Nakakatakot na kalabog... Nakakabinging tunog... Nakakakilabot na pagsabog...
Nakakatakot na kalabog... Sa bawat paggising ko ay nababalot ako ng takot. Ang mga kalabog sa paligid na tila isang babala. Babalang nagpapatiklop sa akin. At ako'y biglang napatingin sa salamin, tinanong ang aking sarili, "kailan ba ito matatapos?" Ako'y nagulat sa aking narinig.
Nakakabinging tunog... Hindi ko na maaninag nang mabuti kung nasaan nga ba ako. Ang paligid ko'y puro maiitim na abo. Nahihirapan na akong huminga. Nababalot na ako ng takot. Masasagot na ata ang aking tanong kung kailan ba ito matatapos. Wala na akong ibang narinig kung hindi pagsamo. Ako'y naluha sa tindi ng takot.
Nakakakilabot na pagsabog... Malapit na akong matulog nang mahimbing. Hindi ko na kailangang gumising dahil sa mga kalabog. Wala ng takot na sa aki'y babalot. Ang malakas na tunog ang hudyat ng pagtatapos. Nasagot na ang aking tanong, ngayon ito magtatapos. Ang malakas na pagsabog ang siyang tutuldok sa aking paghihirap. Ako'y nananalangin, at nagbuntong-hininga. Ipipikit na ang aking mga mata... Ang giyera sa aking lupang sinilingan ay sana matapos na.
Sa pagsakop sa atin ng mga kastila Pang aalipin ang kanilng ginagawa Buhay at yaman ang kanilang kinuha Nang walang pag aalinlangan at awa.
Ang mga kastila'y mayroon pang pasaring Na tayong mga pilipino ay tamad na maituturing Pero alam naman natin na sila ang dahilan Dahil nakakapagtrabaho lang tayo dati kung may pahintulot ng pamahalaan.
Tinuturo ng mga kastila sa simbahan Na hindi pupunta sa langit ang mga mayayaman Kaya naitanim sa isip ng ating mga kababayan Na huwag nang magtrabaho para sa kabuhayan.
Halos lahat ng ating ginagawa tayoy kontrolado Nang mga banyagang mapangkim-kim at mapang abuso Kaya tayo ay naging pabaya sa pagtatrabaho Dahil ang kapalit lamang nito ay maliit na sweldo.
Baraha doon, sabong kahit saan Isa rin sa dahilan nang ating katamaran Pero ang lahat ng iyan ay tinuturo nila Na naging sanhi ng ating pagka indolencia.
Kasaysayan noon, wag naman na sana maulit ngayon, Wag papaalipin sa mga dayuhan sa ating nasyon. Matutong magsipag, Magtrabaho, ituloy kahit na magdamag.
Saan mang dako ng mundo, Laman ng balita ay patayan, Bakit tila ganoon na lamang kadali, Pagkitil sa buhay nitong mga walang laban. Ang puso ko'y kumikirot, Ang puso ko'y nalulungkot, Pangarap nitong mga nasawi, Kailanman ay di na makakamit. Ano na nga bang nangyayari sa kasalukuyan? Tila tayo'y nilalamon ng kasamaan, May pagmamahal pa bang natitira sa ating mga puso? Pagkat ito nalang ang gagamot sa mga tuso. Ama, nangyayari sa mundo'y di ko lubos na maunawaan, Ngunit dalangin ay mangibabaw ang pagmamahalan, Pagkat ang aming mga puso ay hindi mawawalan ng pag-asa, Na ang mundo ay kaya pang maisalba.
