Lazada

Sunday, September 22, 2019

Entrance Test: Polytechnic University of the Philippines College Entrance Test (PUPCET 2020)

Entrance Test

Entrance Test

Entrance Test

The Polytechnic University of the Philippines (PUP) is a government educational institution governed by Republic Act Number 8292 known as the Higher Education Modernization Act of 1997, and its Implementing Rules and Regulations contained in the Commission on Higher Education Memorandum Circular No. 4, series 1997. PUP is one of the country's highly competent educational institutions. The PUP Community is composed of the Board of Regents, University Officials, Administrative and Academic Personnel, Students, various Organizations, and the Alumni.

Entrance Test: PUP College Entrance Test (PUPCET 2020)

Online application for the PUP College Entrance Test (PUPCET) for the First Semester, Academic Year 2020-2021 will start on September 11, 2019.


College Entrance Test (PUPCET)

Online application for the PUP College Entrance Test #PUPCET2020 for the First Semester, Academic Year 2020-2021.

IMPORTANT: Before you register online, please make sure that you have the following files on your device or USB drive (each file size must not be more than 300 kilobytes KB):

Applicant's photo (JPEG file, read photo guidelines)
Grades in English, Math, Science and General Weighted Average (GWA) in Grades 10 and 11
Scanned Grade 10 Report Card (JPEG file)
Scanned Grade 11 Report Card (JPEG file)

On the day of the Test: All examinees are not allowed to bring cellphone, calculator, ipad and other related gadgets to the test venue. They must only bring with them the following:

Test Permit printed in color.
Two (2) pcs. lead pencil with eraser/sharpener
High School ID currently issued by your school official

Online Application Claiming of Test Permit Test Schedule
Sta. Mesa, Manila September 11 to October 12, 2019 September 18 to October 18, 2019 October 19, 2019

Who are qualified to take the PUP College Entrance Test (PUPCET)?
Qualified to apply are:

A Grade 12 student expected to graduate at the end of AY 2019-2020; and those who graduated from K-12 pilot schools and have not enrolled in any technical/diploma/degree programs after graduation with a GWA of not lower than 82%
Passer of PEPT/ALS or NFEA & E Program following DepEd regulations and therefore certified eligible for admission to college/tertiary level
Where to apply?
All PUPCET applicants must apply online using PUP iApply (read step-by-step procedure)
An applicant is allowed to apply and take the PUPCET in only one (1) PUP Branch/Campus, and only once this academic year
Multiple application will make the applicant’s PUPCET result null and void
PUPCET application is non-transferrable
When to Claim ePermit?
Please allow five (5) working days after online application before claiming your ePermit.

Requirements for Admission
Please prepare the following documents prior to your admission to PUP:

PUPCET 2020 ePermit (downloadable from the PUP Website)
Grade 10 and 11 Certified True Copy of Grades/Original Senior High School Card (F138) with school dry seal
Notarized certification of non-enrolment for senior high school graduates who have not enrolled in any technical/diploma/degree program immediately after graduation
Certificate of Completion for Senior High School
Original PSA Birth Certificate
Certification of Good Moral issued by the SHS Principal/or Guidance Counselor with school dry seal.
Duly authenticated copy of the PEPT/ALS A&E Test Certificate of Rating, certified by the DepEd-NETRC-BALS
School ID (for currently enrolled students) or any valid ID with picture (for previous SHS graduates)
More Information
For PUPCET applicants: After a successful online application, allow five (5) working days before you claim your electronic Test Permit (ePermit)
PUP iApply performs better on Google Chrome 20 (or higher), Mozilla Firefox 20 (or higher), or Microsoft Edge
A FRIENDLY REMINDER: Before applying online, make sure that you already have your 2 x 2 inch colored photo with name tag saved as JPEG (.jpg or .jpeg and filesize is not more than 300 kilobytes) in your computer or USB device.


Wednesday, September 18, 2019

UP Diksiyonaryong Filipino

Isang pagsaludo sa Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario‎ sa pagbabahagi ng UP Diksiyonaryong Filipino online. Ito ay isang hakbang upang patuloy na mapalaganap ang wikang Pambansa.

Mabuhay po kayo!

