Lumahok sa Sanaysay ng Taón 2021!
Tuntunin
- Ang Sanaysay
ng Taón ay taunang timpalak ng KWF na naglalayong himukin ang mga
natatanging mananaysay ng bansa na ilahok ang kanilang mga akda.
- Bukás ang
timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at kaniláng kaanak.
- Ang paksa ng
sanaysay ay pagtalakay sa saliksik hinggil sa kahalagahan at tungkulin ng
wika sa paghubog ng kasaysayan ng Filipinas at kulturang Filipino.
- Kailangang
nása wikang Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala, at hindi
rin salin mulâ sa ibáng wika. Marapat na hindi ito magkukulang sa 15
páhiná at hindi rin sosobra sa 30 páhiná.
- Bílang
saliksik, kailangang sumusunod ang paraan ng pagsulat nitó sa mga
tuntuning nakasaad sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat.
- Para sa
onlayn na paglahok, ihanda ang sumusunod (soft copy) at magtungo sa link na
ito: https://forms.gle/YPk3pjvUB3ejzFYGA
- Kopya
ng kompiyuterisadong lahok (.doc format). Gagamitin ang font na Arial 12
pt, single spaced sa A4 size (bond paper) na may palugit na isang (1)
pulgada sa itaas, ibabâ, at gílid. Kung makinilyado ang lahok, i-scan at
isumite na naka-pdf format.
- Kinakailangang
magtataglay lámang ng sagisag-panulat (pen name) at walâng kahit anong
pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok.
- Kasáma
ng lahok, isumite ang sumusunod na naka-pdf format: (1) notaryo
na nagpapatunay na orihinal ang lahok (2) entri form; (3) curriculum
vitae at/o bionote; (4) 2×2 retrato ng kalahok (.jpeg
format); at (5) kopya balidong ID.
- Pára sa
pagsusumite ng lahok sa pamamagitan ng koreo, sa isang long brown envelop
ilagay ang sumusunod:
- apat
(4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisadong lahok (Font 12, Arial),
may dobleng espasyo, at may isang pulgadang palugit sa bawat gílid na
nakaimprenta sa bond paper na sukat na A4.
- Softcopy
(.doc fomat) ng lahok na nasa CD o USB
- Kinakailangang
magtataglay lámang ng sagisag-panulat (pen name) ang ipinadalang entri at
walâng kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok.
- Notaryo
na nagpapatunay na orihinal ang lahok
- entri form
- curriculum
vitae at/o bionote ng kalahok
- 2×2
retrato ng kalahok
- photocopy
ng balidong ID
ipadalá ang lahok sa koreo sa:
Lupon sa Sanaysay ng Taon 2021
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila
- Ang hulíng
araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 28 HUNYO 2021, 5nh. Hindi
na mauurong ang araw ng pagsusumite.
- Pára lahok
na ipinadalá sa koreo, magpapadalá ang KWF ng mensahe (text) kung
natanggap na ang lahok. Kalakip din nitó ang gagamiting entri code at link
ng online form pára sa registri ng mga kalahok. Bukás ang online registry
hanggang 30 HUNYO 2021, 5nh lámang.
- Ang mga
gantimpala ay ang sumusunod:
Unang gantimpala, PHP30, 000.00
at karangalang maging “Mananaysay ng Taón”, medalya, at plake;
Pangalawang gantimpala, PHP20,000.00 at sertipiko
Pangatlong gantimpala, PHP15,000.00 at sertipiko
- Ang pasiya
ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.
- Hindi
patatawarin ang sinumang mahuhúling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang
ipinagwaging lahok at hindi na mulîng makasasáli pa sa alinmang timpalak
ng KWF.
- Pára sa
karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349, o mag-email sa
timpalak.gawad@kwf.gov.ph.
#lumahokasanaysayngtaón2021
#buwanngwika2021
No comments:
Post a Comment