Diyos ko, ilayo po kami sa kapahamakan! (umiiyak na nakatingin sa altar ) Wag niyo po kaming pabayaan…parang awa Niyo na po!
Lisa : Inay ang bahay po natin umuuga na!!!!
Lito at Tessa : Hu…hu…hu…Inay natatakot po kami! (naghahagulgulang wika nila)
Lorina : Wag kayong mag-alala mga anak hindi tayo pababayaan ng Panginoon…Magsama sama na lang tayo at manalangin,halikayo…(patio siya’y naiiyak na rin )Tahan na mga anak ko…tahan na…
       
         Unti-unting nagbagsakan ang mga tipak ng lupa sa buong bahay nila kasabay nun ang animo’y dinuduyan sila sa paghagupit ng lindol.Gusto man nilang sumigaw ngunit sa kanila’y walang nakakarinig.Madilim na tila sila’y nasa impyerno,walang halos Makita.Naririnig lang nila’y tunjog ng mga puno0ng nagbabagsakan,hanging kaylakas at mga lupang galit na animo’y naghahamon.
           Sa ilang saglit lang at….
Lorina : AaAAAAAhhhhhhhh!!!!!!!

       Humahangos na napasigaw si Lorina.Bigla siyang nagising sa mahimbing na pagkakatulog kamuntik na nga siyang malaglag sa kanyang kinahihigaan.
Lorina : Diyos ko! Ang sama ng panaginip ko.

        Napatayo siya at dali-daling kumuha ng tubig sa kusina.Mag-aalas singko na din nun ng umaga kung kaya’t hindi na siya muling natulog.Nagsaing na lang siya at naghanda ng almusal para sa kanyang tatlong mga anak.
         Matagal ng biyuda si Lorina,halos maglilimang taon na.Namatay ang kanyang asawa dahil sa sakit na cancer sa buto.Kung kaya’t siya na lang ang tumatayong ama’t ina sa kanyang mga anak. Si Lisa na labing-anim na tong gulang, si Lito na labing-isa at ang bunso na si Tessa na pitong taong gulang.Sa edad niyang 41 ay yhi9ndi na siya nagbalak pa na mag-asawa ap ulit.Ayon sa kanya,aasikasuhin niya na lang ang kanyang mga anak.

          Tamang-tama,bumaba na ang tatlong bata at nag-siupo na sa harap ng hapag.Nag-umpisa na silang kumain…
Lisa : Inay,gagabihin po ako mamaya sa pag-uwi huh kase may praktis po kami ng sayaw.
Lorina : Ah ganun ba? Oh sige basta mag-iingat ka sa pag-uwi huh.Maraming mga snatcher sa panahong ito…delikado.
Lorina: Hala bilisan niyo nang kumain at baka mahuli kayo sa klase…
Lito: Tapos na po ako!!
Lorina: Oh sige kunin mo na ang bag mo at ihahatid ko na kayo…
Lisa: Inay,mauna na po ako sa inyo. (dali daling kinuha ang kanyang bag at umalis na.)
Lorina: Sige…Lito halika na!!anong oras na oh?malilate na kayo mamaya nyan ehh…
Lito: Andyan na po ‘nay!
       Dali daling lumabas na silang tatlo at sumakay ng traysikel papuntang paaralan ni Lito at Tessa.
Lorina: Ayan mga anak,sige pumasok na kayo…
       
         Teng-teng-teng!!!humuni ang bell kaya’t nagtungo na ang dalawa sa kanya-kanyang klasrum.

          Nagmamadali namang umalis si Lorina pra pumasok na din sa kanyang trabaho.Nagtatrabaho siya sa City Hall bilang office clerk.Halos magtatlong taon na din siya dun.

      Sumakay na si Lorina ng taxi papunta sa kanyang trabaho.Hindi naman kasi kalayuan ang City Hall sa School ng dalawang bata.
Lorina: Manong,City Hall lang po! (saad niya sa taxi driver  sabay abot ng pamasahe niya )
Taxi Driver: Sige po mam.
      Ilang saglit lang ay dumating na sila sa tapat ng City Hall.Bumaba si Lorina at pumasok na.
Alice: Uuuuuy Lorina??Good morning!medyo tinaghali ka nagyon ahh…
Lorina: Oo nga ehh…hinatid ko pa kasi ang dalawang bata…ehh alam mo naman! (nakakunot ang noong baling sa kausap )
Alice: Kunsabagay!wala namang ibang hahatid sa kanila kundi ikaw lang..Ahhh,Heto pala oh..may pinapagawa sayo,pak-encode na lang daw a.s.a.p.
Lorina: Ahh sige ako na ang bahala.
     
