Lazada

Sunday, February 28, 2021

"Tayo ay isang Pilipinong marunong lumaban ni Joeny Mae San Diego

 "Tayo ay isang Pilipinong marunong lumaban,

Ano mang hamon ng buhay ang pagdaan" - Pilipino tayo!, Joeny Mae San Diego
Ang pagsasalaysay ng kwento mula sa iba't ibang anggulo. Mga mata na matagal nagmasid, puso na walang alinlangang nagmahal, mga kabataang pag-asa ng bayan, ngayon ay handa na ipabasa ang kwento tungkol sa Pilipinas — para sa Pilipinas.



𝗗𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝗦𝗮 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘯𝘪: 𝘑𝘢𝘻𝘮𝘺𝘯 𝘙𝘦𝘪𝘨𝘯𝘦 𝘈. 𝘊𝘳𝘢𝘮𝘱𝘢𝘵𝘢𝘯𝘢

 𝗗𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝗦𝗮 𝗞𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻

𝘯𝘪: 𝘑𝘢𝘻𝘮𝘺𝘯 𝘙𝘦𝘪𝘨𝘯𝘦 𝘈. 𝘊𝘳𝘢𝘮𝘱𝘢𝘵𝘢𝘯𝘢
Anong tunguhin nga ba ang naghihintay,
Mabisa ba ang kamay na pumapanday?
Edukasyon ba ay ayon at kapantay,
Ng hinihingi sa hinaharap na buhay?
Ito na nga ba talaga ang paraan,
Na maaaring magsilbi bilang daan,
Upang makasilip sa kinabukasan?
O baka naman, napipilitan lamang?
Ano nga ba ang layon ng edukasyon,
Ito ba'y pampalipas lang ng panahon?
Meron kaya talagang natututunan,
O marahil ginagawa lang biruan?
Masdan mo ngayon ang mga kabataan,
Leksyon ba'y kanilang nauunawaan?
Ang pagpasa sa mga kinakailangan,
Sapat na ba sa kanilang kalinangan?
Ngunit, hindi kailanman magiging sapat,
Ang matuto lang bumasa at sumulat,
Hindi rin sapat ang papel at panulat,
Upang sa pagkatuto ay maimulat,
Mawawalan rin lamang ng katuturan,
Ang oras at tiyagang ipinuhunan,
Sa edukasyong, panaho'y inilaan,
Kung 'di naman magagamit para sa bayan,
Tayong lahat ay may responsibilidad,
Ito'y magsilbi sa ating komunidad,
At bilang mamamayan ng ating bansa,
Magmalasakit tayo sa ating kapwa,
Ang edukasyo'y may magandang layunin,
Na ang mga mag-aaral ay hubugin,
At gumabay sa daanang tatahakin,
Sa landas ng tagumpay na aabutin,
Upang maging mga mamamayan ng bayan,
Na ang puso'y may tatak at inukitan,
At taas noo'ng ipinagsisigawan,
Na ang sariling bansa'y nauunawaan,
Kaya't payo ko sa aking henerasyon,
Seryosohin ang Pilipinong edukasyon,
Gamitin ang karunungan at kakahayahan,
Mula sa paaralan, para sa bayan



𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼: 𝗡𝗼𝗼𝗻 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘯𝘪: 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘙𝘩𝘦𝘢 𝘈𝘯𝘢 𝘋𝘶𝘧𝘢𝘭𝘦

 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼: 𝗡𝗼𝗼𝗻 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻

𝘯𝘪: 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢 𝘙𝘩𝘦𝘢 𝘈𝘯𝘢 𝘋𝘶𝘧𝘢𝘭𝘦
Ako ay namulat
Sa perlas ng Silanganan
Mula sa mga sugat at ugat
Napasya ang kinabukasan
Makukulay na kapistahan,
Masisipag na kalabaw,
Kagandahan ng bayan
Sa ati'y nag uumapaw
Kasiyahan ay mababaw
Pamumuhay ay simple lang
Makahigop lamang ng sabaw,
Na sana'y walang nakahambalang
Likas ang pagiging magalang
Masipag at relihiyoso
Yan ay iilan lamang
Sa magagandang ugali ng Pilipino
Ngunit tila may pagbabago
nalimot ang nakamit na kalayaan,
di na malaman ang totoo
Bansa sana'y di makalimutan, di talikuran.



