Lazada

Thursday, August 8, 2019

Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.

Language Month

Language! Language! Language!

Hinggil sa Pagdiriwang

Para sa taóng 2019, ipagdiriwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Buwan ng Wikang Pambansa na tampok ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.”

Pakikiisa ito ng KWF sa proklamasyon ng UNESCO ng 2019 International Year of Indigenous Languages (IYIL). Higit pa dito, ang pagdiriwang ay isang mahalagang suhay sa ipinatutupad ng KWF na Medyo Matagalang Plano 2017-2020 sa pamamagitan ng mabisang pagpapatupad ng mga pambansang programa para sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng mga katutubong wika na makapag-aambag sa higit na kagalingan at kalinangang pambansa ng mga Filipino.



Hinggil sa BNW 2019 Logo


Nagtatampok ang BNW 2019 Logo ng tatlong mahalagang aspekto: (1) pagtatampok ng mga abstraksiyon ng mga disenyong panghabi mula sa iba’t ibang pangkating katutubo sa bansa; (2) pagtatampok ng sari-saring kulay; at (3) pagtatampok sa baybayin na “ka” sa gitna ng logo ng KWF.

Ang mga abstraksiyon sa mga disenyong panghabi ng mga pangkating katutubo sa bansa ay simbolo ng katangiang mapaglahok ng wikang Filipino at ang pagyakap nito sa iba’t ibang katutubong wika sa Filipinas. Ang sari-saring kulay at paghahalo-halo ng mga ito ay simbolo naman sa mithing kaisahan at epektibong daloy ng ugnayan para sa mga katutubong wika sa bansa.

Sa gitna ng lahat ng ito, matatagpuan ang baybayin na “ka” sa loob ng logo ng KWF. Isa itong pagtatanghal at pagpaparangalan ng Komisyon sa mga katutubong wika bilang ubod ng mga mandato ng KWF dahil naniniwala ang ahensiya nasa mga katutubong wika ang pagka-Filipino.



Hinggil sa mga Aktibidad

Ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” ay hinati sa apat na lingguhang tema:

Linggo 1 (Agosto 5-9): Ako at ang Katutubong Wika Ko
Linggo 2 (Agosto 12-16): Pagbasa at Paglaya: Pagpapalusog ng mga Katutubong Panitikan at Kaalamang-bayan
Linggo 3 (Agosto 19-23): Sarikultura: Multilingguwalismo at Pag-uugnayan para sa Isang Bansang Filipino
Linggo 4 (26-30 Agosto): Pangangalaga sa mga Katutubong Wika, Pangangalaga sa Bansang Filipino
Sa pamamagitan ng paghiling ng mga memorandum mula sa DepEd, CHED, DILG, CSC, at NCIP, ginaganyak ng KWF ang mga indibidwal, mga institusyon, at mga organisasyon na magpatupad ng sumusunod na programa sa kani-kanilang komunidad:
Para sa DepEd:

Baitang K-3

Paggawa at pagpapaskil ng mga islogan na may kaugnayan sa tema
Pagdaraos ng timpalak sa pagbigkas ng isang katutubong tula ng lalawigan o rehiyon
Pagsasagawa ng parada ng mga katutubong halaman at hayop
Pagdaraos ng timpalak sa pagbuo ng poster tungkol sa paksang “Paano Ko Aalagaan ang Aking Wika”
Baitang 4-6

Pagdaraos ng pampaaralang paligsahan sa ispeling sang-ayon sa KWF 2013 Ortograpiyang Pambansa (pampaaralan)
Pagsasagawa ng programang nagtatanghal sa mga kuwentong-bayan ng lalawigan o rehiyon sa pamamagitan ng madulang pagkukuwento
Pagdaraos ng Sagisag Kultura Quiz Bee
Pagdaraos ng pandibisyong paligsahan sa ispeling sang-ayon sa KWF 2013 Ortograpiyang Pambansa (pandibisyon)
Baitang 7-10

Pagbuo ng mga infographic ng mga katutubong salitang may kaugnayan sa isang aspekto ng kultura ng lalawigan o rehiyon (halimbawa pagkain at pagluluto, agrikultura, pamahiin, atbp)
Pagdaraos ng timpalak sa paggawa ng zine o chapbook na nagtatampok ng mga katutubong panitikan o kaalamang-bayan ng lalawigan o rehiyon
Pagbuo ng tatlong minutong video tungkol sa ilang batayang pagpapahayag sa katutubong wika ng lalawigan o rehiyon (pagbati, pagtatanong o pagbibigay ng direksiyon, at iba pa)
Pagbuo ng eksibit na nagtatanghal sa mga bayani ng wika ng lalawigan, rehiyon, o bansa
Baitang 11-12

Pagsasagawa ng eksibit na may paksang “Sampung Bagay na Dapat Malaman sa Ating Katutubong Wika”
Pagdaraos ng timpalak sa pagsulat ng kuwento o tula gamit ang katutubong wika
Pagdaraos ng timpalak sa dagliang talumpati
Pagdaraos ng timpalak sa pagsasalin mula sa katutubong wika patungong Filipino o Filipino patungong katutubong wika
Para sa CHED:

Pagdaraos ng mga forum at talakayan hinggil sa mga katangian ng iba’t ibang katutubong wika sa Filipinas
Tertulya sa pagbasa ng mga tula na nasa mga katutubong wika
Talakayan ukol sa mga panitikang-bayan ng mga rehiyon
Forum hinggil sa pagbuo ng bansa na nakasalig sa isang lipunang multicultural
Pagpapatibay ng mga patakarang pangwika ng unibersidad/kolehiyo para sa mga katutubong wika at sa Filipino
Pagbabahagi ng mga saliksik hinggil sa pangangalaga at pagpapasigla ng mga katutubong wika
Community outreach sa mga marginalized na pangkat etniko ng kinabibilangang bayan o lalawigan


Para sa DILG, CSC, Mga Ahensiyang Pangkultura, at NCIP:

  1. Pagbibigay ng mga pagsaalang-alang pangwika para sa mga serbisyong frontline at/o programa
  2. Pagtataas ng Watawat bilang hudyat ng pagbubukas ng Buwan ng Wika
  3. Pagpapaskil ng ahensiya ng tarpolin o poster para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika
  4. Pagbibigay ng mga grant at/o Gawad para sa mga programa para sa mga katutubong wika
  5. Pagdaraos ng mga eksibit ng mga salita o katawagan mula sa iba’t ibang katutubong wika sa bansa
  6. Linguistic Mapping
  7.  Pagsasalin ng mahahalagang dokumentong pampubliko sa wikang Filipino at sa mga wikang katutubo
  8. Pagsusuot ng iba’t ibang katutubong kasuotan ng mga Filipino
  9. Lobbying at pagpapatibay ng mga patakarang pangwika para sa pangangalaga at pagpapasigla ng mga katutubong wika ng bayan o lalawigan


*note: mula sa website ng KWF




81 comments:

  1. "Wika itong maririning, wika itong isang tinig." Isa sa mga linya sa piyesa ni G. Arland Camba, ito'y humihingi ng katarungan na huwag alisin ang wikang nakagisnan. Ang pagdiriwang ng buwan ng wika ay isa sa mga indikasiyon na dapat nating pagyamanin at payabungin ang wika, dahil wika ito na sumasalamin sa kung sino tayo noon, ngayon, at sa darating na hinaharap.

    ReplyDelete
  2. Sa patuloy na pag usad ng ating mundo tungo sa pag unlad, hindi kaylanman dapat na ituring bilang hadlang ang ating wikang pambansa. Ang wikang Filipino ay isang wikang intelaktuwal at moderno. Mula sa pyesang malikhaing inakda ni G. Arlan Camba "Wika itong umaayon sa kumpas ng pag-unlad". Gamit ang wikang Filipino, kaya nating sumabay sa pag-unlad, kasabay ng pagpapayaman at pagpapalago ng ating sariling wika. Ipapakita nito sa mundo ang repleksyon natin bilang isang Filipino sapagkat ang wikang Filipino ay ikaw noon, ngayon, at sa magpahanggang dulo. Sa pagdiriwang ng buwan ng wika, ito ay isang paalala sa ating lahat na mahalin ang tunay na atin.

    ReplyDelete
  3. Nakasaad sa tema na ang wikang katutubo ay tungo sa isang wikang Filipino na kung saan para sa akin ay magpapatibay ng ating pagka Pilipino kung patuloy parin nating gagamitin ang wikang nakasanayan ng mga Pilipino bago pa tayo sakupin ng mga dayuhang. Ayon sa tulang isinulat ni Prof. Arlan Camba ang wikang Filipino ay maaaring gamitin sa iba'- ibang larangan na nagpapakitang mas lalo dapat nating pagtibayin ang paggamit nito, hindi lang dahil ito ay magiging tulay sa pag-unlad ng ating bansa bagkus tayo ay mga mamamayan ng Pilipinas at wika natin ito kaya nararapat lamang na gamitin natin ito sa araw araw na pakikipagtalastasan.

    ReplyDelete
  4. Wika ang isa sa pinaka importanteng pagkakakilanlan ng isang tao. Wika ang isa sa mga paraan upang magkaisa ang isang bayan. Tradisyunal na ang pagdiriwang ng buwan ng wika sa ating bansa eto ay isang paraan ng pagpupugay, pagbibigay buhay sa ating wika at pagpapahalaga nito.Ngayong taon ang tema ng buwan ng wika ay patukoy sa wikang katutubo. Pagapapahalaga ng wikang katutubo ay isang daan upang maipakaita sa ating mga kapatid na katutubo na sila ay mahalaga ang kanilang kultura ay importante sa ating bansa. Ayon sa tula ni G. Arlan M. Camba 'Filipino ay wika ng pagkakaisa, Pilipino ay magkakaisa
    para sa inaasam na paglaya!'.

