Lazada

Friday, August 4, 2017

WIKANG MAPAGBAGO

WIKANG MAPAGBAGO

Wikang isinapuso at itinatak sa diwa
Ngunit wikang sadyang nakaka-awa,
Ang wikang minahal at kinagisnan ng karamihan,
Ang wika na ngayo’y unti-unti ng kinamulatan,

Tila ba tayo ay humaling sa wikang banyaga,
Upang ang ating wika ay atin ng mabalewala,
Wikang kumikilala sa ating kasarinlan,
Ay unti-unti ng namamatay ng hindi natin namamalayan,

Dahil sa ating sariling kapabayaan,
At kawalan ng utang na loob sa wikang nagbuklod sa ating mamamayan,
Wikang atin dapat paalagahan at ingatan,
Ngayo’y naghihingalo na at nawawalan na ng halaga.

Ngunit wikang pambansa ay sadyang kahanga-hanga,
Wikang nagbubuklod sa mga mamamayan,
Lumalaban sa kabila ng makabagong panahon,
Sinuong ang malakas na hagupit upang manatiling matatag,

Wikang Pambansa ay salamin ng bawat pilipino,
Lumalaban sa kabila ng kahirapan,
Di padadaig sa kahit na kanino,

Yan ang wika ko, wika mo, wika natin lahat, lumalaban sa makabagong panahon.

No comments:

Post a Comment