Paglulunsad ng Aklat ng Komisyon sa Wikang Filipino, Tampok ngayong Buwan ng Wika 2021
Magkakaroon ng
paglulunsad ng aklat ang Komisyon sa Wikang Filipino sa 18 Agosto
2021, 10:00 nu Bulwagang
Romualdez, Komisyon sa Wikang Filipino, 1610 Kalye J.P. Laurel, Malacañang
Palace Complex, Lungsod Maynila.
Ang ilulunsad na mga aklat ay ang Paglalaping Makadiwa sa Sinugbuanon’g Binisaya (Lita A. Bacalla); Alaala
ng mga Pakpak (Mariel G. Balacuit at Eugene Y. Evasco); Antolohiya ng mga Kuwentong-bayan ng Surigaonon
(Aisah B. Camar); Mga Drama para sa
Dulaang Pambatà; Mga Dula para sa
Teatrong Pambatà (Arthur P.
Casanova); Tawid-diwa (Dexter B. Cayanes); Tíra Bákal (Christian M. Fajardo);
Pananalig sa Batà (Wenny F. Fajilan);
Mga Dula ni Njel de Mesa (Njel de
Mesa); Mga Dula ni Severino Montano
(Severino Montano; Lilia F. Antonio); Introduction
to Bikol: A Bikol-Legazpi Language Book for Filipinos ang Foreigners
(Angela E. Lorenzana). Ang mga aklat na ito ay bunga ng proyektong KWF
Publikasyon.
Ang KWF Publikasyon ay isang proyekto ng ahensiya
na naglalayong lumikha ng aklatan ng mamamayan na magtataguyod at magtatampok
sa kakayahan ng wikang Filipino at mga wikang katutubo bílang wika ng paglikha
at saliksik. Pangarap din nitóng magtakda ng mataas na pamantayang
pampublikasyon sa pamamagitan ng paglilimbag ng mga akdang de-kalidad,
mahahalaga, at yaong may natatanging ambag sa karunungan ng bayan at mundo.
Gayundin, nilalayon nitóng maglaan ng higit na espasyo para sa mga akda mula sa
mga rehiyon, mga teknikal at malikhaing akda. Sa gayon,
ang karunungan ng bayan ay maipalalaganap sa publiko.
Ang paglulunsad ng aklat ay isa sa mga paraan ng KWF
upang ipakilala sa publiko at palaganapin ang mga karunungan mula sa mga
dalubhasa sa wika na kabílang sa iba’t ibang institusyong pangwika,
pangkultura, at pang-edukasyon.
Ang paglulunsad ng aklat ay isa sa mga natatanging gawain
ng Sangay ng Edukasyon at Networking sa pangangasiwa ni G. Jomar I.
Cañega. Ang KWF ay nása pangangasiwa ni
Tagapangulong Arthur P. Casanova, komisyoner para sa wikang Tagalog.
Ang paglulunsad ng aklat ay mapapanood nang live sa
opisyal FB page ng Radio Television Malacañang (RTVM), National Commission for
Culture and the Arts, at Komisyon sa Wikang Filipino.
Para sa mga nais dumalo sa Zoom, maaaring makipag-ugnayan
kay G. Rolando T. Glory sa #09087663290 o mag-email sa rolandoglory1@gmail.com.
No comments:
Post a Comment