    ReplyDelete
  5. Makamulat isipan at makabuhay diwang Filipino ang mensaheng naiparating ng piyesa sa'kin. Bilang mag-aaral, buong puso akong sumasang-ayon at nakikiisa sa panawagan ni G. Arlan Camba at ng mga Tanggol Wika. Tunay ngang ang wikang Filipino ay dapat manatiling buhay sa akdemya at sa puso ng mga Filipino. Dapat lamang na ipagsawalang bisa ang CHED Memorandum order no. 20 , wikang sarili ay lalo pang pagyamanin at mahalin. Patuloy nating irespeto at ipagmalaki ang wika na ating kinagisnan na siyang humulma ng ating kultura, pagkatao at kasaysayan.
    -☁

    ReplyDelete
  6. Daang taon na ang nakalipas simula ng sakupin tayo ng mga dayuhang lumaspatangan at nag-iwan ng yurak sa ating lupang Sinilangan. Ito ay nagdulot ng pagkakawatak-watak ng dugong Pilipino na mula sa hubo't hubad nating anyo ay nabigyang bihis ng pagbabago. Pagbabagong nag-iwan ng permanenteng bahid sa ating mga balat. Tila ba'y isang martilyong pamukpok na siyang bumabansot sa atin. Ang naiwang diwa ng mga kanluranin na siyang nanalaytay at patuloy na nananalaytay sa isipan ng mga Pilipino. Ngunit magakakaiba man tayo, huwag nating isantabi na ang wikang Filipino ay simbolo ng ating pagka-Pilipino. Nahati man tayo sa iba't ibang pulo, nagmula man sa Luzon, Visayas, o Mindanao, ang mga wika at dayalekto natin ang nagbibigay kulay at tulay upang magkaroon ng ugnayan at pagkakaisa. Ito ang patunay na hitik at sagana sa kultura ang Pilipinas.

    Bilang isang Pilipino, suportahan natin ang pagpapayabong ng ating wika, ibasura ang CMO NO. 20 na nagpipigil sa wikang dapat ay nagpapalaya 'pagkat ang wika ay humihinga at may diwa, wika itong kaluluwa. Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga obserbasyon, at halaga ng kanyang katangian, bagkus ay sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto at larangan sa ating komunidad kung saan sumisimbolo sa pambansang kaunlaran. Ang kaisipang dayuhang mapangwasak katulad ng buhangin sa dagat, tayo ay natatangay sa pagbabago. Pagbabagong naghahangad ng pag-unlad ngunit nagbibigay daan din para isakripisyo ang isang napakahalagang bahagi ng ating pagkatao at pagkakakilanlan.

    Ibandera natin ang sariling wika. Magsama-sama at ipaglaban kung ano ang tama. Huwag nating hayaang tuluyang mawalan ng hininga ang wika. Tayo'y umaksyon at kumilos upang magbatid ng panibagong pag-asa. Wikang Filipino hanggang kamatayan.

    ReplyDelete
  7. Ang wikang Filipino ay siyang nagsisilbing tulay upang magkaisa ang mga mamamayan ng Pilipinas. Ito ay nagdudugtong dugtong at at nagsisilbing pinakamahalagang parte ng pakikipagkomunika ng mga Pilipino kahit nasaan man silang panig ng mundo. "Sa bukid at kaparangan, sa tayog ng kabundukan, sa lalim ng karagatan, sa lawak ng kalawakan," ito ay nagnagpapahiwatig na kahit nasaan ka man ay maririnig monang wikang Filipino. Hindi lang dahil silasalita ito bagkus ay ito ay nasa iyong puso.

    ReplyDelete
  8. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nararapat lamang na mas paigtingin pa ang laban upang maibasura ang CMO NO.20. Ang buwang ito ang magsisilbing paalala sa kahalagahan ng ating wika. Ang wika ay progresibo, lumalaban at umuunlad na siyang ipinabatid ng tulang isinulat ni G. Arlan Camba. Ipinakita at ipinaramdam ng tulang ito ang laban na kinakaharap ng ating wika, ito'y progresibo at nagpapakita ng paglaban. Talaga nga namang ang ating wika ay patuloy nating kinakailangan at dapat panatilihin nating buhay, sa ating puso , kultura at bansa pagkat ito'y ating pagkakakilanlan.

    ReplyDelete
  9. Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa, ito ang siyang magbubuklod sa atin. Wika ang sumasalin kung sino at ano tayo. "Wika itong humihinga, wika itong kaluluwa, ng kung sino at ano ka, sa diwa't pagkabansa." Oo, lumilipas ang panahon, marami na ang nagbabago, ngunit ang wika natin ay siyang gamit, ginagamit, at ipatuloy na dapat gamitin dahil "umaayon ito sa kumpas ng pag-unlad, patuloy na sumusulong at ito'y mapagbuo pagkat wika ito ng dunong at talino." Kaya marapat lamang na ipaglaban natin ang wikang Filipino. Huwag matakot na ipaglaban ang nararapat. Sariling wika nati'y huwag hayaang sa atin ay nakawin. "Filipino ay wika ng pagkakaisa, Pilipino at magkakaisa!"

    ReplyDelete
  10. Ang wika ang bumubuo sa ating pagkapilipino. Ang wikang Filipino ay dapat nating ipagmalaki kahit nasaan tayo. Ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat ginagamit sa mga impormal na mga gawain kundi pati na rin sa iba't ibang aspeto ng ating bansa katulad ng ekonomiya, politika at medisina. Ngunit may mga iilan na nasa itaas na piliit iwinawalay ang kaluluwa ng bansa sa mga tao nito. Kailangan nating lumaban dahil kung hindi tayo lalaban patuloy na masasadlak ang wikang Filipino.

    ReplyDelete
  11. Filipino para sa Pilipino. Ang wikang Filipino ang nagbibigay satin ng pagkakilalanlan. Sa mundong walang tigil na pagbabago, tayo ay mananatiling Pilipino. Sariling atin lamang ang nagtatangkang baguhin ito sa kadahilanang pagunlad ng mundo. Marami sa mga bansang mauunlad ay ginamit and sariling wika sa paganggat. Panahon na para gamitin and wikang pambansa, Filipino para sa pagunlad ng Pilipinas. Iangat and wika, pagunlad ng bansa.

    ReplyDelete
  12. Halimbawang ikaw ay tatanungin kung ano ang wika at para saan ito, ano ang iyong magiging tugon? Kahit sino marahil ay may maisasagot. Kagaya na lamang ni G. Arlan Camba, sa kaniyang akdang pinamagatang 'Kung Ang Wika Ay Wika Ng Pagkakaisa' na kung saan kaniyang tinalakay ang kalagayan ngayon ng ating wika. Sa paglipas ng panahon, unti-unti nang nasasawalang bahala ang wikang Filipino. Mistulang naghihingalo at nawawalan na ng buhay na lalo pang pinanghina ng CHED Memorandum Order No. 20. Ano na lamang ang magiging kahihitnatnan nito sa darating na mga taon? Siguro nga ay kayang tiisin ng mga taong pabor dito na makitang tinatapak-tapakan na lamang ang sariling wika. Ngunit bilang mga mag-aaral na patuloy na naninindigan para sa wika gayundin sa panitikan, sama-sama tayong titindig upang isigaw ang ating panawagan, ang ating ipinaglalaban.

    ReplyDelete
  13. Ang bawat linya sa tulang isinulat ni G. Arlan Camba na pinamagatang "Kung Ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa" ay nakapagbibigay ng kaalaman at dahil dito ay may mga bagay na aking napagtanto.

    Ang ating wika ay tunay ngang dapat nating ipagmalaki, pagyabungin, at gamitin nang wasto pagka't ayon nga sa tula, "wika itong magbubuklod sa organikong masa." Ang wikang Filipino ay pinagkaka-isa tayo at ito ay bumubuo sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ipinahayag din sa piyesa na "Wika itong inuusal, binibigkas, sinisigaw," hindi dapat ikahiya, hindi dapat hayaang humina at mas lalong hindi dapat ipagpalit sa ibang wika. Huwag tayong matakot na ipaglaban ang sariling atin dahil "wika itong hindi puro tango, minsa’y umiiling." Hindi sapat na rason ang pagbabago ng panahon at pag-unlad mundo para piliin nating mas pahalagahan ang wika ng mga dayuhan. Tayong mga Pilipino'y magkaisa, Filipino ang ating wika.

    ReplyDelete
  14. Ang Tulang "Kung Ang Wika ay Wika Ng Pagkakaisa" na isinulat ni Ginoong Arlan Camba ay nagbibigay ng mensahe na dapat mahalin at tangkilin ang sariling wikang Filipino at huwag itong tanggalin. Napaka-ganda ng mensahe ng tula sapagkat nagbibigay ito ng mensahe na mahalin ang sariling wika. Dahil ngayong panahon ay tinanggal na ng Ched Memo no.20 ang subject na Filipino sa kolehiyo. At sa tulong ng Tulang ito ipinapakita na hindi dapat tanggalin ang Filipino sa kolehiya dahil kailangan natin ito. Dahil ang pagkawala ng sariling wika ay pagkawala rin ng ating pagkakakilanlan bilang isang Filipino. Sinabi nga ni Dr. Jose P. Rizal " Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, mas masahol pa sa malansang isda".

