Lazada

Wednesday, May 31, 2023

KWF, Lalahok sa Philippine Books Festival 2023

KWF, Lalahok sa Philippine Books Festival 2023

Lalahok ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Philippine Books Festival 2023 sa 2–4 Hunyo 2023 na gaganapin sa World Trade Center Manila, Lungsod Pasay.

Mabibili sa napakababang halaga ang iba’t ibang aklat pangwika at pangkultura na nailathala ng KWF kabilang ang akda ni Tagapangulong Arthur P. Casanova na Mga Drama para sa dulaang pambata at  Mga Dula para sa teatrong pambata.

Mabibili ng madla ang mga de-kalidad na mga aklat kabilang ang Ang Imahen ng Filipino Sa Sining, Ang Apat na Himagsik Ni Francisco Balagtas, Ang Dakilang Inaasam/Hinihintay, Arte De La Lengua Zebuana, Balarila ng Wikang Pambansa, Digmaan at Kapayapaan, Introduksiyon sa Leksikograpiya ng Filipinas, Introduksiyon sa Saliksik, Kahapon,Ngayon at Bukas, Kapayapaan Sa Ilang Wika ng Filipinas, Kasaysayan ng mga Pamayanan ng Mindanao at Arkipelago ng Sulu, Manwal sa Masinop na Pagsulat, Orosman at Zafira: Komenda ni Francisco Balagtas, Taludtod at Talinghaga, Tesawro ng Batayang Konsepto sa Kulturang Filipino, Vocabulario De La Lengua Tagala (Hardbound 2017), at marami pang iba.

Magbibigay rin ng libreng aklat ang KWF kabilang ang Mga Dula ni Severino Montano Severino Montano na isinalin ni Dr. Lilia F. Antonio .

Para sa mga tanong, maaaring mag-email sa kwf-publikasyon@kwf.gov.ph. Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa (02) 899-606-70 at hanapin si Dr. Jose Evie G. Duclay. 




Wednesday, May 24, 2023

Intangible na Pamanang Kultural Mulang Ninuo Tungo sa Makabagong Henerasyon

 Bilang Pakikiisa sa Pambansang Buwan ng Pamana 2023, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magsasagawa ng seryeng lektura hinggil sa tema ng pagdiriwang na “Pamana: Pagpapatuloy at Pagbabago (Heritage: Change and Continuity).


Lumahok sa pamamagitan ng Zoom:
Join Zoom Meeting
https://us02web.zoom.us/j/88384161041...

Meeting ID: 883 8416 1041
Passcode: 024014

Ipinapaalala po na limitado lamang ang slot sa zoom. Sa hindi makakalahok sa pamamagitan nito ay maaaring tumunghay sa live stream ng panayam




Wednesday, May 17, 2023

Agham Pamana: Sistematikong Pagtuklas ng Pamana

Bilang Pakikiisa sa Pambansang Buwan ng Pamana 2023, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magsasagawa ng seryeng lektura hinggil sa tema ng pagdiriwang na “Pamana: Pagpapatuloy at Pagbabago (Heritage: Change and Continuity).


Lumahok sa pamamagitan ng Zoom:
https://us02web.zoom.us/j/82179259613...

Meeting ID: 821 7925 9613
Passcode: 971351

Ipinapaalala po na limitado lamang ang slot sa zoom. Sa hindi makakalahok sa pamamagitan nito ay maaaring tumunghay sa live stream ng panayam.

#librengwebinar
#kwf
#buwanngpamana
#librengsertipiko
#certificate
#kultura
#wika



Wednesday, May 10, 2023

Patuluyang Pamamahala sa Pamana (Sustainable Heritage Management)


Patuluyang Pamamahala sa Pamana (Sustainable Heritage Management)

Bilang Pakikiisa sa Pambansang Buwan ng Pamana 2023, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magsasagawa ng seryeng lektura hinggil sa tema ng pagdiriwang na “Pamana: Pagpapatuloy at Pagbabago (Heritage: Change and Continuity).


Lumahok sa pamamagitan ng Zoom:
https://us02web.zoom.us/j/83656027388...