Kabataan, kabataan, pagbabago’y kay laki na Hindi na makita magandang ugaling itinuro ni Ina Kaysarap balikan nitong nakaraan Noong ang mga bata ay matutuwid pa
Ako, bilang tagapagsalita Nais kong buksan ang inyong mga kaisipan Gayundin ang mga pusong may tigas na Na sana’y magbalik ang kabataan ng nakaraan
Paano ang pag-asa na sa ati’y iniasa Kung sa ugali pa lamang tayo’y bagsak na Halina at pagbabago’y simulan Upang matularan ang mga huwarang kabataan ng nakaraan
Sa aking pagtatapos, dala-dala ko ang pag-asa Tulad nila teacher, ina, ama, at iba pa Na sa puso’y naniniwala Mga susunod na kabataang tutula, kabutihan ng huwarang kabataan na ang laman ng piyesa
Tayong sanay sa kanilang karalitaan Tayong mga nakatataas Sa estrukturang ginawa ng lipunan Na kailanma’y hindi na magiging patas
Tayong mga nanunuod Habang sila’y nakaluhod Tayong mga naaawa Ngunit wala namang ginagawa
Tayong mga nagrereklamo At mahusay lang sa salita Puro lamang ngawa Ngunit wala namang ginagawa
Tayong mga binulag ng lipunang ginagalawan Tayong mga walang paki Tayong mga nakatunganga Tayong mga walang silbi
Minsan nga’y may nagsabi “Kabataan ang pag-asa ng bayan” Ngunit nasaan ang kabataan? Naroroon sa lansangan
Silang mga anak-pawis Silang mga dukhang madudungis Silang humahalik sa putikan Silang niyakap ng kahirapan
Sila pang mas may tunay na kakayanan Ngunit kinapus-palad lamang Samantalang tayong mga may kaya Narito at paupo-upo lamang
Silang biktima ng kanser ng lipunan Korapsyon, Crab mentality, at pagiging makasarili Mga tunay na sanhi ng kahirapan Kahirapang dinadanas ng karamihan
Kahirapang hindi ramdam ng iilan Ngunit paano nga ba mapupuksa ang kanser ng lipunan? Na siyang unti-unting sumisira sa katawan ng Inang Bayan Kung ito’y atin lamang tititigan?
Tayo ay nasa iisang bansa Bakit puro dayuhan ang paksa Korean dito, Kano diyan Pero pagdating sa pilipino pinagtatawanan
Magkaisa sana tayo sa produkto natin Naghirap ang mga pilipino para iyan ay gawin Kaya't sana'y wag nang humanap ng iba Parang bigo sa pagibig, Nasa harap mo na humanap ka pa ng iba
Sana huwag na mangibang bansa Dahil dito ikaw din ay kikita Nakakatulong ka pa sa bansa, sa ekonomiya Masaya ka pa dahil kasama ang buong pamilya
Tangkilikin sana natin ang sariling atin At huwag puro dayuhan ang tangkilikin Dahil tandaan nasa pilipinas kayo Isipin ninyo kung iniisip din ba kayo ng nga dayuhan ninyo.
Tayo ay nasa iisang bansa Bakit puro dayuhan ang paksa Korean dito, Kano diyan Pero pagdating sa pilipino pinagtatawanan
Magkaisa sana tayo sa produkto natin Naghirap ang mga pilipino para iyan ay gawin Kaya't sana'y wag nang humanap ng iba Parang bigo sa pagibig, Nasa harap mo na humanap ka pa ng iba
Sana huwag na mangibang bansa Dahil dito ikaw din ay kikita Nakakatulong ka pa sa bansa, sa ekonomiya Masaya ka pa dahil kasama ang buong pamilya
Tangkilikin sana natin ang sariling atin At huwag puro dayuhan ang tangkilikin Dahil tandaan nasa pilipinas kayo Isipin ninyo kung iniisip din ba kayo ng nga dayuhan ninyo.
Sa Harap ng Salamin Ang tao ay natututo sa pagkakamali Nasasaktan ngunit bumabango muli Ang taong nagmamahal ng higit pa sa sobra, Kung mabigo'y gayun din ang pagluluksa
Natural sa tao ang magkaroon ng pagkakamali Tiyansang walang hanggang puwedeng ihandog kung sakali Ngunit may isang ginintuang batas tungkol sa pagkatuto Sa pagtanggap sa pagkakamali'y sumasalamin sa pagkatao.
Mangyari'y nagkamali sa unang beses Guguluhin ang isip mo ng iba't ibang boses Mangagtuto ka na sa unang pagkakamali Katangahan na ang tawag kung maulit iyon muli
Sa bawat pag-alis ng tao sa buhay' May Panibagong pagmamahal na nagaantay Saan nga ba tayo kumukuha ng lakas? Sa diyos? Sa pamilya? O sa nakalipas?
Sa harap ng salamin ano ang iyong makikita? Puno ng pagsisisi ang makikita mong mukha Ikaw, oo ikaw na sa salamin ay nakaharap Kailan ka magsisisi? Kung huli na ang lahat?
Maliliit ngunit makapangyarihan. Kayang kaya kahit ano pa yan. Hindi madalas mapansin. Ngunit ang laking tulong sa atin.
Sa gawain sa bahay man o kahit sa pampublikong lugar. Sa eskwela man o sa trabaho, sa kalikutan nito'y nagiging produktibo.