    ReplyDelete
  15. Sa tulang "Kung Ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa", ipinapahatid ni Ginoong Arlan Camba ang kahalagahan ng Filipino at hindi dapat ito tanggalin. Ang wikang Filipino ay dapat na pinagyayaman at hindi ibasura sapagkat isa itong pagkakakilanlan ng isang Pilipino. Kaya naman ang ang tulang ito ay isang pamamaraan na pagpapaalala na huwag ipasawalang bahala ang subject na Filipino at kontrahin ang CMO no. 20 na nagnanais na tanggalin ang subject na Filipino sa Kolehiyo. Nasabi sa tula ang katagang, "Pilipino ay magkakaisa para sa inaasam na paglaya!" kaya naman bilang isang mag-aaral, nakiisa ako sa paglaban para sa wikang Filipino at sa ating inaasam na paglaya.a!" kaya naman bilang isang mag-aaral, nakiisa ako sa paglaban para sa wikang Filipino at sa ating inaasam na paglaya.

    ReplyDelete
  16. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  17. “Wikang Filipino ay wika ng pagkakaisa.
    Wikang Filipino ay mapagpalaya.
    Wika ito tungo sa kamalayan.
    Wika mo ay iyong ipaglaban.”

    Ang mga salitang iyan ay aming nilagyang himig sa dulo ng presentasyon ng piyesang ginamit sa sabayang pagbigkas. Ilang salita na nagpapakita ng kakayahan ng wikang Filipino. Sa pagkakaroon ng CMO No. 20, sinubok nito ang pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang wika. Ito ay kautusang tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sa dahilang sapat na ang pag-aaral ng mga estudyante dito noong sila ay nasa elementarya at sekondarya. Ito rin ay kautusang dapat ibasura dahil hindi nito nakikita ang kahalagahan ng wikang Filipino.

    Ang Filipino ay wika ng ating kasarinlan. Bilang iskolar ng bayan, marapat lamang na ipaglaban at pahalagahan ko ito. Unang hakbang na ang ginawang pagsali ng aming pangkat sa naganap na sabayang pagbigkas. Ang patimpalak na ito ay naglalayong pahalagahan ang ating wika at ipaalam sa mga manonood ang problemang kinakaharap sa kasalukuyan.

    Hindi dito nagtatapos ang laban. Ipaglaban natin ang wikang Filipino!

    ReplyDelete
  18. "Filipino ay wika ng pagkakaisa
    Pilipino ay magkakaisa
    para sa inaasam na paglaya!"

    Ang huling mga salita sa pyesa na hinimo ni Ginoong Arlan Camba na ginamit para sa paggunita ng Buwan ng Wika ngayong taon. Isang makabagbag-damdamin at masining na paraan ng pagtalakay sa mga isyung kinakaharap ng ating wika. Masasalamin dito kung paanong unti unting nawawala ang ating mga kinalakhang katutubong wika. Kung paano natin, tayo mismong mga Pilipino ang umaalisputa sa ating wikang Filipino. Sana ay marami pang ibang manunulat ang gumawa ng mga gantong uri ng mga akda na makakapagmulat sa kamalayan ng mga mamamayan at kabataan.

    ReplyDelete
  19. Ako'y labis na humahanga sa tema ng Buwan ng Wika ngayon sapagkat ito'y binibigyang halaga ang importansya ng hindi lamang ang Wikang Filipino kundi pati na rin ang katutubong wika. Aking nagustuhan ang pagbibigyang pansin sa ating katutubong wika na naging malaking parte sa pagunlad ng ating wikang pambansa. Dapat lamang na ating bigyang pansin ang ating katutubong wika dahil ito ay pamana pa ng ating mga ninuno na narapat nating pagyamanin. Bukod don, mahalaga ang pagbibigay pugay sa ating katutubong wika dahil simbolo lamang iyon ng pagiging makabansa natin sa ating bayang sinilangan. At sa tingin ko, importanteng isulong natin lalo ang pagbibigay halaga sa wikang katutubo ng sa gayon ay makilala rin ito ng lubusan ng mga susunod pa na henerasyon.

    ReplyDelete
  20. Wika ay Hindi na natin pinapahalagahan. Patunay lamang ito nang hindi pagpapahalaga sa mga gawi ng mga taong ipinaglaban ito at inalagaan at sinubukang pagyabungin pa. Ngunit dahil sa CMO 20 ang saysay ng sariling wika ay unti unti nang nawawala. Kung alam lamang natin na may batas na nangangalaga sa ating wika, ito ay ating lubos na mapagyayabong at mapapaunlad. Kung alam lamang natin ang Atas Tapagpaganap Bilang 335 ay Hindi na mapapatupad ang CMO 20 at ang mga programang ito ay Hindi na lamang para sa pagtutol ng naturang memo ng ched kundi ay para sa paggunita nang ating Mahal na wika.

    ReplyDelete
  21. Noong nakaraang Biyernes, ay may pinabasa ang aming propesor at ito ay patungkol sa Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Ang nilalaman ng teksto ay tungkol sa gagawin na Buwan ng Wika at ang logo ito. Sa logo na ito, ay may tatlong mahalagang aspekto; pagtatampok ng mga abstraksiyon ng mga disenyong panghabi mula sa iba’t ibang pangkating katutubo sa bansa; pagtatampok ng sari-saring kulay; at pagtatampok sa baybayin na “ka” sa gitna ng logo ng KWF. Ang ibig sabihin ito ay ang epektibong daloy ng ugnayan para sa katutubong wika sa ating bansa. Na masasabi ko sa ay ang wika nga ay daluyan ng ating komunikasyon sa komunidad natin, habang ako’y nagbabasa ay may nakita akong komento sa blog na ito ay napaisip nga ako. Sa ginawa naming na sabayan pagbigkas ay kailangan nga wag tanggalin ang wikang Filipino. Ito’y nakakatulong sa atin sapagkat, kapag ito’y ginamit sa larangan ng kahit ano ay makakabilis ang pagkakaugnayan natin sa bawat isa.

    ReplyDelete
  22. Hingil sa buwan ng wika na may temang "Wikang Katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino" ay nag lalayon na ipakita ang kahusayan at ambag ng ating mga katutubong wika sa pagpapaunlad ng kaisipan ng mga Filipino sa ating bansa. Nakatutuwang isinasa alang alang parin natin ang ganitong mga oportunidad para maipakita Ang galing at kahalagahan Ng ating Wikang katutubo.
    Inilahad din ang bawat aktibidad na maaaring salihan ng mga mag-aaral para sa buwan ng wika mula sa ika-3 baitang hanggang sa ika-12 baitang na nasa kapangyarihan Ng DepEd. Nangkaroon din Ng mga patimpalak at ibang pang aktibidad ang CHED para sa mga kolehiyo ng bansa na hingil sa tema ng BNW. Hindi lamang sa mga paaralan o ahensiya ng edukasyon pinalalawig ang konsepto ng BNW, kundi pati narin sa iba pang ahensiya.

    ReplyDelete
  23. Ang manipestasyon sa wika bilang tagabuklod ng lipunan sa iisang diwa ay tinugunan sa tula ni G. Arlan Camba, "Kung ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa". Inilahad dito ang gampanin ng wika sa paghuhubog ng komunidad at taglay nitong kalakasan upang manindigan sa iisang ideolohiya. Sa ganitong pananaw, ang wika ang magsisilbing daluyan ng pagkakaisa ay makatatayo tayo bilang isang bansa na may paninindigan sa ating pagkakinlanlan at hindi na muli magpapaalila sa mga konseptong kolonyal. Sa panahong lalong tumitindi ang neoliberalismong atake sa sistema ng edukasyon, kailangan ay manindigan tayo sa ating wika sapangkat ito ay makamasa, pambansa at siyentipiko bagkus ay salamin ito ng ating kultura at pinapaunlad bilang dinamikong yunit nito. Samakatuwid ay kailangan pagtibayin ang wika sa ating mga pamantasan sapangkat hindi lamang ito daluyan ng komunikasyon, maging bilang isang agusan ng karunungang bayan na nagpapaunlad sa lipunan bilang may mayamang linangan tungo sa patriyotismo at nasyonalismo. Anupa’t malalim man ang ambag nito (Edukasyong pormal na walang pagdalumat sa wika) sa ating kaunlarang literasi ngunit ang tunguhing ukol sa pambansang kaunlaran ay masukal at malayo pa sa ating tanaw.

    Paul Serafica
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  24. "Filipino, ay wika ng pagkakaisa, Pilipino ay magkakaisa para sa inaasam na paglaya." Linya sa tula na isinulat ni G. Arlan Camba, ito'y linya ng pag-asa na minimithi na magkaroon ng kalayaan ang wika. Ang paglaya ng wika sa likod ng mga dayuhang wika ang pinapatungkulan ng linyang ito nais nitong lumaya sa tulong ng mga Pilipinong buong pusong tatangkilikin ang wikaang Filipino. Ang Wikang Filipino ang magiging daan upang magkabuklod-buklod at labanan ang dayuhang wika. Ngunit, sa kasamaang palad ay malabong mangyari ito dahil ito sa kasalukuyan dahil sa mas pagtangkilik ng mga Pilipino sa Wikang dayuhan na nagiging sanhi ng mas pagkalimot sa mga Wikang mayroon ang Pilipinas.