-a
pnl |[ Esp ]
: pambuo ng pangngalan at pang-uri na may kasariang pambabae, hal niña, maestra Cf -O

A, a
png
1: unang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ey
2: unang titik sa abakadang Tagalog at tinatawag na a
3: una sa isang serye o kaayusan
4: grado o markang akademiko na nangangahulugang pinakamahusay o namumukod
5: pasulát o palimbag na representasyon ng A o a
6: tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik A o a
7: Psl tipo ng dugo ng tao
8: Mus ikaanim na tono sa eskalang C major o unang tono sa kaugnay na eskalang A minor ; o ang ikaanim na tono sa eskalang C major, kilalá bílang la
9: sukat ng sapatos, higit na maliit sa B
10: cup size ng bra, higit na maliit sa B ngunit higit na malakí sa AA.
A!
pdd
: bulalas ng alinlangan o paghinto sa sasabihin.

Å (ey)
symbol |Pis |[ Ing ]
: angstrom.

a·à
png
: salitâng batà na nangangahulugang dumi, tae, o anumang maruming bagay Cf OÒ — pnd mag-a·à, u·ma·à.

a·áb
png |Kar
: hugpóng o paghuhugpóng ng dalawang pútol o piraso ng kahoy sa pamamagitan ng bútas at mitsa na kahugis ng buntót ng kalapati : HÁKHAK Cf HUKÁD, KÚTAB, PÚNIT, ÚKIT, ÚTAB — pnd a·á·bin, mag-a·áb.

a·á·da
pnb |[ Ilk ]
: nariyán.

a·ád·to
pnb |[ War ]
: naroón.

a·a·gáw
png |Bot
: alagáw.

a·ák
png |[ Kap Pan ]
: lámat.

a·ák
pnd |a·a·kín, mag-a·ák, u·ma·ák |[ ST ]
: hatiin ang maliit na buntot.

a·ám
png |[ Chi ]
: varyant ng am.

a·án·hi
pnb |[ War ]
: naritó.

a·án·hon
pnb |[ War ]
: paáno.

á·ap
png |[ ST ]
: malakíhang pagbilí sa ani ng taníman o bukid — pnd a·á·pin, mag-á·ap, u·má·ap.

a·a·pú·yan
png |[ Ifu ]
: huni ng ído mula sa kaliwa, senyas ng katamtamang tagumpay sa isang larangan.

Aaron (éy·ron, a·á·ron)
png |[ Ing Heb ]
: sa Bibliya, nakatatandang kapatid ni Moses at tagapagtatag ng sinaunang kaparian ng mga Jew.

a·á·to-á·to
png
: biro-birong pagsubok sa isang gawain Cf ÁTO

AB (ey·bi)
png |Psl |[ Ing ]
: tipo ng dugo ng tao.

AB (ey·bi)
daglat |[ Ing ]
1: Ntk able-bodied seaman
2: Bachelor of Arts o Batsilyer sa Arte : BA

a·bá
png |Zoo |[ Bik Hil Seb War ]
: pitsó.

A·bá!
pdd |[ Bik Hil Kap Seb Tag ]
: katagang nagpapahayag ng matinding damdamin, hal pagkagulat, pagtataká, paghanga : ABADÁW!

a·bâ
pnd |a·ba·ín, mang-a·bâ
: ituring na mababà at hamak ang kapuwa o sarili.

a·bâ
pnr
: dukhâ.

a·ba·á·na
pnb |[ Bik ]
: sa katunayan ; talagá ngâ.

a·bá·aw
png |Zoo |[ Ifu ]
: pangkat ng mga ibon.

áb-ab
pnd |ab-á·bin, i·áb-ab, mag-áb-ab |[ Seb ]
: nguyain.

áb-ab
png |Bio |[ Seb ]
: ámag1

á·bab
png |[ Mrw ]
: kabkáb1

a·bá·ba
png |[ Ilk ]
: iklî2

a·ba·ba·ti·yá·wan
pnr |[ Kap aba+batiyo+wan ]
: kíta.

a·bá·baw
png |[ Ilk ]
: bábaw2-3

a·báb·baw
png |[ Iba ]
: bábaw2-3

áb-a·bî-ik
png |[ Igo ]
: kaluluwá1

abaciscus (ab·a·sís·kus)
png |[ Ing ]
: maliit na abakus.

a·bád
png |[ Esp ]
: superyor ng monasteryo o kumbento, a·ba·dé·sa kung babae : ÁBBESS, ÁBBOT, PRELATE2

á·bad
png |Med |[ Kap ]
: padugô.

a·bá·da
png |Zoo |[ Ilk ]
: dúgong.

