Lazada

Tuesday, April 18, 2023

Suzette S. Doctolero, Gagawaran ng KWF Dangal ng Panitikan 2023

Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino si Suzettte S. Doctolero ng KWF Dangal ng Panitikan 2023 sa KWF Araw ng Parangal na gaganapin sa 27 Abril 2023, 10:00 nu–12:00 nt, Grand Ballroom, Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Lungsod Maynila.

 Ang kaniyang kontribusyon at hindi matatawarang ambag sa larangan ng telebisyon na nagtampok sa iba’t ibang kulturang Pilipino gamit ang wikang Filipino ay natunghayan ng mga Pilipino sa kaniyang mga obra gaya ng Encantadia, Amaya, Indio, Sahaya, Legal Wives, at Maria Clara at Ibarra. Bílang eskperto sa larangan ng malikhaing pagsulat ng iba’t ibang obra ay patuloy niyang isinulong at pinasigla ang Panitikan Pilipino sa telebisyon at industriya ng pelikula.

Nakapagbigay rin siya ng mga panayam sa iba’t ibang institusyong pang-akademiko bilang kaniyang adbokasiya na makapagbahagi ng kaalaman sa mga estudyante hinggil sa iba’t ibang aspekto ng pagsusulat sa telebisyon at pelikula.

 Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang mataas na pagkilála sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nitó ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at ibá pang wikang panrehiyon o panlalawigan.### 

#buwanngpanitikan

#suzettedoctolero

#dangalngpanitikan2023

#komisyonsawikangfilipino



Rebitalisasyon tungo sa Pagpapanatili at Pagpapalakas ng mga Wika sa Pilipinas

Ikaapat na Serye ng Webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2023 na may temang “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan”.

Para sa ikaapat na webinar sa huling Miyerkoles ng Abril, tatalakayin ang paksang “Rebitalisasyon tungo sa Pagpapanatili at Pagpapalakas ng mga Wika sa Pilipinas” sa pamamagitan ng ating ekspertong tagapanayam na si Dr. Aurelio S. Agcaoili, Manunulat at Koordineytor sa Ilokano and Philippine Drama and Film Program of the Department of Hawaiian and Indo-Pacific Languages and Literatures at Propesor sa University of Hawaii-Manoa.


Narito ang detalye ng Zoom:

https://bit.ly/3olS40W

Meeting ID: 861 3146 1157

Passcode: 442539





Wednesday, April 12, 2023

Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikan: Susi sa Kaisahan at Kamalayan

 IKATLONG SERYE NG WEBINAR

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2023 na may temang “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan”.

Sa ikatlong serye ng webinar ay bibigyang talakay naman ni Dr. Genevieve L. Asenjo, isang Manunulat at Tagasalin sa Kinaray-a, Hiligaynon, at Filipino at Propesor sa De La Salle University (DLSU), ang paksang “Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikan: Susi sa Kaisahan at Kamalayan. Ito ay gaganapin sa ika-labinsiyam ng Abril, 10:00 nu–12:00 nt sa pamamagitan ng Zoom.

Narito ang detalye ng Zoom:

https://bit.ly/3oaRIu5

Meeting ID: 893 5819 4315

Passcode: 869691

Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangaap ng e- sertipíko mulâ sa KWF.

#buwanngpanitikan

#librengserminar

#kwf

#komisyonsawikangfilipino



Monday, April 10, 2023

Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan

 IKALAWANG SERYE NG WEBINAR


Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2023 na may temang “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan”.

Ang panayam sa ikalawang serye ng webinar ay ipagkakaloob naman ni G. Nelson Santos, pangulo ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI). Tatalakayin niya ang paksang “Pahayagan ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan” na gaganapin sa ika-labindalawa ng Abril, 10:00 nu–12:00 nt sa pamamagitan ng Zoom.



Narito ang detalye ng Zoom:

https://bit.ly/3zNY05k

Meeting ID: 826 1717 8702

Passcode: 010779

Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangaap ng e- sertipíko mulâ sa KWF. 

#buwangngpanitikan

#kwf

#librengseminar


Monday, April 3, 2023

Buwan ng Panitikan 2023

 “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan”.



#buwanngpanitikan2023
#buwanngpanitikan
#kwf




UNANG SERYE NG WEBINAR

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2023 na may temang “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan”.

Para sa unang serye ng webinar, ang tagapanayam sa paksang “Filipino Sign Language: Pagsulong ng Deaf Culture sa pamamagitan ng Panitikan” ay ibabahagi ni Bb. Perpi A. Tiongson, isang Deaf Advocate at Philippine Deaf Studies Researcher. Ito ay gaganapin sa 5 ng Abril, 10:00 nu–12:00 nt sa pamamagitan ng Zoom.

Narito ang detalye ng Zoom:

Meeting ID: 825 7111 3789
Passcode: 002132

Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangaap ng e- sertipíko mulâ sa KWF.