    Roselle Diano
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  25. Sa tulang isinulat ni Ginoong. Arlan Camba, na pinamagatang "Kung ang wika, ay wika ng pagkakaisa", nangangahulugan lamang na maraming aspekto ang nais ipabatid ni G. Camba sa pagpapanatili ng asignatura at mga Pantikang Filipino sa Kolehiyo na ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan sa iba't-ibang larang o disiplina . Ang Wikang Filipino ay magsisilbing instrumento at magtataguyod sa bawat mamamayang Pilipino na isiwalat at ipagmalaki ang angking kahusayan tungo sa hinihinging kalayaan. Hindi kailanma'y magiging sukatan ang pagiging bihasa sa paggamit ng Wikang Ingles sa pakikipagtalastasan bagkus mas mainam kung Wikang Tagalog o isa sa mga lokal na katutubong wika ang isinasalita sapagkat sumasalamin ito sa aydentidad ng nagsasalita nito at bukod pa rito ay nananatiling buhay ang mga katutubong wika sa pakikipagkomunika sa ibang lahi, higit sa lahat isa itong karangalan na dapat ipagmalaki ninuman. Ang episyente at epektibong paraan na maisasagawa natin ay magkapitbisig, magtulungan at magbuklod buklod bilang isang modelo na may matibay na pundasyon, integridad at paninindigan, at sa paraang ito mahuhulma ang ating pagka-makatao at pagka-makabansa tungo sa inaasam na paglaya.

    RIVERO, RAE-MHART S
    ABF2-2N
    G. WilberT Lamarca

    ReplyDelete
  26. Magmula nang maimbento ang wika, sa simula't simula, ay malaki na ang ginampanan nito paghubog ng lipunan —mula sa pagka-dakip hanggang sa paglaya Lalong pinagtibay ito ni G. Arlan Camba sa kanyang tulang "Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa". Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa, bakit nga naman ito inaalis? Marahil ay maging ang mga gustong pumatay nito ay sigurado sa natatangi nitong kapangyarihan na magbuklod at magpalaya. Hindi magkahiwalay ang laban ng wika at laban ng bayan. Kung nais talaga natin na ipaglaban ang ating bayan, simulan natin sa paglaban para sa wika.

    Kristel Generale
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  27. Sa "Language, Culture and Society" ni Salzmann, inilahad niya ang ikinahihigit ng wika ng tao kaysa hayop. Isa sa mga ito'y ang kalawakan ng saklaw ng wika ng tao at ng antas ng kakayahang maituro ito sa iba. Totoo ngang ang mga hayop ay may sariling paraan ng komunikasyon sa kapuwa hayop, ngunit iba ang wika ng tao. Ito ang dahilan kung bakit ang Wikang Filipino ay kayang maging susi ng pagkakaisa. Sinasalamin nito ang tulang “Kung ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa” ni G. Arlan Camba.
    Lahat tayo ay mayroong isang pambansang mithiin: pagbabago. Ninanais na magkaroon ng kapayapaan para sa lahat. Ngunit ang katotohanan, hindi pa tayo isang pambansang bayan. Watak-watak pa tayo. Nahahati sa iba’t ibang pagkat-etniko. Magkakaiba ng ugali sa bawat heograpiya, naroon din ang pagsikil ng wika at kulturang banyaga sa mga tao.
    Sa likod nito, lahat ay nagsisikap upang ating makamit ang pagkakaisa. Nagsusumikap upang maiwaksi ang mga kaugaling banyaga na sumisira sa ating pagka-Filipino. Gusto nating makilala bilang tayo. At hindi bilang ugat ng mga bansang umalipin sa atin.
    Nais nating lumakas bilang isang bansang malaya at mapagpalaya. Ang isang daan upang makamit ito ay ang pagkakaroon ng isang wikang abot ng lahat, mabisa, hindi kumukupas, at nagdudulot ng pagbabago. Ito ang Wikang Filipino.

    Danilo P. Ellamil, Jr.
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  28. "Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa" ni Arlan Camba

    Sa linyang "wika itong magbubuklod sa organikong masa", napagtanto ko na, sa usaping makamasa, ay ito ang esensya ng wika. Na tayo'y magkaisa para sa inaasam na kalayaan. Hindi lang rin umiikot ang wika sa usaping pangkomunikasyon o pangwika, kundi pati na rin sa kultura, politika, edukasyon, at demokrasya. Bubuwagin nito ang mapagharing-uri, at pati na rin ang batas na tumutugis dito kung tayo ay magkakaisa. Hindi tayo dapat pumayag lang na balewalain lang ang wikang Pambansa sapagkat ito'y sumasalamin sa atin. Dapat na ituring na'tin ito bilang isang tanikala upang tayo ay magbuklod at sabay sabay na lumaban para sa ating mga karapatan.

    Santos, Mark Vincent
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  29. MATIAS, CHARM
    ABF2-2N

    Ang tulang "Kung ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa" ni Propesor Camba ay isang mapagpamulat na akda para sa bawat Filipino. Mula noon ay binabalewala lang ang kapangyarihan taglay ng wika, hindi ito nabibigyan ng pansin at paulit-ulit na sinisikil. Naipakita na ng Wika Filipino na hindi lamang ito nakakahon bilang midyum sa komunikasyon ngunit nagagamit rin ito sa iba't ibang larangang panlipunan. Ngunit nitong Mayo 2019 ay opisyal na tinanggal ang Filipino at Panitikan bilang kurso sa kolehiyo. Sa desisyong ito na hinatol sa ating Wikang Pambansa makikitang unti-unti nang pinalalabnaw ang ating diwang makabansa. Tahasang sinusupil ang pag-unlad nito. Kung matatandaan nakasaad sa Konstitusyon ng 1987 Artikulo XIV, Seksyon VI ang batas na pagyayabungin ang Wikang Filipino salig sa mga wikang umiiral sa bansa, pagyayamanin rin ito sa larangan ng Akademya ngunit tila hindi ito naging basehan ng sa pagbababa ng utos na pagtanggal sa nag-iisang kursong magbibigay ng mataas na kamalayan ng pagiging Filipino sa kolehiyo.

    ReplyDelete
  30. "Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa" itong akdang ito ay isang makahulugang akda sapagkat minumulat tayo nito sa kung ano ang pinagdadaanan ng ating wika, na kung saan ito ay pinipilit tanggalin sa ating mga sarili, hindi lubos maisip na ito ang sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan sapagkat dito umiikot ang ating kultura. Dahil may mga taong mapanupil at mababa ang tingin sa wikang Filipino kung kaya't ganun na lamang gawan ng desisyon na hindi makamasa o makabansa. Hindi rin marapat na matanggal ito sapagkat marami pa ring tao ang hindi kayang umintindi ng dayuhang wika at mas binbinibigyang importansya ang sariling wika, at bakit din tatanggalin ang wikang Filipino kung maraming pilipino ang hindi pa rin maalam sa ibang dako ng wikang ito. Sa akdang ito, mas binibigyang pansin na sa wikang Filipino kayang ipaglaban ang karapatang pangwika gamit ang malikhaing akda.

    Minguez, Nicole
    ABF2-2N

    ReplyDelete
  31. Wika ang prominenteng behikulo ng paghahatid ng mga mensahe. Kasangkapan ito sa pagdadamit sa ating kamalayan, ginagamit sa pagpapadaloy at pakikipagpalitan ng ideya sa lipunan. Ito ay hindi lamang instrumento ng komunikasyon at sagisag ng pagkakakilanlan, bagkus ay isang armas na panggapi sa kalaban. Ito ay sandata sa pagkamit ng kalayaan. Ito ay sandata ng rebolusyon.

    Rhea Jean Cabrera
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  32. Ang wika at pakikiba ang mismong magpapalaya sa bayang pinupyudal ng reaksiyonaryong gobyerno natin. sa ganitong tula'y sapat na upang makaambag sa tagumpay na ninanais ng lahat. at ang pagtangkilik ng mga wikang meron tayo'y pagiging masong siyang papanday sa wikang meron tayo. sa kabila naman ay may iilan pa ring nagtatanggal ng pagkakakilanlan natin na siyang punyal na tumatarak sa likuran ng pagka-pilipino. sa ganitong kahibangan ay pagyurak sa kultura at buhay ng isang bayan.

    Raymar Guaves
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  33. ang wika ay isang usapin o isyu na may malaking gampanin para sa isang tao,sapagkat malaki ang ginagampanan ng wika sa pagbuo ng pagkatao ng isang tao. Ngunit sa kabila ng napakahalagang gampanin nito sa tao at sa bansa ay ganon naman ang liit ng tingin ng tao at pamahalaan sa usaping ito. nakakatuwang may mga ganitong programa ang nilulunsad sa tulong ng KWF upang mapaunlad at maging ganap na intelektuwalisado ang ating wika, nawa'y magpatuloy pa ang mga programang katulad nito hanggang sa mga susunod pang henerasyon. nawa'y maging tunay nga na mga filipino, hindi lamang sa salita at sa pangalan ang mga susunod pang henerasyon at maibalik ang dating sigla at kulay ng ating kultura at wika. sapagkat ang wika ay ikaw at sayo rin mag uumpisa ang pagbabago ng takbo at kumpas ng panahon.

    Ericka M. Corpus
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  34. "Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa" ni Propesor Arlan Camba


    Ang laban ay laban ng lahat. Ang wika ang siyang kumakatawan sa pagkatao ng bawat isa. Hindi lang ito tumutukoy para sa ilang nasasakupan ng bansa ito ay tumutukoy sa lahat. Ngunit hindi matuturing na pagkakaisa kung mismong mga wika ay naibabaon na lamang sa limot. Hindi makatarungan kung ang wikang nakagisnan ay unti-unting kinakalimutan. Ang bansang nakadepende sa makadayuhang sistema ay isang pagsugat sa sariling bayan. Maganda ang mensaheng nakapaloob sa tula, isa itong pagmulat para sa ating lahat. Marami nang nagtatangkang mas paunlarin ang wikang meron tayo. Halimbawa nito ay ang mga pag-aaral ng mga mananaliksik sa Filipino. Isa sa mga pamamaraang isinasagawa ay ang pagpaplanong pang wika kung saan mas napagtutuunan ng pansin ang mga karanasan at magiging tunguhin ng ating wikang nakagisnan. Kung ang lahat ay nagkakaisa hindi na tayo muling magiging alipin sa sarili nating bansa. Bagkus lalaban ng taas noo at haharapin ang panibagong bukas at patuloy sa paglaban para sa minimithing kaunlaran.