FILIPINO SUSI SA PAG-UNLAD Ni: Audie Joseph Jr. A. Clores

 FILIPINO SUSI SA PAG-UNLAD

Ni: Audie Joseph Jr. A. Clores


Filipino susi sa pag-unlad

Filipino susi sa pag-unlad
Wika natin dito nilalahad
Halika na at gamitin ito
Para hindi Ito maging bato

Ito ay susi sa pag-asenso
Sa bayan natin na inabuso
Ng mga dayuhan na walang awa
Sa Pilipinong puno ng tawa

Kaya tayo ay magkaisa na
Para sa pag-unlad ay tuloy na
Halika na ikaw ay sumama
Sa pinas na atin itatama

Halika na gamitin na to
Filipino ay ating pambato
Dito makikita ang paglago
Ito ang tunay na pagbabago





𝕎𝕀𝕂𝔸ℕ𝔾 𝕊𝕀ℕ𝕀𝕃𝔸ℕ𝔾𝔸ℕ ni Alyana M. Cruz

 𝕎𝕀𝕂𝔸ℕ𝔾 𝕊𝕀ℕ𝕀𝕃𝔸ℕ𝔾𝔸ℕ

ni Alyana M. Cruz
Isang bayan na noo’y sabik na sa kasarinlan
Ani mo’y isang alingawngaw ng baril na ka’y lakas
Lupigin at busalan na tila pagsibol ng pag-aaklas
Ngayo’y kalas na ang tali, halimuyak ng kabusilakan
Salamin ng karunungan at kahusayan sa tahanan na tinatanaw
Wika na tila isang punyal ng sandata na siyang ka’y talim
Daig pa ang pagbubklod ng bugso ng silakbo ng damdaming malalim
Masmalinaw sa tubig, ni masmakinang sa gintong sinag ng araw
Hindi hadlang ibang layunin, ngunit bakit ibinabaon sa limot ang sariling atin?
Oh, pilit tinatalikuran ang siyang pagkakakilanlan
Kapatid, ikaw na ay nagiging banyaga sa sariling mong bayan
Sa iba nama’y kay galing, wika ng iba ay doon ka matulin
Mga kababayan, saan nga naman ba tayo pupulutin?
Kung tila hanggang ngayon ay nakakadena sa mga banyaga
Na parang tayo ay nakadungaw mula sa pagbangon at paghiga
Bakit nga ba sariling atin ay hindi tangkilikin at pagtuunan pansin?
Malabo makatikim ng pagkakaisa’t pagunlad kung sa wika’y sabla’y na
Nakakagulo dahil isinisigaw ang pagkakaisa at hustisya ng iba
Ni ‘di mo maririnig and pag dakila hanggang sa paghinga
Buksan mo ang iyong mata at tenga, alam mo ba ang kahalagahan ng sariling wika?
Wika sa bawat bansa ay mahalaga at dapat isa-puso
Ito na siyang nagbibigkis sa mga damdaming tulog at ligaw
Huwag natin pintahan ng mapagkunwaring pagkilala
Ikaw, ganap ka na ba na isang tunay na Pilipino?
Ang Wika ba na ating sinilangan, sa dibdib mo pa ba ay buhay? Malaya na nga ba tayo?




