Lazada

Monday, July 1, 2013

Pilipinas or Filipinas?


Philippines! Philippines! Philippines!

Pilipinas! Pilipinas! Pilipinas!

Filipinas! Filipinas! Filipinas!

If you will be given a chance to choose what is the best name of our country, Philippines, Pilipinas o Filipinas?

History will answer the question.

Before you decide, please read this article from the respected National Artist for Literature Virgilio S. Almario

Patayin ang ‘Pilipinas’

MAY tatlong pangalan ang ating bansa: “Filipinas,” “Philippines,” “Pilipinas”: lbinasbas sa atin ang una ng kolonyalismong Espanyol at siya nating opisyal na pangalan sa loob ng tatlong siglo. ltinatawag naman sa atin ang ikalawa ng imperyalismong Amerikano at opisyal nating pangalan ngayon sa Ingles. Bersiyong Tagalog ng una ang ikatlo at batay sa orihinal na titik ng lumang abakada.

Palagay ko, sintomas ng ating pambansang pagkalito ang pagkakaroon ng tatlong pangalan ng ating bansa. Hindi tayo magkaisa kahit sa pagtawag himang sa ating sarili.Ang panukala ko, panahon na para magkaroon tayo ng opisyal na pangalan para sa ating bansa’t republika, at tulad ng inumpisahan ng Diyaryong Filipino, dapat tayong kilalanin sa buong mundo bllang “Filipinas.”

Unang dapat burahin ang “Philippines”. Tatak ito ng patuloy na pag­ iral sa ating utak ng pananakop ng Amerikano. Hindi nila ito nagawa sa Puerto Rico, Cuba, Mexico, Chile, at ibang dating kolonya ng Espanya. Bukod pa, may mga bansang nakapagpipilit ng kanilang sariling pangalan sa UNO sa kabila ng lningles na tawag sa kanila.

Ngayon, bakit hindi “Pilipinas”?

Una, sapagkat mas una at orihinal ang “Filipinas.” Ito ang ibininyag sa atin ni Villalobos noong 1543 at pinairal ni Legazpi noong 1565. Sa loob ng nakaraang tatlong siglo ay kilala tayo sa Europa bIlang”Filipinas” at sa ganitong pangalan ipinroklama ang kalayaan ng ating bansa noong 12 Hunyo 1898. Higit nating maiintindihan ang ating kasaysayan mula sa watak-watak na pula tungo sa isang pinag-isang kapuluan sa pamamagitan ng pangalang “Filipinas.”

Hindi ginamit kailanman ang “Pilipinas” kahit ng ating mga bayani sa panahon ng Rebolusyong Filipino. “Filipinas” ang isinulat ni Plaridel maging sa kaniyang mga tulang Tagalog. Ang lagi namang ginagamit ni Bonifacio ay “Katagalugan”-na maaring bunga ng pangyayaring kilala rin tayo noon sa ibang bansa bllang “Tagalog” o “Tagalo.”

Lumitaw lamang ang “Pilipinas” sa mga akda ng mga kapanahon ni Lope K. Santos nitong bungad ng ika-20 siglo at kaugnay ng pagpapalaganap nila sa lumang abakadang Tagalog (na walang titik F). Opisyal itong ginamit sa panahon ng Hapon at lumaganap nitong dekada 50 kaalinsabay ng pagtawag sa wikang pambansa bilang “Pilipino.” Noon din kumalat ng alamat ni Jose Villa Panganiban na ang “Pilipino” ay hindi Tinagalog na “Filipino” at sa halip ay mula sa pinag-ugpong na pili at pino. (Nakalimutan niyang ang pino ay galing din sa Espanyol na fino kaya imposibleng maging sinaunang katangian ng ating lipi.)

lkalawa, sapagkat kakatwa na ang wika natin ay “Filipino” samantalang ang bansa ay “Pilipinas.”

Modernisado na ang ating alpabeto at kasama sa mga dagdag na titik ang “F.” Kaya hindi na “Pilipino” kundi “Filipino” ang ating wikang pam bansa. Sagisag ng diwa ng modernisasyon at pagiging pambansa ng wika ang pagbabago ng unang titik mula sa “P” tungo sa “F.” Kaya’t sagisag din ng patuloy nating pagdadalawang-isip at pagbabantulot palaganapin nang puspusan ang “Filipino” ang patuloy pa nating paggamit sa “Pilipinas.”

lkatlo, sapagkat ang pagkakaisa na “Filipinas” ang itawag sa ating bansa ay makapagpapagaan din sa pagtuturo ng wastong ispeling sa mga bagay na kaugnay ng ating katangiang pambansa.