    Inciong,Lovely P.
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  35. Ang Wika ang may malaking gampanin sa lahat ng aspekto ng ating Lipunan. Nakukubli nito ang mga karunungan na dapat ang lahat ay nakakamtam. Mabisa itong instrumento para sa ating pagkatuto sa mga kaalaman na ating ibabahagi sa pakikipag-komunikasyon. Kaya naman, ganoon na lamang kahalaga ang Wika sa iilan na nais sumakop sa mga ideya ng karamihan. Pagkat, nababago nito ang magiging tagpo nang ayon sa plano ng kumokontrol nito. Kaya naman mapapansin sa kasalukuyan ang mga isyu na may kinalaman sa Wika. Pagkat, ito ay kanilang iniingat at patuloy na binubuwag. Ang pagtatago ng mga impormasyon na dapat nalalaman ng lahat ay isang delikadong katangian ng Wika. Sapagkat, nagiging mabisa ito para malason ang buong kaisipan ng isang indibuduwal. Ngunit, may kakayahan din itong magpalaya ng anumang mga nakatago.

    Marcelo, Jhon Neco DR.
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  36. Ang tulang isinulat ni Ginoong. Arlan Calamba na pinamagatang ”Kung ang Wika, Wika ng Pagkakaisa” ay para sa akin ay nagbigay ng isang malaking reyalisasyon sa kasalukuyan. Ang Wikang Filipino ay dapat lamang na panatilihin at huwag tanggalin sa kolehiyo. Ang wika at panitikan ay kaakibat na ng ating kultura na marapat lamang pagtibayin at pagyabungin sa paglipas ng panahon. Filipino ang daan upang magkaunawaan tayong mga Pilipino at ito ang tumitimo sa ating isipa’t damdamin. Wikang Pambansa ang magtataguyod sa isang bansang gustong lumaya. Lumaya sa dayuhang kaisipan at maging payapa sa sariling wikang ating pagkakakilanlan. Nasa isip lamang natin na ang wikang Ingles ang mag-aangat sa atin sa kamang-mangan. Ngunit hindi ba’t parang dinadala tayo nito sa inaasam na kasarinlan? Hindi natin kailangan maging matatas sa wikang hindi atin, ngunit mas maganda pa kung ito Filipino an gating iniibig. Patuloy tayong gumawa ng mga hakbangin at puspusang itaguyod pa sa mga sambayan ang Wikang Filipino bilang wikang pambansa.

    Bantilan, Julia Danela S.
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  37. Repleksyon sa tulang "Kung ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa" ni Propesor Arlan Camba.

    Para sa akin, isa ang tulang ito sa pinaka-eksaktong tula na tumutugon sa estado ng ating wika sa ngayon. Layon ng tulang ito na itampok ang wikang sasagot sa kahilingan ng bayan. Repleksyon na kung ang mga daluyan ng wika ay magkakaisa, wika itong kayang baguhin ang Pilipinas. Sa tingin ko, napakaganda ng naging pag-atake rito. Natumbok nito ang suliranin at pangangailangan ng wika tungo sa paggamit sa pinaka-pangangailan ng bansa. Kompletos rekados. Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa wika itong magbubukas sa pinto ng kaunlarang pambansa.
    Pelaez, Rudie
    ABF 2-2n

    ReplyDelete
  38. Kung ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa

    Ang tulang ito ni G. Arlan Camba ay tila isang malaking sampal ng katotohanan at bigwas ng paggising sa kaisipang nagtutulog-tulugan. Malaki ang ambag nito sa pagkamulat ng kabataan at ng administrasyon hindi lamang sa kasalukuyan, maging sa hinaharap. Ito ang uri ng tula na makapagbabago ng iyong pananaw sa kung ano na nga ba ang kalagayan ng wika sa lipunan. Gayundin, sumasalamin ito sa pagdadalumat ng kaalamang hulma ng lipunan subalit hindi para sa lipunan. Sa pamamagitan ng tulang ito, pinatunayan lamang ni G. Arlan Camba na ang tula ay armas pandigma.

    Bajar, Janperson
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  39. Kung Wika ang Wika ng Pagkakaisa ni Prop. Arlan Camba

    Sa tula ni G. Camba, masasabi kong hindi ito madamot sa pagpapaabot ng mensahe na gamitin ang wika para sa pagbubuklod ng ating pakikibaka para sa ating mga karapatan. Tunay na ang wika ay nakikita sa kaparangan hanggang sa kalunsuran. Ang wika ay buháy, at manipestasiyon ang mga protesta. Mahusay ang pagkakahabi ng mensahe ng tula: walang naiwang panawagan, lahat ay binigkis ng mithiing maka-Pilipino. Sa aking palagay, ang ganitong atake ng mga tula ay marapat lang na mas ipakilala sa atin. Upang mapagbuklod ang sangkatauhang Pilipino, isulong natin ang makabansa, siyentipiko, at makamasang kultura na siyang tunay na maglilingkod sa masang anakpawis.

    Maglatang, Trishya Cara Mei M.
    ABF 2-2N, PUP MANILA

    ReplyDelete
  40. Kung Wika ang Wika ng Pagkakaisa ni Prop. Arlan Camba

    Para sa akin, ang wika ay instrumento ng pagkakaisa. Ang nagbubuklod ng isang sambayanan, ang identidad natin bilang isang mamamayan. Dapat natin itong pagyamanin at pagyabungin. Ito ang daan sa pag-unlad natin. Kaya't dapat nating ipagmalaki ang ating wika!

    Gomez, Charisa Joy R.
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  41. Lahat ng wika sa Pilipinas ay may kaniya-kaniyang katangian, may kagandahan at kalakasan. Mauugat natin ang kultura at kasanayan ng isang bansa sa pagtingin lamang sa wika nito. Kung gayon, dapat na mas nililinang at ginagamit ang sariling wika, wikang kinagisnan, nang mas lumabas ang halaga at kagandahan nito, upang maipakita na hitik ang Pilipinas ukol sa kaalamang pangwika. Hindi natin dapat na basta na lamang binibigkas ang mga mabububulaklak na salita na nagpapahayag na tayo ay may pagmamahal sa wika bagkus ito ay ginagawa, ipinapakita sa pamamagitan ng mga pagkilos. Kagaya na lamang ng mga hakbangin ng KWF na nagsusulong ng kaunlaran ng wikang pambansa at ng mga binabalangkas nitong iba pang wika at dayalekto.

    Orais, Cyril C.
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  42. "Kung ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa" ni Propesor Arlan Camba

    Wika nga, hindi mo maaring ihiwalay ang wika, kultura at lipunan. Lipunan ang gumagamit ng wika, gayunding lipunan ang dumadalisay sa kultura. Kaisa ng wika ang Kultura at gagundin ang kultura sa wika, pagkat ang kabuluhan ng wika ay batay sa kulay ng kultura. Kaya't maling itiwalag ang wika sa masa, dapat itong nagbubuklod sa masa, pagkat wikang sumasalamin sa masaganang kultura. Pagbati sa isang makabuluhang tula ng protesta, naghahatid ng mesaheng may diwa pakikibaka na sana'y maramdaman ng buong sambayanan, pumiglas sa tanikala
    Pagkat kung wika ay wika ng pagkakaisa, nanaisin mong lumaya. Ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mandatong asignatura sa kolehiyo! Magkaroon maka-bansang kamulatan, karunungan at kaunlaran. Balang araw maiwawagayway rin ang badilang sagisag ng tunay na kalayaan. Pilipino ay magkakaisa para sa inaasam na paglaya!

    -Joselle C. Gabutin
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  43. Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa ni sir Arlan Camba.

    Makikita natin ang tunay na hangarin ni sir Arlan sa kanyang tula na maging daluyan ng pagkakaisa sa pamamagitan ng wika. Gayundin sa pamamagitan ng wika ay magagamit natin sa iba't ibang disiplina. Nais nya rin na mabuo sa kaisipan ng mamayang Pilipino ang magkaroon ng isang paninindigan ng pagmamahal sa ating wika kung kaya't hangad nya ang supporta ng bawat Pilipino sa pagkamit ng kalayaan sa ating wika. Ngunit tulad nga ng isang buhay na wika dumaranas din tayo sa matinding poot ng pagsubok sa usapin ng wika kung kaya't ang nais nya ay maitanim sa puso ng mga Pilipino ang pagkakaisa sa pamamagitan ng wika. Kung kaya't sa kanyang huling linya, makikita natin nag kanyang kagustuhan na ipaglaban ang ating wika sa kamay ng maka kolonyal na pmamamahala na magkaisa tayong mga Pilipino na ipaglaban ang ating wika, wikang Filipino.

    ChavezIII, Polecarp John Ariel S.
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  44. Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa
    -Prop. Arlan Camba

    Ang wika ay isa sa mga komunikasyon. Sumasalamin ito sa pag uugnay-ugnay ng mga taong kinabibilangan ng lipunan. Wika ang ating sandigan upang mas maging matatag ang ating bansang kinabibilangan.Wika ang siyang sumisimbolo ng ating pagkakakilanlan, pagkakaisa, pagbubuklod-buklod nating mga Pilipino. Makibaka! Huwag matakot ! Ating iwagayway ang sariling atin.