A·ba·dáw!
pdd |[ War ]
: Abá! var Abudáw!

Abaddon (a·ba·dón)
png |Mit |[ Ing ]
: impiyérno.

A·ba·dé·ha
png |Lit |[ Seb ]
: pangunahing tauhan sa bersiyon ng kuwento ni Mariang Alimango ng mga Sebwano.

a·ba·dí·ya
png |[ Esp abadía ]
1: monasteryong nása pamamahala ng abad o kumbentong nása pamamahala ng abadesa
2: gusaling katabi ng simbahan na tirahan ng mga monghe o madre : ABBEY Cf BÁHAY-PARÌ, ERMÍTA, KUMBÉNTO2, MONASTÉRYO

a·bad·yá·to
png |[ Esp abadiato ]
: pagiging abád.

a·bá·fiw
png |Mus |[ Bon ]
: kubing na yarì sa tanso : AWEDÉNG, KÓDING var afiw

á·bag
png |[ Seb ]
: túlong1-2

a·ba·gá
pnd |a·ba·ga·hín, ma·a·ba·gá, ma·ka·a·ba·gá |[ Seb ]
: balikatin.

a·bá·ga
png |Ana |[ Akl Seb ]
: balíkat1

a·bá·gat
png |Mtr
1: [Kap] hángin
2: [Mag] hánging kanluran
3: [Pan] malakas na hángin.

a·bag·bág
pnr |[ Pan ]
: lanság.

a·bág·han
png |Mat |[ Hil ]
: súkat ng habà mulang dulo ng daliri hanggang kalahating balikat ; katumbas ng 1 m.

A·bá Gi·no·óng Ma·rí·a
png
: sa simbahang Katolika, dasal batay sa batì ng arkanghel na si Gabriel kay Birheng Maria.

á·bak
png |[ Kap ]
: umága.

a·ba·ká
png |[ Akl Tag ]
1: Bot haláman (Musa textilis ) na kauri ng saging : IBÍLAW, LABÁYO, LÁIN5, PAGÚWA
2: putîng himaymay mula sa naturang haláman na ginagawâng lubid, tela, basket, at katulad : IBÍLAW, LABÁYO, LÁIN5, PAGÚWA Cf LÁNOT5

A·ba·ká
png |Ant Lgw
1: isa sa mga pangkating etniko ng mga Ilongot
2: isa sa mga wika ng mga Ilongot.

a·bák-a·bák
png |[ Hil ]
: patúloy at sunód-sunód na paglaglag ng bungangkahoy o pagdatíng ng sulat.

a·ba·ká·da
png
1: Lgw romanisadong paraan ng pagsulat ng mga Tagalog at gumagamit ng dalawampung titik Cf ALPABÉTO, BAYBÁYIN
2: batayang katotohanan at prinsipyo ng isang paksa : ABC2 — pnr i·ná·ba·ká·da. — pnd á·ba·ka·dá·hin, i·á·ba·ká·da, mag-á·ba·ká·da

á·ba·ka·hán
png |[ abaká+han ]
1: plantasyon o taníman ng abaká : KÁABAKHÁN
2: tindáhan ng abaká.

A·bák·non
png |Ant
: pangkating etniko na matatagpuan sa isla ng Capul na nása dulong hilaga ng lalawigan ng Samar. Cf INABÁKNON

á·ba·kó
png |Mat |[ Esp ábaco ]
: ábakús1

á·ba·kús
png |[ Ing abacus ]
1: Mat kasangkapang ginagamit sa pagkukuwenta, binubuo ng mga bilóg na piraso ng kahoy na nakatuhog sa alambreng nakalagay sa parihabâng balangkas : ÁBAKÓ
2: Ark isang tipak ng bato na nagsisilbing pinakamataas na salig sa capital ng haligi.

á·bal
png |[ Kap ]
: téla.

