Lazada

Saturday, May 2, 2020

WASAK

WASAK
AKDA NI CHRISTIAN CLARENCE P. FALCULAN

Sa pagitan ng liwanag
at dilim na bumubulag,
mga lihim na nilimbag
sa salaming basag-basag.

Katotohanang hinanap
maskara ang nahagilap
dahil sadya ngang mailap
pagkataong hinahanap.

Mga kasinungalingan
na tinuring kong kanlungan,
ngayo’y gusto nang iwanan
para sa katotohanang wasak-wasak.

Ngunit tila inilibing
sa dilim na di masaling,
doon na siya ay nahimbing
at baka ‘di na magising.

Sa pagitan ng liwanag
at dilim na bumubulag,
hinahanap ang nalaglag
katauhang basag-basag

PINAGTAGPO

PINAGTAGPO
CHRISTIAN CLARENCE P. FALCULAN

Naalala mo pa ba sa kung papaano
Papaano tayo pinagtagpo ng tadhana.
Noong una tayong nagkakilala
Sadya namang nakakatawa,
Sapagkat ika'y aking naging kagrupo

Alam naman natin ang mithiin
Ay maglaro lamang ng damdamin
At sila ay paasahin

Ngunit ito'y nagbago
Ako'y nahulog sayo
At ika'y nahulog sa akin

Pinakita mo na ako'y importante
At gusto mo nang maging parte
Ng pangarap ko na sobrang tindi
Kaya hindi ka naging prente

Gumawa ng paraan
Sa sikap nakipag-batakan
Hindi tinignan ang aking
Masalimuot at malagim na nakaraan

Sapagkat pagmamahal ko lamang
Ang iyong nais makamtam

Ngayon eto tayo
Nakikipagsapalaran
Ng walang kasiguraduhan
Sa mundong ating kinalalagyan

PUTING ROSAS

PUTING ROSAS
AKDA NI CHRISTIAN CLARENCE P. FALCULAN

Para kang isang batang musmus.
Pilit hinahanap ang kaliwanagan.
Na kung saan hinahanap ang katahimikan.
Dahil ika'y na sa isang madilim na parte ng daigdig.
Pinipilit idilat ang mga matang hindi na ninanais pang pumikit.
Sapagkat doon ay may naglalarong demonyong pilit kang dinadala sa impyernong kalangitan.
Ang pagpupumiglas ng mga kamay.
Ang mga sigaw nang paghingi ng awa ay patuloy ang alingawngaw.
Samantala ang ngisi niyang hudas ay maningning na nakatingin.
Sa mga labi nyang hayop sa laman.
Lubha syang malakas.
Damang dama mo ang hapdi na pumapatay sa iyong ulirat nang ipasok niya sa iyo ang laman sa pagitan ng kanyang mga hita.
Batid mo na ang batik na ang dati ay puting rosas.
Marahas nang napigtal ang rosas na iyong matagal iningatan.
Tanging ang pulang mantsa na lamang ang naiwan sa blangkong espasyo sa iyong tabi.
Bilanggo ang luha sa iyong mga mata.
Batid mo na ang iyong karumihan
At sa pagitan ng araw at ng bwan.
Ay may Ikaw na ibig nang mamatay.

GAPOS

GAPOS
AKDA NI CHRISTIAN CLARENCE P. FALCULAN

Ayoko sanang kumawala
Kumwala sa pagkakagapos
Pagkakagapos sa binatawang mong mga kataga
Mga kataga na tumaga
Tumaga at nag iwan ng marka
Marka na nakaukit na at hindi mabura.
Di mabura dahil pangalan mo ay nakaukit na.
Paanu, di ko alam paanu nga ba?
Paanu nga ba ang kumawala sa pagkakagapos ko sa iyo.
Nagpupumiglas ngunit ayaw kumalas ng mga gapos sa katagang aking pinanghawakan. Pinanghawakan at pilit na pinaniniwalaan na hanggang sa huli tayo nga.

Tadhanang mapagbiro
Kelan ako sasaya at tatawa sa iyong madramang biro
Ako'y patuloy na magpapanggap
Mapapanggap sa mga ngiti
Mapapanggap na masaya kahit akoy durog na durog na
Kahit akoy walang wala na
Kahit akoy nahihirapan na
Kahit akoy di mo man lng makita

Di man lang makita aking halaga
Oo nga naman sino ba naman kasi ako para pahalagahan??
Isa lang naman akong hamak na nagmamahal sa iyo ng lubusan.
Lubusan na nagmahal
Kayat lubusan din kung masaktan
Kelan ba tama ang pagmamahal sa iyo?
Kelan ba tama ang mahalin ka?
Kelan ba?

Mahal nga natin ang isa't-isa
Kaso di na pwede pala
Dahil nadurog kana
Nadurog ka di dahil saakin kundi sa minahal mong iba
Noong panahong akala mo kinalimutan na kita.
Paanu ko makakalimutan isang tulad mong nagpaliwanag uli ng mga ngiti ko na humimlay ng matagal na panahon?

Siguro nga hindi pa panahon.
Pero sana
Siguro nga
Balang araw
Ikaw at ako
Ay magiging TAYO na.

SALOOBIN

SALOOBIN
AKDA NI CHRISTIAN CLARENCE P. FALCULAN

Ano bang pakiramdam ng nahulog ka?
Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala,
Yung pakiramdam na parang kayo na,
Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala.

Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga?
Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya,
Masasabi mo bang balewala ka sa kanya?
Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba?

Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo
Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo
Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro,
Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado
Ngunit pano? Nakakalito,
Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo.

Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam
Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang
Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan,
Ganap nang manatili yung paminsan minsan

Dahil...
Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag
Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag
Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag
Para sa mimahal ko, na di nahahabag

Sana’y lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap
Sana’y aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap
Sana’y wala ka nang di nalulumbay,
Nang Sana’y di nalang ako nasanay,

Kasi hinahanap hanap pa kita,
Buti sana kung di kita madalas magkita.

Tulad parin ako nong una, Umaasa,
Mga iniwan mong alalala
Andito pa nagmamarka,
Papano ko mabubura

Sanay makalaya,
Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay
Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.