Sampung daliri'y may iba ding gamit. Hindi lamang nabibigyan ng pansin. Sampung daliring maliliit. May nais ding iparating sa atin.
Hindi ba't tila nagbibigay sila ng pag-asa? Kapag naputol ang isa'y may siyam ka pa. Katulad ng mga pagkakataon sa buhay, Mawala man ang isa'y magkakaroon ka pa.
Pinapasok ang politika para magpayaman Mga salot na mapangabuso at gahaman Buong mamamayan ninanakawan Para sa sariling kapakanan
Di na alintana ang paghihirap ng bawat manggagawa Dugo't pawis ang puhunan para sa kakarampot na kinikita Sila'y nagpapakasasa sa kayamanang kinamkam Habang ang mga mahihirap sikmura'y kumakalam
Puro nalang pangako Lagi namang napapako Pinagkatiwalaan ng sambayanan Dulot pala ay kapalpakan
Hanggang kailan kaya ito matatapos? Umiigting na ang pagdami ng mga naghihikahos Nawa'y masiwalat na ang kanilang mga lihim Nang pagsisihan nila ito sa piitang madilim.
Tulad ng bulaklak na namumukadkad Ganda nito’y tanging hangad Iba iba ang kulay Katulad ng kanyang buhay.
Tulad ng bulaklak na minsa’y nalalanta Buhay niya ri’y malungkot na kanta Ngunit sa panibagong tubo ng bulaklak Ganoon din ang kanyang pagbangon sa pagkakalagmak.
Tulad ng bulaklak na walang sing ganda Ang hatid niya sa loob ng tahanan Hindi lamang palamuti, siya’y kapaki-pakinabang Kung kaya’t dapat na iniingatan.
Ganyan ang mga kababaihan Tulad ng bulaklak na may panahong maganda, nalalanta at minsa’y hindi na maintindihan Kakaiba naman ang hatid sa ating buhay Kaya’t dapat alagaan at mahalin ng tunay.
Tulad ng bulaklak na namumukadkad Ganda nito’y tanging hangad Iba iba ang kulay Katulad ng kanyang buhay.
Tulad ng bulaklak na minsa’y nalalanta Buhay niya ri’y malungkot na kanta Ngunit sa panibagong tubo ng bulaklak Ganoon din ang kanyang pagbangon sa pagkakalagmak.
Tulad ng bulaklak na walang sing ganda Ang hatid niya sa loob ng tahanan Hindi lamang palamuti, siya’y kapaki-pakinabang Kung kaya’t dapat na iniingatan.
Ganyan ang mga kababaihan Tulad ng bulaklak na may panahong maganda, nalalanta at minsa’y hindi na maintindihan Kakaiba naman ang hatid sa ating buhay Kaya’t dapat alagaan at mahalin ng tunay.
Maraming salamat sa mga itinuro mo. Namulat ako sa iyong mga gabay. Simula sa aking paggapang noong bata pa ako, hanggang sa aking pag tayo ng tuwid. Madaming pagkakataon na ako ay nagkamali at natumba ngunit lagi kang nariyan para ako ay saluhin at ikaw mismo ang magtatayo sa akin.
Noong ako ay pumasok na sa eskwelahan, ikaw mismo ang naghahatid sa akin. Ang aking mga asignatura ay magkasama nating ginagawa. Kapag ako ay may pagsusulit, hanggang madaling araw tayo ay nag aaral.
Ang paraan ng pag aaral na aking nakalakihan, dala dala ko hanggang sa ako'y mag kolehiyo. Tinuruan mo ako maging masipag at pursigido. Tulad mo, ako ay nagkaroon ng pangarap sa buhay.
Ngunit higit sa lahat, tinuruan mo ako ng magagandang asal. Tinuruan mo ako na maging mapag bigay at maunawain sa sitwasyon ng iba. Tinuruan mo rin ako magtiwala sa Diyos. Linggo linggo ay pumunta tayo sa simbahan.
Kaya para sakin, ikaw ang pinakamagaling na guro sa lahat. Hindi lang mga lesson sa eskwelahan ang tinuturo mo sakin. Pati mga lesson na buong buhay ko madadala at hindi ko makakalimutan. Ma, maramng salamat sa lahat.
Nakakatakot na kalabog...
ReplyDeleteNakakabinging tunog...
Nakakakilabot na pagsabog...
