Lazada

Sunday, July 12, 2026

Buwan ng Wikang Pambansa 2026

 Buwan ng Wikang Pambansa 2026

Tema

Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon




๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐š๐ฅ!

 

Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

 

Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1

 

๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š

 

Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.

 

Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.

 

Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!


#buwanngwika
#buwanngwikatema
#tema
#komisyonsawikangfilipino
#buwanngwikangpambansa
#wika
#kwf
#sabayangpagbigkas
#monologo
#tula
#timpalak
#sanaysay
#filipino
#wikangfilipino


No comments:

Post a Comment