Meeting ID: 836 5602 7388
Passcode: 201957

Ipinapaalala po na limitado lamang ang slot sa zoom. Sa hindi makakalahok sa pamamagitan nito ay maaaring tumunghay sa live stream ng panayam.

#kwf
#buwanngpamana
#komisyonsawika
#filipino
#freewebinar



Tuesday, May 9, 2023

Serye ng Webinar ng KWF, tampok sa Buwan ng Pambansang Pamana 2023

 Serye ng Webinar ng KWF, tampok sa Buwan ng Pambansang Pamana 2023

 

Itatampok ng Komisyon sa Wikang Filipino ang serye ng webinar sa Buwan ng Pambansang Pamana 2023 ngayon buwan ng Mayo na may temang Pamana: Pagpapatuloy at Pagbabago (Heritage: Change and Continuity).

 

Ang Pambansang Buwan ng Pamana (National Heritage Month) ay ipinagdiriwang sa Pilipinas tuwing Mayo sa bisa ng Atas ng Pangulo Proklamasyon Blg. 439. Layunin ng pagdiriwang na magkaroon ang mga Pilipino ng kamalayan, paggalang, at pagmamahal sa mga pamanang kultural ng ating kasaysayan.

 

Ang pagdiriwang ay binuksan sa pamamagitan ng isang lektura noong 3 Mayo na tinalakay ang tema ng Buwan ng Pambansang Pamana na ang naging tagapanayam ay isang iskolar at dalubhasa sa kultura na si Dr. Felipe M. De Leon Jr.

 

Tampok sa serye ng webinar ang mga iskolar at dalubhasa sa pamanang kultural mula sa iba’t ibang  tanggapan at unibersidad. Ang unang webinar ay gaganapin sa 10 Mayo na may paksang “Pangangalaga sa Pamana sa Kalungsuran” na ang magiging tagapanayam ay si Dr. Ivan Anthony Henares ng Unibersidad ng Pilipinas, Asian Institute of Tourism.

 

Ang ikalawang webinar ay nakaiskedyul sa 17 Mayo na may paksang  “Patuluyang Pamamahala sa Pamana” na tatalakayin rin ni Dr. Henares.

 

Ang ikatlong webinar ay nakatakda sa 24 Mayo 2023 na may paksang “Agham Pamana: Sistematikong Pagtuklas ng Pamana” na ang tagapagsalita ay si Ar. Benjamin C. Empleo, Museum Curator II, Architectural, Arts, And Built Heritage Division, National Museum.

 

Ang ikaapat na webinar ay gaganapin sa 31 Mayo  na may paksang  Di-Materyal na Pamanang Kultura: Mulang Ninuno Tungo sa Makabagong Henerasyonna tatalakayin ni Dr. Mary Jane Louise A. Bolunia, Curator II , Archaeology  Division, National Museum.

 Ang serye ng webinar ay live na mapapanood sa opisyal na Facebook Page ng Komisyon sa Wikang Filipino sa iskedyul mula 10:00 nu hanggang 12:00 nt.

 

Sa mga nagnanais na dumalo sa serye ng webinar via zoom ay maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking sa telepono bílang 85473188 o magpadala ng email sa komfil@kwf.gov.ph para sa mga tanong at paglilinaw.

 

Ang mga dadalo sa nabanggit na webinar ay makatatanggap ng e-sertipiko mula sa KWF. ### 





#buwanngpamana

#kwf

#komisyonsawikangfilipino

 

Pangangalaga sa Pamana sa Kalunsuran

 Bilang Pakikiisa sa Pambansang Buwan ng Pamana 2023, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magsasagawa ng seryeng lektura hinggil sa tema ng pagdiriwang na “Pamana: Pagpapatuloy at Pagbabago (Heritage: Change and Continuity).


Lumahok sa pamamagitan ng Zoom:
https://us02web.zoom.us/j/81843644033...
Meeting ID: 818 4364 4033
Passcode: 970146

Ipinapaalala po na limitado lamang ang slot sa zoom. Sa hindi makakalahok sa pamamagitan nito ay maaaring tumunghay sa live stream ng panayam. 

#buwanngpamana2023
#komiksyonsawikangfilipino