Nakakatakot na kalabog...
Sa bawat paggising ko ay nababalot ako ng takot. Ang mga kalabog sa paligid na tila isang babala. Babalang nagpapatiklop sa akin. At ako'y biglang napatingin sa salamin, tinanong ang aking sarili, "kailan ba ito matatapos?" Ako'y nagulat sa aking narinig.
Nakakabinging tunog...
Hindi ko na maaninag nang mabuti kung nasaan nga ba ako. Ang paligid ko'y puro maiitim na abo. Nahihirapan na akong huminga. Nababalot na ako ng takot. Masasagot na ata ang aking tanong kung kailan ba ito matatapos. Wala na akong ibang narinig kung hindi pagsamo. Ako'y naluha sa tindi ng takot.
Nakakakilabot na pagsabog...
Malapit na akong matulog nang mahimbing. Hindi ko na kailangang gumising dahil sa mga kalabog. Wala ng takot na sa aki'y babalot. Ang malakas na tunog ang hudyat ng pagtatapos. Nasagot na ang aking tanong, ngayon ito magtatapos. Ang malakas na pagsabog ang siyang tutuldok sa aking paghihirap. Ako'y nananalangin, at nagbuntong-hininga. Ipipikit na ang aking mga mata... Ang giyera sa aking lupang sinilingan ay sana matapos na.
Lawrence R. Tomampo
BBF 3-3
PUP Manila
"Pagkaalipin ng mga Pilipino"
ReplyDeleteSa pagsakop sa atin ng mga kastila
Pang aalipin ang kanilng ginagawa
Buhay at yaman ang kanilang kinuha
Nang walang pag aalinlangan at awa.
Ang mga kastila'y mayroon pang pasaring
Na tayong mga pilipino ay tamad na maituturing
Pero alam naman natin na sila ang dahilan
Dahil nakakapagtrabaho lang tayo dati kung may pahintulot ng pamahalaan.
Tinuturo ng mga kastila sa simbahan
Na hindi pupunta sa langit ang mga mayayaman
Kaya naitanim sa isip ng ating mga kababayan
Na huwag nang magtrabaho para sa kabuhayan.
Halos lahat ng ating ginagawa tayoy kontrolado
Nang mga banyagang mapangkim-kim at mapang abuso
Kaya tayo ay naging pabaya sa pagtatrabaho
Dahil ang kapalit lamang nito ay maliit na sweldo.
Baraha doon, sabong kahit saan
Isa rin sa dahilan nang ating katamaran
Pero ang lahat ng iyan ay tinuturo nila
Na naging sanhi ng ating pagka indolencia.
Kasaysayan noon, wag naman na sana maulit ngayon,
Wag papaalipin sa mga dayuhan sa ating nasyon.
Matutong magsipag,
Magtrabaho, ituloy kahit na magdamag.
Hope
ReplyDeleteSaan mang dako ng mundo,
Laman ng balita ay patayan,
Bakit tila ganoon na lamang kadali,
Pagkitil sa buhay nitong mga walang laban.
Ang puso ko'y kumikirot,
Ang puso ko'y nalulungkot,
Pangarap nitong mga nasawi,
Kailanman ay di na makakamit.
Ano na nga bang nangyayari sa kasalukuyan?
Tila tayo'y nilalamon ng kasamaan,
May pagmamahal pa bang natitira sa ating mga puso?
Pagkat ito nalang ang gagamot sa mga tuso.
Ama, nangyayari sa mundo'y di ko lubos na maunawaan,
Ngunit dalangin ay mangibabaw ang pagmamahalan,
Pagkat ang aming mga puso ay hindi mawawalan ng pag-asa,
Na ang mundo ay kaya pang maisalba.
Ana Katrina Labrador
BBF 3-3
PUP Manila
KABATAAN, PAGBABAGO’Y KAY LAKI NA!
