KWF, Lalahok sa Philippine Books Festival 2023
Lalahok ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa
Philippine Books Festival 2023 sa 2–4 Hunyo 2023 na gaganapin sa World Trade
Center Manila, Lungsod Pasay.
Mabibili sa napakababang halaga ang iba’t
ibang aklat pangwika at pangkultura na nailathala ng KWF kabilang ang akda ni Tagapangulong
Arthur P. Casanova na Mga Drama para sa
dulaang pambata at Mga Dula para sa
teatrong pambata.
Mabibili ng madla ang mga de-kalidad na mga
aklat kabilang ang Ang Imahen ng Filipino
Sa Sining, Ang Apat na Himagsik Ni Francisco Balagtas, Ang Dakilang
Inaasam/Hinihintay, Arte De La Lengua Zebuana, Balarila ng Wikang Pambansa,
Digmaan at Kapayapaan, Introduksiyon sa Leksikograpiya ng Filipinas,
Introduksiyon sa Saliksik, Kahapon,Ngayon at Bukas, Kapayapaan Sa Ilang Wika ng
Filipinas, Kasaysayan ng mga Pamayanan ng Mindanao at Arkipelago ng Sulu,
Manwal sa Masinop na Pagsulat, Orosman at Zafira: Komenda ni Francisco
Balagtas, Taludtod at Talinghaga, Tesawro ng Batayang Konsepto sa Kulturang
Filipino, Vocabulario De La Lengua Tagala (Hardbound 2017), at marami pang iba.
Magbibigay rin ng libreng aklat ang KWF
kabilang ang Mga Dula ni Severino Montano
Severino Montano na isinalin ni Dr. Lilia F. Antonio .
Para sa mga
tanong, maaaring mag-email sa kwf-publikasyon@kwf.gov.ph. Para sa iba pang
impormasyon, tumawag sa (02) 899-606-70 at hanapin si Dr. Jose Evie G. Duclay.
No comments:
Post a Comment