    Menes, Christine Joy
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  45. "Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa"
    Ni Alan Camba


    Makikita natin ang akda ni sir alan camba na layunin nya ay magising tayo sa mga maling gawi ng konstitusyon. At sinasabi nya sa kanya tula na ang bawat pilipino ay magkaroon ng pagkakaisa sa diwa, sa isip, sa puso at ang bawat pilipino ay magkaroon ng kamulatan hindi yung nahihimik na lamang tayong mga sa kung ano man ang nangyayari sa ating lipunan. Sinasabi rin sa tulang ito na h'wag tayong matakot lumaban at kung ano man ang mali ay ka agad dapat natin itong itama at ipaglaban. Tayo ay mga pilipino hindi tayo dayuhan para ipag sa walang bahala ang ating wikang sinilangan hindi rin tayo dayuhan na ipag sa walang bahala at hindi ipaglalaban ang ating wika tayo ay pilipino na may sariling wika na dapat ipaglaban. Mag iiwan ako ng isang kasibahan "Kung mawawala,maglalaho, at aalisin ang wikang filipino...hindi na ako PILIPINO". Masakit pero iyon ang katotohan.

    Melgar,Juan Antonio D.S.
    2-2n

    ReplyDelete
  46. Mula sa akda ni Ginoong Arlan Camba, makikita natin ang kagalingan ng wikang Filipino. Makikita rin natin ang kahalagahan ng wikang Filipino para sa bayan at sa ating mamamayan. Mararamdaman natin nagbubugsong damdamin ng isang taong may pakialam at may pagmamahal sa wikang pambansa. Dahil dito, kailangan ay magkaisa tayo para sa ating sariling wika upang maprotektahan, at maasam ang nararapat na pagkilala para rito. Kung hindi tayo kikilos, patuloy na ititiwalag ito sa masa. Patuloy na mawawala ang ating kultura, ang kaluluwa ng bansa, ang wika ay patuloy kikitilin ang ating gobyerno. Paano magiging matatag ang wika, kung ang sarili nitong bansa ang walang pagpapahalaga rito? Kailangan ay magkapit-bisig tayo't ipaglaban ang wikang Filipino na baka ay hindi na maabutan ng susunod na henerasyon. Kung hindi tayo lalaban, kawawa ang ating bansa at kawawa ang susunod na mamamayan ng ating bayan. Huwag tayong maging sunod-sunuran kung nilalapastangan na ang ating wikang pambasa. Huwag tayong maging bingi at bulag sa katotohanang ang ating wika ay patuloy na binabaliwala. Maging matapang tayo para magkaroon ng katarungang pambaboy sa ating wika. At maaari rin nating maipapakita ang suporta, kung tayo ay gagawa rin ng isang akda katulad ng gawa ni Ginoong Arlan Camba. Upang mamulat ang iba at gumising sila kalapastanganang ginagawa ng gobyerno sa ating wikang pambasa. Isa itong instrumentong may iisang layunin at hangarin na gisingin ang mga tao't matamasa natin ang tunay na pagkakaisa.

    ReplyDelete
  47. Filipino ay wika ng pagkakaisa, Pilipino ay magkakaisa.

    Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa at pilipino ang daan upang magkaisa bakit mistulang pilipino rin ang dahilan kung bakit nawawalan ito ng saysay. Pwersahang kinikitil ang diwa ng wika at CHED Memo ang may sala. Tayong mga pilipino dapat ang unang nagtataguyod at nagpapalinang nitong wikang atin. Isulong, ipaglaban upang sa susunod na henerasyon ay mapakinabangan. Pilipinas sarili mong wika ang piliin mo, wag mong ikahiya dahil ito ang pagkakakilanlan mo. Pilipinas, imulat mo ang mga pilipino na ang wika ay susi sa pagkakaisa. Gaya ng pagsulat ni Ginoong Arlan Camba, ito ang naging daan upang pilipino ang mamulat sa reyalidad na ang wika’y kailangan at narapat na ipaglaban.

    ReplyDelete
  48. "Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa"
    Ni Prof. Allan Camba

    Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa dapat ito'y pinauunlad, ipinapalaganap at ginagamit dahil dito kung kaya't tayo ay nagkakaunawaan, subalit sa reyalidad kapwa Pilipino ang pumapatay sa sarili niyang wika. "Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa, bakit ito tinitiwalag sa masa?" Katanungan mula sa tula ni propesor Allan Camba na maski ako napatanong, bakit tayo pang may-ari ng wika ang siyang may ayaw dito, bagaman alam natin na ito ang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino. Pilipino ka, makibaka ka, ipaglaban ang sariling wika. Ang tulang isinulat ni Propesor Allan Camba ay daan upang mamulat sa katotohanan ang mga Pilipino upang ipaglaban ang sariling wika, ang sariling bayan. Pilipino ka, makibaka ka, lumaban ka para sa ating wika ng pagkakaisa.


    Sigue, Hazel Anne S.
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  49. Tunay ngang importante ang ating wika. Dahil ito'y atin at dapat itangkilik. Isagisag ang ating bandila't ipagmalaki ang ating kasaysayan. Ang ating wika'y parte ng ating buhay simula pa nang tayo'y ipanganak. Ito ang isa sa mga tanda ng ating pagiging makabayan. Tunay ngang wika ang wika ng pagkakaisa.

    ReplyDelete
  50. tunay ngang filipino ay wika ng pagkakaisa, hindi lang dahil ito ang ating wikang pambansa kundi dahil ito'y sumasalamin sa kultura, kinagisnan at pakakakilanlan. Pero sa paglipas nga naman ng mga taon bakit pilit natin itong isinasawalang bahala at pilit na kinakalimutan? Pilit pinapalitan ng lenggwaheng hindi naman atin? imbis na pagtibayin at pagyamanin bakit atin tong pinababa na parang hindi ito satin?

    Katulad ng mga gantong akda tayo'y napapaalalahanan, na ang wikang filipinong ating kinagisnan ay hindi lamang basta lenggwaheng ginagamit ngunit kaluluwa ng ating bansa. Pilit tayong minumulat sa tunay na kalagayan nito na pilit pinapatay. Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa, wika itong magbubugklod sa organiking masa!

    ReplyDelete
  51. Wika'y salamin hindi lamang ng kultura at kasaysayan, pati na rin sa identidad natin bilang mamamayang Pilipino. Patuloy at nararapat ipaglaban ang wika sapagkat malaking bahagi ito upang tayo'y hirangin bilang isang bansang may tumatamasa ng kanilang kalayaan. Sa anong pagsubok na kahaharapin ng ating wika, siya'y patuloy na magiging sandigan ng pagkakaisa.

    ReplyDelete
  52. "Kung ang wika
    ay wika ng pagkakaisa,
    wika itong magbubuklod
    sa organikong masa,
    wika itong humihinga,
    wika itong kaluluwa,
    ng kung sino
    at ano ka,
    sa diwa at pagkabansa."

    Ito ang mga salitang nasasaad sa unang saknong ng "Kung ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa" na isinulat ni G. Arlan Camba. Ang wikang Filipino ay nagsisilbing instrumento upang mapagbuklod ang masa. Ito ay sumasalamin sa ating pagkakakilanlan bilang indibidwal at isang mamamayang Pilipino. Sa patuloy na paglipas ng panahon, nawa ang ating sariling wika ay manatiling buhay ay isinasabuhay ng bawat isang Pilipino. Hindi lingid sa ating ang isyung kinahaharap ng ating wika na kung saan ay makikita na unti-unting nawawala o binabalewala, na tayo rin na mga Pilipino ang siyang umaalipusta sa wika. Nawa, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Agosto ay magsilbing pagpapaalala sa atin upang pahalagahan at pagyabungin natin ang ating wika, hindi lamang sa buwan ng Agosto, sa halip ay sa bawat minuto,oras,araw, buwan o taon na tayo ay nabubuhay. Sapagkat ang wikang Filipino ay wika ng pagkakaisa at tayong mga Pilipino nawa ay magkaisa.

    ReplyDelete
  53. Sa lipunan na ating ginagalawan ay isa lamang sa mga ipinaglaban ng ating mga bayani, naiisip mo ba ang mararamdaman nila, kung susumamuhin natin ang mga sakripsiyong kanilang ibinahagi para lamang makamit ang mga natatamasa natin ngayon? katimbang nga ba ng mga nito ang mga sakripisyo mo hingil sa mga pansarili mong mga adhikain? Hindi mo mababago ang takbo ng mundo kung ikaw mismo ay sumusunod dito! Ang WIKA natin ay isang napakahalagang bahagi ng ating pagiging Pilipino, mulat man tayo sa realidad ngunit bakit hindi tayo umaaksyon upang isabuhay ang ating mga pagninilay-nilay. Ang punto ko lamang ay, ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang nasusukat sa kung ano-ano ang iyong mga naiambag, bagkus, kalakip din nito ang mga hakbang na naisabuhay mo at kung paano ka nanindigan. Ang pagtatanggol ng SARILING WIKA ay isang pagpapakita na ikaw ay isang magiting na indibidwal na may layuning bigyan ng sapat nanimportansya ang mga nakagisnan at nagbigay sa atin ng pagkakakilanlan! Huwag sana tayo magpadala sa mga kamangha-manghang banyagang mga lengguwe dahil ang mga ito ay maaaring isa sa mga magiging dahilan ng pagkawala ng ating inaasam na kalayaan.