ReplyDeleteKabataan, kabataan, pagbabago’y kay laki na
Hindi na makita magandang ugaling itinuro ni Ina
Kaysarap balikan nitong nakaraan
Noong ang mga bata ay matutuwid pa
Ako, bilang tagapagsalita
Nais kong buksan ang inyong mga kaisipan
Gayundin ang mga pusong may tigas na
Na sana’y magbalik ang kabataan ng nakaraan
Paano ang pag-asa na sa ati’y iniasa
Kung sa ugali pa lamang tayo’y bagsak na
Halina at pagbabago’y simulan
Upang matularan ang mga huwarang kabataan ng nakaraan
Sa aking pagtatapos, dala-dala ko ang pag-asa
Tulad nila teacher, ina, ama, at iba pa
Na sa puso’y naniniwala
Mga susunod na kabataang tutula, kabutihan ng huwarang kabataan na ang laman ng piyesa
JENNY MARIE YU
BBF 3-3
PUP MANILA
"Biktima ng Kanser ng Lipunan"
ReplyDeleteTayong sanay sa kanilang karalitaan
Tayong mga nakatataas
Sa estrukturang ginawa ng lipunan
Na kailanma’y hindi na magiging patas
Tayong mga nanunuod
Habang sila’y nakaluhod
Tayong mga naaawa
Ngunit wala namang ginagawa
Tayong mga nagrereklamo
At mahusay lang sa salita
Puro lamang ngawa
Ngunit wala namang ginagawa
Tayong mga binulag ng lipunang ginagalawan
Tayong mga walang paki
Tayong mga nakatunganga
Tayong mga walang silbi
Minsan nga’y may nagsabi
“Kabataan ang pag-asa ng bayan”
Ngunit nasaan ang kabataan?
Naroroon sa lansangan
Silang mga anak-pawis
Silang mga dukhang madudungis
Silang humahalik sa putikan
Silang niyakap ng kahirapan
Sila pang mas may tunay na kakayanan
Ngunit kinapus-palad lamang
Samantalang tayong mga may kaya
Narito at paupo-upo lamang
Silang biktima ng kanser ng lipunan
Korapsyon, Crab mentality, at pagiging makasarili
Mga tunay na sanhi ng kahirapan
Kahirapang dinadanas ng karamihan
Kahirapang hindi ramdam ng iilan
Ngunit paano nga ba mapupuksa ang kanser ng lipunan?
Na siyang unti-unting sumisira sa katawan ng Inang Bayan
Kung ito’y atin lamang tititigan?
CLAIRE FABULA
BBF 3-3
PUP MANILA
ANO ITO?
ReplyDeleteAnong nangyayari sa ating lipunan?
Puro gulo na lamang
Wala nang katahimikan
Paano na ang ating bayan?
Mga lider na hinahangaan
Ngayo'y kinaiinisan
Bakit naman kayo ganyan
Di na iniisip aming kapakanan.
Para daw masugpo ang krimen
Mga kriminal kailangang patahimikin
Di na inisip magiging damdamin
Ng mgfa taong tila naging alipin.
Kahirapan ay laganap
Solusyon dito'y mahirap mahanap
Sa telebisyon kahit na maagap
Masamang balita na ang nasasagap.
Imbes na sinasayang ang oras niyo
Sa walang kwentang pagtatalo
Mga mamamayan tulungan niyo
nang umunlad naman tayo.
Pero kahit na ganito
Nangyayari sa kapaligiran ko
Di parin nawawala pag-asa ko
Tatahimik at sasaya din tayo.
MARYROSE OBAL
BBF 3-3
PUP MANILA
"Tangkilikin ang sariling atin"
ReplyDeleteTayo ay nasa iisang bansa
Bakit puro dayuhan ang paksa
Korean dito, Kano diyan
Pero pagdating sa pilipino pinagtatawanan
Magkaisa sana tayo sa produkto natin
Naghirap ang mga pilipino para iyan ay gawin
Kaya't sana'y wag nang humanap ng iba
Parang bigo sa pagibig, Nasa harap mo na humanap ka pa ng iba
Sana huwag na mangibang bansa
Dahil dito ikaw din ay kikita
Nakakatulong ka pa sa bansa, sa ekonomiya
Masaya ka pa dahil kasama ang buong pamilya
Tangkilikin sana natin ang sariling atin
At huwag puro dayuhan ang tangkilikin
Dahil tandaan nasa pilipinas kayo
Isipin ninyo kung iniisip din ba kayo ng nga dayuhan ninyo.
Christ Bryan B. Ganigan
BBF 3-3
PUP MANILA
"Tangkilikin ang sariling atin"
ReplyDeleteTayo ay nasa iisang bansa
Bakit puro dayuhan ang paksa
Korean dito, Kano diyan
Pero pagdating sa pilipino pinagtatawanan
Magkaisa sana tayo sa produkto natin
Naghirap ang mga pilipino para iyan ay gawin
Kaya't sana'y wag nang humanap ng iba
Parang bigo sa pagibig, Nasa harap mo na humanap ka pa ng iba
Sana huwag na mangibang bansa
Dahil dito ikaw din ay kikita
Nakakatulong ka pa sa bansa, sa ekonomiya
Masaya ka pa dahil kasama ang buong pamilya
Tangkilikin sana natin ang sariling atin
At huwag puro dayuhan ang tangkilikin
Dahil tandaan nasa pilipinas kayo
Isipin ninyo kung iniisip din ba kayo ng nga dayuhan ninyo.