á·bal
pnr |[ Mrw ]
: úna

a·ba·lá
pnr |[ Kap Tag ]
1: kasalukuyang may ginágawâ : ALIGAGÂ, BUSY, ENGAGED2, LINGÁ, MASAKÒ, OKUPÁDO4, SIBÓT2
2: buhós na buhós ang pag-iisip sa isang gawain : BUSY, ENGAGED2

a·bá·la
png |[ Kap Pan ST ]
: pansamantalang paghinto : ÁBAL-ÁBAL, ANTÁLA3, HOLD-UP1, INTERUPSIYÓN1, MOLÉSTIYÁ1, RETRÁSO Cf GAMBÁLA — pnd a·ba·lá·hin, mag·pa·a·bá·la, ma·ka·a·bá·la, mang-a·bá·la.

a·ba·lá·bal
png
: maliliit na piraso ng dalá-daláhan : ABÚBOT2, KARGÁDA3 Cf ABÁSTO

á·bal-á·bal
png |[ ST ]
: abála.

a·bá·la·yán
png |[ Ilk Pan ]
: baláe2

a·bá·lo
png |[ Esp avalorar Seb ]
: patong na singil sa tunay na halaga para sa buwís o multa Cf PÁTAW

a·bá·lo·án
png |[ Pan ]
: palagáy1

abalone (a·ba·ló·ni)
png |Zoo |[ Ing ]
: susô (genus Haliotis ) na malaki ang kabibeng may nákar at karaniwang matatagpuan sa California : ABULÓN

abalone mushroom (a·ba·ló·ni más·rum)
png |Bot |[ Ing ]
: uri ng kabute (Pleuratus ostreatus ) na nakakain.

a·ba·lór·yo
png |[ Esp abalorio ]
1: maliit at bilóg na kristal, bató, at katulad na may bútas sa gitna, karaniwang tinutuhog upang gawing palamuti, galáng, o kuwintas : BATÉK, BEAD, BÚTIL4, LUSÓK
2: Zoo malkóha.

A·bá mo nga·ní!
pdd |[ ST ]
: Ay, kawawa ka naman!

á·bamp
png |Ele |[ Ing ]
: abampere.

abampere (á·bam·pír)
png |Ele |[ Ing ]
: sentimetro-gramo-segundong yunit ng elektromagnetikong koryente ; katumbas ng sampung ampere : ÁBAMP

á·ban
png |[ Ifu ]
: kumot na ginagamit sa pagdadalá ng sanggol o batà, 150-200 sm ang habà at 50-60 sm ang lapad.

á·ban
pnd |a·bá·nin, mag-á·ban, u·má·ban |[ Hil ]
: huminto sa paghábi pagsapit sa karaniwang habà at lápad ng patadyong o katulad nitó.

a·ban·de·rá·do
png |[ Esp ]
: tagadalá ng bandera, a·ban·de·rá·da kung babae Cf FLAGMAN

a·bán·don
pnd |[ Ing ]
: abandoná.

a·ban·do·ná
pnd |a·ban·do·na·hín, mag-a·ban·do·ná |[ Esp ]
: pabayàan1 ; íwan : ABÁNDON — pnr a·ban·do·ná·da a·ban·do·ná·do kung laláki.

a·báng
png
1: [Ilk Kap ST] tao na naghihintay Cf BÁKAY1, BANTÁY
2: [Ilk Kap ST] bagay na ginagamit panghintay — pnd a·ba·ngán, i·pag-a·báng, mag-a·báng
3: [Akl] hárang1-2

á·bang
png |[ Ilk Pan Seb War ]
: úpa — pnd a·bá·ngan, mag-á·bang.

á·bang-á·bang
png
1: Med singaw sa balát na tíla mga butlíg
2: Bot palumpong (Leea manillensis ) na may bunga na maasim at nakakain.

á·bá·ngan
png |[ abáng+an ]
: hintáyan.

a·bang·lës
pnr |[ Pan ]
: panís1

a·ba·níd
pnr |[ Seb ]
: sunód-sunód.

a·ba·ní·ko
png |[ Esp abanico ]
1: natitiklop na pamaypay na maaaring yarì sa papel, tela, balahibo, at katulad : YÁBYAB1 — pnd a·ba·ni·kú·han, mag-a·ba·ní·ko
2: Zoo uri ng kabibe o almeha (Amusium pleurorectus ) na hindi kalakihan at manipis ang talukab
3: Bot yerba (Belamcanda chinensis ) na makapal ang ugat at makintab na itim ang tíla kapsulang bunga : CHINESE BLACKBERRY LILY

a·bá·no
png |[ Esp haváno ]
: tabáko3

a·ban·sá·do
pnr |[ Esp avanzado ]
1: nauuna o nangunguna
2: bantóg.