𝐈𝐬𝐢𝐩 𝘯𝘪: 𝘑𝘢𝘤𝘰𝘣 𝘊𝘢𝘮𝘱𝘪𝘵

 𝐈𝐬𝐢𝐩

𝘯𝘪: 𝘑𝘢𝘤𝘰𝘣 𝘊𝘢𝘮𝘱𝘪𝘵
Mula sa munting saloobin, hanggang sa konseptong mapanlikha,
Diwa’t isip ng tao’y mahalagang mahalaga
Konseptong nakatutulong, nagpapamulat at nagpapakita,
Nang may nahulugan, halaga’t talino.
Talinong nakikita’t nasasaksihan,
Mahirap mahanap sa pangkaraniwang mamamayan,
Ito’y dapat gamitin sa tama at pangalagaan,
Para sa sariling dignidad, at sa ikinabubuti ng bayan.






𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗞𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝘕𝘪: 𝘔𝘢𝘳𝘺 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘦𝘭𝘭 𝘊. 𝘋𝘦𝘭 𝘊𝘢𝘳𝘮𝘦𝘯

 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗞𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹

𝘕𝘪: 𝘔𝘢𝘳𝘺 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘦𝘭𝘭 𝘊. 𝘋𝘦𝘭 𝘊𝘢𝘳𝘮𝘦𝘯
O mahal kong bayan, saan ka na nga ba matatagpuan?
Tila ba ikaw ay pinabayaan at kinalimutan.
Ang perlas na iningatan ay parang burado na,
Sapagkat ang mga taga-pangalaga mo ay iba na ang inuuna..
Ikaw man ay pinalaya noon,
Ngunit iba na ang mas pinapahalagahan nila ngayon.
O mahal kong bayan, anong nangyari sayo?
Tila ba ikaw ay sakop parin ng mga dayo.
O bayan kong sinilangan, may dapat silang malaman,
Upang mabuksan ang kanilang mga mata at isipan.
Mahalin ang sariling nilang bayan ng walang duda,
Dahil sa huli sayo pa rin ang balik nila.
Ikaw ang tirahan sa gitna ng kawalan.
Ikaw pa rin sa huli ang kailangan.
O bayan kong sinilangan, may dapat kang malaman,
Ang tulad mo ay diamante sa gitna ng buhanginan.
Ako, sila, tayo, ay mga Pilipino sa iisang dugo.
Tagalog, Visaya o kahit pa Malay,
Maputi man o kayumanggi ang balat mo,
Kung hindi mo mahal ang bayan mo ano pang saysay?



𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀: 𝗔𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝘀𝗮! 𝘕𝘪: 𝘓𝘦𝘪𝘭𝘢 𝘑𝘰𝘺 𝘊𝘳𝘶𝘻

 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀: 𝗔𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝘀𝗮!

𝘕𝘪: 𝘓𝘦𝘪𝘭𝘢 𝘑𝘰𝘺 𝘊𝘳𝘶𝘻
Pagmamahal sa bayan, ating patunayan.
Sino ang magpapa-unlad? Tayong mamamayan.
Ano nga ba ang dapat gawin?
Tara na’t ating tuklasin!
Talagang dapat pagyamanin ang Pilipinas,
Napakarami nating mga magagandang likas.
Kalupaan, katubigan sa kapuluan,
Tayo ay mayroon niyan!
Linangin ang kultura ng Pilipino,
Ipaalam at ipagmalaki kahit kanino.
Pagkain, paniniwala, at mga kasanayan,
Iyan ang ilan sa ating mga pagkakakilanlan.
Napakaganda ng ating Wika,
Ito’y matatawag na atin talaga.
Gamitin sa araw-araw at unawain,
Upang ito’y mapagyaman natin.
Maaaring noo’y tayo’y sinakop,
Ng mga dayuhang mananakop.
Huwag itong gawing hadlang,
Sa pag-unlad ng bayang sinilangan.
Tayo ay Pilipino,
Huwag mahiya’t itaas ang noo.
Ipagmalaki at ipakilala
Ang ating pinakamamahal na bansa.