Christ Bryan B. Ganigan
BBF 3-3
PUP MANILA
Sa Harap ng Salamin
ReplyDeleteAng tao ay natututo sa pagkakamali
Nasasaktan ngunit bumabango muli
Ang taong nagmamahal ng higit pa sa sobra,
Kung mabigo'y gayun din ang pagluluksa
Natural sa tao ang magkaroon ng pagkakamali
Tiyansang walang hanggang puwedeng ihandog kung sakali
Ngunit may isang ginintuang batas tungkol sa pagkatuto
Sa pagtanggap sa pagkakamali'y sumasalamin sa pagkatao.
Mangyari'y nagkamali sa unang beses
Guguluhin ang isip mo ng iba't ibang boses
Mangagtuto ka na sa unang pagkakamali
Katangahan na ang tawag kung maulit iyon muli
Sa bawat pag-alis ng tao sa buhay'
May Panibagong pagmamahal na nagaantay
Saan nga ba tayo kumukuha ng lakas?
Sa diyos? Sa pamilya? O sa nakalipas?
Sa harap ng salamin ano ang iyong makikita?
Puno ng pagsisisi ang makikita mong mukha
Ikaw, oo ikaw na sa salamin ay nakaharap
Kailan ka magsisisi? Kung huli na ang lahat?
Mark Russel Temporosa Camitan
BBF 3-3
PUP Manila
SAMPUNG DALIRI.
ReplyDeleteMaliliit ngunit makapangyarihan.
Kayang kaya kahit ano pa yan.
Hindi madalas mapansin.
Ngunit ang laking tulong sa atin.
Sa gawain sa bahay man
o kahit sa pampublikong lugar.
Sa eskwela man o sa trabaho,
sa kalikutan nito'y nagiging produktibo.
Sampung daliri'y may iba ding gamit.
Hindi lamang nabibigyan ng pansin.
Sampung daliring maliliit.
May nais ding iparating sa atin.
Hindi ba't tila nagbibigay sila ng pag-asa?
Kapag naputol ang isa'y may siyam ka pa.
Katulad ng mga pagkakataon sa buhay,
Mawala man ang isa'y magkakaroon ka pa.
Shaira Camille C. Lawig
BBF 3-3
PUP Manila
Presidente
ReplyDeleteMaraming tao siya’y sinisiraan,
Dahil diyan ako’y nagugulumihan.
Sapagka’t tayo siya’y niluklok,
Upang umupo sa tuktok.
Pamunuan ang ating bayan,
Patungo sa kaayusan.
Kaya’t dapat atin siyang tulungan,
Kanyang ginagawa para sa’ting kapakanan.
Ilang buwan pa lamang,
Ngunit ang dami ng paratang.
Pinipilit siya ay hatakin,
At marami’y gusto ring wasakin.
Hindi niyo ba nakikita,
Kanyang mga ginagawa.
Magpapadala ba kayo sa iba,
Na kanyang salita lamang ang nakikita.
Nagiging ganyan ba kayo,
Dahil marami nang nagbago.
O natatakot kayo?
Dahil mga nagkasala kayo.
Sana atin din siyang tulungan,
At hindi lang siraan.
Hindi siya ang sumisira sa bayan,
Kundi tayong mamamayan.
Sa mga masasama ay hindi siya takot,
Kahit ano pa man sa kanya ay idulot.
Siya ang presidente natin ngayon,
Na hindi lang umupo ang alam.
LIZETTE FORTEZA
BBF 3-3
PUP MANILA
INANG BAYAN
ReplyDeleteIsang maliit na bansa
Mula sa timog silangang asya
Populasyon ay milyon milyon
Tulad ng problemang kinakaharap ngayon
Bansang sa biyaya ay mayaman
Yamang dagat ang siyang kahahangaan
Mula Luzon hanggang Mindanao
Angking ganda ang matatanaw
Ganda ng Pilipinas ay nanganganib maglaho
Dahil sa maling pamumuno ng gobyerno
Pangangalaga dito ay kulang
Sino nga ba ang may pagkukulang?
