Libreng Webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Buwan ng Panitikan (BnP) 2024
Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2024 na may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan.”
Para sa unang serye ng webinar, ang tagapanayam sa paksang “Ang Estado ng Panitikan ng mga Binging Pilipino” ay ibabahagi ni G. Michael T. Vea, Fakulti ng School of Deaf Education and Applied Studies ng De La Salle-College of Saint Benilde. Ito ay gaganapin sa 3 Abril 2024, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.
Narito ang detalye ng Zoom:
https://us05web.zoom.us/j/89249133805...
Meeting ID: 892 4913 3805
Passcode: FZR0jU
Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangap ng e- sertipíko mulâ sa KWF.
*Ang bilang ng kalahok sa zoom ay may takdang bilang lamang.
#buwanngpanitikan2024
#librengseminar
#librengwebinar
#kwf
#ncca
#freewebinar
No comments:
Post a Comment