       Inasikaso na niya ang mga papeles na dapat na niyang tapusin.Ngunit kahit anong concentrate niya  hindi pa rin nawawala ang napanaginipan nya kaninang umaga.Hindi niya mawari kung bakit sa lahat ng pwedeng mapanaginipan ay yun pang lindol.
Abala siya sa pag-iisip nang….
Josephine: Loringggg!!
Ayun kasi ang tawag niya kay Lorina.Si Josephine ay malapit na kaibigan ni Lorina at halos kababata niya ito.
Lorina: H-h-h-aaa?b-b-b-aakit? (pautal-utal at nabiglang saad niya )
Josephine: Tulala ka diyan ahh…mukang malalim iniisip mo.May problema ba??
Lorina: Aaahh…w-w-la ,ano ka ba?okey lang ako,baka ikaw ang may problema.
Josephine: Ako??wla din syempre.
Lorina: Naku Josephine sa hilatsa ng mukha mo halatang may problema ka.Ano ba yun?
Josephine: May babae na namn kasi siya ehh.Hindi ko na alam kung anong gagawin ko…
          Mangiyak-ngiyak na sumbong niya.
Lorina: Hiwalayan mo na kasi yun…ilang beses ka na niyang niloloko.Marami pang lalak diyan hindi lang siya!Kaya cheer up.
Josephine: Hindi kasi ganun kadali yun eh…(pabagsak na sana ang kanyang luha)Sige na marammi pa akong gagawin ehh.Tsaka pala sabay na tayo sa pag-uwi mamaya huh?
Lorina: Sige ba!basta libre mo ako..ha-ha-ha (pabirong saad niya).
         Pagkaalis ni Josephine ay agad namang bumalik si Lorina sa kanyang pinagkakaabalahan nang ilang saglit lang ay….

NEWSCASTER: Magandang hapon.Sinasabeng magkakaroon ng lindol sa ilang bahagi na ating bansa .Ayon sa PHIVOLCS hindi malayong magdulot din iyon ng tsunami parikular na sa mga lugar malapit sa dagat.Pinag-iingat na din ang lahat ng mamamayan lalo na ang mga naninirahan sa mga lugar na may posibilidad na magkaroon ng landslide dahil din sa lindol.
        Napabalikwas si Lorina sa kanyang pagkakaupo.Lubhang binalot ng kaba ang kanyang dibdib.Di nya alam kung anong iisipin  niya.May gusto kayang ipahiwatig ang kanyang panaginip??
           Taranta at nawawala sa sarili si Lorina  narahil hindi siya mapalagay…pinipilit  niyang tapusin ang ginagawa pero parang hindi ito matapos tapos.Ilang beses siyang nagkakamali…
            Gusto niyang magkwento,gusto niyang sabihin ang nararamdaman niya kahit kanino.Kay Josephine o di kaya kay Alice..Kahit kanino basta mailabas niya ang kanyang nararamdaman pati na ang kanyang napanood na balita.
Mag-aala sais na ng hapon at uwian na nila.
Josephine: Uy Loring!halika na…
Lorina: Oh sige..aayusin ko lang tong mga gamit ko.
           Matapos iligpit ang kanyang mga gamit  ay lumabas na ang dalawa sa kanilang opisina.
            Habang naglalakad palabas ng kanilang opisina ay naikwento ni Lorina ang kanyang napanood na balita kanina.
Lorina: Napanood mo ba ang balita kanina huh?
Josephine: Bakit?
Lorina: Magkakaroon daw ng lindol sa bansa.Pinag-iingat pa nga tayong lahat ehh.
Josephine: H-h-h-aaa?(nagulat sa sinabe ng kanyang kaibigan) Wala naman akong nabalitaan ahh.Sa internet wala di eh lage naman nating kaharap to lalo namang hindi sa TV kasi naman walang TV sa loob ng opisina natin.
       
  Napalunok si Lorina,nagyon niya lang naisip na wala nga talagang TV sa loob ng kanilang opisina.Kung ganun papaanong parang may napanood siya kanina?namamalikmata lang ba siya?Iyon ang tanging natanong niya sa kanyang sarili. Halos mataranta siya dahil sa kakaiba niyang nakikita at nararamdaman.
Josephine: Uuuy?kanina ko pa napapansing wala ka sa sarili mo.Ano bang problema?baka pagod lang yan,magpahinga ka na lang mamaya pagdating mo sa inyo.
       Maya maya’y nagpapara na sila ng taxi…..
Josephine: Ayun may taxi na.,lika na sakay na tayo.
Lorina: Ahh sige.
         Sumakay na sila at naupo sa likuran ng sasakyan.
Lorina: Sampalac st. lang po manong. (ika ni Lorina )
         
         Dahil nga mauuna siyang bababa kesa sa kaibigan kaya’t siya ang naunang nagsalita.Habang bumabyahe ay di pa rin niya maialis ang kanyang kaba at pag- aalala.Ninanais niyang humingi na tulong ngunit paano kung ang lahat ng nakikita at naririnig ay puro guni-guni lang para sa iba.

