Filipino: Wikang
Mapagbago
Wikang nakasanayan tila ba nakaligtaan na
Sa Pagdaan ng panaho'y isinasantabi na
Wikang parati nating sinasambit
Unti unting nawawala ang kapit.
Paano nalang ang magandang kumonikasyon?
Kung ang wika na ating pundasyon ay kinakalimutan na sa paglipas ng panahon
Wikang sumasalamin sa atin ay dapat nating pagtibayin
Upang mapasaatin ang ating mga mithiin.
Kaya tayong mga Pilipino ay dapat ng matuto
Sa iniwan ng ating mga ninuno dito dapat tayo mabuo
Wikang pangkalahatan ating pakaingatan
Sama-sama na tayong mamulat sa katotohanang ang wika ang ating sandigan.
Wika natiy panatilin sa ating puso't isipan upang sa gayon ay magkaintindihan
Wikang siyang nakagisna'y patuloy na pagyamin,
Sa pagtahak ng mga adhikain wika'y gamitin, tiyak itoy mararatingKaya wika ay pahalagahan at patuloy na payabungin.