Lazada

Monday, May 6, 2024

Nominasyon para sa Kampeon ng Wika 2024, bukรกs na!

 

๐๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐€๐Œ๐๐„๐Ž๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐›๐ฎ๐ครก๐ฌ ๐ง๐š!  






Tuntunin:

1. Ang Kampeon ng Wika ay mataas na pagkilala sa mga indibidwal o pangkat na nag-ambag sa pagpapaunlad at pagtataguyod ng Filipino at mga wika ng Pilipinas.

2. Bukรกs ang nominasyon sa mga indibidwal, samahรกn, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa tรบngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng alinman sa mga katutubong wika sa Pilipinas sa iba’t ibang larang at disiplina.

3. Para sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababรข sa apatnapung (40) taรณn. Para sa mga samahรกn, tanggapan, ahensiyang pampamahalaan, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababรข sa limang (5) taรณn.

4. Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa alinman sa mga katutubong wika sa iba’t ibang larang at/o disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bรญlang pruweba.)

5. Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat.

6. Ang mga nominasyon ay kinakailangang maglakip ng mga sumusunod na kahingian:

*KWF Pormularyo sa Nominasyon https://kwf.gov.ph/wp.../uploads/dangal-ng-wika-2021.pdf

*Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahรกn at nilagdaan ng nagnomina

*Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahรกn)
*Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa alinmang katutubong wika sa bansa o sa Filipino
*Ang nominasyon at iba pang kahilingan ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:

Lupon sa Kampeon ng Wika 2024
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila

7. Ang hulรญng araw ng pagpapรกsa ng nominasyon ay sa 10 HUNYO 2024, 5:00 nh.

8. Ang tatanghaling Kampeon ng Wika 2024 ay tatanggap ng naturang gawad sa Gabi ng Parangal sa 19 Agosto 2024.

9. Para sa iba pang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon sa telepono blg. (02) 899-606-70, o magpadala ng email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.

Wednesday, April 10, 2024

๐ˆ๐Š๐€๐“๐‹๐Ž๐๐† ๐’๐„๐‘๐˜๐„ ๐๐† ๐–๐„๐๐ˆ๐๐€๐‘ ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

 

๐ˆ๐Š๐€๐“๐‹๐Ž๐๐† ๐’๐„๐‘๐˜๐„ ๐๐† ๐–๐„๐๐ˆ๐๐€๐‘

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2024 na may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan.”

Sa ikatlong serye ng webinar ay bibigyang talakay naman ni Prop. Romeo P. Peรฑa, PhD, Dekano, College of Arts and Letters Polytechnic University of the Philippines, ang paksang “Katutubo at Modernisadong Panitikan para sa Isang Mapayapang Lipunang Pilipino.” Ito ay gaganapin sa 17 Abril 2024, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.

Narito ang detalye ng Zoom:

https://us05web.zoom.us/j/87068964468...

Meeting ID: 870 6896 4468

Passcode: u5yEEi

Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangap ng e- sertipรญko mulรข sa KWF.

*Ang bilang ng kalahok sa zoom ay may takdang bilang lamang.




Tuesday, April 9, 2024

Encantadia: Lente ng Kapayapaan sa Mata ng Manonood, Libreng Webinar


๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐’๐„๐‘๐˜๐„ ๐๐† ๐–๐„๐๐ˆ๐๐€๐‘


Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2024 na may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan.”

Ang panayam sa ikalawang serye ng webinar ay ipagkakaloob naman ni Bb. Suzette S. Doctolero, screenwriter sa pelikula at telebisyon. Tatalakayin niya ang paksang “Encantadia: Lente ng Kapayapaan sa Mata ng Manonood” na gaganapin sa 11 Abril (Huwebes) 2024, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.

Narito ang detalye ng Zoom:

https://us05web.zoom.us/j/85268887936...
Meeting ID: 852 6888 7936
Passcode: DYe6C8

Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangap ng e- sertipรญko mulรข sa KWF.

*Ang bilang ng kalahok sa zoom ay may takdang bilang lamang. Matutunghayan ng live ang panayam sa facebook page ng KWF.

Wednesday, April 3, 2024

๐’๐ฎ๐ณ๐ž๐ญ๐ญ๐ž ๐’. ๐ƒ๐จ๐œ๐ญ๐จ๐ฅ๐ž๐ซ๐จ, ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ซ๐ฒ๐ž ๐ง๐  ๐–๐ž๐›๐ข๐ง๐š๐ซ ๐ง๐  ๐Š๐–๐…

 ๐’๐ฎ๐ณ๐ž๐ญ๐ญ๐ž ๐’. ๐ƒ๐จ๐œ๐ญ๐จ๐ฅ๐ž๐ซ๐จ, ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ซ๐ฒ๐ž ๐ง๐  ๐–๐ž๐›๐ข๐ง๐š๐ซ ๐ง๐  ๐Š๐–๐…

Makikibahagi si Bb. Suzette S. Doctolero bilang tagapanayam sa serye ng webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Pambansa 2024 na may temang "Ang Panitikan at Kapayapaan."

Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 10 Pebrero 2015, na nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang Buwan ng Panitikang Pambansa o National Literature Month na nagbibigay-halaga sa panitikan na nakalimbag sa iba't ibang wika sa Pilipinas na itinuturing na pamanang pangkultura sa mga susunod na henerasyon.

Ang pagdiriwang ay bubuksan sa pamamagitan ng isang face-to-face na lektura sa 1 Abril 2024, 10:00 nu-12:00 nt na itatampok ang paksang "Ang Paglikhรข at Pag-akdรข ng Kapayapaan" na tatalakayin ni Dr. Felipe M. De Leon Jr., isang iskolar at dalubhasa sa kultura.


Tampok sa serye ng webinar ang mga iskolar, dalubhasa, at praktรญsyonรฉr sa panitikan mula sa iba't ibang larang. Ang unang webinar ay gaganapin sa 3 Abril 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang "Ang Estado ng Panitikan ng mga Binging Pilipino" na ang magiging tagapanayam ay si Prop. Michael T. Vea, isang faculty ng School of Deaf Education and Applied Studies, De La Salle- College of Saint Benilde.


Ang ikalawang webinar ay nakaiskedyul sa 11 Abril 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang "Encantadia: Lente ng Kapayapaan sa Mata ng Manonood" na tatalakayin ni Bb. Suzette Doctolero, manunulat sa pelikula at telebisyon. Ginawaran si Bb. Doctolero ng KWF Dangal ng Panitikan 2023 dahil sa kaniyang hindi matatawarang ambag sa panitikan partikular sa kaniyang pagsulat ng iba't ibang de-kalidad na pelikula at teleserye.

Ang ikatlong webinar ay nakatakda sa 17 Abril 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang "Katutubo at Modernisadong Panitikan para sa isang Mapayapang Lipunang Pilipino" na ang tagapagsalita ay si Dr. Romeo P. Peรฑa ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).

Samantala, ang ikaapat na webinar ay gaganapin sa 24 Abril 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang "Ang Panitikang Pambata at ang mga Usapin ng Kapayapaan" na tatalakayin ni Dr. Eugene Y. Evasco ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Ang serye ng webinar ay live na mapapanood sa opisyal na Facebook Page ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Sa mga nagnanais na dumalo sa serye ng webinar via zoom ay maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng impormasyon at Publikasyon (SIP) sa telepono bรญlang 85473188 o magpadala ng email sa komfil@kwf.gov.ph para sa mga tanong at paglilinaw.




Sunday, March 31, 2024

Libreng Webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Buwan ng Panitikan (BnP) 2024

Libreng Webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Buwan ng Panitikan (BnP) 2024

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2024 na may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan.”

Para sa unang serye ng webinar, ang tagapanayam sa paksang “Ang Estado ng Panitikan ng mga Binging Pilipino” ay ibabahagi ni G. Michael T. Vea, Fakulti ng School of Deaf Education and Applied Studies ng De La Salle-College of Saint Benilde. Ito ay gaganapin sa 3 Abril 2024, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.

Narito ang detalye ng Zoom:

https://us05web.zoom.us/j/89249133805...

Meeting ID: 892 4913 3805

Passcode: FZR0jU

Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangap ng e- sertipรญko mulรข sa KWF.

*Ang bilang ng kalahok sa zoom ay may takdang bilang lamang.



#buwanngpanitikan2024

#librengseminar

#librengwebinar

#kwf

#ncca

#freewebinar


Saturday, March 30, 2024

Pagbati sa Makata ng Taรณn 2024!

Adrian Pete M. Pregonir 

KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2024

Sa Muhรณn ng Iyong Kabรกong Maibรกbaรณn ang mga Guhรฒ ng Kahรกpon




Rowell S. Ulang
Ikalawang Gantimpala 
“At Pagkatรกpos, Magpapatรบloy pa rin Akรณng Maglakad” 



Ikatlong Gantimpala 

Allan John A. Andres

“Nakikiraรกn lang ang Lahat sa Novaliches”


Andre Alfonso R. Gutierrez 

“Propesรญya sa Pagรญtan ng mga Taludtรณd” 



#buwanngpanitikan
#makatangtaon
#tula
#makata
#kwf
#ncca
#AdrianPeteM.Pregonir 
#RowellS.Ulang
#Allan John A. Andres
#Andre Alfonso R. Gutierrez



Dangal ng Panitikan 2024

 Pagbati kay Jimmuel C. Naval, Dangal ng Panitikan 2024!



Pagbati kay Frank G. Rivera! Dangal ng Panitikan 2024!