           Gusto niyang magsumbong sa kinauukulan ngunit paano kkung wala siyang maipakitang basehan.

              Habang malalim ang kanyang pag-iisip,biglang…
Josephine: Lorina sa inyo na oh. (sabay tapik sa kaibigan)
Lorina:  H-h-haaa?oo nga pala… Manong para po! Uy libre mo ko huh? (pabirong saad niya sa kanyang kaibigan )
Josephine: Oo na!! Ha-ha-ha! (nakatawang sagot naman niya sa isa)
Lorina: Sige mauna na ako… (binuksan niya ang pinto ng taxi at bumaba na )

               Agad namang umalis ung sasakyan matapos niyang bumaba.
               Nagsimula na din siyang lumakad sa maliit na eskinita papasok sa kanila.

           Ilang saglit lang ay nakarating na siya sa kanilang bahay…
           Binuksan niya ang pinto at pumasok na siya.
Lito: Inay!!!mano po… (masiglang salubong sa kanya ng pangalaang niyang anak )
Lorina: Oh!(nakangiting wika niya ) Kaawaan ka anak…
               Bigla siyang napabaling sa bunsong busy sa pagsusulat.
Lorina: Ikaw Tessa??hindi ka ba magmamano kay inay huh?
                 Dali-dali namnag lumapit ang bata…
Tessa: Syempre po magmamano!(pangiti-ngti) Mano po ‘nay!
Lorina: Kaawaan ka din.Kamausta ang klase niyo huh? Hindi ba kayo naging pasaway?
Lito: Ako po hindi Inay! Syempre kasi malaki na ako,binata na! (nagmamayabang na pagbibida niya )
Lorina: Asus binata?may gatas ka pa nga sa labi ehh…
Ltio: Nye??!!wala kaya..di na naman ako umiinom ng gatas eh..
Tessa: Ako umiinom pa! (napatigil sa kanyang ginagawa ) Masarap kaya yun… (sabat niya sa usapan ng dalawa )Di bap o Inay??
Lorina: Oo naman! Tsaka tumutulong yun para mabilis lumaki. Oh siya mag-bibihis na ako at makapagluto na.
Tessa: Sige po… Lorina: Oh eto,fish...(nilagyan niya ng pagkain ang plato ng dalawang bata).Masarap yan!tska yung gulay para??(patanong na saad niya).
Lito at Tessa: Magiiiiiing malusog!!!!!
Lorina: Tamaaa...sige kain.Ubusin niyo yan huh?
Lito: Hmmm...sarap inay...yum…yum...yum!

Masayang nagsalo-salo ang mag-iina.Nang matapos na ay isa-isa nang nag-akyatan ang dalawang bata pagkatapos nilang magpunas.
Lorina: Matulog na kayo huh?kase bukas maaga pang gigising.
Lito:Opo inay.
Tessa: Inay gusto ko po basahan niyo ako ng kwento para makatulog ako agad.
Lorina: Sige anak...oh halika na,humiga ka na at babasahan kita ng kwento.
Nag-umpisa na nyang basahan ng kwento ang bata.,di nagtagal ay...
Lorina: And they live happily ever after...(napansin niyang mahimbing na nakatulog ang bata).

Tinignan niya ang orasan,mag-aalas diyes na pala ng gabe ngunit wala pa rin si
Lisa.Nag-aalalang tinawagan niya ito.
Kringggg...kringgg...kringgg...!!!!!!!!
Lorina:  Lisa,nasaan ka na?(kausap ang anak sa selpon)anong oras na ah...Alas diyes na hindi ka pa nakakauwi.Nag-aalala na ako sayo.
Lisa: Inay,sorry po…,medyo na-extend lang kase ung praktis namin pero pauwi na po ako.Malapit na.
Lorina: Oh sige,hihintayin kita.bye.
Lisa: Sige po inay.

