Lazada

Saturday, March 4, 2017

Litrato ni Coreen Jois M. Manay

Litrato
- Coreen Jois M. Manay

Ilang beses ko man titigan
Kahit kailan hindi na mababalikan
Ang masasayang araw na nakaraan
Mga hindi malilimutang pangyayaring nagdaan

Mga pagbabago sa nakalipas na panahon
Ang mga di' makakalimutang turo ng kahapon
Itong mga alaala ang aking tanging baon
Ang mga ito ay unti-unti ko nang naipon

Sa mga alaala ako'y nakakulong
Ika nga nila ang buhay ay parang gulong
Kaya kailangan nang tapusin, ito ang bulong
Upang paghahanda sa aking pagsulong

Sa mga alaala'y kailangang magpaalam
Sapagkat ito nalang ang aking alam
Upang tuluyang maabot ang inaasam
Sa buhay na puno ng mga paalam

Sunday, November 20, 2016

Mga Leksikograpo at Lingguwista, Bubusiiin ang Pagbuo ng Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Mga Leksikograpo at Lingguwista, Bubusiiin ang Pagbuo ng Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Bubusiiin ng mga dalubhasa sa wika ang pagbubuo ng diksiyonaryo ng Wikang Filipino at mga wika sa Filipinas sa isang simposyum na pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Dadaluhan ng mga leksikograpo, lingguwista, at eskolar sa wika ang libreng Simposyum para sa Leksikograpiya na gaganapin sa 23–24 Nobyembre 2016, 8:00nu-5:00nh sa Benitez Theater, Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.

Tatalakayin ni KWF Komisyoner Dr. Purificacion G. Delima, edukador at lingguwista, ang kasaysayan ng mga diksiyonaryo sa Filipinas at ang  iba’t ibang mahalagang isyu hinggil nito.

Ipaliliwanag ni Dr. Anicia del Corro, isang lingguwista at manunulat sa wikang Kapampangan, ang kahalagahan ng leksikograpiya bilang isang disiplina sa lingguwistika.

Ipakikilala ni Dr. Nina Christina Lazaro-Zamora, isang lingguwista, mananaliksik-wika, awtor at konsultant ng teksbuk, at edukador ang iba’t ibang pamamaraan ng pagbigkas at pagsulat ng mga Filipino sa paksang varayti at varyasyon ng wika.

Ibabahagi ni Dr. Arthur P. Casanova, manunulat at edukador, ang iba’t ibang karanasan at praktika sa pagbuo ng espesyalisadong diksiyonaryo, partikular na ang pagbuo ng monolingguwal na diksiyonaryo.  Samantala, ilalatag naman ni Dr. Christian George C. Francisco ang mahahalagang karanasan hinggil sa pagbuo ng diksiyonaryo ng print at broadcast media.

Magbabahagi ng importanteng karanasan at praktika sa pagbuo ng diksiyonaryong Waray-Filipino-English si Prop. Evelyn A. Lanuza; diksiyonaryong Pangasinan-Ilokano-Filipino-English si Dr. Joselito D. Daguison; at diksiyonaryong Mindanao-Sulu-Palawan si Dr. Rosario B. Dizon.

Tampok din sa simposyum si Dr. Tereso S. Tullao, Jr., isang ekonomista, propesor sa ekonomiks mula sa De La Salle University-Manila, at awtor ng teksbuk at diksiyonaryo sa ekonomiks, na tatalakay hinggil sa diksiyonaryo sa larang ng ekonomiks.

Komprehensibong tatalakayin ni Dr. Benjamin Mendillo, Punò ng Sangay ng Salin ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang mahahalagang termino hinggil sa batas at hurisprudensiya.

Tampok sa gawaing ito ang pagbuo ng balangkas sa iba’t ibang modelo at pagbuo ng diksiyonaryo.

Para sa iba pang detalye, maaaring makipag-ugnayan kay Victoria G. Corrige-Casoy sa mga telepono blg. 2439855, 0998-3280515, 0915-8465459, o mag-email sa may20_72ma.victoria@yahoo.com kung may tanong o paglilinaw.

