Lazada

Sunday, March 31, 2024

Libreng Webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Buwan ng Panitikan (BnP) 2024

Libreng Webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Buwan ng Panitikan (BnP) 2024

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2024 na may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan.”

Para sa unang serye ng webinar, ang tagapanayam sa paksang “Ang Estado ng Panitikan ng mga Binging Pilipino” ay ibabahagi ni G. Michael T. Vea, Fakulti ng School of Deaf Education and Applied Studies ng De La Salle-College of Saint Benilde. Ito ay gaganapin sa 3 Abril 2024, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.

Narito ang detalye ng Zoom:

https://us05web.zoom.us/j/89249133805...

Meeting ID: 892 4913 3805

Passcode: FZR0jU

Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangap ng e- sertipíko mulâ sa KWF.

*Ang bilang ng kalahok sa zoom ay may takdang bilang lamang.



#buwanngpanitikan2024

#librengseminar

#librengwebinar

#kwf

#ncca

#freewebinar


Saturday, March 30, 2024

Pagbati sa Makata ng Taón 2024!

Adrian Pete M. Pregonir 

KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2024

Sa Muhón ng Iyong Kabáong Maibábaón ang mga Guhò ng Kahápon




Rowell S. Ulang
Ikalawang Gantimpala 
“At Pagkatápos, Magpapatúloy pa rin Akóng Maglakad” 



Ikatlong Gantimpala 

Allan John A. Andres

“Nakikiraán lang ang Lahat sa Novaliches”


Andre Alfonso R. Gutierrez 

“Propesíya sa Pagítan ng mga Taludtód” 



#buwanngpanitikan
#makatangtaon
#tula
#makata
#kwf
#ncca
#AdrianPeteM.Pregonir 
#RowellS.Ulang
#Allan John A. Andres
#Andre Alfonso R. Gutierrez



Dangal ng Panitikan 2024

 Pagbati kay Jimmuel C. Naval, Dangal ng Panitikan 2024!



Pagbati kay Frank G. Rivera! Dangal ng Panitikan 2024! 






 


Friday, March 22, 2024

Buwan ng Panitikan 2024 (Ang Panitikan at Kapayapaan)

Buwan ng Panitikan 2024

Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board – Philippines), isinasagawa tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng Panitikan 2024 na may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan” na may layuning magbigay daan sa malayang pagtalakay kung ano ang mga kahalagahan at kontribusyon ng panitikan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapayapaan sa bansa at sa mga komunidad. Sa pamamagitan nito, lalong mapagyayaman ang diskurso sa konsepto ng kapayapaan at maipararating sa mamamayang Pilipino ang papel ng panitikan sa lipunan.

Sa mga nakalipas na taon, ang Buwan ng Panitikan ay ipinagdiriwang na sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, at lalong pinalawak pa sa pamamagitan ng mga opisyal na online platforms. Bunsod ng mabisang pakikipagugnayan sa iba’t ibang institusyong pansining at pangakademiko, gayun din ang iba pang organisasyong nagtataguyod ng panitikan, patuloy na dumarami pa ang bilang ng mga grupo na nakikiisa sa nasabing pambansang selebrasyon.

Kaya samahan kaming muli sa isang makabuluhang pagtuklas sa mundo ng panitikan para sa kapayapaan, at kapayapaan mula sa panitikan. 


 





#buwanngpanitikan
#kwf
#komisyonsawikangfilipino
#swk
#tertulya
#ncca
#makatangtaon
#dangalngpanitikan
#tula
#panitikan
#panitikan
#kapayapaan