Bilang isang ina,lubhang nag-aalala si Lorina sa panganay niyang anak.Hindi
siya mapanatag hangga't wala pa ito sa bahay.Delikado na kase sa panahong ito,ang daming nagkalat na snatcher o di kaya'y adik.Kung ano-anu na ang kanyang naiisip.

Tok...tok...tok!!!
Dali-dali niyang binuksan ang pinto.

Lisa: Mano po inay.Sorry po huh?
Lorina: Ok lang yun basta sa susunod wag ka nang magpapagabe ng uwi dahil delikado sa daan. Siguradong gutom ka na kaya't magbihis ka na dun at ipaghahain na kita.
Lisa: Salamat po inay..(nakangiting saad niya sa kanyang ina.)
Umakyat si Lisa sa kanyang kwarto at ilang minuto ang nakalipas ay bumaba na siya.Dumeretso agad siya sa hapag at nagsimulang kumain.

Habang kumakain siya ay naupo naman sa tabi nya si Lorina.

Lorina:Kelan ba ipapalabas yang sayaw niyo?
Lisa:Sa makalawa na po inay,kaya nga po ginabe ako ngayon kase puspusan ang ensayo namin para sa program.
Lisa:Haay...buti naman at malapit ng matapos yung sayaw niyo na yan para di ka na gabihin ng uwi.Sige kumain ka pa.

Halatang gutom kaya't naparami ang kain ni Lisa.

Lisa:Haay!busog na din sa wakas.
Lorina:Sige,iligpit mo na yang pinagkainan mo at umakyat ka na.Wag ka nang magpuyat huh.(pabirong dinilatan niya ang anak.)
Lisa:Opo inay!Niligpit na ni Lisa ang kanyang pinagkainan tska hinugasan.Pagkatapos ay umakyat na din ito sa kanyang kwarto.

Habang si Lorina naman ay hindi pa rin makatulog.Pasalit-salit ng pwesto para lang makatulog ngunit hindi pa rin ito dinadalaw ng antok.Masyado niyang iniisip ang mga bagay-bagay na nangyari sa kanya sa buong araw.Nangangatog ang buong katawan niya,pinagpapawisan.Di malaman kung anong gagawin,malakas ang tibok ng kanyang puso.
Tumayo siya at kumuha ng tubig tska uminom.Ilang saglit lang ay humiga siya ulit at sa wakas tamang alas-onse ng gabe'y nakatulog din siya.

Mahimbing na ang tulog ng mag-anak ni Lorina nang biglang...

Lisa:Inay!inay!gising po kayo lumilindol!!!(takot na takot na umiiyak).
Lorina:Haaa??Diyos ko totoo nga ang panaginip ko.Dali gisingin mo ang mga kapatid mo,sina Lito at Tessa.(mangiyak-ngiyak na inutusan niya ang kanyang panganay).Diyos ko po!(bumaling siya sa maliit na altar katabi ng kanyang kama.)Di ko inaasahang totoo nga ang panaginip ko...Ikaw na po ang bahala sa amin.Wag niyo pong hayaan na manganib po kami.Huuu-hu-hu..parang awa niyo na po.

Samantala...
Lisa:Lito!!gumising ka lumilindol!halika na puntahan natin si Tessa.

Gulat na gulat si Lito,wari ay di pa nahimasmasan..Pinuntahan nila si Tessa.
Lito at Lisa:Tessa!gising ka,lumilindol.

Umiiyak na ang tatlong tumungo sa kinaroroonan ng kanilang ina.
Lisa:Inay!ang bahay po natin umuuga na!
Lito at Tessa:Huuu-huu-huu...Inay natatakot po kami!
Lorina:(Umiiyak)Wag kayong mag-alala mga anak,hindi ko kayo pababayaan.Pangako ko sa inyo di ko kayo iiwan kahit anumang mangyari.Sama-sama lang tayo.
Ilang saglit lang ay unti-unting nagbagsakan ang mga tipak ng lupa galing sa matataas na lupang malapit sa kanilang bahay.

Mga puno...malalaking puno ay nagtutumbahan kasabay ng malakas na pag-alog ng lupa...animo'y dinuduyan sila patungo sa kawalan.

Magkahawak ang mag-iina...naghahagulgulan at natataknt nang biglang...

Lorina:Mga anak!!!(sigaw niya ng makitang nabagsakan ng mga sanga ng puno ang tatlo)Nawasak ang kanilang bahay.Maging ang malalaking puno na natumba ay sumalubsob sa kanilang mag-anak.

Napuruhan ang tatlo niyang anak na magkayap.Unti-unti na ding natabunan ng lupa ang kanilang bahay kasama na sila.
Lito:Inay!tulungan niyo po kami!Ayaw po naming mamatay inay!Inay!!!