Wednesday, November 16, 2016

Libreng Simposyum para sa Leksikograpiya



Inaanyayahan ang mga leksikograpo, mananaliksik, lingguwista, at iba pang alagad ng wika sa libreng Simposyum para sa Leksikograpiya na idadaos ng Komisyon sa Wikang Filipino sa 23-24 Nobyembre 2016, 8:00nu-5:00nh sa Benitez Theater, Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.

Layunin ng simposyum na talakayin ang mga teorya, praktika, at solusyon sa mga suliranin na kaugnay ng pagbubuo ng diksiyonaryong Filipino at iba pang wika sa Filipinas.

Tampok sa simposyum bilang tagapanayam ang mga alagad ng wika kabilang sina Dr. Purificacion G. Delima, Full-time Komisyoner sa Programa at Proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino; Dr. Galileo S. Zafra, iskolar sa wika at panitikan mula sa Unibersidad ng Pilipinas; Dr. Anicia del Corro, isang lingguwista at manunulat sa wikang Kapampangan; Dr. Nina Christina Lazaro-Zamora, isang lingguwista, mananaliksik wika, awtor at konsultant ng teksbuk; Dr. Arthur P. Cassanova, isang manunulat ng panitikan ng Filipinas, edukador, direktor, awtor ng teksbuk; Dr. Christian George C. Francisco, awtor ng teksbuk sa Filipino; Dr. Tereso S. Tullao, Jr., isang ekonomista, propesor sa ekonomiks mula sa De La Salle University-Manila; at Dr. Benjamin Mendillo, Punò, Sangay ng Salin ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Maaaring makipag-ugnayan kay Victoria G. Corrige-Casoy sa mga telepono blg. 2439855, 0998-3280515, 0915-8465459, o mag-email sa may20_72ma.victoria@yahoo.com kung may tanong o paglilinaw.

Tuesday, October 11, 2016

Ito Ang Akda Ko!

Ito Ang Akda Ko!

Ano ang iyong akda na maaaring ibahagi sa ating lipunan na magbubukas ng mata ng ating mga kababayan?

Post mo sa comment ang akda mo!


Sunday, September 6, 2015

Hugot


Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino ni Jhulius Tuddao

Talaga namang tunay na ang wikang Filipino ang ating ginagamit sa araw-araw na pumumuhay, sa pelenke, sa trabaho o sa paaralan. Sa kahit na anong sitwasyon ay wikang Filipino ang ating gamit. Ang wikang Filipino ay ang ating pagigigng isang malayang bansa at pagpapakita ng ating kaisahan.

u’t anim na dealekto ngunit ito ay hindi pa lahat ng dealekto sa ating bansa. Bukod sa ating pambansang wika, may iba’t-ibang deakekto na ginagamit ng bayan o probinsya sa ating bansa. Tulad nalang ng Bicolano sa bicol, Visaya sa Visaya, Ilocano sa cagayan o Tagalog sa Rizal.

Ang ating wika ay simbolo ng kalayaan, kalayaan mula sa mga dayuhan. Ito rin ay simbolo ng ating pagmamahal sa bayan at di pagpayag sa anumang pananakop. Tulad ng winika ni Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda”.

Ngunit sa panahon ngayon hindi na pinapansin ang ating wika, puro nalang English ang aking naririnig. Ito pa ba ang matatawag na isang bansang Malaya? Bakit hindi natin gamitin ang ating wikang pambansa? Nawawala na ba ang ating pagmamahal sa ating bansa?

Bilang isang mag-aaral at Pilipino, gagawa ako ng isang hakbang upang hindi mawala ang ating pambansang wika. Ikaw pano ka makakatulog sa ating bayan?


"BOKA" ni Emmanuel King S. Bernardo


Pero sa huli ay puro pahirap

Sistemang bulok
Ginagawa pa tayong bugok
Puro pagmamaang-maangan
Halata namang gahaman

Puro pangako
Wala namang gawa
Sa huli ay mapapako
Sambayanan ay sawang-sawa na

Emmanuel King S. Bernardo