Halimbawa, sa ngayon ay dalawa ang paraan ng pagsulat sa ngalan ng mamamayan sa ating bansa. “Filipino” sa Ingles at “Pilipino” sa ating wika. Tinatawag nating “Filipino” ang ating wika pero “Pilipino” ang pambansang bandila. Maiiwasan natin ang problemang ito kung”Filipinas” ang magiging opisyal na pangalan ng ating bansa. Lahat ng ating katangiang pambansa-mamamayan, halagahan, (values), kultura, pilosopiya, atbp­ ay isusulat sa iisang pangalan (“Filipino”) sa Ingles man o katutubong wika.

Siyempre, may kaugnay sa gastos ito para baguhin ang “Pilipinas” o “Philippines” sa pera, karatula, letterhead, atbp. Medyo makaaasiwa ring bigkasin ang magiging inisyals ng “University of Filipinas.” Kaya’t dapat maging sistematiko’t unti-unti ang pagbabago.

Anuman ang gastos, mas malaki pa rin ang mga praktikal at historikal na pakinabang natin kapag nagkaisa tayo sa “Filipinas.” lsang hakbang ito pasulong, isang susi para ipakita ang ating determinasyon, lalo na ngayong ipinagdiriwang natin ang ika-100 anibersaryo ng kaLayaan at nasyonalismong Filipino.


DIYARYO FILIPINO, 1992


Saturday, September 25, 2010

"Takatak"

"Takatak"
sa panulat ni Romina A. Ramos





Dumadagundong; ang banta’y umaalulong,

Nariyan na pala ang bughaw na ulupong.



Tinatahak ang pasilyong nilulumot,

Nang-aamba at nananakot.



Karga ang bata; karga ang benta.

Dadalhin mga yosi’t kendi, magpapalamig muna.



Saan sisilong? Saan kukubli?

Kahit ang bata lamang at supot ng kendi.



Mga mata ng aking muwang ay nakatitig sa akin.

“Saan pupunta ang tatay?” patanong n’yang lihim.



Paano kong iiwan ang isang inosente?

Tanging makakasama n’ya ay tig-pipisong bente.



Isang halik sa noo bago pa sumama.

Sa azul na taong nadaan kanina.



Kinabukasan, aking babalikan

Lahing inilayo ng azul na kawatan.

Pinoy nga naman!

Pinoy nga naman!
sa panulat ni Christina Alpad



Sa paglitaw ng hostage-taking crisis sa Maynila,

Pilipinas nanama'y naging bida

Ngunit hindi dahil tayo'y gumawa ng tama

Kundi dahil tayo'y nagmukha daw tanga.



Pinaabot ng halos kalahating araw,

Ang pagsagip na sana'y ginawa bago pa lumubog ang araw

Ang mga pulis na dapat ay mabilis

Hayun at nagpraktis-praktis.



Ngunit ang praktis ay napanis

Nang humarap sa tunay na pagsusulit

Sugod, wait, atras takbo

Taktikang ginamit ng mga pulis sa nag-aamok na tao



Pagbasag ng salamin ay palpak

Maso ay palaging nadudulas

Kaya pinto na lang ang pinagdiskitahan

Ngunit manipis na taling putol ang kinabagsakan



Saksi ang buong mundo

Salamat sa mga mamamahayag na ayon sa pulis ay nakikigulo

At dahil may mga usisero

Hindi maiwasang may isang tinamaan ng bala sa malayo



Sunod-sunod na palitan ng putok,

At mga tao sa bus ay natigok

Pati ang hostage-taker ay bagsak

Sa pagtatapos ng gabing puno ng dahas



Ngayon ay gumagawa sila ng imbestigasyon

Ngunit para sa akin ay iba ang kanilang layon

Maghusgas kamay at ituro ang iba

Upang ang sisi ay di mabaling sa kanila.



Pinoy nga naman o!

Hindi pa rin nagbabago

Kailan kaya tayo matututo?

Sana ay huli na ito.



Kailan kaya tayo mababalita

Hindi sa kadahilanang tayo'y nasalanta

O may napatay na banyaga

Kundi sa kadahilanang tayo'y may nagawang maganda.



Sana malapit na.

Wagas na Pagmamahal ang Kailangan

Wagas na Pagmamahal ang Kailangan
sa panulat ni Mae Ellen M. Brimon


Sa bawat araw na lumilipas

Unti-unting nawawala ang kalikasang pumapagaspas

Ang kagandang dati rati'y nakahahalina

Ngayon ay tila basurang itinapon na



Kung ang ating kalikasan ay napapabayaan

Anupa't ang ating wika ay malapit nang malimutan

Napakarami na sa atin ang nahahalina sa wikang banyaga

Ngunit hindi ba nila batid ang biyayang taglay ng ating sariling wika?