Kung bansang Pilipinas ay may bibig
Ano kaya ang kanyang hinaing?
Ano kaya ang kanyang masasabi?
Sa unti-unting pagsira sa kanyang sarili
MARY JOY ALTOVEROS
BBF 3-3
PUP MANILA
Sa una madali lang,
ReplyDeleteMadaling sabihin;
Ngunint ang tanong,
Iyo bang mapapatunayan ito?
Ang dali na lang magsinungaling,
Ang dali na lang mag-alibay,
Ang dali na lang magsabi,
Ang dali na lang sumagot.
Kahit na hindi totoo,
Sasabihin mo,
Maprotektahan lang ang sikretong,
Ikinatago-tago mo.
Minsan sa ating buhay,
Hindi mo na alam ang totoo sa kasinungalingan,
Kaya ikaw ay magsuri at mag-ingat,
Baka ikaw ay mabiktima sa kasinungalingan.
RACHEL ANN P. CIOCO
BBF 3-3
PUPMANILA
Buwaya ng Lipunan
ReplyDeletePinapasok ang politika para magpayaman
Mga salot na mapangabuso at gahaman
Buong mamamayan ninanakawan
Para sa sariling kapakanan
Di na alintana ang paghihirap ng bawat manggagawa
Dugo't pawis ang puhunan para sa kakarampot na kinikita
Sila'y nagpapakasasa sa kayamanang kinamkam
Habang ang mga mahihirap sikmura'y kumakalam
Puro nalang pangako
Lagi namang napapako
Pinagkatiwalaan ng sambayanan
Dulot pala ay kapalpakan
Hanggang kailan kaya ito matatapos?
Umiigting na ang pagdami ng mga naghihikahos
Nawa'y masiwalat na ang kanilang mga lihim
Nang pagsisihan nila ito sa piitang madilim.
Lipunang Ginagalawan
ReplyDeleteAno na ang mangyayari
Sa mga anak ng bayan
Sustansiya ay salat
Pag-aaral ay nahinto
Sa utang ay nababaon
Paano nga ba makakabangon?
Disiplina sa sarili ang kailangan
Upang malasap ang kaginhawaan
Ano nga ba ang mga dahilan
Kung bakit may kahirapan?
Siguro ang salarin ay ang gobyerno't mga mamamayan.
Ano mang hirap ang ating pagdaanan
Wag susuko pagkat aking makakatamtan
Ang magandang buhay na nakalaan,
Ipagkakaloob ng Poong Maykapal.
KALAYAAN
ReplyDeleteKalayaa’y hindi makakamtan
Ngayon, bukas, o magpakailan man
Kung ang gagawing pamamaraan
Ay takutin tayong mamamayan
Mapapagod lang sa naririnig
Bawat taon ay magkakahawig
Kalayaan na lubos kong ibig
Kalian nga ba ito madidinig?
Sabi nila tayo ay lumaya
Saan nga ba ang bansa’y lumaya?
Kalayaa’y puro lang salita
Hanggang kalian ba tayo aasa
Ang kalayaa’y matinding binhi
Sa bayang maunlad man o sawi
Lahat kalayaa’y minimithi
Para sa bayan at sa sarili
JULIE ANN ARENGA
BBF 3-3
PUP-MANILA
BULAKLAK
ReplyDeleteTulad ng bulaklak na namumukadkad
Ganda nito’y tanging hangad
Iba iba ang kulay
Katulad ng kanyang buhay.
Tulad ng bulaklak na minsa’y nalalanta
Buhay niya ri’y malungkot na kanta
Ngunit sa panibagong tubo ng bulaklak
Ganoon din ang kanyang pagbangon sa pagkakalagmak.
Tulad ng bulaklak na walang sing ganda
Ang hatid niya sa loob ng tahanan
Hindi lamang palamuti, siya’y kapaki-pakinabang
Kung kaya’t dapat na iniingatan.
Ganyan ang mga kababaihan
Tulad ng bulaklak na may panahong maganda, nalalanta at minsa’y hindi na maintindihan
Kakaiba naman ang hatid sa ating buhay
Kaya’t dapat alagaan at mahalin ng tunay.
CZARINA KRISTIA ALBA
BBF 3-3
PUP
BULAKLAK
ReplyDeleteTulad ng bulaklak na namumukadkad
Ganda nito’y tanging hangad
Iba iba ang kulay
Katulad ng kanyang buhay.