    Ikondena ang mga di nararapat na aksyon at mga batas na ang layunin lamang ay para sa mga banyagang hayok sa mga yaman natin!

    Ang WIKANG FILIPINO AY NARARAPAT LAMANG SA MGA PILIPINO! ITO ANG DAPAT IPAGMALAKI DAHIL ITO AY KAMANGHA MANGHA.

    ReplyDelete
  54. Pagpapahalaga sa sariling wika ang magpapakilala sa ating kinagisnan. Balikan ang nakaraan, ungkatin at pag aralan ang pinagmulan, pagmamahal sa kultura at wika ang siyang kailangan.

    Wika itong humihinga
    Wika itong kaluluwa

    Wag hayaang mamatay ang pagkakakilanlan ng Pilipino.

    ( Makadiyos ABS 1-3 )

    ReplyDelete
  55. Sa bansang patuloy na sinusulong ang pagbabago marapat na panatilihin ang wikang Filipino. Sa kabila ng mga nagaganap na pag-unlad sa iba't-ibang aspeto ng ating lipunan hindi dapat natin kalimutan ang ating pagkakakilanlan. Ang ating wika ay isa sa mga pundasyon ng ating kultura at maging ng ating pagka-Pilipino kaya't nararapat lamang na ito'y ating pagyamanin at pag-usbungin. Wika ay tunay na isang yamang maituturing na kinakailangang pahalagahan at linangin. Kailanma'y hindi magiging tama na isang tabi ang wikang Filipino ngunit bakit mismong mga Pilipino ang pilit na isinasawalang-bahala ito. Wika ang siyang nagbibigay ng kasarinlan sa ating pagka-Pilipino ngunit bakit tinututulan ito. Nararapat lamang na ituro ito sa mga susunod pang henerasyon at hindi dapat natin mas pagtuunan ng pansin ang wika mula sa ibang bansa. Higit sa lahat, ang mga wikang katutubo ay nararapat din nating bigyan ng pagpapahalaga dahil ito rin ay parte ng ating kultura. Bilang isang Filipino hindi dapat tayo ang nangunguna sa pagsulong ng pagbabago at pagsasawalang-bahala sa ating wika dahil tayo dapat ang nagunguna sa pagpapahalaga at pagpapa-unlad nito. Ang pagtaguyod natin sa ating wika ay hindi lamang laban ng isa dahil ito ay laban nating lahat. Wikang Filipino tungo sa isang bansang maunlad at malaya!

    ABS 1-3

    ReplyDelete
  56. "Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa"
    Ni Allan Camba


    Ang wika ang daan tungo sa pagkakaisa, ito ang siyang nagbibigay daan upang magkaunawaan ang bawat mamamayan. Sa wika masasalamin ang bansang malaya, bansang may pagmamahal sa sariling wika, na hindi ikinakahiya ang sariling wika. Kinakailangan ipaglaban ang wika natin, ang wikang Filipino para sa kaunlarang nais natin matamasa. Sa sinulat na tula ni propesor Allan Camba , imumulat ang mga Pilipino na pahalagahan ang wika dahil unti-unti na itong namamatay ika nga "bansang malayang naturingan, wika'y pupulutin sa kangkongan." Na sa reyalidad nangyayari dahil sa mga Pilipinong di nagmamahal sa wikang kaniyang pagkakakilanlan. Ipaglaban ang wikang Filpino.

    Brezuela, Joshua C.
    ABF 2-2N

    ReplyDelete
  57. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  58. Ang mga institusyon ang humuhubog at bumubuo sa ating mga pagkatao ngunit bakit ang mismong institusyon din na nagbababa sa atin ng edukasyon ang siyang mismong nag-aalis sa atin ng wikang sarili? Ang wika ay wika ng pagkakaisa, ngunit bakit kinukuha nila ito sa atin? Isang malungkot na katotohanan na kahit may mga batas at kautusang nagsasabi na gamitin ang wikang Filipino sa mga transaksyon at iba't ibang bagay, ngunit di pa natin ito nagagawa. Ano pang matitira sa atin kung ang mismong pundasyon natin sa pagkatuto ng wikang Pilipino ay tatanggalin pa sa atin? Sa kabila ng mga ganitong pangyayari, patuloy pa rin nating tangkilikin ang wikang Filipino dahil ito ang pagmamahal sa wika ay pagpapalaya sa sarili patungo sa kaunlaran.

    Romulo
    ABS 1-3

    ReplyDelete
  59. Sa bayan nating patuloy tuloy nawawalan ng halaga ang wika, ang akda ni Allan Camba na tinatawag na "Kung Ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa" ay patuloy lumalaban para sa ating wika. Habang kami ay nag hahanda para sa aming sabayang pagbigkas, nalaman namin ang halaga ng wika subalit eto'y namamaliit na ng mga kababayan eto. Nakita namin na malala na nga ang kalagayan ng ating wika, at kailangan na nga itong ipaglaban. Eto'y nailabas namin habang nag peperform at ipinaramdam sa aming mga kamagaral ang reaksyon at emosyon namin pag dating sa malikhaing gawa ni Arlan Camba. At mauulit, sana ay ang wika ay wika ng pagkakaisa pag dating sa malapit na kinabukasan.

    Maglaya
    ABS 1-3

    ReplyDelete
  60. Ang wikang Filipino ang nag sisilbing pag kakakilanlan nating mga pilipino. Ang pag gamit nito ay tanda ng pag kakabuklod at pag kakaisa nating pilipino tanda ng pag mamahal sa ating bayan. Makikita ito sa ng tulang ginawa ni G. Camba bawat linya ay may bitaw ng pagpapahalaga,pagmamalaki,galit,muhi at puot. Pag papahalaga sa pag gamit ng ating wika pag mamalaki sa bayan kung saan tayo isinilang sa pamamagitan ng pag gamit at pag preserba ng ating wika. Galit sa mga institusyong nag du dunong dunongan at nag papakita ng hindi nag papahalaga sa ating wika, muhi sa CMO. no 20 na gustong kumitil sa wikang Filipino at puot sa lahat ng mang mang na nag bubulag bulagan at walang pakialam sa patuloy na pang gigipit at pag tangka pag kitil sa Wikang Pilipino na tila mga dayuhan sa sariling bansa. Pina pakita sa tula na bilang Pilipino responsibilidad natin na ipag malaki at gamitin ang ating sariling wika at ang simo mang mag tatangka na patayin ito ay walang karapatang tawagin ang sarili at sabihing sya ay Pilipino.

    ReplyDelete
  61. Mahalagang pahalagahan ang wika sapagkat isa ito sa mga minana natin mula sa ating nakaraan, sa mga sinaunang tao hanggang sa mga taong patuloy na humuhubog ng ating pakikipagtalastasan gamit ang wika na kanilang ipinamana sa atin, at sa darating pang mga taon ay tayo naman ang huhubog sa wikang ito. Itong wika na siyang nagbubuklod sa atin upang mapalapit sa isa't isa. Nagagamit para mapaunlad ang ugnayan natin sa iba't ibang tao at lahi. Kaya naman patuloy nating suportahan ang sarili nating wika, huwag natin hayaan na alisinno kunin ito mula sa atin.

    Rios
    ABS 1-3

    ReplyDelete
  62. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  63. Ang tula ay nagsisilbing salamin ng kasalukuyang nangyayari sa ating bansa. Ito ay isang malikhain protesta laban sa pagpatay ng wikang Filipino. Ang akda ay nagbubuklod sa mga taong hindi sangayon sa pangingikil ng komisyon. Sana ay dumami pa ang ganitong klase ng pagbibigay kaalaman at protesta. Hindi lang ito nagbibigay kahalagahan sa sa ating sariling wika, pati na rin sa kahalagahan ng pagkakaisa.

    ReplyDelete
  64. Ang wika ay daan upang mag karoon ng koneksyon. Sa wika mo malalaman kung ang bansa ay malaya. Sa ginawang akda ni ginoong Allan Camba, gusto nyang mamulat ang mga mamayang Pilipino na buksan ang pag-unawa tungo sa pag-bibigay ng halaga para sa sariling wika.

    Bondame, Edril
    ABS 1-3

    ReplyDelete
  65. Iisa lang ang ang susi para sa kaunlaran ng ating bansa, kundi gamitin ang Filipino sa lahat ng larangan. Nakalungkot man isipin ngunit ito ang reyalidad ng kinahaharap ng ating wika, mismong institusyon at gobyerno pa mismo ang kumakalaban sa sariling wika. Ngunit kahit ganito ang kalagayan ng ating wika, marami paring Pilipino ang patuloy na lumalaban at walang sawang sumusuporta sa patuloy na pagsulong ma pa kalsada man o paryalemento. Naniniwala pa rin ako na may natitira pang pag-asa at liwanag kahit na kritikal na ang kalagayan natin. Basta't patuloy lang nating isulong at mag bigay ng impurmasyon sa nakararami upang mas magkaroon sila ng sapat na kaalaman patungkol sa isyu na ito sa ganoong paraan mas magiging epektibo ang paglaban.