Atensiyon at wagas na pagmamahal ang siyang kailangan

Upang ang wika at kalikasan ay ating matulungan

Presensiya nila'y mahalaga sa ating buhay

dahil sila'y ating pag-asang tunay

Ang sa akin lang naman...

Ang sa akin lang naman...
sa panulat ni Richard B. Garcia


Sa buhay sa mga teleserye, pelikula o maging anime hindi nawawala ang mga kontrabida mapa fairytale nga eh nandoon din sila at hindi nawawala.

Teka, teka nga hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa ssisilipin ko na ang buhay sa loob ng isang unibersidad. Bakit kaya ganun? May mga tao na nais ipakita ang kanilang mga hangarin o naisin labas o lampas na sa kanilang limitasyon. “Oo, sige sabihin natin na tama ang hangarin mo, pero tama kaya ang pagaksyon lagpas sa iyong limitasyon? Hmm…

May iba namang paraan eh, ang daanin sa mabuting usapan diba? Pero pano kung hindi madaan sa mabuting usapan, dadaanin sa santong paspasan?

“Hay naku ang gulo!”

Pero… pero sandali lang, di ba kapag tayo ay pumapasok sa isang unibersidad ibig sabihin pumapasok tayo sa isang ibang kapaligiran na may ibang kapamahalaan ibang awtoridad. At kung hindi magustuhan ang kanilang pamamalakad o ang kanilang pamamahala “bukas naman ang gate maaring lumabas anumang oras mo gustuhin, ayaw mo eh, mabuting umalis na nga lang di ba?”

Kaakibat ng pagpasok sa isang unibersidad… lahat ng mga materyal na bagay katulad ng mga lamesa, upuan at maraming marami pa ay hiram lang natin dahil ang binayaran natin ay ang kanilang serbisyo. Kung ganun, wala tayong karapatan na sirain, babuyin ang mga iyon dahil hindi natin iyon pagmamay-ari bagkus hiram lang natin. Oops! Paalala ito ay sa akin lamang.

Alam nyo kung gusto talaga natin ng kaayusan, simulan muna nating ayusin ang sarili natin, kasi hindi maayos ang mga bagay na gusto nating ayusin kung tayo mismo sa sarili natin ay hindi maayos.

Awit ng Pusong Ulila

Awit ng Pusong Ulila
sa panulat ni Ashley Lucas

Lumilipad ang mga gigintong yabag

Sa daan kung saan puno ng sanga,

Hinahawi ang tinik gamit ang espada

Mairaos lamang ang pusong kumakanta.



Sa gitna ng san-tatlo ikaw ang nanguna

Ginamit ang kagitingan upang maisalba,

Yaong alay na dama para sa iyong sinisinta

Maparusahan an ng Diyos ng awa.



Haplos mula sa kamay ng isang dosena,

Walang silbi sa pusong nangungulila.

Hitik na bunga mula sa Gresya,

Anupama'y pitik lamang sa uhaw na dila.



Namumutawi ang tanan mong musika

Sa aking mga ugat na tumatalima,

Hinahangad na ikaw ay makita

Bundok man at dagat ay hindi alintana.



Puspos na halimuyak mula sa lawa,

Huni ay ngalan mo ang ginugunita.

Sundot sa napakadilim kong hawla,

Naghihintay ng liwanag mula sa iyong mukha.



Pagnanasa'y umabot na sa kaitaasan,

Ngunit tila ba ating puso'y pinagkaitan.

Dama ko ang pighati at karamdaman,

Dulot ng pag-ibig na sa atin lamang nananahan.



O irog ako'y sadyang nanghihina

Dasal kong sambit ay binalewala,

Marahil tayo'y tuluyan ng tinalikuran

Pinarusahan sa pag-ibig na hindi naman kasalanan.



Hambog at taksil nga'y pinagbibigyan,

Tayo pa kayang umibig lamang sa kariktan?

Ngayo'y humahangos ang aking pusong ulila,

Gigintong yabag pinapangarap na tuluyan ng makuha.

KAPE

KAPE
sa panulat ni Mary Ann Jobelle Ponce

Sa pampagising mong taglay
Isip at diwa ko’y buhay
Sa kalaliman ng gabing mapanglaw
Hanggang sa pagsikat ni Haring Araw

Habang iba’y himbing na himbing
Eto ngayon ako’t gising na gising
Handing handa ng tapusin
Binigay ng gurong mga takdang aralin

At sa susunod pa na ika’y kailanganin
Ika’y muli kong titimplahin
At muli mo naming buhayin
Katawang lupa kong himbing na himbing

Salamat sa’yo Kape..Hanggang sa uulitin.