Tulad ng bulaklak na minsa’y nalalanta
Buhay niya ri’y malungkot na kanta
Ngunit sa panibagong tubo ng bulaklak
Ganoon din ang kanyang pagbangon sa pagkakalagmak.
Tulad ng bulaklak na walang sing ganda
Ang hatid niya sa loob ng tahanan
Hindi lamang palamuti, siya’y kapaki-pakinabang
Kung kaya’t dapat na iniingatan.
Ganyan ang mga kababaihan
Tulad ng bulaklak na may panahong maganda, nalalanta at minsa’y hindi na maintindihan
Kakaiba naman ang hatid sa ating buhay
Kaya’t dapat alagaan at mahalin ng tunay.
CZARINA KRISTIA ALBA
BBF 3-3
PUP
Liham para sa Guro
ReplyDeleteMaraming salamat sa mga itinuro mo. Namulat ako sa iyong mga gabay. Simula sa aking paggapang noong bata pa ako, hanggang sa aking pag tayo ng tuwid. Madaming pagkakataon na ako ay nagkamali at natumba ngunit lagi kang nariyan para ako ay saluhin at ikaw mismo ang magtatayo sa akin.
Noong ako ay pumasok na sa eskwelahan, ikaw mismo ang naghahatid sa akin. Ang aking mga asignatura ay magkasama nating ginagawa. Kapag ako ay may pagsusulit, hanggang madaling araw tayo ay nag aaral.
Ang paraan ng pag aaral na aking nakalakihan, dala dala ko hanggang sa ako'y mag kolehiyo. Tinuruan mo ako maging masipag at pursigido. Tulad mo, ako ay nagkaroon ng pangarap sa buhay.
Ngunit higit sa lahat, tinuruan mo ako ng magagandang asal. Tinuruan mo ako na maging mapag bigay at maunawain sa sitwasyon ng iba. Tinuruan mo rin ako magtiwala sa Diyos. Linggo linggo ay pumunta tayo sa simbahan.
Kaya para sakin, ikaw ang pinakamagaling na guro sa lahat. Hindi lang mga lesson sa eskwelahan ang tinuturo mo sakin. Pati mga lesson na buong buhay ko madadala at hindi ko makakalimutan. Ma, maramng salamat sa lahat.
REHAB
ReplyDeleteMga adik na dati’y nagtatago
Ngayon ay sumusuko.
Hindi mabilang libu-libo
Ang mga nais nang magbago.
Sila ngayon ay nagsisiksikan
Sa mga rehab at kulungan.
Tila walang magalawan
Kahit na maayos na tulugan.
Tila hindi mahulugang karayom
Ang itsura nila sa rehab center.
Kanilang bilang ay hindi naaayon
Sa laki at liit ng kuwarto.
Sila itong nais magbago
Nawa’y bigyang pansin ng gobyerno.
Bigyan sila ng maayos na rehab,
Upang pagbabago’y matamo.
JENNICA FLOR
BBF 3-3
PUP-MANILA
Pag-ibig sa bayan
ReplyDeletePilipinas: bayang aking sinilangan
Magandang asal aking kinamulatan
Ipinagmamalaki ko ng buong puso
Ako’y isang mamamayang Pilipino
Ang pakikipagkapwa ay mahalaga
Upang magkaroon ng pagkakaisa
Mahalin ang kapwa higit sa sarili
Isang senyales ng pagigging mabuti
Ako ay isang batang disiplinado
Mga aral ay isinasabuhay ko
Upang maging isang mabuting mamamayan
Sa lipunang aking ginagalawan.
ANGELA L. NONO
BBF 3-3
PUP MANILA
Lipunan
ReplyDeleteIngay ng mga sasakyan
sa daang wala nang mapuwestohan
Usok na animo'y uling na isinaboy
mga kabataang palaboy laboy
Patayan sanhi ay droga
Mamayang nagpoprotesta
Ito'y hindi pagpapapansin
kundi pagsigaw ng mga hinaing
Mayaman at pulitiko ay nagpapasarap
sa buwis ng mamamayan ang nagpakahirap
Mahirap na tao,y nanlulumo
sa bawat araw na walang pagbabago
Kaunlaran kaila ka makakamtam?
pagbabagong inaasam
sa sarili'y di masimulan
Tanging dasal ang alay para sa bayan
Elaine Casimsiman
BBF 3-3
PUP, Manila