    ReplyDelete
  66. Sa naganap na Sabayang Pagbigkas noong Agosto 24, 2019, naipakita ng mga iba't ibang pangkat na nagmula sa iba't ibang departamento at kolehiyo ang kanilang kakayahan para mabigyang buhay ang isang akda ni ginoong Arlan Camba na pinamagatang "Kung Ang Wika Ay Wika Ng Pagkakaisa..." Ang mga kalahok ay nagpakita ng kanilang angking galing sa pagpagtatanghal at pagpapakita ng iba't ibang tema tungkol sa kanilang interpretasyon sa akda. Makikita na kanilang pinag-isipang mabuti at binigyang halaga ang mensahe ng akda upang maipresenta ito sa mga manunuod nang maayos. May mga hindi man pinalad na matawag ang kanilang pangkat bilang mga panalo sa patimpalak, lahat naman ng mga sumali ay maituturing na panalo dahil sa kanilang pawis at pagod na naibigay sa pagtatanghal. Walang maituturing na bigo dahil lahat tayo ay lumalaban para sa pantay na pagturing sa wikang Filipino.

    ABS 1-3

    ReplyDelete
  67. Importanteng pagyamanin natin ang ating sariling wika dahil ito ang ating pagkakakilanlan ito rin ang nagbubuklod sa bawat pilipino.

    Besing
    ABS 1-3

    ReplyDelete
  68. Nakatutuwa na nabibigyan pansin ang ating katutubong wika at ito ay ipagdiwang pagkat pinapaalala nito kung gaano kahalaga ang paggamit ng sariling wika

    De Lara
    ABS 1-3

    ReplyDelete
  69. Dumating na "Buwan ng Wika" para ipaalala sa 'tin na ang sariling wika ang nagbibigay buhay, storya at ugat ng ating pinagmulan bilang Pilipino. Wikang may buhay, wika na humihinga at wika na may kaluluwa. Pagmamahal sa sariling wika ang nais nito.

    ABS 1-3

    ReplyDelete
  70. Patuloy ngang lumalawak at nagbabago ang mundo. Nagiging modernisado ito maging ang mga tao. Tila tayo'y mga tubig na umaagos at nagpapatangay sa paglipas ng panahon. Ngunit ang nakalulungkot, isa sa mga nagbabago ay ang pagtrato natin sa ating wikang pambansa. Ano nga ba ang wika? Wika ang nagsisilbing tagapag-ugnay sa ating mga tao. Ito ang nagbubuklod-buklod sa atin san mang dako ng mundo at nagsisilbing pagkakilanlan ng bawat bansa. Tunay ngang napakaimportante ng wika sa ating lahat. Kung kaya't huwag tayo magsilbing mangmang sa sariling wika pagkat ang sabi nga ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi magmahal sa sariling Wika, ay higit pa sa hayop at Malansang isda".

    ReplyDelete
  71. Wika ang kaluluwa ng ating bansa. Hindi dapat ito itinitiwalag sa mamamayan ng ating bansa.



    ABS 1-3

    ReplyDelete
  72. Ang wika ay sadyang napakahalaga saan mang sulok ng bansa. Gaya ng nakasaad sa akda na sinulat ni Ginoong Arlan Camba "Kung ang wika ay wika ng pagkakaisa, wika itong magbubuklod sa organikong masa" ang wika ang siyang nagbubuklod sa mga tao sa iisang bansa, hindi lamang dito sa Pilipinas pati narin nang mga iba pang bansa sa Buong Mundo.
    Napakahalaga ng wika dahil ito ang ginagamit natin sa pakikipagkomunikasyon sa ibat-ibang tao saan mang sulok ng bansa. Kung wala itong wika natin ay magkakagulo ang isang bansa dahil ang mga tao dito ay hindi nagkakaintindihan at nagkakaunawaan. Kaya nga binigyan tayo ng Diyos ng kakayahan upang makaintidi at matutunan ang ating sariling wika at mapayabong ito sa susunod pang mga panahon.

    ReplyDelete
  73. Sabe nila ay "communication is the key" pero ang tunay ay "comprehension is the key". Tunay ngang mahalaga ang wika at tunay din naman na mahalaga na maunawaan natin kung kanino man tayo nakikipagdiskurso. Pwede kang magsalita, pwede kang dumaldal hanggat gusto ngunit wala iyang silbi kung di ka rin maiintindihan ng kausap mo. Marapat lamang na gumamit tayo ng wikang Filipino at dapat ang gobyerno mismo ang nag aabante ng interes sa mga ganitong bagay. Ngunit taliwas ang kanilang ginawa sa pagpapatupad ng CMO No. 20. Hindi mo pwedeng mahalin ang taong hindi mo kilala. Ganun din sa bayan. Hindi mo pwede sabihin na mahal mo ang Pilipinas kung ang wika nito ay iyong tinatalikuran.
    - Kyrt Trinidad

    ReplyDelete
  74. Ang wikang Filipino ay isa sa ating pagkakakilanlan kaya nararapat lamang na pahalagahan, pagyabungin at mahalin natin ito. Hindi lamang sa buwan ng wika ipinapakita ang pagmanahal sa sariling atin, ngunit sa araw-araw nating buhay. Sa pag-usad ng panahon, makikita ang mga pagbabago. Ang wikang dati'y pinagmamalaki ay napapalitan na,nakakalimutan. Sa akda ni Ginoong Arlan Camba nabanggit ang CMO no. 20 na nagsasaad ng pagtanggal ng Filipino sa pag-aaral. Nagpapakita lamang ito ng di pagkamakabayan. Bakit tatanggalin sa pag-aaral ang sariling wika? Kung ang layunin naman nito ay palawakin pa ang ating kaalaman. Bilang Pilipino ipaglaban natin ang ating wika, gumawa pa tayo ng mga akda na magpapakita sa pagtatanggol natin sa dito. Huwag na natin hintaying tuluyan itong mawala.

    ReplyDelete
  75. Filipino, ating pambanasang wika. Wikang ating nakasanayan simula pa lang. Filipino wikang ating ginagamit upang makipag ugnayan sa iba't ibang larangan. Ngunit bakit ngayon tila nilalamon na ito ng panahon, nakalimutan, at tila ikinahihiya na din. Bakit nga ba nangyayari ito? Bakit mismong sarilinh wika ay utinitiwalag na din. Pero sa kabilang banda, tunay ngang ang ating wika ay napakahalaga na dapat pa nating pagyamanin at gamitin

    ReplyDelete
  76. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  77. Isang malaking kabalintunaan ang ibinabang hatol ng Ched Memorandum Blg. 20 o ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo sa isinulong ng dating Pangulo, Corazon Aquino, na Atas Tagapagpaganap Bilang 335 kung saan ang lahat ng kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya at instrumentaliti ng pamahalaan ay naatasang magsagawa ng mga hakbang para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na nga transakyon, komunikasyon at korespondensya. Kung mayroon tayong oras para mag-aral ng iba't ibang lenggwahe, bakit hindi muna natin linangin at payabungin ang sariling atin? Ang wikang Filipino ay hindi lamang pagkakakilanlan ang dulot sa atin, kundi ito ay isa sa mga pundasyon upang ating makamtan ang inaasam na pambansang pagababago't kaunlaran. Tandaan, kailanma'y hindi maikukubli at maikakaila ang kahalagahan at kagandahan ng ating wika.

    -Jim Rae P. Yalong

    ReplyDelete
  78. Apat na nakikilalang dayuhan ang gumahasa sa ating bansa kaya't mula noon, mapasahanggang ngayon ay nananalaytay na sa ating kasaysayan ang mga kulturang pangkanluranin. Ngunit hindi ito sapat na dahilan upang atin nang makaligtaan ang mga gawain kinalakhan na ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga nananamantala. Wika ang nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa sapagkat ito ang daan upang mapagbuklod-buklod ang watak-watak na mga pulo ng Pilipinas. Naniniwala ako, na dapat ibasura ang binabang hatol ng CMO no. 20 sapagkat tunay itong yumuyurak sa ating pagkamakabansa. Nawa ay manatili tayong dilat na nakikipaglaban para sa inaasam nating pag-unlad.

    ReplyDelete
  79. Ang piyesang isinulat ni G. Arlan Camba ay isa sa mga akdang nagpapamulat sa ating mga pilipino. Ito ay nagpapahayag na ang wikang Filipino ay mahalaga sa lahat ng aspesto sa lipunan. Ngunit patuloy pa rin itong inaalis ng komusiyon lalong lalo na sa kolehiyo. Kaya nararapat lamang na tayo ay magkaisa upang ibasura ang C.M.O bilang 20. Ang wikang Filipino ay ating pagkakakilanlan kaya dapat natin itong ipaglaban.

    ReplyDelete
  80. Ayon sa tulang isinulat ni Ginoong Arlan Camba na "Kung Ang Wika ay Wika ng Pagkakaisa". Isinampal n'ya rito sa atin ang kahalagahan ng ating wika. Kung paano ito magiging daan sa ating pag-unlad. Ngunit ng maipasa ang CMO No. 20 na naglalayong tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo naging malaking hamon ito upang maipagtanggol ang wikang nagbubuklod sa organikong masa. At sa lahat ng mga nakiisa sa patimpalak na ito at sa lahat ng pilipino na dapat isapuso na ang ating wika ay s'ya ring ating kaluluwa na dapat binibigkas, inuusal, at sinisigaw hindi lamang sa buwan ng agosto.

    ReplyDelete
  81. Ang tema ng buwan ng wika ay tungkol sa pagkakaisa ng mga tao gamit ang wika. Paano magkakaisa ang mga Pilipino kung tayo mismo ang pumapatay sa ating sariling wika. Dahil sa CMO bilang 20 na kung saan tatanggalin ang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo at maraming guro sa Filipino ang tumututol dito. Kaya sa tulang ginawa ni G. Arlan Camba ay pinapakita ang kahalagahan ng wika para sa pagkakaisa ng mga tao sa isang bansa. At binanggit din sa tula niya na siya'y tutol sa CMO bilang 20.

    ReplyDelete