a·bán·se
png |[ Esp avance ]
1: súlong1
2: asénso — pnd i·a·bán·se, u·ma·bán·se.

a·bán·te
png |[ Esp avante ]
1: paglakad ng tao o hayop ; pag-andar ng sasakyan : ARYÁ4
2: súlong1
3: pagiging lamáng Cf ÚNA
4: salákay — pnd mag-a·bán·te, u·ma·bán·te.

a·ban·té·ro
png |[ Esp ]
: tawag sa minero sa Bundok Diwalwal, Davao.

a·bán·to
png |[ Mrw ]
: panaúhin.

a·bár
pnd |a·ba·rín, u·ma·bár |[ ST ]
: tumugon o sumagot.

á·bar
pnd |a·bá·rin, ma·á·bar, u·má·bar |[ ST ]
: tapusin ang gawain.

a·ba·ráy
png |[ Pan ]
: sakbát ; salakbát.

a·ba·rís·ya
png |[ Esp avaricia ]
: yamò1

a·ba·ris·yó·sa
pnr |[ Esp avariciosa ]
: sakim sa yaman, a·ba·ris·yó·so kung laláki.

a·bar·ká
png |[ Esp abarcar ]
: pagsakop, pag-ari, o pag-angkin ng lahat — pnd a·bar·ka·hín, i·a·bar·ká, mag-a·bar·ká.

a·bá·ro
pnr |[ Esp ]
: ímot, a·bá·ra kung babae.

mula sa https://diksiyonaryo.ph/list/A













BALARILÀ NG WIKANG PAMBANSÁ ni Lope K. Santos


BALARILÀ NG WIKANG PAMBANSÁ ni Lope K. Santos





Thursday, August 8, 2019

Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.

Language Month

Language! Language! Language!

Hinggil sa Pagdiriwang

Para sa taóng 2019, ipagdiriwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Buwan ng Wikang Pambansa na tampok ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.”

Pakikiisa ito ng KWF sa proklamasyon ng UNESCO ng 2019 International Year of Indigenous Languages (IYIL). Higit pa dito, ang pagdiriwang ay isang mahalagang suhay sa ipinatutupad ng KWF na Medyo Matagalang Plano 2017-2020 sa pamamagitan ng mabisang pagpapatupad ng mga pambansang programa para sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng mga katutubong wika na makapag-aambag sa higit na kagalingan at kalinangang pambansa ng mga Filipino.



Hinggil sa BNW 2019 Logo


Nagtatampok ang BNW 2019 Logo ng tatlong mahalagang aspekto: (1) pagtatampok ng mga abstraksiyon ng mga disenyong panghabi mula sa iba’t ibang pangkating katutubo sa bansa; (2) pagtatampok ng sari-saring kulay; at (3) pagtatampok sa baybayin na “ka” sa gitna ng logo ng KWF.

Ang mga abstraksiyon sa mga disenyong panghabi ng mga pangkating katutubo sa bansa ay simbolo ng katangiang mapaglahok ng wikang Filipino at ang pagyakap nito sa iba’t ibang katutubong wika sa Filipinas. Ang sari-saring kulay at paghahalo-halo ng mga ito ay simbolo naman sa mithing kaisahan at epektibong daloy ng ugnayan para sa mga katutubong wika sa bansa.

Sa gitna ng lahat ng ito, matatagpuan ang baybayin na “ka” sa loob ng logo ng KWF. Isa itong pagtatanghal at pagpaparangalan ng Komisyon sa mga katutubong wika bilang ubod ng mga mandato ng KWF dahil naniniwala ang ahensiya nasa mga katutubong wika ang pagka-Filipino.



