Sumali sa Gawad Julian Cruz Balmaseda 2022
Alam mo bang maisusulat mo sa wikang Filipino ang iyong
tesis/disertasyon sa iyong pinagdadalubhasaang disiplina?
Pinagtibay ng KWF ang Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner
Blg. 18-25, s. 2018 na nagtatakda ng paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng
mga saliksik sa agham, matematika, at humanidades!
Alam mo bang maaari kang magwagi ng PHP100,000 sa paggamit mo ng
wikang Filipino sa iyong tesis/disertasyon?
Ukol sa Gawad
Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilála
na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika,
agham panlipunan, at iba pang kaugnay na larang gamit ang wikang Filipino.
Layunin nitó na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng
sistemang mga insentibo, grant, at gawad, ang pagsusulat at publikasyon sa
Filipino at ibang mga wika ng Filipinas ng mga akdang orihinal, kabilang ang
mga teksbuk at sangguniang materyales sa iba’t ibang disiplina.
May dalawang kategorya ang gawad: (1) tesis at (2) disertasyon.
May isang magwawagi lámang sa bawat kategorya. Maaari ring walang tatanghaling
magwawagi sa alinmang kategorya.
Nagsimula ang gawad noong 2015 at nakapagtala ng anim na
nagwagi: Marlon S. Delupio, disertasyon sa kasaysayan (2015); Gilbert Macarandang,
disertasyon sa agham pampolitika at Roman Sarmiento Jr., tesis sa kasaysayan
(2016); Lovela Velasco, disertasyon sa panitikan, at Christian Ezekiel Fajardo,
tesis sa komunikasyon (2017); Emmanuel De Leon, disertasyon sa pilosopiya
(2018); Wenilyn Fajilan, disertasyon sa pagsasalin (2019); at Regina Starr,
tesis sa musika at panitikan (2020).
Makatatanggap ng halagang PHP100,000 (net) at isang plake ng
pagkilála ang magwawagi sa mga kategorya ng naturang gawad. Lahat ng kopya ng
mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok. Angkin ng
KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti
sa may-akda.
Tuntunin sa Paglahok
- Ang Gawad
Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilála na handog
ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika,
agham panlipunan, at ibá pang kaugnay na larang gamit ang wikang Filipino.
- Bukás ito sa
lahat ng mga estudyante, babae man o laláki, sa antas gradwado (masteral
at doktorado), maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.
- Ang ilalahok
na tesis at/o disertasyon ay naipagtanggol at naipasá sa mga taóng 2019
hanggang 2021.
- Kinakailangan
itong isulat bílang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham,
matematika, agham panlipunan, humanidades, at sa ibá pang kaugnay na
larang.
- Kailangang
orihinal na isinulat at ipinagtanggol sa Filipino ang lahok, orihinal na
gawa ng may-akda, hindi pa nailalathala bílang aklat, at hindi rin salin
mulâ sa ibang wika.
- Marapat na
gamítin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP)
bílang format sa pagsulat ng talababa, talasanggunian, at ibá pa.
- Para sa
paglahok, kinakailangang isumite ang sumusunod:
·
- apat
(4) na limbag na kopyang makinilyado o computerized (hardcopy). Ang kopya
ng mga lahok ay kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan
ng may-akda. Nangangahulugan ito ng pag-aalis ng mga preliminaryong
pahina ng tesis at disertasyon na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng
may-akda. Tanging pamagat ng tesis/disertasyon at sagisag-panulat lámang
ang pahihintulutang nakalimbag sa manuscript
- Pormularyo sa Paglahok
- curriculum
vitae ng may-akda;
- notaryadong
awtentipikasyon ng lahok;
- notaryadong
katibayan ng etikong pananaliksik (walang plahiyo) na nilagdaan ng
tagapayo;
- rekomendasyon
mulâ sa dalawang propesor sa kinabibilangang larangan;
- rekomendasyon
mulâ sa tagapangulo ng kinabibilangang departamento;
- rekomendasyon
mulâ sa dekano/a ng kinabibilangang kolehiyo
- Ang
mga preliminaryong pahina ng tesis/disertasyon, gaya ng katibayan ng
pagsang-ayon, tungkol sa mananaliksik o bionote, pasasalamat, pag-aalay,
pahina ng grado at ebalwasyon, at ibá pang katulad ay maaari nang
tanggalin.
Ang pormularyo, curriculum vitae, notaryadong dokumento, liham
rekomendasyon, at preliminaryong pahina ay nakalagay sa bukod na selyadong
brown envelope.
- Ang lahok ay
maaaring ipadala sa koreo sa:
Lupon sa Gawad Julian Cruz
Balmaseda
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila
- Ang hulíng
araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 15 OKTUBRE 2021, 5:00 nh. Hindi
na mauurong ang araw ng pagsusumite.
- Ang mga
magwawagi sa kategorya ng (1) tesis at (2) disertasyon ay makatatanggap ng
PHP100,000.00(net), plake, at medalya. May isang magwawagi lámang sa bawat
kategorya. Maaari ring walang tatanghaling magwawagi sa alinmang
kategorya.
- Ang pasiya
ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.
- Hindi
patatawarin ang sinumang mahuhúli nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang
ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak
ng KWF.
- Pára sa
karagdagang detalye, tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o mag-email
sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph
No comments:
Post a Comment