Alaala
ni: Reneth Bade
Ayaw na kitang muling sumagi sa isipan
Dahil bumabalik lang ang nakaraan
Nakaraan na punong-puno ng pait
Nakaraan na dulot lamang ay sakit
Ngunit di ko alam kung bakit ako ganito
Nahihirapang alisin ka sa isip ko
Alaala nati'y patuloy na bumabalik
Alaala ng ating bawat sandali
Pero ngayon, marami nang nagbago't nangyari
Mga alaala, pati na ang pagtitinginan natin
Iyong pangako'y tuluyan nang napako
At ngayo'y, tanaw ka na lamang mula sa malayo
Ganun pa man, salamat pa rin
Sa kasiyahang hinatid mo sa'kin
Dalangin ko ay iyong kaligayahan
Salamat sa mga alaalang di ko malilimutan
Wala nga aw permanente sa mundo kundi, PAGBABAGO. Ngunit gayunpaman, ang nakaraan ay hindi dapat pinagsisisihan. Aminin mo, sa isang banda ay iyon ang ginusto mo nung mga panahong iyon. Alam mong noon, ayun ang magpapasaya sa iyo. Ano mang sakit na naidulot noon, ay gawin na lamang aral. Tandaan, hindi lahat ng bagay na napupunta sayo ay mananatili sa iyo habambuhay :) May mga bagay na "ipinatikim" lang sa iyo, at hindi para angkinin mo :)
ReplyDeleteMinsan talaga may mga bagay sa mundo na kahit gusto mo nang kalimutan hindi mo magawa. Ganun kasi kapag pinahalagahan ng sobra. Pero sabi nga nila, pag may umalis, may mas magandang dadating =))
ReplyDeleteKahit na kalimutan mo ito ay magmamarka at magmamarka talaga ito sa iyong puso at alaala panghabambuhay! Wala kang magagawa dahil naging parte na ito ng iyong buhay, hinding-hindi na ito mawawala
ReplyDelete