𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀: 𝗔𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝘀𝗮!
𝘕𝘪: 𝘓𝘦𝘪𝘭𝘢 𝘑𝘰𝘺 𝘊𝘳𝘶𝘻
Pagmamahal sa bayan, ating patunayan.
Sino ang magpapa-unlad? Tayong mamamayan.
Ano nga ba ang dapat gawin?
Tara na’t ating tuklasin!
Talagang dapat pagyamanin ang Pilipinas,
Napakarami nating mga magagandang likas.
Kalupaan, katubigan sa kapuluan,
Tayo ay mayroon niyan!
Linangin ang kultura ng Pilipino,
Ipaalam at ipagmalaki kahit kanino.
Pagkain, paniniwala, at mga kasanayan,
Iyan ang ilan sa ating mga pagkakakilanlan.
Napakaganda ng ating Wika,
Ito’y matatawag na atin talaga.
Gamitin sa araw-araw at unawain,
Upang ito’y mapagyaman natin.
Maaaring noo’y tayo’y sinakop,
Ng mga dayuhang mananakop.
Huwag itong gawing hadlang,
Sa pag-unlad ng bayang sinilangan.
No comments:
Post a Comment