PUTING ROSAS
AKDA NI CHRISTIAN CLARENCE P. FALCULAN
Para kang isang batang musmus.
Pilit hinahanap ang kaliwanagan.
Na kung saan hinahanap ang katahimikan.
Dahil ika'y na sa isang madilim na parte ng daigdig.
Pinipilit idilat ang mga matang hindi na ninanais pang pumikit.
Sapagkat doon ay may naglalarong demonyong pilit kang dinadala sa impyernong kalangitan.
Ang pagpupumiglas ng mga kamay.
Ang mga sigaw nang paghingi ng awa ay patuloy ang alingawngaw.
Samantala ang ngisi niyang hudas ay maningning na nakatingin.
Sa mga labi nyang hayop sa laman.
Lubha syang malakas.
Damang dama mo ang hapdi na pumapatay sa iyong ulirat nang ipasok niya sa iyo ang laman sa pagitan ng kanyang mga hita.
Batid mo na ang batik na ang dati ay puting rosas.
Marahas nang napigtal ang rosas na iyong matagal iningatan.
Tanging ang pulang mantsa na lamang ang naiwan sa blangkong espasyo sa iyong tabi.
Bilanggo ang luha sa iyong mga mata.
Batid mo na ang iyong karumihan
At sa pagitan ng araw at ng bwan.
Ay may Ikaw na ibig nang mamatay.
No comments:
Post a Comment