Lazada

Monday, May 6, 2024

Nominasyon para sa Kampeon ng Wika 2024, bukรกs na!

 

๐๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐€๐Œ๐๐„๐Ž๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐›๐ฎ๐ครก๐ฌ ๐ง๐š!  






Tuntunin:

1. Ang Kampeon ng Wika ay mataas na pagkilala sa mga indibidwal o pangkat na nag-ambag sa pagpapaunlad at pagtataguyod ng Filipino at mga wika ng Pilipinas.

2. Bukรกs ang nominasyon sa mga indibidwal, samahรกn, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa tรบngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng alinman sa mga katutubong wika sa Pilipinas sa iba’t ibang larang at disiplina.

3. Para sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababรข sa apatnapung (40) taรณn. Para sa mga samahรกn, tanggapan, ahensiyang pampamahalaan, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababรข sa limang (5) taรณn.

4. Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa alinman sa mga katutubong wika sa iba’t ibang larang at/o disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bรญlang pruweba.)

5. Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat.

6. Ang mga nominasyon ay kinakailangang maglakip ng mga sumusunod na kahingian:

*KWF Pormularyo sa Nominasyon https://kwf.gov.ph/wp.../uploads/dangal-ng-wika-2021.pdf

*Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahรกn at nilagdaan ng nagnomina

*Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahรกn)
*Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa alinmang katutubong wika sa bansa o sa Filipino
*Ang nominasyon at iba pang kahilingan ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:

Lupon sa Kampeon ng Wika 2024
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila

7. Ang hulรญng araw ng pagpapรกsa ng nominasyon ay sa 10 HUNYO 2024, 5:00 nh.

8. Ang tatanghaling Kampeon ng Wika 2024 ay tatanggap ng naturang gawad sa Gabi ng Parangal sa 19 Agosto 2024.

9. Para sa iba pang detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon sa telepono blg. (02) 899-606-70, o magpadala ng email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.

No comments:

Post a Comment