ANG WIKANG
FILIPINO AY PANLAHAT,
ILAW AT LAKAS SA TUWID NALANDAS
ni Jennifor L. Aguilar
Kalayaan!
Kalayaan! Kalayaan!
Isinisigaw,
inihihiyaw, ipinaglalaban
Buhay man ang
maging kabayaran
Ibubuwis,
ibibigay, maangkin yaring katubusan.
Tayo’y mga
Ilayano, na bininyagan ng Pilipinong ngalan!
Nagmula sa matatapang na liping Silangan
Mga Dayak
Ibaloy, Kayan, Itneg, Andamanes, Negrito, at Semang
Sinaunang
lahing likas ang katapangan!
Lumaban,
Naghimagsik, dugo’t buhay ay inalay!
Sina Tanday
Lupa Lupa, Agustin Lumandag, Dagohoy, Andres Malong, Mamangkal,
Tamblot, Raha
Kandole, Datu Puti, Datu Sumakwel, Diego at Gabriela Silang, at mga paring
Gomburza,
Mga dugo nila’y humihiyaw, sumisigaw ng KALAYAAN!
Tatlongdaang
taong mahigit na nakikipaglaban
Sa paghahangad
makamit ganap na kasarinlan
Sa iba’t ibang
panig ng bansa’y nakikipagpatayan
Ngunit pawang
kay ilap makamit ang inaasam
Iisang pangarap tanging hinahangad
Tuluyang
makalaya sa mga Mestizong Tamad,
ganid,
mapagsamantala’t diyos ang inilalantad
Ngunit tila
hadlang, kawalan ng wikang panlahat!
Sinikap buuin
wikang maaaring lahat ay mag-aangkin,
Magigiting na
katipunero’y Tagalog isinulong at idiniin
Maging
pangulong Quezon, paniniwala’y ganoon din
Wikang ito’y
magbibigkis sa puso ng Pilipinong naninimdim
Pinatatag ng
pambansang wika, pwersa ng Katipunan
Pinalakas ang
damdamin, pinag-alab ang kamalayan
Gulok, buho,
pistola, puso at wika ang kasangkapan
Laban sa
malalakas na sandata ng mga dayuhan
Ngunit Pambansang wika’y pilit pinabansot,
di-pinagamit,
ibinabaon sa limot
ng lahing Amerikanong sumunod na sa ati’y sumakop
wika nila’y
pumainbulog, wika nati’y bumulusok
Palibhasa’y
wika’y makapangyarihan na tunay
Sa dugo ng
bawat Pilipino’y nananalaytayNang kasarinlan sa ati’y naibigayNaging matuwid
ang bayan patunay diyan, Pangulong Magsaysay
Ngunit nang
muling dumilim pahina ng kasaysayan
Lumitaw pagkaganid ng pinuno sa
kapangyarihan
Pambansang
Wika’y naging ilaw ng mamamayan
Muling pinalaya’t, binigyang ilaw nang
matahak ang tuwid na daan
Ngayo’y dumako na sa panahong Malaya
at sumubra na sa talino
At kung sinu-sino ang naghahangad na
makapamuno
Hindi nagkakaisa’t kani-kaniyang puna
at kuru-kuro
Lahat gagawin, para sa kapangyariha’t
pagluklok sa pwesto
Bayan ngayo’y nalulumbay, kumukulimlim,
nauubusan ng lakas
Muling naghihiwa-hiwalay,
kanya-kanya na naman nang nais ipamalas
Dalangin namin sa iyo Bathala na
siyang tunay na magpapamalasGamitin yaring wikang Panlahat na maging ilaw at
lakas sa tuwid na Landas