Lazada

Wednesday, June 7, 2017

Pandaigdigang Kongreso sa mga Pag-Aaral Hinggil sa Filipinas sa Wikang Filipino

Buwan ng Wikang Pambansa 2017
Pandaigdigang Kongreso sa mga Pag-Aaral Hinggil  sa Filipinas sa Wikang Filipino
2-4 Agosto 2017 Pambansang Museo Lungsod Maynila



Pagbabalik, Pagbabantayog sa Filipino

Panahon nang ibantayog ang Filipino bilang wika ng karunungan at gamitin ito sa iba’t ibang disiplina o larang, lalo na sa mga pag-aaral hinggil sa ating bansa upang mapalaganap ang diskurso ukol sa pagiging Filipino at para sa sambayanang Filipino.

Layunin ng Kongreso na:

makabuo ng isang bagong pagtanaw sa Filipino
matipon ang mga iskolar at mga pag-aaral hinggil sa Filipino at mahimok na gamitin ang wikang Filipino sa kanilang saliksik
malikom ang mga pinakaprogresibo at siyentipikong pagsusuri sa wika, panitikan, kasaysayan, sining, at kultura ng Filipinas
mabalangkas ang isang pangmatagalang estratehiya tungo sa edukasyon hinggil sa Filipinas na gumagamit sa wikang Filipino
Inaanyayahan ang mga kasapi ng Philippine Studies Association at mga kaugnay na kapisanan o organisasyon, mga iskolar sa lahat ng disiplina, sa loob at labas ng bansa, na magsumite ng panukala.


Para sa iba pang katanungan, maaaring mag-text sa 09983703023

Iba pang detalyeMakikita sa pandaigdigangkongreso.wordpress.com at www.fb.com/PandaigdigangKongreso ang mga detalye hinggil sa rehistrasyon at iba pang impormasyon (talaan ng mga otel, pagpunta sa pagdarausan ng kongreso, atbp).

No comments:

Post a Comment