Lazada

Monday, January 20, 2014



ANG WIKANG FILIPINO AY PANLAHAT, 
ILAW AT LAKAS SA TUWID NALANDAS 

ni Jennifor L. Aguilar

Kalayaan! Kalayaan! Kalayaan!
Isinisigaw, inihihiyaw, ipinaglalaban
Buhay man ang maging kabayaran
Ibubuwis, ibibigay, maangkin yaring katubusan. 

Tayo’y mga Ilayano, na bininyagan ng Pilipinong ngalan!
Nagmula sa matatapang na liping Silangan
Mga Dayak Ibaloy, Kayan, Itneg, Andamanes, Negrito, at Semang
Sinaunang lahing likas ang katapangan!

Lumaban, Naghimagsik, dugo’t buhay ay inalay!
Sina Tanday Lupa Lupa, Agustin Lumandag, Dagohoy, Andres Malong, Mamangkal, 
Tamblot, Raha Kandole, Datu Puti, Datu Sumakwel, Diego at Gabriela Silang, at mga paring Gomburza,
Mga dugo nila’y humihiyaw, sumisigaw ng KALAYAAN! 

Tatlongdaang taong mahigit na nakikipaglaban
Sa paghahangad makamit ganap na kasarinlan
Sa iba’t ibang panig ng bansa’y nakikipagpatayan
Ngunit pawang kay ilap makamit ang inaasam

Iisang pangarap tanging hinahangad 
Tuluyang makalaya sa mga Mestizong Tamad,
ganid, mapagsamantala’t diyos ang inilalantad
Ngunit tila hadlang, kawalan ng wikang panlahat!

Sinikap buuin wikang maaaring lahat ay mag-aangkin,
Magigiting na katipunero’y Tagalog isinulong at idiniin
Maging pangulong Quezon, paniniwala’y ganoon din
Wikang ito’y magbibigkis sa puso ng Pilipinong naninimdim

Pinatatag ng pambansang wika, pwersa ng Katipunan
Pinalakas ang damdamin, pinag-alab ang kamalayan
Gulok, buho, pistola, puso at wika ang kasangkapan
Laban sa malalakas na sandata ng mga dayuhan

Ngunit Pambansang wika’y pilit pinabansot,
di-pinagamit, ibinabaon sa limot
ng lahing Amerikanong sumunod na sa ati’y sumakop
wika nila’y pumainbulog, wika nati’y bumulusok

Palibhasa’y wika’y makapangyarihan na tunay
Sa dugo ng bawat Pilipino’y nananalaytayNang kasarinlan sa ati’y naibigayNaging matuwid ang bayan patunay diyan, Pangulong Magsaysay

Ngunit nang muling dumilim pahina ng kasaysayan
Lumitaw pagkaganid ng pinuno sa kapangyarihan
Pambansang Wika’y naging ilaw ng mamamayan
Muling pinalaya’t, binigyang ilaw nang matahak ang tuwid na daan

Ngayo’y dumako na sa panahong Malaya at sumubra na sa talino
At kung sinu-sino ang naghahangad na makapamuno
Hindi nagkakaisa’t kani-kaniyang puna at kuru-kuro
Lahat gagawin, para sa kapangyariha’t pagluklok sa pwesto

Bayan ngayo’y nalulumbay, kumukulimlim, nauubusan ng lakas
Muling naghihiwa-hiwalay, kanya-kanya na naman nang nais ipamalas
Dalangin namin sa iyo Bathala na siyang tunay na magpapamalasGamitin yaring wikang Panlahat na maging ilaw at lakas sa tuwid na Landas

No comments:

Post a Comment