Hinggil sa mga Aktibidad

Ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” ay hinati sa apat na lingguhang tema:

Linggo 1 (Agosto 5-9): Ako at ang Katutubong Wika Ko
Linggo 2 (Agosto 12-16): Pagbasa at Paglaya: Pagpapalusog ng mga Katutubong Panitikan at Kaalamang-bayan
Linggo 3 (Agosto 19-23): Sarikultura: Multilingguwalismo at Pag-uugnayan para sa Isang Bansang Filipino
Linggo 4 (26-30 Agosto): Pangangalaga sa mga Katutubong Wika, Pangangalaga sa Bansang Filipino
Sa pamamagitan ng paghiling ng mga memorandum mula sa DepEd, CHED, DILG, CSC, at NCIP, ginaganyak ng KWF ang mga indibidwal, mga institusyon, at mga organisasyon na magpatupad ng sumusunod na programa sa kani-kanilang komunidad:
Para sa DepEd:

Baitang K-3

Paggawa at pagpapaskil ng mga islogan na may kaugnayan sa tema
Pagdaraos ng timpalak sa pagbigkas ng isang katutubong tula ng lalawigan o rehiyon
Pagsasagawa ng parada ng mga katutubong halaman at hayop
Pagdaraos ng timpalak sa pagbuo ng poster tungkol sa paksang “Paano Ko Aalagaan ang Aking Wika”
Baitang 4-6

Pagdaraos ng pampaaralang paligsahan sa ispeling sang-ayon sa KWF 2013 Ortograpiyang Pambansa (pampaaralan)
Pagsasagawa ng programang nagtatanghal sa mga kuwentong-bayan ng lalawigan o rehiyon sa pamamagitan ng madulang pagkukuwento
Pagdaraos ng Sagisag Kultura Quiz Bee
Pagdaraos ng pandibisyong paligsahan sa ispeling sang-ayon sa KWF 2013 Ortograpiyang Pambansa (pandibisyon)
Baitang 7-10

Pagbuo ng mga infographic ng mga katutubong salitang may kaugnayan sa isang aspekto ng kultura ng lalawigan o rehiyon (halimbawa pagkain at pagluluto, agrikultura, pamahiin, atbp)
Pagdaraos ng timpalak sa paggawa ng zine o chapbook na nagtatampok ng mga katutubong panitikan o kaalamang-bayan ng lalawigan o rehiyon
Pagbuo ng tatlong minutong video tungkol sa ilang batayang pagpapahayag sa katutubong wika ng lalawigan o rehiyon (pagbati, pagtatanong o pagbibigay ng direksiyon, at iba pa)
Pagbuo ng eksibit na nagtatanghal sa mga bayani ng wika ng lalawigan, rehiyon, o bansa
Baitang 11-12

Pagsasagawa ng eksibit na may paksang “Sampung Bagay na Dapat Malaman sa Ating Katutubong Wika”
Pagdaraos ng timpalak sa pagsulat ng kuwento o tula gamit ang katutubong wika
Pagdaraos ng timpalak sa dagliang talumpati
Pagdaraos ng timpalak sa pagsasalin mula sa katutubong wika patungong Filipino o Filipino patungong katutubong wika
Para sa CHED:

Pagdaraos ng mga forum at talakayan hinggil sa mga katangian ng iba’t ibang katutubong wika sa Filipinas
Tertulya sa pagbasa ng mga tula na nasa mga katutubong wika
Talakayan ukol sa mga panitikang-bayan ng mga rehiyon
Forum hinggil sa pagbuo ng bansa na nakasalig sa isang lipunang multicultural
Pagpapatibay ng mga patakarang pangwika ng unibersidad/kolehiyo para sa mga katutubong wika at sa Filipino
Pagbabahagi ng mga saliksik hinggil sa pangangalaga at pagpapasigla ng mga katutubong wika
Community outreach sa mga marginalized na pangkat etniko ng kinabibilangang bayan o lalawigan


Para sa DILG, CSC, Mga Ahensiyang Pangkultura, at NCIP:

  1. Pagbibigay ng mga pagsaalang-alang pangwika para sa mga serbisyong frontline at/o programa
  2. Pagtataas ng Watawat bilang hudyat ng pagbubukas ng Buwan ng Wika
  3. Pagpapaskil ng ahensiya ng tarpolin o poster para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika
  4. Pagbibigay ng mga grant at/o Gawad para sa mga programa para sa mga katutubong wika
  5. Pagdaraos ng mga eksibit ng mga salita o katawagan mula sa iba’t ibang katutubong wika sa bansa
  6. Linguistic Mapping
  7.  Pagsasalin ng mahahalagang dokumentong pampubliko sa wikang Filipino at sa mga wikang katutubo
  8. Pagsusuot ng iba’t ibang katutubong kasuotan ng mga Filipino
  9. Lobbying at pagpapatibay ng mga patakarang pangwika para sa pangangalaga at pagpapasigla ng mga katutubong wika ng bayan o lalawigan


*note: mula sa website ng KWF




Sunday, July 14, 2019

WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO

Language! Philippines! Mother Tongue!
Language Month!