Ang huling sigaw na iym ni Lito ang huli niyang narinig.Pilitin man niyang tulungan ang kanyang mga anak ay wala siyang magawa.Hindi niya natupad ang binitawan niyang pangako sa kanyang mga anak.Iyon lang at maging siya ay nawalan na ng malay.

Napapikit ang kanyang mga mata at kasunod nun ay hindi na niya alam ang kasunod na nangyari.
Blanko...Madilim...Kawalan...
Sa madilim na paligid,namulat si Lorina.May naaninag siyang isang maliit naliwanag.Sa malamya niyang katawan,may naririnig siyang tunog...tila may nagbubungkal.Hanggang sa ang maliit na liwanag na kanyang naaninag ay palaki ng palaki.

Napapikit siyang muli at tanging nakikiramdam nalang sa kanyang paligid.Nakakarinig siya ng mga boses..humahagulgol at sumisigaw.
Rescuer:Meron dito…babae buhay pa!Tulungan niyo ako.

Hinila pataas siLorina,palayo sa kadiliman na bumalot sa kanya.

Hinang-hina siya,walang lakas.
Dinala siya ng mga rescuer sa pinakamalapit na ospital
Doon siya ginamot at nagpahinga.
Ilang oras ang nakalipas,nagising si Lorina.
Lorina:Mmmm...mmm...mga anak ko!(humagulgol na napasigaw).
Doktor:Misis,relax lang po kayo...magpahinga muna kayo.
Lorina:Hindi!!!san na ang mga anak ko??san na sila?(nagpupumiglas na gustong umalis).
Doktor:Misis,wag na po kayong mag-alala.Makakasama po yan sa inyo.
Lorina:Hindi!kelangan kong makita ang mga anak ko!kelangan ko silang makita!

Di mapalagay si Lorina kaya't walang nagawa ang doktor kundi turukan siya ng pampakalma.
Buong lugar nila Lorina ay natabunan ng lupa.Halos mabura na ito sa mapa.Marami sa mga tao ang namatay at marami pa din ang nawawala,kasama na dun ang kanyang tatlong mga anak.

Hanggang ngayon ay di pa rin sila natatagpuan.At iyon ang ikinababahala ni Josephine.

Sumunod na araw ay dumalaw sa kanya si Josephine.Hirap kung paano niya sasabihin kay Lorina ang nangyari.

Josephine:Lorina...(umiiyak)kamusta ka na?salamat at nakaligtas ka.Nagulat ako sa balita,hindi ko akalain na totoo ang sinabe mo.
Lorina: Ok lang yun,wala naming may gusto nito ehh…sila Lisa?Lito?Tessa? May balita naba sa kanila huh????(medyo kalmado man,halata pa rin ang kanyang pagkabahala sa kalagayan ng kanyang mga anak.)
Josephine: Lorina wag kang mabibigla ha…sila Lisa….a-a-a-ng m-m-mga anak mo…(pautal-utal at umiiyak na nagsasalita si Josephine sa kanyang kaibigan.)
Lorina: Ano???ba’t ka ganyan?ano bang nangyari sa kanila?sabihin mo sakin!!!(halata ang pag-aalala at galit sa kanyang reaksyon)
Josephine: Hanggang ngayon….d-d-di pa sila nakikita.Marammi ang mga biktima,kagaya  din nila hindi pa rin nakikita…p-p-pero malay natin buhay pa sila. Magdasal lang tayo sa Kanya Lorina….Wag kang mag-alala.(hirap man ngunit kelangan niya pa ring sabihin ang totoo sa kaibigan.)
Lorina: A-a-a-a-no?????
Napabalikwas sa pagkakatulog si Lisa….Naririnig niyang umuungol ng kanyang ina.Sobrang lakas na tila ay nababangungot ito. Agad na man siyang tumayo atm ginising ito.

Lisa:Inay!inay!nanaginip po kayo! (nababahalang gising sa ina)
Lorina: Hmmmm…hmmm…h-h-h-aaaaa????! Akala ko totoo! (napabuntong hininga si Lorina at tila ay nabunutan ng tinik sa ikanyang dibdib.)
Agad-agad naming kumuha ng tubig si Lisa sa kusina…at pinainom ang kanyang ina.
Lisa:Ano po ba ang panaginip niyo Inay na ang sama  ng pag-ungol niyo??? Kinabahan tuloy ako.
Lorina: Sobrang sama anak….sobrang sama.

At kiniwento na ni Lorina sa kanyang anak ang masamang panaginip niya.



THE END…