Tema ng Buwan ng Wikang Pambansa


WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO


Mungkahing piyesa para Sabayang Pagbigkas para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2019.
Sabayang Pagbigkas para sa lahat

Sabayang Pagbigkas!

Maaaring gamitin ng mga paaralan.


WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG PILIPINO
JENNIFOR AGUILAR

Hinuhubog, Binubuo, nilililok
Bansang sa panahon ay sinubok
Napakaraming dayuhan ang sa ati’y sumakop
Niyurakan, nilapastangan, tayo’y inilugmok

Namangha sa kagandahang binubuo ng mga pulo
Sa angkin nating yamang puro’t dalisay na ginto
Maging sa mga wikang iba-iba at katutubo
Taglay ng mamamayang matitikas at tribo-tribo

Hinati-hati, pinagwatak-watak, ginrupo-grupo
Nagsipangalat mga katutubong Pilipno
Itinaguyod kani-kaniyang tribo
Nalimot ang pagkalahing iisang dugong Pilipino

Nilapastangan ng mga dayuhan, binihisan ng pagbabago
Relihiyon at edukasyon pilit sa ating pinasubo
Niyurakan ang kultura’t winasak ang pagkatao
Nilihis ang landas ng lahing Pilipino

Ivatan, Itneg, Ibanag, Ilocano
Tagalog, Bicolano, Waray at Cebuano
Ilan sa mga katutubong wikang bumubuo sa Filipino
Pinipigil, sinusupil, pinapatay ng pagbabago

Binabansot, nililimot, unti-unting naglalaho
Wikang banyaga’y, lumalaki’t lumalago
Ikinikintal sa utak ng mga Pilipino
Wika ng Bayan ko, saan kaya magtatagpo?

Linangin, payabungin, pagyamanin ang wikang Filipino
Ibatay sa mga Wikang umiiral sa bayan ko
Mga wikang angkin, mga wikang katutubo
Tungo sa pagtataguyod ng isang bansang Pilipino

Paunlarin at suportahan MTB-MLE sa bawat baryo
Wikang katutubo ang gamitin sa pagtuturo
Buwagin at ibasura CMO-20 sa Kolehiyo
Ibalik ang mga asignaturang Filipino

Patatagin ang bansa sa pamamagitan ng wika
Wikang gamit sa komunikasyon at pag-unawa
Wikang nakaugat pagkalahi nati’t kultura
Upang mapag-isa minamahal nating bansa

Mga wikang katutubong maliliit man at iba-iba
Hitik naman sa yaman ng gawi nati’t kultura
Kung bibigyang pansin at pahahalagahan ng madla
Mabisang kasangkapan upang maging isang Pilipinong Bansa

Wednesday, July 10, 2019

Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.

Buwan ng Wika 2019


Matutunghayan sa mga elemento ng poster para sa Buwan ng Wika 2019 ang tema sa darating na pagdiriwang na Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.


Sa gitna ng disenyo, matatagpuan ang baybayin na “ka” sa loob ng logo ng KWF. Pagtatanghal at pagpaparangalan ito ng KWF sa mga katutubong wika na malaking bahagi ng kaakuhang Filipino.


Sumasagisag rin sa pangkating katutubo ang paggamit ng mga habing matatagpuan sa Filipinas. Sumisimbulo naman ang sarikulay ng parol sa minimithing kaisahan at epektibong pag-uugnayan sa mga katutubong wika sa bansa.


Sa tala ng KWF, may 130 katutubong wika sa Filipinas na dapat pangalagaan bilang pamanang pangkultura o intangible heritage. Pakikiisa rin ito sa pagtatalaga ng UNESCO sa 2019 bilang taon ng mga katutubong wika sa buong daigidig.


Inaanyayahan ang lahat na ipaskil ang mga poster sa prominenteng pook sa kani-kanilang gaya ng mga paaralan at tanggapan bilang pakikiisa sa buong buwang pagdiriwang ng mga wika ng Filipinas.